38. Lavavo

Tuesday.  9:47 nang gabi.  Habang patalastas ng Maricel Drama Special.  (Tangina amputi ni Maria!)

Deretso ako sa may kusina – hindi sa kalan, hindi sa ref kundi sa lababo.

Nag-iisa ang lababo namin sa bahay.  Wala kaming lababo sa banyo.  Ay actually meron pero hindi gumagana kaya pinaglagyan na lang siya ng mga shampoo at conditioner na hindi na ginagamit pero hindi pa naman talaga ubos.  Tsaka wala palang tubo sa ilalim nung lababo sa banyo kaya kapag ginamit yun, eh tuluy tuloy lang ang tubig sa sahig.  Kaya isa lang ang lababo namin – sa kusina lang.

Bale siyempre, may gripo sa gitnang harap – kalawanging gripo na may goma pang nakatali para hindi sumirit ang tubig habang nakapatay.  Sa may sulok ng lababo ay dun nakalagay ang isang manipis at paubos nang Safeguard green.  Sa tabi ng Safeguard ay may malaki at bumubula pang Likas Papaya dahil kakatapos lang din maghilamos ng Ate…este…Kuya ko.  At sa tabi naman ng Likas Papaya ang walang kamatayang Perla ni Tita na gamit niya panlaba ng panty niya sabay hilamos pagkatapos.  2 in 1!

Nasa kabilang sulok naman ang basong punung puno ng tutbras.  Lima lang kami sa bahay pero  bakit sampu yung tutbras sa baso?!!!  Pati yung toothpaste, it’s either nakabukas at may nakalabas na toothpaste, nakapindot sa gitna at kung anu-ano pang kabobohan sa toothpaste.

Isang araw, barado yung inodoro namin.  Hindi pwedeng umihi (Bawal Umehi, Maholi Bogbog), hindi pwedeng tumae.  Magaling naman ako magtiis kaya umakyat muna ako at naglaro ng panadero-panaderuhan.  Kaya hinimas ko ang spanish bread.

Pagkatapos ko magmasa ng spanish bread ay bumaba ulit ako para maghugas ng kamay.  Maduming laro ang panadero-panaderuhan eh.  Pagdating ko sa may lababo ay may naamoy akong mapanghi.  Paglingon ko sa may sala ay nakangiting nakatingin sa akin yung Kuya ko.  Sabay paglingon ko sa lababo ay may manilaw-nilaw na tubig na unti unting umiikot papasok sa drain.  Tanginang yan.  Bwiset ampongala-ngala.

Kuya:  “Buti nga hindi ako tumae eh…”

– Tem-i


Lababo—ito ang isa sa mga parte ng bahay na parating busy.  Maghuhugas ka ba ng kamay?  Doon sa lababo.  Maghuhugas ka ba ng pinggan?  Sa lababo.  E toothbrush?  Doon, sa lababo, sa may kusina.  Magsisinga ka ba ng sipon?  O diyan nalang sa lababo.  Pwede ka ring maglaba diyan.  Kaya nga may pantakip sa butas ‘yan e.  Magsasaing ka na ba?  Lagyan mo muna ng tubig galing sa gripo ng lababo.  Haha umihi ba ang kuya mo Tem-i?  Pwede ‘yun a!

Hindi ko abot dati ang lababo.  Kailangan pa ‘kong tumuntong sa upuan para maabot ang hawakan.  Klasik na gripo pa lang ang gamit namin noon.  Pihit pakaliwa, daloy ang tubig, kuha ng sabon, hugas, sarado.  Routine na ‘yan.  Isa ‘yan sa mga automatic na ginagawa natin sa pang-araw-araw.  Dito tayo natutong mag-sepilyo.  Dito natin naranasan ang buwisit na paghuhugas ng pinggan na ‘yan kaya hindi natin mapanood ang paborito nating palabas.  Nabarado na rin natin ‘to dahil hindi pa talaga tayo masyadong marunong maghugas ng pinagkainan noon.  Malamang e may mga nabasag na tayong mga baso dahil dumudulas minsan sa kalagitnaan ng paghuhugas.

Na-miss ko ‘yung lababo namin dati a.  May Safeguard na kulay Beige sa bandang kanan.  May mga pinigang basahan sa bandang kaliwa.  Nakadikit sa pader sa itaas ng gripo ang lalagyan ng mga toothbush.  May katyang nakapulupot sa bunganga ng gripo pa raw ma-filter ‘yung duming lumalabas.  Minsan e natatanggal ‘yung pihitan ng gripo, kung hindi naman e lumuluwag kaya tuluy-tuloy ang daloy ng tubig.  May bakas pa ng pinaggamitang toothpaste.

Minsan ko nang nakursunadahang hugasan ang lahat ng pinggan at kutsara’t tinidor at baso namin.  Syempre pinagalitan ako dahil apat lang kaming kumain nun pero kalahating oras akong nakatambay sa may lababo.  Masarap ding maglaro ng tau-tauhan dito kase may kunwaring tornadong hihigop sa mga tau-tauhan mo.  Dinadala ko rin ‘yung pusa namin diyan tapos bigla kong bubuksan ‘yung gripo.  Syempre magugulat ‘yung pusa tapos tatalun-talon siya sa mga pinggan namen hanggang sa magkanda-basag-basag na.  Panalo rin kapag may water gun ka tapos sa lababo ka maglalagay ng tubig, sabay asinta kay manang habang naglalaba.

Kinalaunan e nag-evolve na ang itsura ng mga lababo.  Nagkaroon na ‘to ng maliit na shower sa tabi ng gripo.  Para saan ba ‘yun?  Dalawa na rin ang pihitan pero isa lang talaga ang tipikal na nagagamit—‘yung kanang hawakan.  Mahaba na ang itsura ng gripo.  Pero wala pa ring tatalo sa lababong yari sa tiles at may goma ang gripo dahil maluwag na.

– Tenco


Ang lababo namin eh yung klasik na white square tiles at bronze na gripo. Tapos mga lima sa maraming tiles na yun eh may naka-pintang prutas. Yun na ang design ng lababo, ang limang tiles na may naka-pintang prutas. Puchang design yan!

Ang palaging dumudumi sa lalabo eh yung mga singit-singit ng tiles. Yung parang “lining” niya. Naninilaw yun eh tapos mangingitim. Magaling rin kasi naka-isip ng materyales na tiles. Parang hindi kasi dumudumi ‘to eh. Parang hirap na hirap ang mga dumi na kumapit dito kaya parang ang linis palagi tignan. Kung may matapon man dito, isang punas mo lang tanggal agad at malinis na ulit. Swabeng materyales eh.

Ang lababo ang isa sa pinaka-mahalagang parte sa bahay natin. Dito naghuhugas ng pinggan, naghuhugas ng bigas, naghuhugas ng kamay, nagsisipilyo, naglalaba ng mga brief at panty at nagiging emergency CR din ‘to. Iisa lang syempre banyo namin kaya kapag may gumagamit ng banyo tapos ihing-ihi ka na, lababo is the answer! Lalo na nung bata pa ko. Binubuhat pa talaga ko ng nanay ko para makatungtong sa ibabaw ng lababo at pssssssssssss…solb!

At syempre sa gripo sa lababo rin kami kumukuha ng inumin. Dati safe na safe uminom dito eh pero ngayon parang wala nang gumagawa nito kasi parang hindi na mapagkakatiwalaan ang tubig sa gripo. Dami tuloy nagsulputan na mga bilihan ng galon-galon na mineral water. Dati nilalagyan lang namin ng tela ang labasan ng tubig sa gripo at itatali ng goma para hindi matanggal. Yun na ang magsisilbing water purifier namin, ang isang kapiranggot na telang yun.

Kapag matagal akong nakatapat sa lababo namin, isa lang ibig sabihin nun. Pinaghugas ako ng pinggan ng nanay ko! Bwiset! Binibilisan ko talaga ang paghuhugas at hindi ko pinapatay ang gripo. Tuloy-tuloy lang ang daloy ng tubig para mas mabilis. Alam kong ginawa niyo rin yun at ilang beses kayong nasabihan ng nanay niyo na patayin niyo muna ang gripo.

Tiknay: Tikboy! Bakit naririnig kong bukas agad ang gripo diyan?! Patayin mo muna!

Tikboy: Hindi, nay! Umihi lang ako!

– Tikboy

23 comments

  1. esminitboy

    base ulit!

    hehe ang lababo bow. tem-i, di lang kuya mo ang nakagawang umihi sa lababo. pati tatay ko. diring-diri nga ako e kasi para sakin, ang lababo ay para sa plato. e kainan un di ba, kaya nakakadiring isipin na naihian pati ang plato.

    klasik din yung nilalagyan ng goma yung gripo. ewan ko ba naman kung naghihirap na ba talaga kami at di na maka-afford bumili ng bagong gripo kaya kailangan laging may handy-dandy goma palagi na nakapulupot sa gripo namin. taon na kaya binilang na laging ganun na lang ang eksena sa lababo namin. buti nga di marunong magtampo ang mga gripo.

    a basta ang lababo…ay sagrado…amen!

  2. gnew

    sagrado talaga ang lababo… agree ako dun.. pero nde ko maikakaila na nagawa ko na din ang kahindik hindik na pag ihi sa lababo.. hehehehe… laseng… pero kung lababo ang pinag uusapan.. ewan ko kung ako lang ang ganito pero gusto ko lagi tuyo ung lababo.. parang ang dumi dumi kase pag basa.. ewan ko ba.. pag nag huhugas ako ng plato.. or kahit maghuhugas lang ng kamay lagi kong pupunasan lahat ng basang parte para matuyo… nde ko iniiwan ng basa.. yung maliit na shower sa mga bago ngayon eh dba nahahatak un.. para maitutok mo sa parte ng hinuhugasan mo na hindi mo maitapat sa gripo.. pero kung ang tinutukoy mo eh ung hindi nahahatak eh para sa dishwasher un… pag mag drain na ung dishwasher mo lalabas na ung tubig dun… un ang alam ko… kung mali sorry hehehehe…

  3. alasais

    Weng,

    Hindi ko alam na may maliit shower palang hindi nahahatak. Salamat sa impormasyon kaibigan. Nakakapagod magpunas kung maraming naghuhugas ah.

    – Tenco

  4. gnew

    nalala ko din.. hehe dun ako nag se-semi-ligo… magbabasa lang ako ng ulo… tapos punas ng tuwalya… tapos punas ng maliit na twalya sa katawan hahahhaa… oh lababo… pati sa pagsusuka kapag laseng na laseng ka na… dun sa lababo.. nde na maka abot sa inidoro… yung maliit na twalya yung square.. ano ba talaga tawag dun.. lumaki kase ako ang tawag namin dun labakara.. sa iba naman naririnig ko bimpo.. tapos ung iba naman dimpo… hehehehe

  5. gnew

    amp.. may bimpo palang post na… nde kase nagbabasa eh.. hahaha.. minus 1 ako dun ah.. baka mailista ang pangalan ko sa blackboard.. not reading posts.. hehehe

  6. lovely

    haha naalala ko lagi na lang kaming nag tuturuan ng mga kapatid ko sa pag hugas ng pinggan eehe..
    at isa lang ang di pwedeng gawin sa lababo noon..
    ang umuhi sa lababo kasi nagagalit ang nanay ko ehhe..

  7. superlolongpinoy

    Naalala ko ang lababo ng Lola ko sa Maynila, ang tawag yata ay bangerahan. Lumang bahay ito kaya open lang parang bintana na nilagyan ng lababo sa gilid ng bahay, na may lalagyan ng mga pinggan, baso, kaldero at yun nga may isang gripo. Yari sa yero at kahoy ang bangerahan. Maaliwalas ang hangin galing sa may lababo(bangerahan) at nakatapat ito sa mesa ng kainan.Kapag gabi na isinasara na parang bintana ito, safe naman ito kasi nasa second floor ito, dahil lumang bahay nga ito, mataas ang second floor, parang third floor na sa bago.

  8. grasi

    nung bata kami, toka toka ang pag huhugas ng plato. di pwede sumablay kase papaliguan ka sa sermon. kaya basta nakaharap na ko sa lababo parang nakakadepress kase ung mga kapatid ko naglalaro na eh ako nagkukuskos pa ng plato at mga kawali. di pa naman uso nun ang dishwashing liquid. at alam na alam mo kung sino naghugas ng plato dahil basa ang harapan ng baro. kala mo sumali sa wet t-shirt contest😛

    tanda ko naman ung lababo ng mga lolo ko sa probinsya, gawa sa kawayan. at may mga manok na aalialigid lagi na kumakain ng natatapon na kanin.

    neybor kid: lolo, anong english ng lababo?
    (isip si lolo)
    lolo: ah.. lababs!

  9. alasais

    Grasi,

    Hahaha! Pasok ‘yang istayl ng mga matatandang naglalagay ng ‘s’ kapag ini-english ‘yung salita, hehe! Huling-huli mo ang pakiramdam a–‘nakakadepress’. Oo totoo ‘yan. Basta matapat ka lang sa lababo bago maghugas e ‘yan na ang mararamdaman mo. How automatic.

    – Tenco

  10. lev

    natatandaan ko lababo namin, laging binabrush ng nanay ko ng zonrox kasi nangingitim na..dami ng nakakapit na lumot…hahaha..dun din minsan umiihi ang mga kapatid kong lalaki..kadiri talaga..minsan pag lasing dun na rin sumusuka..hahaha..at yung gripo namin ang dalas masira ng sapatilya, dun pa kami bumibili kila aling ide ng tig sisingkwentang sapatilya..hahaha

  11. eboy

    haha..astig mga lababo nyo mga tiles..kami ung bakal na lababo na parang alluminum.ewan kng ano tawag dun tapos ang gripo na may nakatali na goma par daw di lumuwag. di ko din abot un eh nung bata pa ako.umaakyat aq dun para umihi lolz.kahit may mga pingan at baso.tapos ung katulong namin kukuha ng baso sa may lababo padadaanan lng ng tubig tas sabay inom eiw..haha.instant mineral water..ahihi..lolz

  12. Tsutsay

    Lababo…san ka ba naman nakakita ng lalabo ng CR e nasa kusina??..isang beses ko lang napuntahan ang bahay ng kumare ng nanay ko at gulong gulo ko kung yun ba ay kusina o banyo.

    Sige hija, dyan mo na lang lagay yung plato mo sa lababo? “san po??.. sa banyo?” hindi..dyan sa lababo sa likuran mo. “tita hindi po kasya yung plato sa lalabo eh?” sige patong mo na lang dyan sa gilid, huhugasan naman yan mamaya sa banyo eh. “ano daw??”. (e di sana sa sahig na lang ng banyo nila nilagay ko yung plato. bahala na magkalat ang mga kutsara at tinidor sa sahig. di pa sila nahirapan magbitbit!)Nung pauwi na kame ng nanay ko,”Ma bakit ganun yung lababo nila Tita Sonya? e di ba sa banyo yun? tapos yung plato huhugasan sa banyo? anu yun sa kubeta maghuhugas ng plato?? tas yung lababo nila sa kusina yun yung dapat sa CR di ba?” baka anak sa palanggana nila huhugasan sa CR. “tapos Ma nakita ko kanina si Tito suminga sa lababo nila dumikit sa baso yung sipon..” ikaw nga itikom mo yang bibig mo! ang daldal mo eh! wag kang magsasalita sa Tita mo ha?…”e bakit po ba??..e di sana kung wala silang pambili ng lababo, yun palanggana sinemento nila sa lababo e di malaki pa!!” isa pa!!..

  13. alasais

    Tsutsay,

    Nice one! Inquisitive! May point ka! May mga bahay talagang nakakalito ang setup. Parang kwarto lang ‘yan pero sa sala natutulog, hapag-kainan pero sa kwarto kumakain, CR pero sa halamanan umiihi. Klasik Pinoy! ;p

    – Tenco

  14. alasais

    Tsutsay,

    Bwahahahahaha! Nice one! Medyo nakakalito nga yung mga ganyang bahay. Parang kadiri na ok lang naman. Ah ewan. parang nalito din ako eh.

    Sarap suminga no? Lalo na yung talagang malagkit na pwedeng singhutin ulit.

    Ayos yung Tito mo. Idol.

    Tem-i of Alasais

  15. Tsutsay

    e di sana kung wala silang pambili ng lababo, yun palanggana sinemento nila sa lababo e di malaki pa!! tas binutasan na lang nila sa gitna di ba??!..” ang kulit mong bata ka!! “e sabi nyo po isa pa?!!..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s