D. Hatid Sundot, Sundo’t Hatid

Ligawan stage…haaay…wala nang sasarap pa sa buhay ng isang binatilyo kundi ang panahon ng ligawan.  Noong panahon namin ay hindi pa uso ang text messages.  Nung bandang huli na lang nagkaroon ng ganoong convenience sa pakikipagligawan.  Actually, noong college na lang ata ‘yon.  Ngunit noong kami’y nasa hayskul pa lamang ay “old school” kabaduyan ang gamit namin.  Actually, bago pa magsimula ang ligawan ay madami nang nangyayari sa utak ng isang binatilyo.

As early as 6 months before siya manligaw ay madami nang tumatakbo sa isip nyan.  Ilang drafts na ng love letters ang nagawa at pinunit, ilang rolyo ng tissue na ang nagamit pagkatapos ng paglalaro sa kanyang manoy para makaraos sa tindi ng tension at kalibugan na dinadala ng pagpapantasya sa wala pang kamuwang-muwang na dalagita.  Ilang pimpols na din ang kanyang pinutok para lang tumubo ulit sa parehong lugar.  Para sa impormasyon (“For your information” sa inggles) ninyong mga kababaihan, walang lalaki ang hindi dumaan sa katorpehan.  ‘Pag may kilala kayong lalaki na nagsabing never siya natorpe sa babae, hampasin nyo agad ng bag sa mukha sapagkat siya ay nagsisinungaling at nagpapanggap lamang na cool at macho.  Kahit si Aga Muhlach man ay siguradong natorpe din nung siya ay binatilyo pa (haaay, Aga..).

Tsokolate – Shempre hindi mawawala ‘yan.  Pag natiis mong hindi bumili ng Ultraman na laruan sa ipon mong allowance ay maaari ka nang makabili ng desenteng tsokolate tulad ng Hershey’s kung gusto mo ng imported at kung going Pinoy ka naman ay Serg’s ang piliin.  Kung wala ka namang pera at hindi ka din marunong mangupit sa magulang mo, sorry ka na lang.  May Tsoknat diyan kina Aling Susan, piso tatlo.  Samahan mo pa ng pop rice, ayos na.  Ewan ko lang kung makahalik ka.

Rosas – red kung mahal mo siya at white naman kung friends lang kayo.  Tanginang ‘yan may color coding pang nalalaman yung nagpauso niyan e!  E kung plastic na lang kaya ibigay ko sayo ha?!  Ha?!  Ano ibig sabihin nun, sige nga?!  (Pasensya na, na-carried away lang po..).  Pero sa buong mundo ay eto ang common na ligawan tool – ang bulaklak, na siya nga namang nakakaaliw dahil “bulaklak” ang tawag natin sa hiyas ng babae (kung nakapagbasa ka ng Abante o kaya Remate noong bata ka, eh siguradong alam mo ang ibig sabihin ng “hiyas”).  Kaya minsan pumapasok sa isip ko na siguro kaya binibigyan ang babae ng bulaklak eh dahil gusto ng lalaki na ibigay naman ni babae ang bulaklak nya sa kanya?  Ayos diba?  Woohooo!!!  Yebah!!!!  Cowabunga!!  (Sorry, na-carried away nanaman…)

There’s still sooo much to talk about the Filipino dating game – things like the long phone calls (telebabad), and not to mention the “you put the phone down first” lines – shet!  Klasik!  Puta dumaan tayo lahat diyan!  Ang hindi ko maintindihan ay ‘yung mga lalaking nagpapaalam pa sa babae kung “pwede ba manligaw?”  Anak ng puta!  Eh pano kung sinabi nyang “hinde.”  Eh di na-zetlog ka na!  Bobo!  Ah basta..mahaba nato..Madami pang sasabihin sina Tenco at Tikboy kaya tuluy-tuloy lang ang pagbabasa.

O sige na, browse down na…no, you muna..no, you muna..O sige, sabay na lang tayo?  One…two…three…proot!  Utot nyo.

– Tem-i


Naku ligawan ba?  Tulad ng sinabi ni Tem-i, lahat dumaan sa pagiging torpe.  At ako na yata ang isa sa mga pinakatorpe.  Noong bata pa ‘ko shempre hindi ko inaamin na torpe ako kasi hindi ako magiging cool nun.  Pero ang totoo, napakatorpe ko.  Talagang dumaan ako sa pamimilit ng mga barkada ko na gumawa na ko ng move.  ‘Yung tipong tatlo na ‘yung humihila o tumutulak sa’yo para malapitan mo lang ‘yung crush mo o nililigawan mo.  Halos lumuwag pa lalo ‘yung maluwag ko nang tshirt o masira ‘yung polo ko kakapilit sakin ng mga barkada ko.  Ang palagi ko pang linya eh, “Wag na tol!  Nakakahiya…”.  Sasabihin naman nila, “’Wag ka nang matorpe baka may mauna pa sa’yo, ‘kaw rin magsisisi”.  Sagot ko naman, “Sige tol mamaya, bwebwelo lang ako”.  ‘Yan palagi ang sinasabi ko pero hindi ko naman talaga itutuloy, para lang tumigil sila sa kakapilit sa’kin hehe.

Stuffed Toy – ‘Yan talaga ang isa sa pinaka-klasik na binibigay ng manliligaw.  Kadalasan binibigay ‘yang mga ‘yan ‘pag Christmas, Valentine’s o kaya bertdey ng babae at palagi ring teddy bear.  Eh dati bobo pa naman tayo eh.  Hindi natin naiisip na manligaw tayo sa panahong walang okasyon para makatipid at hindi na kelangan magregalo.  Titipirin mo talaga ang baon mo para makapag-ipon.  Kelangan mo palagi mag-baon at hindi ka na mag-sosoftdrinks at makiki-inom na lang sa coleman ng kaklase mo.  Pero pag na-tyempo ng Christmas ang panliligaw mo, ok na budget mo.  May panregalo ka na kasi may makukuha kang pamasko.  Iisipin mo na lang kung anung stuffed toy ang gusto nya.  At dito na papasok ang bespren ng babae.

Bestfriend – Kahit ganu kapanget ang muka at ugali nyan (swerte mo na lang kung maganda din), kelangan mo pa ring maging mabait sa kanya dahil kelangan mo sya (pero kadalasan talaga panget sya eh, joke lang hehe).  Kaya ihanda mo na lahat ng pekeng ngiti sa kanya.  Sa kanya mo malalaman ang halos lahat ng gusto ng nililigawan mo.  Kung pwede nga eh semi-ligawan mo na rin ‘yan eh.  Kahit minsan eh feeling nya kasing ganda at kasing sikat sya ng nililigawan mo kasi sya ang bespren eh.  Kung anung meron ‘yung nililigawan mo meron din sya tulad ng suklay, cologne, pamaypay, atbp.  Dapat maging close ka sa kanya dahil sya ang magsasabi ng mga gusto ng nililigawan mo.  Kelangan mong ipakita lahat ng kagandahan ng ugali mo dahil lahat ng makikita sa’yo ng bespren nya, malamang ikwekwento nya lahat ‘yan sa babae mo.  Eto share ko lang.  Napapansin ko lang dati eh ‘yung bespren pa ‘yung mas nagpapansin sa’yo na kala mo sya ‘yung nililigawan.  Kadalasan ganun ‘di ba?  Pansin ko lang.

Yan lamang ang iba sa marami pang kasama sa ligawan stage.  Makikisali lang pala ako sa sinabi ni Tem-i tungkol sa telebabad.  ‘Yung nagtuturuan kung sino unang magbababa ng telepono.  Hahahaha klasik ampucha!  Dumaan din talaga ako sa ganun eh.  Pero tingin ko ‘pag nagturuan kayo, malamang may gusto din sa’yo ‘yung babae.  Kaya good sign ‘yun hehe.  Eto pa hindi mawawala ‘to.  Malamang talaga i-leletering mo ‘yung pangalan ng nililigawan mo sa notebook, libro, o kahit sa’n mang papel.  Minsan nga kasama pa pati apelyido.  At sinusubukan mong palitan ang apelyido nya ng apelyido mo.  Haha ang baduy!

– Tikboy


Tanginang ligawan ‘yan o.  Talagang dun ko nakita ‘yung kung anu-anong kabaduyan e.  Kanya-kanyang teknik talaga eh.

Actually hindi naman talaga ligawan ang nagyayari most of the time.  Puro walang katapusang pagpapa-cute lang at pagpapanggap ang ginagawa ng mga feeling-poging lalake kapag may mga gusto silang maging syota.  May maglalagay ng gel (na tigatlong piso, ‘yung may kulay puting logo ng ulo ng tao).  Ako Suave ang gamit ko nun e, para shiny effect.  Tapos Ivory ‘yung sabon para mabango.

Nauso pa talaga ‘yung buhok na hinahati sa gitna eh.  “Biakers” ang tawag samin don.  Kapag pumunta ka sa barbero, sabihin mo lang, “Bob Cut po” at alam na niya na ang gupit mo e ‘yung may hati sa gitna at iiwanan ka ng bangs.  May halong “undercut” na rin ‘yan, para paghagod mo sa buhok mo e makikita ‘yung inahit na bahaging nakatago.  Tapos gagawin mo ‘yung move na ‘yun everytime na dadaanan mo ‘yung crush mo sa klasrum, o kahit habang nag-uusap kayo.

Lalake:  (hagod buhok) Hi Anna.  May assignment ba tayo sa Math?

Babae:  Meron.

Lalake:  Peram naman ng notbuk mo o.  (hagod buhok) Pakopya.

Patay na!  Tumeknik na!  May mga matatapang talagang hindi na dinadaan sa bespren ng babae ang pagpapapogi e.  Saka usually naman e pangit ang bespren ng babae, baka mag-feeling pa na sila ‘yung nililigawan.

Stationery.
Papel at envelope na mabango.  Ang sarap amuy-amuyin.  Kahit gaano pa kapangit ang sulat ni lalake e pilit niyang pagagandahin para umakma sa pagiging presentable ng stationery.  Susulatan niya ito ng mga mushy message na talagang nakakakilabot.  ‘Yung ibang mga matatapang naman e talagang gagawa ng tula.  Tula amputa.

Bukas na polo.
‘Yung kita ang sando.  Para makita ni babae ang payat na katawan ni lalake.  Mas machong tingnan kapag kagagaling lang niya sa paglalaro ng agawang beys tapos kapag pawis na pawis na eh dadaan-daanan niya ‘yung crush niyang nakaupo malapit sa pinaglalaruan niya para ipakita ang polong bukas.  Swabe.

Notebook ni babae.
Syempre gagamiting excuse ang pagkopya ng notes or assignment.  Tapos aamuyin pa na parang stationery ang dating.

Vandals sa CR ng lalake.
“Anna love Raymond” – tanginang ‘yan.  ‘Yung pangalan pa talaga ng babae ang nauna e, parang siya pa ‘yung may crush sa lalake!

Suave.  Pabangong hiniram kay itay.  Rubbermaid Comb.  High-cut boots.

Lalake:  Classmates, am I correct?

Classmates:  Yeees you aaaaaare!

Lalake:  Who will be the next?…  Anna.

Classmates:  Yiiiiiiheeeee!!!!

Lalake:  (iaabot ang chalk sa crush niya at hahagurin ang biakers na buhok)

– Tenco

Posted at 01:34 AM | Permalink


Comments

Islambuk (Slumbook)

Di pwedeng palagpasin ang usapang ligawan na hindi nababanggit ang tanginang islambuk na yan. Kadalasang pinagpapasahan sa school bus (service tawag namin dun – sumalangit kaluluwa mo, Mang Jude) habang papa-uwi na kayo. Shempre, kilig naman ang betlogs mo pag in-offer sa yo nung crush mo na sulatan ang slumbook nya. Ikaw naman, feeling macho, pa “hard-to-get” ka pa kukunin mo din naman. Corny ng puta! Pagdating mo naman sa kwarto, aamuy-amuyin mo yun at parang bading na uusyusohin yung mga sagot ng mga nauna sa yo. “What is Love?” , “What is your favorite movie?” Putsa, english pala ang mga tanong dito! Pagkakataon mo nang magpasikat na marunong ka ring mag-ingles! “Love is never having to say you’re sorry.” Langhiya, yun ang sinagot nung bespren niya eh. Tsaka parang sophisticated ang dating kaya yun na rin ang isasagot mo. Kamot ka pa ng ulo kasi, tangina – ano kaya ibig sabihin ng “never having to say you’re sorry”? Kumbaga, kahit na nasiko mo yung ilong niyang may hinog na pimple, huwag kang magsosorry kasi yun ang patunay na love mo nga siya? Yun na nga siguro yon! Ang bobo mo talaga.

Uusysuhin mo rin kung sino ang sinulat ng crush mo sa tanong na: “Who is your crush?” Sa isip isip mo lang, tangina, sana pangalan ko ang sinulat niya! Pero lagi kang barado dito kasi ang talagang crush niya ay si Johnny Depp at si Tom Cruise. Nampotah! Paano ka naman makaka-compete sa mga kumag na yan!

Yehey! Alam ko na! Biakers na hair-do also known as “Titi-Cut” kasi may hiwa sa gitna!

Posted by: Jay | December 20, 2006 04:44 PM


Hwekhekhekhek!!  Tama si Jay, mga tol!  Slambook..Slamdunk!

Mas appropriate kay Tenco yung term na “Titi-cut”!

Posted by: Blogerts | December 22, 2006 10:53 AM

77 comments

  1. tetet

    bilang ganti sa aliw na napapala ko sa blogs nyo, ipapangalat ko sa network ko ang site nyo. sa totoo lang i find it easier to write in english huh (modesty aside) pero dahil aliw na aliw ako senyo, eto at nanagalog ng husto ang lola nyo! hahaha!!!

  2. alasais

    @tetet:

    salamat! at ikakalat ko naman ang ganda ng lola! it’s truly heartwarming, na naaappreciate mo ang entries namin. if you or your friends have suggested topics, let us know! salamat musika.

    –tenco

  3. alasais

    atetin,

    pero sulit pa rin ang pagkakadiskubre mo. sana ay patuloy kang matuwa sa entries namin. every friday may bago. better with pandesal and hot coffee.

    -tenco

  4. lee-yow

    hahaha…

    hindi naman lagi na pangit ang bespren ng nililigawan niyo.

    minsan nga… o kadalasan pa… ang nagkakatuluyan ay ang BRIDGE at ang Manliligaw…

    natawa ako dun sa “titi-cut” haha…

    º(Θ(Ÿ)Θ)º

  5. alasais

    babyfatty,

    salamat at mukhang nagustuhan mo naman. abangan ang aming mga bagong pag-uusapan every friday.🙂

    -tenco

  6. alasais

    Huli daw man at magaling, huli pa din! Hehe joke lang Linapuhan! Madami pang dadating ‘wag kang mag-alala. Kemer-kemerlu lang yan…haha!

    Every Friday, new blogisodes!

    Tem-i of Alasais

  7. ryan bOi

    Hahaha. Ngayon ko lang na-check itong site niyo, Astig! Pwede nga bang i-repost sa site ko? For sure marami makakarelate at matutuwa dito.🙂
    Salamat!🙂

  8. Tsutsay

    waaaahhh…miss ko na yang ganyan hatid sundo,sundot hatid na yan…naalala ko nung hayskul ako..walang pasok,nakatambay ako sa harap ng bahay namen (parang guard lang)tas may nagiiskuter 2 guy biglang huminto banat ba naman, “hi patricia! di ba ikaw yung klasmeyt ko nung kinder?” aba! naalala nya pa yun? sabi ko sino ka? di kita kilala..tas sabi nya ulit “ikaw yung bungal at kulot nung bata pa tayo pero maganda cute ka naman..buti na lang gwapo kung hindi…tas sabay sabi ng may gagawin ka sa sunday? tara simba tayo!..”ok sige!” paguwi galing simbahan tanong saken, patty pwede ka ba sunduin sa iskul nyo? hala….umpisa na…

    guys natutuwa ko sa kwento nyo=)..actually nasa office ako ehehe..

  9. mikmarz

    haha.,,grabeh,,hindi pa naman ako 20 at mas lalong wala pa sa early 3o’s ang edad ko,panung ganitong-ganito ang nangyayari sa amin noon?? history repeats itself nga naman! ahhahaha.. 1st year college na ako at nakaka-relate p rin ako sa mga blogs na ginagawa ninyo..haha! sana may tungkol din sa anime hhahahhah! keep up the good work😀

  10. payat_na_bata

    waahh.. ankulit! d aman ako mxadong ng-enjoi s pgbabasa ng blogs nio? hehe..

    parang knina lan, antok na antok na ko s sobrang pagkabato.. ngaun parang nklimutan ko na ata kung anu ba ibig sbhin ng tulog. hahaha…

    nakakatuwa..! kahit sabihin mong nuknukan ng kabaduyan.. iba pa dn ung kilig. haha.. mei gmgawa dn kea ng mga gnyang moves ngaun? hehe.. panalo prn ung oldskul n lab leter at kung anik kesa s one-click instant jowa.

  11. alasais

    Grace,

    Oo gumagana pa nga yang mga da moves na yan e. Sinagot na ako ng katulong namin last week. One week na kami ang going strong. “Manang! Patimpla nga ng juice!” (Sabay kiss…)

    Tem-i of Alasais

  12. vlozty

    ang astig ng blog entry nio d2

    2 tem-i

    haha!para namang naging exchange gift ung rosas.pulang rosas pra sa natatanging hiyas ng babae!

    2 tikboy

    torpe din kasi aq.naalala q nung bertdey nung crush q.bumili aq ng teddy bear,mejo malaki pa naman yun kea lang binigay q nalang sa pamangkin ko….KATORPEHAN KASI!

    2 tenco

    haha!parang paturnoff pa yung hawi ng buhak sabay pakopya.mas maganda kung kaw magppakopya!dagdag pogi points!=D

    kip up da gud work!

    hehe. pagdasal nio narin aq na mapasagot q ung nililigawan q. Katorpehan q kasi e!!xD

  13. TunYing

    Tama kayo dyan, hindi lahat ng lalaki eh matatapang pagdating sa panliligaw, lahat dumaan sa pagka-torpe! Lalo na ako! Hehehe… Lahat ng teknik na sinabi nyo bulaklak, chocolates, tula, love letter, at stufftoys eh sinubukan ko kaso wala umepektib! Hanggang ngayon single pa ko!HAHAHA!!! Nasubukan ko na din yung maghatid ng nililigawan pauwi sa bahay, kaso napansin ko ang layo ng agwat sa akin nung babae pag naglalakad kami. Hindi ko alam kung may amoy ako o talagang ayaw nya sa akin. Pero sa tingin ko yung huli ang dahilan.>_<

  14. TunYing

    to Tenco:
    huli kong balita sa kanya eh nagtratrabaho sa ADB.. sa ortigas! Kitams! Alam na alam ko pa! hahahahaha…

  15. alasais

    Tunying at Mhey,

    Oo na, hindi na kayo talo. Ganyan kasi ang buhay, mag-asawa’y di biro starring Monching and Lotlot.

    Bukas, Buyernes, abangan ang bagong blogisode.

    Tem-i of Alasais

  16. Snowden

    Ayos.naalala ko nung mga panahong nanliligaw ako,namputa lumabas ang kak0rnihan ko,parang nabuhay si balagtas sa katauhan ko.tanda ko pa na tadtad ng sulat ang lik0d ng binder ko ng mga gust0 kong sabhin per0 ang ending pupunitin at itatap0n sa basurahan.hehe..slumb0ok?ampefe,.hiyang hiya man ako eh nagtyatyaga ak0ng basahin yan.wahaha..l0ve is many splendored things?wahaha..nung highskul may prescribed haircu kayat hindi ako makapagupit ng matin0 hindi ko tul0y mahagod pag kausap si crush..butas bulsa ko n0on.tinitipid ko all0wance ko d0on ako sa grip0 umiin0m wala ako pambili ng s0pdrinkz sayang kasi pambili ko nalang ng regal0.wahaha.per0 ang ending sinag0t niya nga ako hindi naman kami nagtagal.wahaha..langya ka inub0s m0 allowance ko!hehe

  17. alasais

    Snowden,

    Hahahaha!!! Nabuhay ba si Balagtas? Hehehe! Pasok a. Amfefe ka talaga, binubuhay mo ang marumi kong bibig, Snowden. Mas masarap naman talaga ang tubig sa gripo lalo na sa umaga dahil makukuha mo ang mga namuong lumot nung gabi.

    Tem-i of Alasais

  18. azianitsirc

    *usapang ligawan:nkk2wang balikan.
    *nung elem kc s sbrang katorpehan nya,nanay p nya ngbgay skin ng hello kitty n bag as bday gift.naloka tlga aq dun.
    *nung hyskul nmn,dhl super gus2 ng mga clasm8s nmin n mgkausap kmi nung guy,nilock kmi s 1 rum.grabe.d man lng xa ngsalita.as in d kmi ngusap.haha
    *mgkaibng tao cla.sna lng d nila maicp n cla tnu2koy q if mbsa nila 2.hehe.
    *i rily enjoyd ridng ur blogs.ASTIG!KEEP IT UP!

  19. alasais

    Azianitsirc,

    Sana sinagot mo na din yung nanay niya para dalawa ang nagbibigay sayo ng gift tuwing Balentayms. Hindi ka niya kinausap kasi, words are not enough to tell you how much he loves you.

    Mag-eenjoy ka talaga dito. Tambay ka lang dito!

    Tem-i of Alasais

  20. alasais

    azianitsirc,

    Okay ‘yung eksenang ni-lock kayo sa isang room a. Talagang nangyayari ‘to sa mga skul e.🙂 Tatakas pa kuno ‘yung babae at lalake pero hindi talaga malakas ‘yung pagtakas nila, pa-epek lang.

    Keep reading our blogs!

    – Tenco of Alasais

  21. azianitsirc

    *unga no?bkit nga b d q naicp sgutn ung nanay nya?haha
    *naicp q lng,ms msya ung mga ligawan moments nung bata kc d p tlga mrunng dumiskarte mga la2ki.la n ganu torpe.nkkmis dn.hehe

  22. alasais

    Snowden at Azianitsirc,

    Uuuuuuuuy! Yiheeeeee! Hinay hinay lang, baka magkaroon kayo ng quadruplets. Payo ko, mas masustansya ang am kesa sa cerelac.

    Father Tem-i of Alasais
    P2000 = Kasal
    P1000 = Binyag
    Libre = tule

    Tem-i of Alasais

  23. TunYing

    ahahahahaha… ok un tem-i, paglaki ng bata pwede ng tawaging AM-BOY! batang pinalaki sa AM! hahahahaha…

  24. alasais

    Tunying,

    Hahaha korekajan! Half AM-boy ako at half Carnation Evap. Nung matanda na lang kami nakabili ng Nido dahil may story book sa loob. Nidong hinahalo sa kanin…haaay…

    Tem-i of Alasais

  25. alasais

    Oo Imba! Tambay ka lang dito! May merienda pag nauna kang nakadating – ikaw nga lang ang bibili! Keep enjoying Alasais!

    Tem-i of ALasais

  26. Angee

    ako rin wala pa sa 20s pero nakakarelate din ako lalo na sa slumbook… usung uso kasi noon sa amin yan e… mga tita ko pa nga nanunukso sa kin na pasagutin ko raw ung friend ng pinsan ko na pinepair nila sa kin… aaminin ko attracted din ako sa kanya nung una…

    sayang lang my gf n siya ngaun… at d na rin kmi nagkita….

  27. alasais

    Angee,

    Uuuuyyy umamin siya.. hahaha!🙂

    Sa mga tita ni Angee, kung nababasa niyo po ito ngayon ay ipabasa niyo na rin ito sa pinsan niya para ipabasa sa kaibigan niya. Totoo po ang haka-haka.

    – Tenco

  28. adonis

    marami talagang style ang panliligaw andyan yon kunwari manghihiram ng notebook pero don iipit yon love letter,kunwari kakaibigan yon frend ng natitipuhan para magsagap ng ilang mga scoop ng gusto ni iniirog,tapos magprepresinta na makisabay don sa liligawan at ihahatid,sabay magrerecess,sabay mag aaral sa library.. hay swerte ng mga babae ang haba ng mga hair nila hahahaha ang putsa ang daming teddy bear ang nabili ko para lang ipangregalo nagbigay na ng baon si mama pero pupuntahan ko pa si papa para manghingi ulet ng baon or di kaya ako na mismo kukuha ng pera sa wallet nya hahahaha buti na lang mabait si papa…

  29. alasais

    Adonis,

    Mahilig ka palang magda-moves ha. At talagang klasik moves pa ang gamit mo. Hatid, buhat bag, buhat libro, kulang na lang buhatin mo din ang coleman mo eh! Huh? Eh talaga namang binubuhat mo ang coleman mo eh! Ano ba ‘tong sinasabi koh??!!! Nasan ako??!!!! Crispin!!

    Basili..este Tem-i of Alasais

  30. balotlot

    epal tlg…hahaha sarap ireminisce ang ligawan stage b4… mas ok skn yun.. mag creative mga kabataan, pag may crush ka kelangan eh makagawa ka ng paraan pra masagutan yung slumbook na gawa mo..to gather some informations ahhaha..

    peo now iba na tlg pti ligawan eh hi-tech.. digital… fast n furious…db db db.

  31. alasais

    Balotlot en Monching,

    Fan ka din pala ng slumbook ha? What is love? Huh? Parang mahirap…O sige, what is crush na lang. Meron na bang sex on text? Teka matutulog muna ako, kung anu ano na sinasabi ko dito eh.

    Keep enjoying Alasais Lotlot!

    Monching..este Tem-i of Alasais

  32. balotlot

    q: what is love…?
    a: uhhmm for me love is like a flying turtle..
    in short KALOKOHAN..hehehe

    mabuhay kayo… salamat sa mga blogs nio
    tem-i, tenco, tikboy

    soya..

  33. balotlot

    -tenco, tem-i, tikboy

    salamat, teka san nga pla kyo sa
    lungsod quezon hahaha…

    proud batang qc ako eh..

  34. bakuko

    MOTTO: Time is gold.

    WHO IS YOUR CRUSH? Secret.

    LIKES/DISLIKES: M2M (Many to Mention)

    WHO WAS YOUR FIRST KISS? Mother & Father.

    ahahaha… Mga linyang naging alamat.
    iba pa rin pag nasa papel yung FACEBOOK!^^

    bobcat? kimpee tawag namin dun noon..

    Classmate1: Waw! Bagong gupit! Kimpee!
    Classmate2: Hahaha.. Kimpwet!
    Ako: ULUL! :))

  35. mikoss

    hahaha. ngayon ko lang nalaman tong site niyo! pwede pwede! hahaha.. :)) ayos to! hahaha. pagkakalat ko na to! haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s