4. Gitara Boy

“Oy!  Pare!  Ano bago natin diyan?  Eto tol, ‘With a Smile’ …Leef yo head…baby don be skerd…ov the theengs dat could go wrong alamda whey…”

Meron lagi sa barkada ang marunong tumugtog ng gitara.  98% ng lahat ng magkakabarkada ay may musikero, sigurado yan.  Ginalugad namin ang buong Pilipinas para alamin kung may barkada na walang musikero.  Ultimo ang mga Tausug at Badjao ay may designated na taga-tugtog, mapa-batingaw man o banduria.   (Ano to, HEKASI?)

Malakas na power sa barkada ang taga-tugtog.  Tignan mo yung gitarista ng choir sa simbahan namin, si Kuya Manny.  Lagi siyang masaya.  Baket?  Dahil lahat ng mga babae sa choir ay may secret crush sa kanya.  At sinu-sino sa kanila ang nahalikan na ni Kuya Manny?  Madali lang malaman yan.  Pano kamo?  Tignan mo yung sampung babae sa first row.  Kanino nakatapat yung apat na mic?  Uh hmm.  Korek ka diyan.

Kung anong sikat sa radyo ay siyang inaaral ng sikat na gitara specialist ng barkada.  Para pagdating ng mandatory weekend tambay o inuman eh hindi siya mauubusan ng kanta, lalo na ‘pag nalasing na ang mga babae at paulit-ulit nilang niri-request ang “Torn” ni Natalie Imbruglia.

“Nothing’s write am Torn!  I’m all at a place… This is something real…I’m call and out ashamed…”

At siyempre napag-aralan na din ni Gitara Boy ang kantang ‘to.  Mas madalas pa niyang pag-aralan ang songhits kesa sa mga libro niya e.  Mapa-strumming o plucking ay kabisado na niya, pati na din ang intro ng “Now and Forever” ni Richard Marx at solo guitar lead ng “Heaven Knows”.

Hindi mawawala sa kanyang hitlist ang “Harana” at “Pare ko”.  Sa kanto namin ay lagi mong maririnig yang dalawang kanta na yan habang nabubusog sa isaw ang mga nakikinig.  Kapag medyo nalasing na at gumanda na ang kanilang english accent ay babanat na yan ng “More Than Words”.  Intro pa lang ay makalaglag-panty na, diba?

Kayo, anong specialty ng gitara boy ng tropa nyo?

– Tem-i


Hahaha!  Oo nga Tem-i, agree akong sa bawat magbabarkada e merong musikero, at kadalasan e marunong maggitara.  E puwede namang flute.  O kaya violin.  O kaya harp.  Tamang pampalipas oras ‘to e.  Ang kadalasang eksena dyan e pupunta ka sa bahay ng kapitbahay mo at mag-j-jamming kayo.  Dala-dala ang song hits, pag-aaralan mo ang chord chart na nasa gitnang pahina (kadalasan e makintab ang pahina).  Magpapaturo ka sa barkada mong marunong at ang mga kadalasang itinuturo ay:

Pare Ko by Eraserheads.  Madali lang ang strumming at chords nito.  Siguro e hindi lalampas ng tatlong chords ang magagamit mo sa buong kanta.

Harana by Parokya ni Edgar.  Ok, medyo hindi pa luma ‘to pero kung matututunan mo namang tugtugin ‘to e talaga namang plus pogi points ka dahil sa title pa lang ng kanta e halata na ang intensyon mo kung bakit gusto mong matutunan ‘yan.  Ask Jackie, ang hayskul klasmeyt ko.

More Than Words by Extreme.  Intro lang naman ang gustong alamin ng mga lalake rito e.  Konting plucking lang (at tapik sa gitara) at pagkatapos nun e uulit-ulitin nila ang parteng ‘yun at kuntento na sila.

Picha Pie by Parokya ni Edgar.  Hahaha ‘eto pa pala!  Mabilis-bilis ‘to e!  At dahil sa strumming lang ito e hindi rin naman mahirap matutunan.

Ang Huling El Bimbo by Eraserheads.  Syempre naman!  Ewan ko nalang kung hindi niyo sinubukang tugtugin ang isa sa mga pinakasikat ng kanta sa kasaysayan ng bandang Pilipino!

Mabalik tayo sa mga lalaking nagpapacute.  Actually, ‘yung mga nagpapaturong maggitara ay hindi naman talaga nakakabuo ng isang matinong piyesa, napansin niyo ba?  O kung matuto man sila ay parang parating paos ang tunog ng gitara.  Talagang gusto lang nilang ma-feel na merong instrumentong pinapasadahan ang kamay.  At masarap ang pakiramdam nang nagkakantahan kayo habang ngumangata ng tatlong supot ng chicharon.  Ang end result?  Walang kinalaman sa chicks.  Tamang pagrerelaks lang sa tambayan niyo at kahit na wala sa tiyempo ang pag-strum sa gitara e feeling good pa rin.  Hay good life…

– Tenco

Haha bitter ocampo si Tenco sa mga lalaking nagpapakyut ampucha! Bakit kasi hindi sa’yo nagpakyut at sa kaklase mong si Jackie? Eto pa ang isang tawag sa nagpapakyut lang sa gitara sa iskul o kung saan man…introboy! Syempre gets niyo na kung bakit yan ang tawag. Eh puro intro lang ng mga kanta ang alam eh. Basta makahawak lang ng gitara sa harap ng mga tao at maka-strum lang.

“O pare ko..(dyen dyen dyenen dyen). Meron akong problema..(dyen wenk wonk..). Ay nakalimutan ko na.” ang sabi ni introboy.

“Uso pa ba ang haranaaa? Marahil ikaw ay nagtaah-tah-ka. Ay ano nga ba lyrics nun?” ang palusot na naman ni introboy.

“Hoy gago! Bitawan mo na nga yan at ibigay mo sa marunong talaga mag-gitara!” ang sigaw naming  mga alaskador boys.

Hindi mo rin naman masisisi si introboy kasi malakas talaga ang dating ng lalaking nag-gigitara sa chicks. Eto ang kumakalaban sa pagka-cool ng mga varsity players at mga gwapong estyudante. Kahit hindi ka ganun kagwapuhan at katangkaran pero gitara boy ka, dali mo ang atensyon at chicks. Pakitaan mo lang ng isang buong gitara ng “With a Smile” eh siguradong kasama ka na sa “Who is your crush?” nila sa autograph book.

Kapag tinignan mo ang bag ni gitara boy, bagong bago pa rin ang dating ng mga libro at notebook pero ang songhits? Ang dami nang tupi-tupi at halos rumorolyo na yung dulo sa kakagamit. Yan ang peyborit subject niya.

Masarap rin magkaroon ng gitara boy sa barkada lalo na kapag nakatambay kayo. May alak man o wala eh napapasaya niya pa rin ang tambay niyo. Mag-gigitara lang siya at sabay sabay kakanta ang mga bopols sa gitara at magiging singer na lang lahat.

“Bakit, bakit ba? Iniwan mong nag-iisa!” ang kanta naming lahat. Siakol, baby!

“May libre kang tooth….paste toothpaste! May libre kang tooth….brush toothbrush!” ang kanta namin tapos tawa.

Kaya kahit hindi ka marunong mag-basketbol, hindi magaling magpatawa o hindi pogi basta gitara boy ka eh marami ka pa ring magiging barkada at magkaka-crush sa’yo. Masaya ang buhay kapag may gitara boy.

– Tikboy

61 comments

  1. ji

    haha agree =) kahit kami ngayon e.. tinutugtog namin yung with a smile or kahit anong kanta ng eheads =) mas maganda kasi yung opm dati e🙂

  2. emilayskie

    Hay naku saktong-sakto sa akin yan. Laglag panty talaga ako sa mga magaling mag-guitar nung high school namin. Hindi ako masyado satisfied sa mga introboys kasi gitarista rin ako. Ang type ko yung hayup mag-plucking!

    Alala ko nung second year highschool boyish talaga ako sobra at ang mga ka-close ko mga lalaki. Lahat sila aral ng aral ng gitara. Gustung-gusto ko rin mag-aral kaso kapag nakikumpol ako sa mga lalaki baka kung ano isipin sa akin ng ibang girls. Pero one time nanood ako ng pagtuturuan nila. Pag-uwi ko sa bahay hiram kagad yung guitar ng pinsan ko (na hanggang ngayon di pa rin sya marunong) sabay tugtug! Kahit papaanong paraan i-strum wala akong pakialam.

    Isang linggo akong nagkulong sa kwarto kaka-strum lang ng guitar at practice ng ibang plucking. Ang kaharap ko lang lagi ay song hits at gitara. Nagkakainan na nga sila ng handa sa birthday ko, ako nag-gigitara pa rin sa kwarto! After a week, naki-jammin ako sa mga barkada kong boys. Hiniram ko ang gitara at pinakitaan ko ng intro ng “It might be you” (intro girl din ako dati hahaha). Bilib na bilib silang lahat! Ako kasi unang girl nakita nila mag-play nun doon. Simula noon derecho na ang music career ko. Hahah.. As if!

    Tama sabi ni Tikboy eh. Sila ang number one kalaban ng mga athletic boys sa pag-attract ng chicks. Ang mga athletes kasi madalas intrams lang nadi-discover pero ang mga gitarista o singers kahit anong season sikat! ^_^

  3. alasais

    Emilayskie,

    Tama! At kahit saang lugar pwede silang magpakitang gilas, basta may dalang gitara! Hindi naman pwedeng magdribol nang magdribol sa isang camping, ang sagwa sa mata. E kung may gitara ka, tugtog ka lang at malamang sa alamang e tatabihan ka ng kras mo.

    Sana one of these days e pakitaan mo kame ng talent portion mo.🙂

    – Tenco

  4. Christina

    ako, dati medyo marunong akong magitara..ngayon, hindi na. busy na kasi masyado e.

    anyway, yung mga kaklase ko noon na di biniyayaan ng sense of melody, gumaganda ang boses pag mag kasabay na gitara. hahaha.

    tama si Jew, mas magaganda nga yung mga OPM dati. ano na kaya nangyari sa musikang pinoy ngayon?

  5. Bam

    Anong specialty ng guitara boy ng tropa? Siguro “More than Words” nga. Kasi nung panahong yun mukha siyang mahirap gitarahin kaya hangang-hanga ang mga girls. Pero natutunan ko rin gitarahin yon kaya naka-hakot din ako ng mga boys…nyahaha. Biro lang. Pero ang gitara boy ng tropa “go” lang sa lahat ng requests ng barkada kahit na dumugo na ang mga daliri, oks lang sa kanya. Pero tama ka nga,pogi factor nga sa kanya yun kahit hindi naman siya kagwapuhan. Pero kung yung gitara boy eh magaling na magitara tapos gwapo pa, Aba…siya nang “hearthrob” Oh db?

  6. boy

    agree ako kay tikboy.. meron talagang mga introboys! yung mga intro lang alam.. yung gitarista namin di nga siya kaguwapuhan pero pag tumugtog halos malaglag panty ng mga babae samin… nakakalungkot lang ngayon dahil napapalitan na ng mga mp3 player ang dating tugtugan sa kanto.. pati mga tambay sa tapat namin nakamp3 player na!!

    jeboy

  7. ayeneyetch

    haha. totoo yan. lalo na yung sa parte ng mga papoging wala naman tlgang alam sa gitara. haha. sa school marami nyan e. maglalakad-lakad sa corridor na kapit-kapit yung gitara kuno nila tpos tapik-tapik ng konti. wala, feel nilang ibandera. tapos pag patutugtugin mo na ng isang kanta la daw sa mood. nakanampucha! patok din jan ung Torete. hehe. ayos.

  8. rH0n

    waaaahahaahhaaaa.. ang saya talaga pag may marunong mag getara sa barkadahan.. kahit hinde marunong kumanta, nagiging marunong nalang.. lalo na sa inuman, nagiging singer na lahat yan.. kahit hating gabi na, mas lalo pang linalakasan ang voize nila.. waaaaahahahahaaa..

  9. emilayskie

    Tama si Boy. MP3 na lang ang pinapatugtog ng ibang barkadahan ngayon. Naka-attend ako minsan ng inuman (kahit di ako umiinom umaattend pa rin hehe) ng isang barkada. Yung gitarista pinatigil muna tumugtog kasi gabi na raw sabay bukas ng phone at nagpatugtog ng mp3 ng malakas tapos kantahan. Kalungkot naman. T__T

    Tenco,
    Sige practice ako. Kaso di ako batikan ha?😄

  10. alasais

    Emilayskie,

    Haha, talagang semi-defensive a. Okay lang, basta gitarahan mo kame.🙂

    Tama si Tikboy, itapon na ang mp3 player sa ilog!

    – Tenco

  11. grasi

    may barkada kami na magaling mag gitara. hanep sa inuman. tututog ng rekwes tapos puputulin sa kalagitnaan at sasabihin, “oops, shot muna” tapos itutuloy kung saan sya naputol. talentado talaga.

    nasan na kaya sya ngayon?

    wala ata akong musical abilities. sabi ng erpat ko pag kumakanta ako para daw kinakalampag na yero ang boses ko. bait talaga ni dadi.

    pag umulan ngayon ibig sabihin may minimurder na naman akong kanta sa videoke. kaya magdala kayo lagi ng payong dahil parang nagtatawag ng ulan ang boses ko.

  12. photosynthesis

    HA HA HA. memories. Sa barkada namin bilang mo ang HINDI gitara boy. Kaya ang naging boypren ko eh ‘yung varsity player. tsk. whatta waste. Na-in-love din ako sa isang super galing na gitara boy NGUNIT mas mahinhin pa kesa sakin. pag itetext n’ya ko tas aabot na sa mga bandang 7pm mawawala na sya, bakit? nagbabasa na s’ya ng bible. Ayon. Vocalist din ako ng banda dati, chinorva rin ako ng drummer namin dati, ay jusko. Ayon gumawa nalang ako ng sariling banda, all-girls. haha. tapos ang third musikero naman ay ubod ng drama kaya ayun reject din. tsk.

    dati sa school, naaalala ko kaming mga babae sinasabi namin ‘pag pinaguusapan namin ang mga musikero sa school, “Ang galing ni *insert name here* noh?? Kahit ‘di s’ya gwapo masyado. Crush ko ‘yun! Mukha pang mabait!”

    Stereotyping. ‘Pag musikero ka, naiinlove ang girls sayo kasi mukha kang mabait at magaling ka. Pero pag sports-inclined ang lalaki, sasabihin manloloko. tsk. Oh well! Buti nalang di ganan sa babae! HAHA!

  13. alasais

    Juds,

    Okay ang lablayp mo a. Chorvang chorva! Halika, magbasa na lang tayo ng Bible pagdating ng 7pm. Hmmm, gawa kaya kami ng bagong blogsite? Imbes na Alasais, Alasiyete naman.

    Tem-i of Alasais

  14. andreidae

    wow naman.. Gitara boys…

    hay…totoo yan sobra!!kahit talaga wla silang itsura ay talaga namang nakka inlab!..jusko!!
    bilang isang batang music lover ng matindi ay malamang na hindi ko palalampasin ang mga tugtugan jan sa tabi tabi..kea lng hnggang ngayon ay nagpapaturo parin akong magitara..madali akong matuto at madali din akong makalimot..tipong pag tinuruan ako ngaun alam kuh na xa..then pag pinatugtog muh ako kinabukasan..wala na..kakanta nalang akuh ulit at hindi hahawak ng gitara..

    haiz..buhay..palagi nlng akong vocalist nun sa banda..kung minsan ay nakiki extra pa sa ibang band..ma pagtripan lng kumanta dahil kahit nung bata plang ako ay reyna na ako ng kantahan sa street namin..paano kasi..plagi nlng ako nauuto ng mga kapitbahay namin..uto-uto kxe..

    at ngaung college..ah pang vocals lng tlga akuh..tinuruan n akuh mg gitara nun sa band nmin..kea lng wla tlgang retention na naganap kea hnggang mic lng tlga akuh..long live Cinco Trese!! (nag promote?!) hahaha..miss kuh na ang tugtugan..naging busy na xe s school xe mlapit na graduation at board exams!!pag nagkataon kami na ang bandang puro medical professionals!!astig!!
    🙂

  15. alasais

    Andreidae,

    Siguraduhin mong aaralin mo ang buong libro sa mismong araw ng board exams ha? Baka aralin mo yan nang Linggo tapos pagdating ng Lunes e makalimutan mo ang inaral mo. Long live Cinco Trese!

    Tem-i of Alasais

  16. lait-eRAH..

    ..>yAh.yAh i aGreE..hahaha nkakatUwA!!xAkTo lhAT sA isAng bArkAda,,pEro sA 22o lAhn i hAte “intRoboys”

    ..pAsikaT!!hahaha

    .>^_~

  17. kirsten

    hay nakooo,,sa totoo lang kahit walang itsura,,nag kakagf dahil marunong mangharana! hahah kaya laki ulo na sila ,,mga hydrocephalus at astronaut..

    sana meron din saken! ahahah!

  18. ji

    “May libre kang tooth….paste toothpaste! May libre kang tooth….brush toothbrush!” ang kanta namin tapos tawa.]

    -haha, oi! di ko alam kung anong kanta to..ano nga ba? parang ngayon ko lang nakita yung lyrics na ganyan =) haha sto ko malaman

  19. pilya'tpasaway

    nalate ang comment ko!!! huhuhu..🙂
    newei newei, sobrang cool talaga pag natuto ka maggitara, kaso sinuko ko yun, kasi naisip ko… nasisira kuko ko!!🙂

    nakakarelate ako ke jeboy… hahaha!!🙂 magaling na gitarista yan.. just so you know… diba, diba??!! peace tayo jeboy ah!!😀

    may kilala din ako, napafeel lang humawak ng gitara… hindi naman marunong… feel nya lang, yun pala, pumoporma. :)) hahaha!! nagkataon na mas marunong ako sa kanya, taob!!🙂

    tapos nanligaw… tapos nangiwan…😀

    wish ko lang natuto na lang xang maggitara.🙂

  20. alasais

    Aiweenee,

    It’s ok. It’s never too late to leave a comment. Sana hinampas mo ng gitara tapos kumain ka ng Lucky Me Toyo-mansi. Sarap…

    Tem-i of Alasais

  21. batang adik

    astig ang mga theme dito! buhay skwela, back to da days na masaya pa at kuntento tayo sa mga simpleng bagay…gitara xperience b? Isa din ako sa mga intro boys, pero lagi pa rin ako sapaw sa mga barkada ko na malulupit na plucking na ang tinutugtog…Enways, naisip ko lng, sana gawin ding topic ung gawain ng mga bata tuwing umaga – ang magtusok ng dahon gamit ang isang piraso ng walis tingting! ginawa nyo rin ba yun nung mga bata pa kayo?

  22. alasais

    Dyulyus,

    Salamat sa komento at suhestyon mo! Haha oo ginawa ko dati ‘yan, pero hindi ko maalala kung bakit ko ginawa. Minsan pa nga niluluto ko ‘yan e.

    – Tenco

  23. alasais

    Batang Adik,

    Ay oo naman pare, OK talaga ang simpleng buhay. Hehe, introboy ka ba pala ha. Basta pag malapit na matapos yung intro bigla mong bunutin ang selpon mo at kunwari may magtetext sayo sabay pasa ng gitara sa katabi. O diba swabe?

    Abangan ang bagong blogisodes every Friday tol!

    Tem-i of Alasais

  24. batopik

    hahahaha!
    im leaving on a jet plane pa.
    hakhak.
    wala lang. huli na sa kwento.
    toinks!
    nsabi na nila yung iba kong gustong sabihin.

    badtrep kasi ako sa gitara,
    ang laki. haha! di abot ng daliri ko.
    wahahahahahahahaha!!!

  25. alasais

    Batopik,

    Nauso ata yang leaving on a jetplane nung pinalabas yung armageddon? O nung nabuhay ulit si Jet Pangan? Anyway, it’s nice to hear from you again!

    Tem-i of Alasais

  26. Snowden

    Ewan ko ba at ang lakas ng mga pacute na gitarista.haha..iba kasi alam kong gamit sa gitara.panghampas sa barkada kong bonifide intr0b0y…parang gust0 kong putulin mga string pag siya may hawak..

    Sa mga marun0ng maggitara alam nyo ba kung pan0 aq Q minor at Q major?pag hindi nyo alam patur0 kay0 sakin..huwawaw

    Naalala ko tuloy habang nagtsitsismis yung instuk0r ko sa physics about sa co-teacher niyang bakla.hindi ko sinasadya tugtugin intro ng maalaala mo kaya..nyay face the wall napala ko..kaya lesson learned wag tugtugin placking ng Mmk pag nagkukwento teacher.haist..

  27. lau2gwapa

    lovet!

    natuto din ako mag gitara dahil may iniistalk akong gitarista noon.. nyahahah!!

    at truelagen alam ko din halos lahat ng sumikat na eheads songs… unang una sa listahan: huling el bimbo…

    haay.. bring me back to highscholl =P

  28. balotlot

    gitara boy… astig tlg pag magaling ka kumapa ng gitara, ako eh sariling sikap lng din, ala man lng nagturo kung pano mag gitara skn…
    peo buti na lng anjan ang eheads hahaha.. soya tlg.. dahil sa mga kanta nila natuto ako mag gitara at natuto me kung pano mainlove ayt.. may ganun factor… “eraserheads the best”

  29. dencios

    sa barkada namin halos lahat puro marunong gumamit nito pero ako kasi di ko na na praktis kaya nawala na din at naiwan na sa pinas ang gitara kaya wala na ding saysay. gayunpaman pede ko pa ding ipagmalaki na minsan natuto din ako nyan🙂

  30. alasais

    Dencios!

    Long time ah! Matagal ka ding hindi nakatambay dito sa Alasais! Ah wala ka ba sa Pinas ngayon? Asan ka noong araw ng Sabado? Este asan ka ngayon?

    Tem-i of Alasais

  31. alasais

    Kuchara,

    Wala pa kaming niri-release na official list pero para maibsan ang iyong gutom sa impormasyon na ‘to, magbibigay na din ako ng mga konti…

    – Pare ko
    -Bakit ba? siakol
    -Harana
    – 214 by rivermaya
    -Maginoo Pero Mejo Bantot este Bastos
    -Multong Bakla
    – Miss U by grin dept
    – Laklak
    – Kaleidoscope World
    – EL Bimbo
    – Halaga
    -Actually, halos lahat ng Eheads, Parokya, Grin Dept, Siakol, Teeth, True Faith at The Youth eh tinutugtog pag inuman Pare. Isama mo na din ang introvoys at After Image.

    Yan magandang line up na yan para sa susunod mong inuman party!

    Tem-i of Alasais

  32. bakuko

    D-A-G-A… lahat ng gitara boys e dumaan d2.. line to heaven! hahaha
    my uso mang ingles n kanta noon, mga labsongs lng.. kalimitan, OPM.. rakrakan…
    haayzzz… san na nga ba? san na nga bang barkada ngayon?

  33. rex ford

    NAKAKAMIS ANG KABATAAN KO!!!!!!!!!!! HEHEHE ‘DI TULAD NGAYON IILAN NALANG ANG MAG MARUNONG MAGGITARA DAHIL PURO FB AT SKYPE ANG ALAM NILA. AT MAYRO NARING MGA NEW GADGETS KAYA MADALI NALANG PARA SA KANILA ANG MAKINIG NG MUSIC. PERO IBA PA RIN TALAGA KAPAG MARUNONG KANG MAGGITARA!!!!

  34. alasais

    Rex Ford,

    Oo nga eh. Iba pa rin ang pakiramdam ng pagita-gitara lang. Relaxed lang. Chilling. Magkakakalyo ang mga daliri, pero tugtog pa rin. Magandang hobby talaga ‘to eh. Kahit puro intro lang alam mo, okay na rin, may 15 seconds of fame ka naman.

    – Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s