O. Dyip

Aaaaaaahh Talban! Talban! Talban!!!  Po-quia! Po-quia! Po-quia!!!  Sigaw ni Manong barker habang nakasabit siya sa Sarao na jeepney sa kahabaan ng Aurora Blvd.  “Para boss!”, sigaw ko.  Tumigil yung jeep.  Takbo ako palapit para sumakay.  Umandar bigla.  Namputa naman o!  Sa kabila na lang daw sabi ni barker, may kalaban e.  Pinakyuhan ko tuloy nang patago.  Takot ako e.  Baka tadyakan ako sa leeg.

Ang dyip ay malupet na sasakyan.  Sa sobrang lupet nito ay talagang niliteral niya ang salitang “horsepower” sa pamamagitan ng paglagay ng mga kabayo sa harapan nito.  Kung mapapansin nyo din ay nowadays, pareho na ng busina ang dyip at busina ng mga panadero sa umaga – “pupup pupup!”

Kakaiba din ang sasakyan na ito dahil kahit na nasa gilid ang upuan ng drayber ay sa gitna pa din ito pumepwesto para pantay ang pagbanking sa kanan at kaliwa habang dumadagundong sa speaker ang remix ng “Family Affair” ni Mary J. Blige featuring Ariel Rivera’s “Sana Kahit Minsan”.  San ka nakakita ng dyip na CD-rom ang gamit sa pagpapatugtog?!! Hi-tech!

Epektib din minsan ang mga kasabihan na nakasulat sa dyip na “God knows Hudas not pay!”  Kaya naman nagbabayad ako madalas dahil pag andiyan na ang bababaan ko, “batak ko, istaff nila!”  O ha?! Napakagaling din ng sasakyan na ito dahil kahit punung-puno na ang sampuan na dyip, bigla itong luluwag pagkapreno nang malupit!  Magic diba?!

Ishe-share ko sa inyo ang mga main pasaheros sa suki kong patok na dyip na biyaheng Montalban-Cubao:

1. Ang nakaputing nursing student na mala-espasol sa make-up…mistulang anghel sa loob ng isang sasakyang biyaheng impiyerno…

2. Si Aling Tetchi, and palengkerang tindera na buhat-buhat ang kanyang 3-day fresh na bituka ng baboy sa plastik bag na may red and white na stripes

3. Ang  tulog na nakapolo-barong na empleyado ng LTO, – Nakasandal ang kanyang ulo sa braso habang hawak niya ang tubo sa kisame ng dyip.  Hindi ko alam kung paano siya nakakatulog nang hindi bumibitaw sa tubo.  Oo, humihilik pa siya.

4. Ang 1st year college kong kapitbahay – Mukhang kakasimula pa lang niyang magcommute dahil ang sipag niyang mag-abot ng pamasahe ng ibang pasahero.

5.  Ang always present na manggagancho – mahilig din siyang mag-abot ng pamasahe pero this time, upang magpanggap na sa kanya galing ang bayad…yep…1-2-3.

6. Si Ate Melba, ang reklamadora ng grupo – Laging kawawa ang katabi neto dahil tiyak na makakarinig siya ng malufet na pagrereklamo tungkol sa kung anu-anong bagay, mula sa presyo ng bilihin hanggang sa boypren niyang estafador.

7. Ang matipid na nanay – Sa sobrang tipid niya ay kinakalong pa niya ang 14 years old niyang anak para isang upuan lang ang kanyang babayaran.

8. Ang binatilyong panay ang text – Pang walong selpon na niya ito.

9. Ang concerned citizen – Siya ang laging nangunguna sa pagbaba ng tarapal tuwing umuulan.  Salamat sayo pare.

10. Si Lito Lipat – Sa tuwing bababa yung pasahero sa harap ng dyip, iisa lang ang linya ni Lito, “Ma, sandale, lipat lang ako diyan.”

Iilan lamang ito sa mga personalidad sa sinasakyan kong patokerts.

Madami pang pwedeng pag-usapan tungkol sa malufet na sasakyan na ito.  Pero may isa akong katanungan na hanggang ngayon ay hindi ko pa din sigurado ang sagot.  Namatay ba talaga si Ben Tisoy nung sumabit siya sa dyip?

–Tem-i


Eto ang pambansang sasakyan ng Pilipinas. Halos kalahati ng mga sasakyan sa kalsada e dyip ang makikita mo. Paano na lang tayong mga Pinoy kung walang dyip? Ewan ko lang kung gumalaw pa ang Pinas kung wala ‘tong sasakyan na ‘to. Kahit eto ang isa sa mga dahilan ng pagtratrapik e da best pa rin ‘to.

Iba’t-iba ang haba nito, depende siguro sa budget ng drayber o kung sino mang magpapagawa ng dyip pero mas humahaba pa ‘to kapag sinasakyan na ng mga pasahero. Ang walohan na upuan e nagiging siyaman at ang siyaman e nagiging sampuan. Basta kung ano ang totong bilang ng pasaherong magkakasya dito e nadadagdagan ng isa. Kaya kung ikaw ang huling sasakay dito e kapiranggot ng pisngi ng puwet mo lang ang lalapat sa upuan. Aasa ka talaga sa kapitan sa kisame para hindi ka mahulog sa sahig. May iba’t-ibang busina rin ang mga dyip. Meron ‘yung parang potpot ng naglalako ng pandesal at ‘yung parang bumabaril na “laser gun”. Meron rin ‘yung businang nagsasalita na hindi mo minsan maintindihan ‘yung sinasabi. Pero ang pinakasikat na siguro e ‘yung businang tumatawa. ‘Yung tawa na parang nang-aasar na nababaliw na bakla.

Pagdating naman sa panlabas na kaanyuan ng mga dyip e may kanya-kanyang estilo rin. Syempre ang klasik na mga kabayo sa ibabaw ng hood. Meron rin namang torotot at minsan kung medyo moderno ang estilo e boomerang ang nakalagay sa ibabaw. Lahat rin ng dyip e may malaking plaka sa ibabaw ng salamin sa unahan. Kadalasang nakalagay dito e mga lettering ng pangalan tulad ng Jayson, Anna, Marie at kung ano pang mga sikat na pangalan. Ewan ko lang kung sino ba sila sa buhay ng drayber. Malamang e kapamilya nila ang mga pangalan na ‘yan. Minsan pa nga e tatlong pangalan pa ang nakalagay tulad ng Michael, Michelle, Marie. Pangalan siguro ng mga anak ng drayber ‘yan. May mga dyip naman na napakaraming antena ang nakakabit tapos may mga bandiritas sa dulo na kapag mabilis ang takbo e sumasabay talaga sa hangin ang mga ito. Kadalasan sa drayber ng mga ganyang dyip e bata pa. Marami pang iba’t-ibang disenyo ang mga dyip at sina Tem-i at Tenco na siguro ang magdadagdag dyan.

Sa loob naman ng dyip e may mga nakasulat sa sticker o plakang nakasabit tulad ng “Barya lang po sa umaga”.  Lahat ng pinoy nakita na ‘yan. Meron namang mga palabirong drayber na naglalagay ng “Miss, gusto ko sanang malaman ang pangalan mo ngunit ako’y abala sa pagmamaneho”. Meron ring pinapatamaan ang mga hindi nagbabayad at nakalagay e “God knows HUDAS not pay”. Kaya kapag hindi ka nagbayad e hudas ka.  Meron ring semi hi-tech na dyip na may tali sa kisame at hahatakin mo lang ‘yun kapag bababa ka na. Kapag hinatak mo ‘yun e may iilaw na kulay pula sa harap ng drayber at senyales yun na may bababa. Meron pa ngang depindot e, maraming mga “buttons” na nakalagay sa kisame at pipindutin mo lang ‘yun kapag bababa ka na.

Talakayin naman natin ang mga pasahero ng dyip. Shempre panalo kapag may chicks na sumakay sa dyip. Lalo na’t hindi ganoon kataas ang posibilidad na may chicks na sasakay ng dyip. Pero eto ang kapalit niyan, kadalasan sa mga magagandang dilag na sumasakay e nagiging bingi at bulag kapag may nag-aabot ng bayad sa kanya. Hindi lang rin naman maganda, basta babaeng medyo may porma o kaya naman nakapang-opisina na kasuotan e kadalasan talaga hindi nag-aabot ng bayad. Kaya mag-abot ka lang ng bayad sa lalake o kaya nanay. Malamang iaabot nila bayad mo. Ang isa pang hasel e ‘yung mga hindi marunong umupo ng diretso. Halos mahuhulog ka na nga sa upuan mo e may makikita ka pang babae na nakagilid ang upo o kaya naman lalakeng sobra kung makabukaka na kala mo mababasag ang itlog nya kapag sinara ang hita. Marami pang matatalakay sa dyip at sina Tem-i at Tenco na ang bahala dyan.

–Tikboy

Hahaha! Talagang hindi lang kabayo ang nasa unahang parte ng jeep e noh? Oo nga, tama si Tikboy, boomerang! Ang lupit talagang napansin mo ‘yun!

Ang kumpul-kumpol na dyip sa isang maingay na umaga–‘yan ang almusal ko pagpasok sa iskul noong araw. Sandamakmak na mga tao. Barker na may kani-kaniyang talent sa pagtawag ng mga pasahero.

“Bayan-Bayan-Bayan!”

“Aaaaalabalabalabalabalabang!”

“Ta Cruz-Ta Cruz-Ta Cruz! (Sta. Cruz)”

“Larte-Larte! (LRT)”

“Munyuz-Munyuz!”

Dyip pa rin ang hari ng lansangan, kahit itanong mo pa sa aleng parating may dalang bayong. Ito ang pambansang sasakyan, isama mo na ang bidang mamang drayber na patagilid kung umupo dahil masikip ang pagitan ng manobela at sandalan ng upuan (talagang hindi kasya).

Si mamang drayber ay may baong Good Morning Towel, o minsan, ‘yung tig-pipisong basahang binibili niya nang patumpok sa matabang aleng naglalako. Ang dala niyang mineral water ay may dual purpose: iinuman niya kapag nauhaw, o ilalagay niya sa radiator ng dyip niya. Resourceful! May mga drayber na isinasama ang mga syota nila sa biyahe, kung ‘di naman ay ang mag-ina niyang tagakuha ng bayad. Magagaling silang magmaneho, halos pumapalo ng 100kph ang speedometer nila (hindi gumagana) sa bilis ng pagpapatakbo nang hindi nabubunggo.

Okay, ang mga pamasahero—mga pasaherong taga-abot ng pamasahe. Sabi ni tikboy, ‘yung mga empleyadong naka-uniform ang hindi nag-aabot ng bayad. Oo nga, nakakainis sila, sarap putulan ng takong. Minsan naman, ‘yung mga matatandang nakakapikon ang itsura ang hindi nag-aabot ng bayad. Kaya lalo akong napipikon e.

Tawang-tawa ako sa types of pasaheros ni Tem-i. Bwahahahaha! Isama na natin ang mga:

– Mag-syotang pda na parang nasa love bus lang (alam mo na kung saan sila bababa)

– Lalaking papunta sa Recto na may bitbit na mahabang bakal. Syempre magiging instant aisle ang dala-dala niya pagsakay sa dyip

– Lalaking may dalang manok panabong

– Babaeng hindi nursing student pero daig pa ang artista sa kapal ng makeup sa mukha. Madalas naka-palda.

– Magkapatid na batang estudyanteng daig pa ang working class sa layo ng biyahe papuntang iskul

– Mamang lasing na galing sa magdamagang inuman (at talagang makakauwi siya mag-isa. Galing!)

“Ma bayad ho.”

“Saan ‘to?”

“Diyan lang.” (tinamaan ng magaling)

Gusto ko ang dyip na parang disco ang loob. May ilaw na pumapatay-sindi sa itaas at may mga maliliit pang ilaw sa magkabilang gilid. Tapos, bumabayo ang speaker sa ilalim ng upuan sa saliw ng mga underground Pinoy hip-hop, o ‘di kaya e kundimang remixed with hip-hop. Sa sobrang lakas e hindi na kayo magkkarinigan sa loob, pero himalang dinig na dinig ng drayber ang sinasabi ng pasahero sa pinakalikod.

–Tenco

46 comments

  1. alasais

    Kung ikaw ay natatakot, sumakay ka lang sa may dulo para madaling tumakas kapag nagkagulo.

    Syet ang galing ko mag-rhyme…

    Tem-i of Alasais

  2. Jes

    Masaya sumakay ng dyip, sa totoo lang. Mas pipiliin kong sumakay sa dyip kesa sa FX kung kasiyahan lamang ibabatay at siyempre sa pamasahe. Hahaha. Wala lang.

    Galing nito! Saya basahin.😀

  3. alasais

    Jes,

    Sang-ayon ako sa ‘yo. Mas masarap talaga ang dyip dahil lumalabas ang totoong kulay ng tao kapag pinapawisan.

    Enjoy our new blogs every Friday!

    Tem-i

  4. Jhaynee

    meron sa’min na ang busina na ng jip, parang baklang tumatawa. meron ring isang jip na pwedeng pumili ng trip niyang busina.. adik di ba?

    nahingal ako kakabasa ng blog mo!!!

    salamat pala sa pagdaan sa blog ko..

    nagustohan ko nga talaga..

    ingatz

  5. alasais

    Ralph, salamat sa pagbabasa. Enjoy kami tuwing may nag-eenjoy sa blogs namin. Keep reading our weekly blogs. They come out every Friday.

    Salamas!

    Tem-i of Alasais

  6. alasais

    Jhaynee,

    Salamat sa pagbasa! Ang busina ng baklang tumatawa ang bumubuo sa araw ko. Ahahahahahaaaaay!

    Tem-i of Alasais

  7. akosiikay

    nakakamiss ang dyip…natatanging pilipinas lng kc ang ngkalat ang dyip sa daan…nakakamiss ang pghampas ng hangin buhat sa may bintana ng dyip..d tulad ng mga bus d2 sa abroad n nka aircon nga nakngputcha nman ang amoy ng mga arabo at indyanong nkasakay.

  8. alien

    …i guess you can never call yourself a filipino unless you have a ridden a jeep! agree?
    jeepneys nowadays are so high-tech. once may nakita akong jeep na hindi CD-rom yung gamit niya para magpatug-tog but an “iPod”… beat that! lol
    btw, nice post…

  9. alasais

    Agree ako sa yo Alien. Ipod? Malamang remix pa din ng “Family Affair” ang patugtog featuring Haji Alejandro.

    Tem-i

  10. batopik

    hahahaha!!! =P ako natutulog sa jeep. enjoy kasi. haha. ewan ko ba sa sarili ko… hehehe..

    grabe! natawa naman ako dun sa 1st year college na mukhang perstaym lang nakasakay kasi panay ang abot ng bayad. hahahaha!!! =P parang ako lang ah. hahahaha!!! dikaya ako yung kapitbahay niyo? hahaha! pero 2nd year na ako eh. haha. sorry naman. hndi pala ako un. hakhak. andaldal ko na naman. toinks! =P

    hakhak! aliw talaga itong alasais. :]
    Mabuhay kayong tatlo.
    Magkwento lang kayo.
    Benta sakin ito. woooooh!!!
    hehehe..

  11. alasais

    Sige lang batopik! Itawa mo lang yan! Masaya kami na nagugustuhan mong basahin ito. Inabot mo nga ata dati ang bayad ko, baka hindi mo lang naalala.

    Every Friday, may bago kaming blog. Kung may gusto kang topic na pag-usapan, sabihin mo lang sa amin at pag-uusapan natin dito.

    Tuloy lang ang ka-adikan!

    -Tem-i of Alasais

  12. peachamomile

    Asteeg! Hari ng Lansangan kung tawagin ang mga ito dahil na rin sa dami nila sa kalye.

    Tuwing umaga ay sobrang ingay at tuwing sa gabi naman ay matutulin kung tumakbo. Yan ang dyipni! Onli in da Philippines lang matatagpuan!

    Salamat sa pagdaan sa blog ko ha!

  13. babyfatty

    sa dameng beses kong sumakay ng jeep sa tanang buhay ko masasabi kong madame na akong naranasan, andyan yung tipong nagmamadali ka sa pagpasok pero si manong driver naman parang karo ng patay ang andar at syempre kung may mala karo ng patay ang andar ng jeep meron ding byaheng sementeryo… yung tipong hinde na kayo bibigyan ng pagkakataong maospital kasi libing agad ang abot nyo. nga pala tama ang sabi ni tem-i, ang jeep lang ata talaga ang sasakyan sa mundo na pedeng umupo ang madameng tao kahit kapirasong pwet lang ang nakaupo kaso ang ipinagpuputok ng butche ko sa parteng ito ay bakit pareho pa rin ang bayad sa pamasahe eh hinde ka na nga nakaupo.haha
    mapunta naman tayo sa mga pasahero ng jeep, 1.stuyante- ginagawa nilang classroom ang jeep akala mo masipag mag-aral kasi hanggang jeep nagbabasa pero wala ka noon lang nya babasahin yung dapat binasa na nya noong gabi pa lang. 2. mga babaeng long hair- wala namang kaso kung long hair ka kaso ang masama ay kung tumatakbo na yung jeep tapos yung long hair mo ay hinde nakatali at napupunta at tumatama sa mukha ng tao sa likod mo. paalala: masakit makatama ang buhok, hmp. 3. mga studyante pa rin at mga mag officemate- sila yung mga taong makaasta ay parang arkilado nila ang buong jeep, sa sobrang pagka at home ng usapan nila tipong kahit ayaw mong makinig ay no choice kasi mukang ipinagsisigawan pa nila ang chismis at sa huli makikitawa ka na rin. 4.mag syota- sila naman yung maka pag pda akala mo konti lang tao sa paligid nila at ang mga posisyon ba naman akala mo mawawala ang isa’t-isa pagbuhulin ko kaya sila. 5.mga miyembro ng 1,2,3 takbo- sila yung ang lakas ng loob sumakay ng jeep at take note malayuang byahe pa ang trip pero wala silang pambayad mabilis pa sa alas kwatro nakasibat na sila at me take home pang cellphone o wallet pag sinuswerte.haha
    o ayan na lang muna saka na ulet yung iba pag sinipag…

  14. alasais

    Korek ka jan, Babyfatty! Yang mga nanlalatigo ng buhok nila sa umaga at mga nagrereview na yan, nakooow! Minsan nga pati ako napabasa na din e. Sabi ko tuloy isang araw dun sa babaeng nagbabasa ng textbook nya, “Huy, Ale, next page na!”

    Thanks for sharing Babyfatty! Sarap basahin ng mga comments mo. Keep ’em coming uke?

    Love,
    Tem-i of Alasais

  15. alasais

    babyfatty,

    haha! naiimagine ko ‘yung mga pinagsusulat mo habang binabasa ko!🙂 haha natawa ako run sa eksenang nakikitawa ka na rin sa kwentuhan ng iba, talagang totoong nangyayari ‘yung ganun eh! galing!

    -tenco

  16. linapuhan

    gusto ko rin ng jeep na malakas ang music na may konduktor at driver na supersensitive sa mga ultrasonic na boses ng nagpaparang mga pasahero. whaha

  17. grasi

    noong college kami, 5 kaming package deal (di pwede mahiwa-hiwalay dahil di gagana ang isa). pagsakay sa jeep may isang mangongolekta ng bayad. paniguradong di yun magbabayad. lalo pa’t barya ang bayad ng lahat at trusting si manong drayber. (ice, nasan ka man, magbayad ka naman sa jeep utang na loob working class na tayo)

    “drayber: ilan dito sa 10?
    grasi: aba eh kung kaya ho ng dalawa, eh di dalawa”

  18. alasais

    Grasi,

    Ice daw! Nasan ka man, andun ka! Ang kelangan diyan e yung kunduktor na nakaupo kasama ang mga pasahero. Spy-sahero

    Keep supporting Alasais!

    Fridays, new blogisodes!

    Tem-i ofAlasais

  19. alasais

    Anakngpating,

    Anak ng pating ka talaga! Salamat naman sa papuri, nakakalaki ng ilog! Anyway, I really hope you enjoy it and keep supporting Alasais. Kung may mga suggested topics ka, feel free to let us know.

    Salamat, salamat musika!

    Tem-i of Alasais

  20. pilya'tpasaway

    naku, dahil wala kaming kotse, nakalakhan kong magcommute.😀

    at sa jeepney experiences ko, ang pinakaayoko sa lahat: ang mga ate na walang ginawa kundi dumakdak ng dumakdak, hindi pa magaabot ng bayad… nahihilo ako sa kadadaldal nila.😀 eh magkapitbahay lang naman sila!!!😄

  21. alasais

    Aiweenee,

    Hehe..Akala mo matagal nang hindi nagkita eh no? May ganyang mga ale talaga sa dyip. Minsan parang gusto mo nang salpakan ng tarapal yung mga bibig e no?

    Keep enjoying Alasais!

    Tem-i of Alasais

  22. almariza

    jeep na ata ang buhay ko pag pasok sa araw araw.😀
    minsan nakikipagtalo pa kame sa jeepney driver tuwing humihingi kame ng student’s discount kasi hindi naman daw kame naka-uniform.haha. e wala talgaga kameng uniform :))
    hay buhay.kamusta kaya ang UP pag walang jeep😀

  23. reeyah

    late na pero share ko pa rin.

    dati nung college may sosyalera kaming kabarkada na hindi marunong sumakay ng jeep tapos nagpaturo sya. edi sinakay namin. wala pang laman yung jeep. pagkaupo ni mare ay nakacross legs sabay nakaupo din ang bag. tapos nung may pumasok, inabot sa kanya yung bayad. tapos hinawakan lang nya yung barya sabay tanong samin, “anong gagawin ko dito? akin na ba to?” hahaha. sabi namin ibigay sa driver. keri naman. natuto naman sya, pero naver na syang sumakay ulit lol.

    tapos sa trabaho naman. may sosyalera din kaming officemate. bago lang sya, fresh grad. nung uwian, susunduin daw sya ng boyfriend nya pero late yung bf so niyaya namin pumunta somewhere muna. sabi namin “magcocommute lang kami ha.” biglang ayaw nung girl, sabi nya pinagbawalan daw sya ng bf (pero sabi nung bf pag dating buti daw nagcommute sya haha). anyway. sumabay na rin samin sya eventually.

    pagkasakay, may nag-aabot din ng bayad. wala ni isa sa aming kasama nya ang kumuha ng bayad. sabi namin sa kanya, “kunin mo.” kinuha nya. tumawa sya. “and then what?” sabay giggle. sabihin mo, “bayad po” tapos ibigay sa driver, yun ang sabi namin. tawa nang tawa si newbie. kinalabit si manong sabay sabi, “manowng, hee hee, excuse me, po. hee hee, bayad po.” tapos the whole time tawa lang nang tawa.

    hay. yun lang. never na rin syang sumakay ng jeep after.

  24. alasais

    Reeyah,

    Nakakaaliw nga naman panoorin mag-jip ang mga hindi marunong mag-jip no? Sana pinasabit nyo na rin para kumpleto ang kanilang experience. Pasok ang mga comments mo. Hehehe! Keep ’em coming.

    Tem-i of Alasais

  25. alasais

    Ria,

    Talagang meron pa rin palang hindi marunong maging pasahero ng dyip e noh. Naalala ko tuloy ‘yung driver ng dyip na sasakyan ko dapat dati, hindi pala marunong magdrive.

    – Tenco

  26. mars

    speaking of U.P.,nung unang lapat ng mga paa ko sa unibersidad na yan, kala ko LIBRE ang dyip na may signboard na U.P IKOT. Kala ko ililibot ka sa U.P. Parang TOUR,ganun!hahaha

  27. Snowden

    Nice p0st..hasselicious lang tlaga minsan sumakay ng jeep per0 keri lang dahil tipid sa pamasahe..natry ko minsan nung sumakay ako medyo pun0 na yung jeep,anak ng tokwa wala manlang nagabalang umus0d para makaup0 ako.kaya ang ending sa lik0d ako ng driver umup0.anim0y c0-pil0t ako,yun nga lang taga ab0t ng pamasahe at taga sabi sa driver kung may bababa,hasselicious talaga,ganda din yung jeep na may salamin sa kisame.hehe.para ka lang nasa m0tel..haha.

    P.s
    Napano0d ko yung m0vie ni ben tis0y na sumabit siya sa jeep.paki update naman ako kung what happened next?ahahahay anu ba naman!lol

  28. alasais

    Snowden,

    Patok talaga ang mga dyip na may salamin sa kisame dahil instant boso sa katabi mong nanay na naka-duster at walang bra at ang kanyang yoga flame ay pwede nang isampay sa balikat sa sobrang laki at lawlaw.

    Para boss!

    Tem-i of Alasais

  29. balotlot

    dyip.. the best peo aamin ako..
    during hayskul days eh nkapag try na ako mag 1-2-3
    byaheng pantranco-roces hahaha… peace mga katotong drayber…

    peo hate na hate ko lng eh pag sumasakay ka ng dyip tpos nasaktuhan mo na may isang pasahero na uber lakas ng putok.. kahilo ever tlg…

    peo mas ok pa kht pano mga amoy ng mga pinoy or pinay na may putok… kc d2 sa abu dhabi.. naku talamak mababahong tao “special mention mga pakistani at indian” buti na lng nasanay na ilong ko jan sa pinas so konting adjustment n lng ginawa ko.. peo badtrip tlg.. pakshit ang babaho nila… ^-^

  30. alasais

    Valdo!

    Bwahahahaha!!! Hindi ko alam kung saan Pare eh. Itanong mo sa mga drayber na biyaheng Montalban dahil laganap ang ganyang tunog don!

    Tem-i of Alasais

  31. Abu Sayad

    wohoo patok na galing montalban lol yan ang tunay na horsepower! with matching wicked snake-driving skills! LOL. talban! talban! lol. yung patok na “Kiss” yung may art na anime/hentai girl sa gilid LOL… inisip ko lang tangna ung mga un, may mga maliliit na bata sa kalye din.. LOL. anyway napansin nyo ba ung mga busina na hayop ang mga tunog? Tem-i yung snatcher sa jeep pa! di mo nailagay ata.. yung pasimpleng nkaupo at nakasadal ang mga siko sa bar ng bintana habang di mo na mamalayan kumakalawit na pala ang daliri sa panlikod mong bulsa… tangna yung mga un. naalala ko noon (sa Marikina ito) naikwento ng klasmeyt ko naabutan nyang eksena sa kalsada abt sa holdaper na ngholdap sa jeep kaso tatanga tanga pag labas nya sinipa sya ng isa sa mga pasahero hanggang sa kinuyog sya, ang isa pang katangahan nya malapit lang sa police station kya dineretso nlang sya dun.. isang kanto lang e..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s