P. Im…Im…Impyerno!

Hindi ako super galing maglaro ng “Langit Lupa” no’n. Hindi ako masyadong mabilis pero mautak naman ako. Si Ensiong ang maliksi sa grupo namin. Mahirap siyang tayain dahil lahat ng gusto niyang maging “langit” ay nagagawa niyang langit. Wala naman makapalag sa kanya. Bwiset na boss ng barkada yan. Shempre hindi naman pahuhuli ang mga skwater na sina Bagoong at Jefferson. Kung maliksi si Ensiong eh Da Matrix naman ‘tong dalawang ‘to. Kahit saan e kaya nilang umakyat – puno ng mangga, pader na malumot o sa barbed wire ng talyer ni Joven.

Langit Lupa ang laro sa amin. Para din siyang “mataya-taya” pero hindi mo pwedeng tayain ang tao kapag siya ay nasa langit. Usually, ang “langit” ay kahit na anong elevated na bagay sa paligid. Depende sa usapan ng barkada ang minimum height ng langit. Sa amin ay dapat lampas sa tuhod ang elevated na bagay para ma-consider siyang langit. Siyempre para kay Ensiong e kahit sarili niyang suot na tsinelas ay ginagawa niyang langit para lang hindi siya mataya. Ganun siya kaduga! Kaya kung ikaw ang taya, h’wag ka na umasang matataya mo si Ensiong dahil magtatalo lang kayo nang isang oras at hindi ka mananalo sa argumento niyang “Langit yan! Kita mo naka-angat yung paa ko sa lupa o!” Pucha naka tsinelas lang e “naka-angat” na daw yung paa nya. Haay buhay…

“Bantay pares doble taya!” Bantay pares – ang tawag sa taya na ayaw umalis sa tabi ng tatayain niyang nasa langit. Hinihintay niya itong bumaba sa langit at pagkababang pagkababa, tatayain na niya yung batang inaabangan niya. Kaya kung maghahanap ka ng langit na pupuntahan mo, e huwag kang sasabit sa mga bakod dahil siguradong ikaw ang babantayan ng madayang taya. Hihintayin niyang mangawit ka sa kakasabit at sa oras na bumitaw ka, uhm! Taya ka na.

“Langit lupa impyerno, im-im-impyerno!
Saksak puso, tulo ang dugo!
Patay! Buhay! Aalis ka na di-yan!”

Kung ikaw ang kumakanta neto at sa tingin mo’y ikaw ang matataya, pwede mong pahabain ang kanta para mailigtas mo pa ang sarili mo. Dagdagan mo ng “Sinabi ba ng Diyos? O-o!” Kapag hindi pa rin gumana, dagdagan mo pa ng, “Sinabi ba ng lahat ng tao sa mundo? O-o!” Siguro naman nakaligtas ka na niyan. Kapag hindi pa rin…ay ewan ko na sayo…pinanganak ka na talaga para maging burot.

–Tem-i


Maibaaaaah….taya! Akyatan na kami sa bangketa para simulan ang larong langit-lupa. Mayroon nang taya at ang langit namin e sa magkabilang bangketa ng kalsada. Syempre may limitasyon ‘yung langit namin. Pagkakasunduan namin kung hanggang saan lang ang langit at hindi pwedeng lumagpas dun. Tapos mayroon pa kaming isang patakaran na kapag bumababa ka na ng bangketa, hindi ka pwedeng bumalik sa pinanggalingan mong bangketa. Dapat doon ka na sa kabilang bangketa aakyat. Kapag bumalik ka sa bangketang pinaggalingan mo e ikaw na ang taya. ‘Yan ang mga patakaran namin para maging mas “challenging” ang laro at para hindi naman lugi ang taya na mabuburot na siya.

Shempre sa mga laro eh hindi mawawalan ng saling ket-ket o saling-pusa. ‘Yan ang mga sobrang bata pa para makasabay samin sa laro at ayaw pumayag na hindi sila kasali. Kapag hindi mo sila sinali eh iiyak sila at kapag narinig ng isang matanda na may umiiyak, patay! Papatigilin kami sa laro namin at baka mapauwi pa ng bahay. Kaya no choice kami at isasali sila bilang saling ket-ket. Hindi sila pwedeng mataya kasi kunwari lang naman talaga silang kasali tsaka hindi rin naman sila papansinin ng taya.

Mayroon pa pala kaming pagkakasunduan na patakaran. Eto ‘yung “no reaching” o mayroon. Kapag may “reaching”, pwede kang abutin ng taya kahit nasa langit kami basta nakatapak pa siya sa lupa. Ginagawa lang namin ‘to kapag walang mga saling ket-ket at magagaling lang ang mga kasali. ‘Yung halos lahat may potensyal maging lider ng grupo. Shempre ‘yung “no reaching” eh kapag nasa langit na kami eh hindi na kami pwede abutin o hawakan ng taya. Kahit ga-buhok lang ang lapit mo sa taya basta nasa langit ka hindi ka pwedeng tayain.

Ang magagaling samin ang malakas mang-asar sa taya (shempre kasama ko dyan). Nilalabas pa ang mga kamay at paa na kunwari eh magpapataya. Minsan kunwari itatapak ang paa sa lupa pero kapag lumapit na ang taya eh biglang babawiin ang paa. Mga magagaling lang ang nakakagawa nun kasi mabilis silang kumilos at kayang-kaya nila iwasan ang taya kapag hinabol sila. Masarap laruin ang langit-lupa lalo na kapag hindi ka taya. Pero kapag taya ka, hasel yun kasi medyo mahirap makataya sa larong ‘to. Kaya malamang eh burot ka at makakarinig ka ng kantsaw na burot! burot! burot!!!

— Tikboy


(Miyembro ng barkada, pero hindi boss):

Langit, lupa, impiyerno
Im-im-impiyerno.
Saksak-puso tulo ang dugo
Patay, buhay, umalis ka na diyan.
Uno, dos, tres, ales!

Sa larong ‘to nakakabawi ang mga batang medyo hindi mabilis tumakbo, may kasama na kasing diskarte dito eh. Gagawa na ko ng ‘playlist’ ng mga matataas na lugar na pwedeng gawing ‘langit’. “Bawal balik base!”-hindi kasi puwedeng umakyat ulit sa parehas na langit kapag hinabol ka, dapat sa panibagong langit ka aakyat (pero hindi ko naman pinroblema ‘to dahil mabilis akong tumakbo).

Sabay-sabay at nag-eenjoy pang tumatakbo ang mga batang hindi first-time na taya, kasama ang mga asong nakikitakbo rin. Ang mga sumusunod ang kadalasang ginagawang ‘langit’:

– Puno (aratiles, bayabas)
– Mahabang silya (ng mga tambay)
– Dyip (hindi bumiyahe ang lasing na mamang drayber)
– Halaman (na nakalagay sa paso)
– Hagdanan bago ang pintuan sa bahay ng kapitbahay (maraming natataya rito dahil napagbubuksan sila ng pintuan)
– Kable ng kuryente-‘yung nakatanim sa lupa (may takip na dilaw na plastik)
– Gate (nabubulahaw ang kapitbahay)
– Sa likod ni Mang Tibo (parating nagdidilig at nagbubungkal ng lupa sa umaga)

Meron kaming special rule. Kapag hindi sinasadyang natisod ang taya at naglanding sa langit, o napaapak ka sa langit pagkatapos mataya, puwede mong tayain ang mga nasa langit. Wooohoo riot!

Pero syempre, ang mga mababagal tumakbo ay may kalalagyan din talaga. Kapag nagkataong mag-isa ka lang sa langit, puwede kang bilangan ng taya (usually hanggang 10). Bago matapos ang bilang, magdasal ka na na sana e hindi ka niya mahabol, o may isang bayaning makikituntong sa langit mo. Kaya kapag may mga magagandang chicks kaming kalaro, parati ko silang nililigtas e. Talagang pupunta ako sa langit nila o magpapahabol ako sa taya, tutal hindi naman niya ako kayang abutan e. Pagkatapos ng laro, “Nene, painom naman ng tubig o…” Da moves.

–Tenco

62 comments

  1. Mark Lester

    This is cool! I remember my childhood days! I was reading it out loud with feelings! As if, it’s my story. Hay… kailan kaya natin mababalikan ang mga nakaraan?

  2. alasais

    @mark:

    ang sarap isipin diba? ang sarap isipin ng mga pinaggagagawa natin nung mga bata pa tayo. sana ay magustuhan mo pa ang mga blog namin. they come out every friday.

    –tenco

  3. ambebi

    sarap mag-reminisce a! mei isa pa kami rule. kapag umakyat ka sa langit ng iba tapos isang dipa lang ng taya ang layo mo sa natabihan mo, pede ka mataya! hehe.

  4. tonton

    Bad trip nga yang bantay pares na yan. yung version namin, bawal bantayan. dapat lumayo muna ng 1 metro ang taya para makalipat sa ibang langit ang nangangalay nang kalaro.

  5. Angee

    Nakakatuwa naman ang kwento mo. Noong una akala ko kung ano lang yung nakapost na alasais sa multiply.
    Masarap basahin. Nakakarelate ako sa palagi na lang taya… hay! kung maibabalik nga lang ang pagkabata…

  6. joanne

    haha. nakaktuwa. naalala ko ibang games nung bata ako:

    luksong tinik
    21 (yung habulan)
    sili-sili (habulan din)
    piko
    moro-moro
    london bridge
    tapos yung paluan ng tsinelas (nakalimutan ko yung title)

    ang sayang balikan. gusto ko tuloy magPHILGAMES sa PE ko next year. :))

  7. alien

    how nostalgic… lol

    i suddenly remembered those days we used to play langit-lupa in the province during summer(~ages ago…haha). and also games such as patintero, and taguan(specially at night)…

    another cool post from you, guys. keep it up! xD

  8. anj

    nagdududa na talaga ako. haha magkakalaro ba tayo o magkakakilala dati? hahhahaha nakakatuwang isipin na pare-pareho tayo ng pinagdaanan haha iba nga lang yung lugar!!! haha

  9. alasais

    Hehehe! Baka nga kalaro ka namin dati. Nung tinaya mo ako, aksidenteng hinampas mo ako sa mukha. Ok lang yun. Keep reading our blogs every Friday!

    Tem-i

  10. batopik

    hahaha! meron pa.. yung sungkitan…kapag ayaw pa ring bumaba nung mga kalaro mo, pwde mong sungkitin ung paa nia tas bibilangan. hakhak. nakakamiss maglaro. kanina nga sabi ng kapatid ko, bakit daw hindi ako lumalabas at naglalaro ng mataya-taya. eh hello?! kalej na kaya ako lil bro. hakhak.

    tapos pag nabuburot ako, naiyak ako tas nagaayaw na. hahahaha! loser si batopik eh. sa batopik lang sia ekspert. hakhak. =P

    ssaksak puso. tulo ang dugo. hakhak! astig. sinu kaya nagcompose nian noh. hehehe.. :]

  11. alasais

    @batopik:

    aba, hindi ko alam ‘yung sungkitan ah! galing!🙂 alam mo, pwede kang sumali sa mataya-taya. puguin mo silang lahat🙂

    -tenco

  12. linapuhan

    eto bago mga tsong. napulot ko sa blog ni pensucks. whaha. ang langit lupa ng mga baklitang bata:

    “mudra, fudra, geztong kez kronapey, sisterette, brotherloo, geztong kez frafey.Lahat ng geztong kez ay kemer-kemerlu. Ang magkakawiz ay fifingutin kez…”

    o di vah? sosyal.😀

  13. ferrero_otcho

    nakaka aliw nang binasa ko,parang na balikan ko ulit ang pagka bata ko,ang tagal ko aring inisip isulat ang mga larong pambata tulad ng “manga,manga,hinog ka na ba?” “5-10” “black 1,2,3” “tagu-taguan sa ilalim ng buwan” at marami pang iba. tumatawa ako habang binabasa ko ang katha mo,at nag lalaro sa isipan ko yung mga pinag gagawa ko at mga katatawanan,kantyawan,mga dapa na inabot,away,at kung anu-ano pa.ang saya maging bata.
    nga pala…alam ko yung “saksak puso” ibang laro pa yun eh….ayun yung,pag na taya ka di ka dapat gumalaw….pwede ka lang gumawaw pag na ngangati ka na basta wag ka lang papa kita sa taya,ang saya nun pag ang dami nyo nang na taya,at minsan kung ano yung huling itsura ng mukha nya,kahit naka tawa eh di sya pwedeng gumalaw,at konting sandali lang eh,halos matawa na ang lahat sa mga itsura ng bawat isa.yung unang gumalaw sya naman ang matataya,minsan may mga “balagoong” sa mga taya kaya minsan nagiging konsidirate nalang yung ibang mag pataya kasi nagiging boring na ang laro,basta yung taya eh magaling rin mang taya (halos lahat naman ng laro nangyayari ito – pag bored na ang lahat….maririnig mo na yung “ayawan na…ayawan na..” na pakanta ring sinasabi ng lahat) at yung nga minsan yung mga nang babantay sarado eh samin naman madalas kantyawan…hahaha…sarap talagang balikan at gawin.minsan pag nakaka kita ako ng tingga, kukuha ako ng plastik at mag lalaro ng sipa,na aalala ko pa ang galing ko pang mag black magic nun,halos yung buong bilang pro ganun lang gagawin ko.haaysss…sana meron ka pang ibang mga kwentong ganito sa mga susunod.pati yung mga kwentong pambata,tulad ng katatakutan pag bilog ang buwan at gabi na…mag sasama sama ang lahat ng magkakaropa at lahat ng mga kwentuhan tawanan eh lalabas.

  14. lepot

    naalala ko nung bta pa ko…

    may demonic rule kmi nun…para sa mga burot n gusto nang umayaw e may parusa…

    ISANDAANG KOTONG! grbe, naalala q n nmn c jojong tulok…kwawa siya lgi nun…

  15. alasais

    Lepot,

    Hehe, tatlong oras ka na ngang taya, nakotongan ka pa. Ouch! Demonic but fair…very fair…Mmwwa-ha-ha-ha-ha!

    Lucife…este…Tem-i of Alasais

  16. lepot

    Kaya kapag may mga magagandang chicks kaming kalaro, parati ko silang nililigtas e. Talagang pupunta ako sa langit nila o magpapahabol ako sa taya, tutal hindi naman niya akong kayang abutan e. Pagkatapos ng laro, “Nene, painom naman ng tubig o…” Da moves.

    syete, da best to!

  17. hisnameisdencios

    naalala ko tuloy ang langit lupa noon. naisip ko lang tenco, alam pa kaya iyan ng mga henerasyon ngayon? nakakalungkot lang na BAKA hindi na nila ito alam

  18. alasais

    Dencios,

    Mukhang wala na nga akong nakikitang naglalaro ngayon niyan, parang gusto ko nga silang yayain kahit isang beses lang. “Hoy bata, langit-lupa tayo. Tama na ‘yang pog na ‘yan.”

    -Tenco

  19. anakngpating

    isa din sa namis kong laro nakinabibilangan ng langit lupa eh yung agawang base hehe madalas na talo kami sa larong to lalo na pag puro babae kami..ang kalaban eh mga lalaki…

    asaaran pagkatapos mglaro
    sarap bumalik sa pag kabata..

  20. alasais

    Anakngpating,

    Kami naman ay laging panalo sa agawang base dahil kakampi ko lagi ang boss ng barkada at siya ang nasusunod kung sino ang pinaka-latest na humawak sa base. Kaya ayun…kami lagi ang latest na humawak sa base at may karapatang mantaya. Hehehe!

    Salamat sa pagdalaw! Enjoy our new blogisodes every Friday!

    Tem-i of Alasais

  21. ImSTRANGE

    Naabutan ko pa tong game na to. Hindi ako nalulugi dito.haha kasi pag kaming girls na mga taya may kasamang sabun0t,sampal, hila sa damit pag pumapalag pa ung mga lalaki.haha syempre di sila makakaganti. Kaya minsan ayaw nila kami isali pag hindi kami ung magiging kakampi nila.haha tas di ko din makalimutan (i 4got d name) Ung magba2to-pik ung 2 liders. Kung cn0 panalo sa knya mapu2nta ung member taz laging maganda ung kinukuha nung panalo.hehe

    Btw, nice blogs! N0w ko lang to nadiscover eh. Palink ha! Inaadvertise ko nga kau sa ym ko.haha ok lang ba un? Kip it up!

  22. alasais

    Shane,

    ‘Yung mga type ligawan ni Tem-i parati niyang ginagawang kakampi e. Kaya pala puro magaganda ‘yun. Sana nakalaro ko kayo, malamang competitive game ‘yun at wala talagang magpapatalo, hehe.

    Salamat salamat. Sige advertise mo lang kame at maghasik tayo ng lagim!

    – Tenco

  23. alasais

    Aiweenee,

    Minsan sa langit lupa ay kelangan ka lang magaling maghanp ng langit. Pag may nakita kang lata ng Hakone Sardines, pumatong ka agad dun gamit ang isa mong paa sabay sigaw ng “Langit!!!”

    Tem-i of Alasais

  24. kirsten

    ‘d bez tong game na toh! pagkatapos na maglaro, siguradong amoy araw ka na ( bakit nga ba amoy araw??) muka ko lang ang walang latay ng palo galing sa mama ko… haayy ayaw na ayaw nya ako nakikipaglaro sa mga kapitbahay.. pero sa skul masaya lalo na ang makipag taguan sa driver ng serbis ko at alas-5 na ako ng hapon makakauwi😀

  25. mishes

    ang galing nung mga laro ng mga bata no? sino kaya composer ng mga kanta ng mga laro natin.. bata or matanda?? hmmm…

  26. Snowden

    Haha.natawa ako dun sa pinapahaba ang kanta para lang hindi maging taya.wakoko.parang ako ata yun.hehe

    May rule din kami na yung bilangan para hindi kawawa ang taya at hindi siya mabur0t..hehe..ang style ko dito sa hagdan ako pupuwest0,lilipat lang ako ng step para maulit ang bilang at magsawa yung taya na nagbabantay sakin…

    Hehe.nagpapalakas din ako sa kras ko n0on.pag siya ang taya sinasadya kong mahuli niya ako.dibale ng bur0t basta maka paimpress lang.huwahaha

  27. alasais

    Snowden,

    Ay nakaka-relate ako diyan. Dati ay nagpataya din ako sa kras ko. Pagkataya niya sa akin ay nadulas ako sa ilalim ng palda niya. Napasigaw ako ng “Langit!”

    Tem-i of ALasais

  28. TunYing

    Galit sa akin mga kalaro ko pag langit lupa ang laro kasi lagi ko sinasabi pag matataya na ko time pers! Pag ayaw nila pumayag, sasabihin ko naman salim-pusa lang ako! Hahahaha… Ang daya ko! HAhahahaha!!!

  29. alasais

    TunYing,

    Wala kang kasing duga sa Langit Lupa! Para kang yung pinsan kong bata na magtatampo pag hindi sinali at magtatampo din pag siya ang naging taya. Hahaha!

    Rakon!

    Tem-i of Alasais

  30. alasais

    Ryan!

    Oo reaching ka talaga! bantay pares doble taya ka pa! Tambay ka lang dito pare! Every Friday, new blogisodes! Bat ako sumisigaw?!

    Nagmamahal!
    Tem-i of Alasais!

  31. yanskee

    hahaha may classmate ako nun na competitive na babae… hindi ako umubra kasi mageexplain pa lang ako talak na ng talak hahaha

  32. adonis

    ang sarap sarap talagang balikan ang panahon puro laro lang ang gusto natin gawin. may rules din kami sa larong langi at lupa ito yon may time limit yon nasa langit pwede mo syang bilangan ng 1 to 10 pagdi pa sya bumaba hanggang matapos ang ikasampung bilang taya na sya.. syempre kung magulang ka ang bibilangan mo yon alam mong mabagal tumakbo at syempre mga babae yon hehehe

  33. alasais

    Adonis!

    haha! Nakaimbento ka nanaman ng rules mo para makalamang! Parang kalaban ng bantay pares doble taya ya eh! Hahaha! Nice!

    Tem-i of Alasais

  34. azianitsirc

    langit lupa..mahina aq s takbuhan kya madaya aq kpag natataya n aq..ssbhin q,hinahapo n aq kya taym pers muna…gngwa q din ung pahahabain ang kanta wag lng mataya..haha

    ung agawang base at patintero, gngwa nmin unn s org nmin..me activity kmi n ung mga larong pambata lalaruin ksma ung mga nausong parlor games(kalamansi race, pagkuha ng piso s harina)..ask q lng pla, bkit tnwag n parlor games un??kala q tlga dati,pagalingan s paggu2pit at pagmemakeup pg cnbi parlor games..haha

    enjoy tlga ang pagtambay d2..hehe

  35. alasais

    Azianitsirc!

    Musta ka na? Long time ah! Namiss ka naman pare/mare! Bat nga ba parlor games? I-research mo nga yan and let us know, ayt? Basta tumakbo ka lang, pag malapit ka na mataya, “Time pers!!!”

    Tem-i of Alasais

  36. Abu Sayad

    no reaching. taym perst. hahahahahaha tangnang yan… naalala ko nung tumira kami sa QC sa may del monte ba un? bsta un. nalalaro ko to..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s