49. Pencil Case

Tuwing nagpupunta kami sa bookstore, isa sa mga natatagalan ako sa pagpili ay ang pencil case.  Kung tutuusin, may mga bag naman meron nang lagayan ng mga lapis at bolpen ‘di ba?  Pero iba pa rin kasi kapag may pencil case eh.  Ang sarap isipin kung anu-ano ‘yung mga pwede mong ilagay dun.  Pero bago ka maglagay dyan e syempre pipili ka muna ng klase ng pencil case na gusto mo.  Alin ba rito ang ok sa’yo?

– Pencil case na isa lang ang palapag, mga 3 – 4 na lapis ang kasya

– Pencil case na dalawa ang palapag.  Mas malaki/mataas ang unang palapag kaysa ikalawang palapag.  May transparent na bilog sa kisame nito kaya kita mo ang laman from the outside.

– Pencil case na marami ang compartment.  Parang kutson ang cover nito sa itaas.  Hindi simple ang paraan ng pagbukas.  May specific na lalagyan para sa mga lapis, pambura, at pantasa.  May parang drawer din itong nahihila sa gilid.

Gamit ko kadalasan ang pencil case na marami ang compartment.  Bago ako kumuha ng lapis sa loob e meron akong routine/ritwal na kung saan e gagawin kong parang robot o tangke ang pencil case ko.  Tapos may sound effect pa sabay kuha ng lapis.  ‘Di ba mahilig ang mga batang gumawa ng sound effects kapag naglalaro ng robot?  Ganun.  Minsan naman pwedeng eroplano.  Lilipad siya galing sa bag ko, papalibot sa seatmate ko sabay landing sa armchair ko.  Tapos biglang bubukas ang drawer🙂

Ito ang mga laman ng pencil case ko:

– Mongol numbers 1 to 3

– Letter A na pambura (may picture ng apple)

– Maliit na pantasa

– Pinagtasahan ng lapis

– Maikling ruler

– Mga goma

– Colored pencils

– Built-in magnifying glass

– Tenco

35 comments

  1. no benta

    Pencil Case… dapat ito ang naging name ng banda ni ely after ng ERASERheads at MONGOLs. noong bata pa ako, mahilig ermats ko mamili ng lapis na may libreng aluminum na pencil case. ayoko nun kasi ang uso noon ay yung maraming compartment. paborito ko sa lahat yung may mini organ/piano. kaya kong tugtugin doon yung lupang hinirang atska happy birthday. ~http://no-benta.blogspot.com

  2. bakuko

    uu no benta, tama! tama!🙂

    aluminum lang ren ung pencil case ko… yung Mazinger-Z! hahaha.. sya yung tipong bago mo mabuksan eh, kelangan mo nang bumili ulit ng bago kase yupi-yupi na ‘to…

    mga nilalaman:

    -Mongol #1
    -pambura (yung alphabet rin)
    -Panda ballpen (yung my glitters! hahaha)
    -bulak
    -pag may bulak may kisses! tang ina naman kase, sino ba naman nagpauso na nanganganak ang plastic???

  3. batopik

    Hahaha. Di ko maalala ang mga naging pencil case ko, kasi ayaw naman ako bilhan ng ganun ka-garbo ng nanay ko. Masaya na ako nung isang beses binilhan niya ako ng pencil case tapos yung pinaka cover niya eh may maliit na bulitas sa loob tapos parang maze na gumagagalaw sa loob. hehehe. naiimagine mo ba? awooo.

  4. Tsutsay

    pencil case..naalala ko nung bata ako unang pencil case yung maraming compartment din pero ang ibabaw nun e yung may tubig na may cover na medyo makapal na plastic tapos may maliit na isda na plastic na lumalangoy siguro mga limang isda yun.. tapos nagaway kame ng klasmeyt ko kasi binutas nya ng lapis yung pencil case ko..ayun sinuntok ko sa bibig bigla!

    laman ng pencil case ko nug kinder:

    – 3 lapis na mataba kulay black
    – pambura na may letter P tapos may kulay green na konte sa tabi tsaka pala korteng bulaklak.

    nagkaron din ako ng pencil case na may piano na kulay pink. bago ko buksan yun ay pipindutin ko ang number 112131…112143…(hapibertdey tu yu…) o kaya naman 333..333..35123..(jinggle bells2x jinggle all the way..)

  5. no benta

    alam ko nagkaroon din kami ng pencil case na may lock para di na kami manakawan ng lapis. hayun, dahil di mabuksan ng kawatan ay yung pencil case na yung ninakaw..haha

  6. superlolongpinoy

    Isip-isip tuloy ako long time na ito…pero alam ko may pencil case ako…hanggang haiskul pa yata…kasi kailangan maayos at maraming pencils…bolpen & eraser…para kapag may eksamen o kuwis….ay laging handa…hindi na maghahalughog sa loob ng malaking bag.

    Ayun naalala ko na kasi…kung maraming lapis at bolpen…puwedeng magpahiram sa mga katabi.

    Mahilig ako sa mga eraser…noong araw…may amoy itong parang bebel gum. Masarap mag-koleksyon ng eraser.

  7. TunYing

    ako nasanay ako sa mga pencil na magaganda… may mickey mouse pa kong pencil case pero di nagtagal ginawa kong laruan… kunwari spaceship… mas maganda pa kasi sa mga laruan kong spaceship yun eh! hahahaha… ngayon sa office ang pencil case ko sosyal! yung lalagyan ng relo ng tomato (brand ng tshirt na may mga boutique sa mall)….

  8. casey_bratinella

    ung pencil case ko dati galing Saudi… Padala ng papa… Hindi ko makalimutan… Laging color pink lagi… Sanrio tatak… Dami ngang compartment nun.! Naalala ko pa nga ung isang compartment para sa mga kisses ko…
    klasmeyt: cas, nu yan..?

    cas: kisses yan… wag mo mashadong pahanginan… buntis kasi yan eh… baka hindi na yan manganak pag panay2 tingin natin…
    klasmeyt: weh..?
    cas: uu nga… lagyan ko ng 2 praso ung pencil case mo tingnan mo dadami din yan..! klasmeyt: cge nga… eto pencil case ko. cas: ay.! lata… panget yan… pabili ka bago sa mama mo para hindi na tayo gagawa ng lalagyan, tingnan mo ung akin…

    Hahahaha… Gawin pa daw dahilan ang kisses.!

  9. neil dalanon

    na-miss ko rin ang pencil case ko noon: maliit lang na puch na me zipper. at ewan ko ba, ni minsan hindi ko nilabhan. ayun, nagpuputik na yung tinta at lead sa loob.😀

  10. casey

    Honga… Naalala ko pa dati… Talagang may compartment sa pencil case ko para lalagyan ng kisses ko… Ahahaha… May bulak pa un na kasama.!

  11. casey

    gravah… i remember the days… kandasira2 na nga pencil case ko na un dati kakapindot… bwahahaha…

    cas: ma, sira na ung pencil case ko oh… ayaw ng 2miklop tong pantasa…
    nanay: pantasa lang naman yan nak… hindi ba’t may pantasa kang iba… un na lang gamitin mo. lagyan na lang natin yang ng skats tape para sumara.
    cas: ayako nga! gusto ko bilan mo ko ng bago.
    nanay: ang kulit mo naman. sabi na ngang gumamit ka na lang ng pantasa na iba. masho ka kasing pasaway… pindut pindutin mo ba naman yan kahit hindi ka naman nagtatasa… tapos papabili ka ngayon… pagsinabing hindi… HINDI.!
    cas: waaaaaah..! huhuhuhu… ayako ng pumasok ma…

    bwahahahahha………

  12. butz

    pencil case… isa yan s mga pang porma nung bata p ko lalo n pag start p lng ng klase… new shoes, uniform, bag at xempre new pencil case. paastigan p jan, saka kung ano “in” yun dapat meron k kundi sangkatutak n pangaalaska aabutin mo s mga bully s iskul =)

  13. Jew

    Dearest kuya Tenco, Tem-i, at Tikboy,

    Ay namiss ko kayo =)) Nakakarelate ako dito kasi nung bata ako, adik akong bumili ng pencil case at kung bumili ako eh 2 pa =)) hahaha..

  14. almariza

    mahigit 1year nyo na pala akong taga-subaybay ^^

    anyway,ang pecil case ko nuon e ung maraming compartment na pink na hello kitty.oha!
    tas andun na lahat,lapis,pambura,pantasa pati bali-baling crayola.hehe🙂

    kahit hanggang ngayon may pencil case pako,pero ung mukang pouch na lang🙂

  15. Jew

    pa-comment ulet..

    naalala ko nung kinder ako, kulay pink yung pencil case ko libre yun sa binili kong bag.. tapos nung grade 2 kame, nagtrade kami nung isa kong classmate ng pencil case.. Pink din yung kanya tas mataba. sa gitna, built in maliit na white board kasama na ang pen at eraser =)) astig! tapos yung binigay ko sa knya ordinaryong latang pencil case lang pero maganda yung cover =) hahaa share

  16. bing diesel

    dati nakipaghampasan ako ng pencil case sa classmate kong lalaki. ayun, kinabukasan, sumugod nanay ko sa school nagkaron kasi ako ng gasgas sa braso…pagdating sa principal’s office, di maipinta muka ng nanay ko at principal kasi yung kahampasan ko puro pasa ang muka..di ko nasabi matigas na lata ang pencil case ko, plastic lang ang kanya..aaron kung nasan ka man ngayon, sorry na ha?hampasin ulit kita gusto mo?hahaha..

  17. Almariza

    i love alasais too🙂 sobrang nakakarelate ako sa halos lahat ng topics nyo🙂 more power to your writings!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s