29. Mamang Sorbetero

“Tingaling-aling!  Tingaling-aling! Tingaling-aling-dingdong!”

Kelangan pa bang lagyan ng intro ‘tong topic na’to?  Ice cream!  Ano!  Ano ha!  Parang makikipag-away eh no?  Pero diba?  Wala na sigurong kelangan na intro dito.  Ice cream na ‘to eh!  Sa init nitong bansa natin eh pano ba naman tayo hindi maiiin-love sa pagkain na’to?  Malamig, matamis, malambot, masarap dilaan, lumalagkit, iba’t ibang lasa, malambot, masarap dilaan, masarap dilaan…masarap…dilaan…

Yebah.

Well sa huli ay nag-intro pa din naman ako.  But that’s not da point!  The point is…uhm…masarap dilaan ang ice cream!  OK?  Good.

Magnolia ang una kong nakitang ice cream sa telebisyon.  Sikat itong ‘nyetang sorbetes na ‘to.  Asul na plastic ang lalagyan ng Magnolia at madami siyang flavors.  Paborito ko dito ang cheese flavor na ice cream dahil malalaki ang buo-buo niyang keso.  Hindi ko alam kung “Ques-o” ang nilagay nila pero wala akong paki.  Masarap talaga siya.  Magnolia…mmmmm.

Sino ba ang makakalimot sa sikat na sikat na Selecta Ube?  Sikat ang Selecta Ice Cream no’n dahil latang ginto ang lalagyan nito.  Siyempre hindi ko alam kung yun ang totoong dahilan kaya siya sikat.  Minsan talaga ay kung anu-ano ang sinasabi ko na akala mo’y siguradong sigurado ako.  Pero mabalik tayo.  ’Pag Selecta, ube agad diba?  Diba?  Puta, uba…este ube diba?!!!

Wala akong pambili ng Tivoli no’n kaya kapag may Tivoli ang kaklase ko ay todo-sipsip ako sa kanya para lang makakagat kahit na isang beses lang.  ”Tol, pakagat nga…maliit lang…”  Tapos kakagatin ko yung kalahati ng Tivoli niya.  Solb.

Sa mga batang kalye tulad ko ay hindi makakatakas pagdating sa usapang ice cream ang dirty ice cream, ang pinakamasarap na sorbetes sa daigdig.  Walang tatalo sa rectangle na cart na may tatlong cylinder na timba.  Chocolate, cheese at sorbetero’s choice.  Iyan ang set-up.  Hawak ni manong ang kanyang kililing na nakatali sa kanyang cart.  Lagi akong nagpapaalam kay manong sorbetero kung pwede kong patunugin ang kanyang kililing (May ibang tawag ba dito?  Para kasing “tililing” eh!).  Pumapayag naman siya madalas basta bumili ka lang ng may matamis na apa.  Yun ang the best na apa eh.  Keso nga lang ay mas mahal yung matamis na apa.  P2.50 yung murang apa at P5 naman yung matamis.  Medyo hasel pero sulit naman. Kung gutom na gutom naman ako ay sa buns ko ipapalagay para sulit na sulit.

Madami pang memories ng ice cream – mula sa pinipig hanggang sa popsicle na tatlo ang kulay…hanggang sa sa rocky road na nagmantsa sa brip kong puti.  Siguradong madami din kayong mga ala-ala pagdating dito kaya unahan na sa pagkomento.  Ikanga ng isang tambay dito sa Alasais, “Base!”

Haay tangina ang sarap ng ice cream.

– Tem-i


Tropikal na bansa tayo, kaya kelangan talaga natin ng ice cream!  Ang sarap nun o, malamig na chocolate ice cream na gumagapang sa lalamunan mo, tapos mga labinlimang beses na hagod pa.  Sarap!

Mahirap nga talagang mabuhay nang walang ice cream.  E sandale ang hirap bumili ng ice cream sa grocery store e!  Buti nalang nandyan si manong sorbetero at naglalako ng ice cream!  Syempre klasik ang mga gulong ng cart niya na parang sa kalesa.

“Manong magkano ‘yung ice cream?”

“Piso lang.  Dos kapag matamis na apa.”

“Sa matamis na apa nalang.  Puro chocolate lang manong ha.”

Chocolate, ube, at cheese – itong tatlong ‘to ang madalas na flavors ng ice cream ni manong.  Ang sarap sigurong gamitin ng scooper niya noh?  Klik-klik, klik-klik, klik-klik.  Ang sarap pakinggan ampucha.  Scoop.  Klik-klik.  Lagay sa apa.  Repeat 5 times.  Ang sarap ng dirty ice cream!

Didila-dilaan ko ba o kakagat-kagat ako?  Alternate ba ang pagdila at pagkagat?  Hihigupin ko ba?  Pa’no nga kaya?  Ang sarap ng apa!  Teka, chismis lang talaga ‘yung sinasabi nilang may kulangot ‘yung dulo ng apa ‘diba?

Tuwing weekend, inaabangan namin si mamang sorbeterong may bitbit na styrofoam na kahon.  Nakapako ang mga mata ko habang binubuksan niya ang kahon at tatambad ang mga tinda niyang nakalapat sa dyaryo.  Iba-ibang mga ice drop ang nandyan.  Teka, nakalimutan ko na ang brand names.  Basta ang alam ko e may kulay orange na ice drop sa stick, kambal na chocolate ice drop sa stick, Tivoli, ice bukong may munggo, cheese-flavored ice drop sa stick, at marami pang iba.  Pinapatanggal ko parati kay papa ‘yung munggo kasi ayaw ko nun e.  Pucha ang sarap talaga ng ice drop na cheese flavor!  Kagat.  Higop ng natutunaw na parte.  Kagat ulit.  Higop ulit.  Paiikut-ikutin ng kamay ang ice drop.  Sarap!

Hindi pwedeng hindi matapunan ng ice cream ang mga damit natin.  Tyempong parati akong natutuluan kapag naka-school uniform ako.  Okay sa olrayt talaga sa timing o.  Recess pa lang sa umaga e puro kulay brown na ‘yung nasa polo ko.  Dugyot e.  Tapos malagkit pa talaga ‘yung palibot ng bibig at kamay ko e.

Akin na ‘yung takip ng Magnolia mo Tem-i, gagawin kong flying saucer.

– Tenco


Alas-tres ng hapon, summer, sakto pang 3 o’clock prayer sa telebisyon…Ewan ko lang kung sinong hindi lumabas at bumili kapag may narinig na kleng-kleng sa kalsada.

Si Manong Sorbetero, tulak-tulak ang kanyang sorbetes na may tatlong flavor. Keso, ube at tsokolate pero minsan kapag siniswerte ka eh hindi ube ang isang flavor kundi mangga. Oo nagkakaron rin si Manong ng mango flavor. Hindi siya basta-basta. Kung iisipin mo halos pare-pareho lang ang lasa ng mga sorbetes niya. Pero kapag sinabi na ni Manong na “tsokolate yan” eh malalagay talaga sa utak mo na chocolate flavor ang kinakain mo at sobra sa pagka-tsokolate ang lasa. Sasabihin niya naman “manggo flavor yan”, pagka-dila mo mapapasabi ka ng “wow, manggang-mangga!”. May simpleng convincing powers rin sa Manong. Baka rin siguro sa init ng araw yun at madali kang ma-hypnotize. Ewan ko lang rin.

Kapag bumibili ako ng sorbetes palaging matamis na apa ang binibili ko. P2.50 lang dati yun at ang mas malaking orange na apa eh P5.00. Mas marami kasing nalalagay dun sa orange na apa at may tissue pang nakabalot sa baba kaya mukhang espesyal talaga. Pero hindi ako nagogoyo sa tissue na yun, doon pa rin ako sa mas maliit na matamis na apa. Kahit kaya mong isubo ng isang subuan ang apang yun eh panalo pa rin.

Syempre narinig niyo rin ang sabi-sabi na ginagamit ni Manong Sorbetero ang dulo ng apa para pangulangot niya. Kaya halos lahat eh hindi kinakain ang dulo ng apa at tinatapon na lang. Parang tulad rin yan ng tsismis na pumutok ang muscle ni Ultimate Warrior sa pagbuhat kay Andre The Giant.

Isa pang dumadaan na kleng-kleng eh si Manong Pinipig. May dala siyang box na styrofoam at ang lamang nun eh ice cream stick, ice buko at pinipig. Ang trip ko talaga dun pinipig eh. Kahit mapait ng kaunti ang tsokolate niya masarap pa rin eh. Kahit minsan medyo makunat na ang mga pinipig panalo pa rin eh. Pagdating naman sa ice buko na may munggo sa dulo, palaging ang mga matatanda ang kakain nun tsaka ibibigay sa bata.

Pagdating naman sa mas mahal na ice cream tulad ng Magnolia o Selecta, walang lamang sa’min sa kanila kasi parehas binibili ng nanay ko o tita ko yan eh. Minsan Magnolia, minsan Selecta. Ang masaya nga lang sa Magnolia eh gaya ng sabi ni Tenco, ginagawang flying saucer ang takip nito pagkaubos. Ilang takip na ng Magnolia ang napunta sa bubong ng kapitbahay namin sa kakapalipad nito.

Tikboy: “O kuya ikaw ang kumuha nun sa bubong nila Aling Nida.”

KuyaTik: “O bakit ako eh ikaw ang nagpalipad nun?!”

Tikboy: “Eh bobo mo hindi mo sinalo eh!”

Hanggang sa mag-aaway na lang kami at wala talagang kukuha. Remembrance na lang yun sa bubong nila.

– Tikboy

46 comments

  1. luchie_girl

    Base!!!

    My friend recommended your site and what can I say?! Im impressed!

    Anyway, ang naa-alala ko sa ice cream na pang-kalye ay yong commercial sa TV about sa little boy na nasa bintana at nag-aabang na dumaan sa mamang sorbetero. Personally, madalang dumaan yong dirty ice cream sa lugar namin pero I’ve tried it naman. Masarap nga kumain nito lalo na kapag nakikita kong dumidikit yong kuko ni mamang sorbetero sa apa ng ice cream ko. May reason nga kung bakit tinawag tong dirty ice cream.

    To alasais,

    Well, I’ve found a new tambayan. Thanks for giving life to my ever boring, stressful call center life. Keep it up!🙂

  2. alasais

    Luchie Girl!

    Of course you’re impressed! May dugong batang kalye ka kasi eh! Hahaha kuko ni sorbetero! Nice…

    Tambay ka lang lagi dito Luchie…lagi lang tatandaan, magdala ng chicharon para sakin ok? Sila na bahala sa softdrinks.

    Nauna ka nga pala magbase. Hahaha! Galeng.

    Tem-i of Alasais

  3. alasais

    Cherrylyn,

    Don’t forget to bring food para sa kumakalam na sikmura ni Tem-i at Tikboy. Mga patay-gutom ‘yang mga ‘yan e.

    Salamat sa comment and see you around!

    – Tenco of Alasais

  4. asherkyle

    base!

    hahaha! ako ba una? hehe..

    sa school namin ang presyo ng dirty ice cream 15php (ginto dba?) nagbabayad daw kasi ng tax si manong.. asus..

    one time nagtanong classmate ko kung magkano ang ice cream, aba si manong kumuha kaagad ng apa at tinakalan ng sapin-sapin flavored ice cream (ube, cheese, chocolate) habang nagsabi ng “kinse lang.”

    ayun, kawawa naman classmate ko, napilitan na lang bayaran at dila-dilaan ang kinse pesos na dirty ice cream.

    nasaan ang demokrasya?! nasaan?!

  5. alasais

    Asher!

    Hahaha hinde! Nauna si Luchie…tsk tsk… medyo nagkulang ka sa iodized salt ngayon. Di bale, may consolation prize ka naman – All expense paid trip to New York…Cubao!

    Bwahahahaha! Nadale ng “kinse lang” eh no? Wala nang nagawa yung kaklase mo a. Wala! Walaaang himulmol!

    Tem-i of Alasais

  6. nadoganado

    aus a. 1 mgandang article n nman ang nbasa ko. sarap tlaga tumambay d2 pag sabado after ng mhabang wik n puno ng pagpupuyat pra mameet ang dedlyns s skul. salamat s mga may-akda.

    ice cream. mhilig ako jan lalo n pag stressd
    out ako. nkakagaan ng pkiramdam. ang lamig. ang srap s bibig. buti n lng naimbento to. hehe. isa pa n gustong gusto ko e ung ice pop. kau b? ibat iba din ung flavor. sarap. medyo matigas. sarap isubo lalo nat kumakatas.

  7. alasais

    Nadoganado!

    Hahahaha! Oo naman. Masarap talaga isubo ang ice pop dahil napakadulas at kapag tinigil mo ang pagsubo ay lumalagkit. Kaya pakatandaan na kapag nag-a-ice pop, ‘wag tumigil sa pagdila at pagsipsip.

    Good post! Keep ’em comin!

    Tem-i of Alasais

  8. luchie_girl

    wow nadoganado you’re really something!

    favorite ko din ang ice pop. but wala pa ring tatalo sa cornetto e. from tip to top sarap!

  9. alasais

    Luchi Girl,

    Aba aba aba! Cornetto ha? Medyo bagu-bago na ‘yan pero masarap nga siya. Laging pinapatalastas tuwing UAAP. Keep enjoying Alasais!

    Tem-i of Alasais

  10. grasi

    di ko alam kung istayl lang ba ni ermat yung mga kwento nya tungkol sa dirty ice cream. pero matagal din ako ng umiwas dun nung bata ako. pano sabi nya yun daw mga mamang sorbetero pag umiihi ay di naghuhugas ng kamay tapos yun din ang ihahawak sa apa ng binebentang ice cream. ako naman syempre si ermat ang may sabi elib naman ako. kaya hanggang ngayon yun pag nakakakita ako ng sorbetero binabantayan ko kung nahahawakan ni manong yung apa ng malamang ay mapanghi nyang kamay.

    ang di ko naisip eh pwede nga pala ako magpabili kay ermat nung ice cream sa baso o ung nasa tinapay.😦

  11. alasais

    Grasi,

    Hahahaha! Oo nga naman. Oh well, ilang taon ka ding napaiwas ng nanay mo sa dirty ice cream dahil sa kwento niya – Magaling Inay! Magaling!

    Tem-i of Alasais

  12. alasais

    Grasi,

    Hindi pa huli ang lahat, kaibigan. Halina’t lumabas ng inyong tahana’t mag-abang ng sorbeterong dadaan. Bow.

    P.S.
    Panalo rin ang ice cream na nasa monay. Unique!

    – Tenco

  13. callocohan

    hello po kina tem-1 tenco at tikboy

    tuwang tuwa ako sa bawat topic nyo kahit medyo hindi ako maka-relate sa iba kc medyo bata pa ako ^__^

    it took me 2days to read from letter “A” to number “29”

    mamaya po post ko ung URL ng blog nyo sa ibang forums site para dumami readers nyo ^__^

    sana friday na agad para may new topic na ^__^

  14. alasais

    Blue Raven,

    Nakakataba naman ng puso at nakakalaki ng butas ng ilong ang mga komento mo. Keep enjoying Alasais. Kahit bata ka pa lang tulad ng kanta ni Tina Paner (Tanungin mo ang mga elders mo) ay sigurado akong maeenjoy mo pa din ang pagtambay dito.

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  15. Justin

    waw ice cream!!…sino bang bata ang tumanggi dito mura na masarap pa…kadalasan akong bumibili ng dirty ice cream sa school nung elementary…may nakabudget na lagi akong 7 pesos para sa ice cream na nasa matamis na apa..xempre bibili ka rin lang lubus-lubusin mo na!

    tanong..bakit yung ibang sorbetero wala silang pangscoop na bilog at ang ginagamit nila eh yung parang chisel o maliit na pampalitada sa semento..ano ba pinagkaiba nun??

  16. asherkyle

    ay agree ako kay grasi.. sinabi rin sa akin yan na yung mga sorbetero daw di naghuhugas ng kamay pagkatapos umihi.. nandiri ako nun pero dahil bata pa at mahilig sa matamis at malamig (kahit bawal), pag bumibili ako ng dirty ice cream tinitignan ko kung may tissue yung apa o kaya sa lalagyan na plastic na lang.. hehe..🙂

    nauso rin yung scramble, yung mabula-bula na nilalagyan ng powdered milk at straw.. ang sabi rin ng iba dinuduraan ng manlalako yun.. wahaha! yakididakdak, pero maaasssssaaaaaaarrrraaappppp!!

  17. reynaflor

    ayos…ehehehe… ice cream… hmmm, naaala2 ko dati, hndi tlga kmi pinapakain basta2 ni ma2 ng dirty ice cream, kc di daw nmin alam kng pano ginawa, dami nya dahilan… minsan sa skul ako, sinubukan ko tlga,ahahaha… eh msarap nmn pala, pro sympre di alam ni ma2,wahahaha…

    naalala ko rin dati, isa sa mga pinsan ko, gus2 bumili kso ayaw ng nanay nya, ayun iyak ng iyak, hanggang sa pinagbigyan n lng cya ng nanay nya… habang kumakain cya, nki2pag.unahan din yung sipon nya,wahahahahaa… yikes yun…wahahaha…grrrrr…

    yun lng, keep it up…

  18. nadoganado

    Tenco,

    nyahahaha!! masarap naman talaga isubo ang ice pop. di yan patatalo s ice cream. ang sarap sipsipin ng katas. lalo na ung kulay green, apple ata flavor nun. tsaka pano ko malalaman kung masarap kung di ko isusubo. hehehe.

    -nadoganado

  19. nadoganado

    Tenco,

    sarap kc ng mga malalamig s bibig, ice cream, ice pop, ice drop, etc. minsan try mu din sumubo ng ice pop. try mu ung green. hay talagang sobrang sarap. mahal n nga lng ngaun. P4 n dun s may kan2.

  20. boy

    antagal ko palang di nakapagbasa dito dahil sa review.. anyway.. dahil sa entry na to naalala ko si mang domeng sa school ko nung elementary.. pag PE namin at pupunta kami sa quad nagagalit yung titser namin dahil halos lahat may ice cream na kinakain.. tapos may mga sosyal pa na pinapalaman sa tinapay ice cream.. tanong mo lang “mang domeng may monay ka?” sasagot naman siya ng oo.. hehe.. meron din siyang choco pinipig dip.. parang yung sa jollibee na pagka dip mo nung ice cream may chocolate na agad at pinipig.. sige mukhang napahaba na naman comment ko.. haha!

    boy

  21. alasais

    Boy,

    Okay lang kahit kasing-haba ng mga blog namin ang comment mo. Mabuhay si Mang Domeng dahil may extra siyang choco pinipig dip!

    – Tenco

  22. alasais

    Boy,

    Ay alam ko ‘yan. Yan yung pagka-dip mo eh, matutuyo agad yung chokolate diba? Waaaah!!!! Init pa naman ngayon…tangina…

    Koment ka lang nang koment Pare!

    Tem-i of Alasais

  23. juyjuy

    ayos.. sarap naman ng post na to..
    tagal na rin akong di nakakatikim
    ng dirty ice cream.. dahil dito
    sa king kinaroroonan ay walang nun..
    ayun namiss ko tuloy un dahil sa
    post na to..=D

    ganda ng mga post nio.. astig!^^,

  24. alasais

    Ruth Joy,

    Pwede mong ipauso dyan ang dirty ice cream, kailangan mo lang makapag-interbyu ng mamang sorbetero para malaman mo kung pano ginagawa ang icec ream niya.

    Salamat sa pagdalaw, keep enjoying Alasais!

    – Tenco

  25. alasais

    Juyjuy!

    Madali lang ‘yan! Kumuha ka ng mango juice tapos ilagay mo sa freezer! Ay hinde, ice candy pala yun…hmmmm, makapagblog nga tungkol dun minsan…Anyway, ganun nga, baka walang dirty ice cream diyan. Uwi ka na lang dito!

    Tem-i of Alasais

  26. anakngpating

    nag dirty ice cream kami nung GEB hehe..bisita naman kayo sa site ko namiss ko kayo dun eh ehehe..mukang busy kayo hehe..

    ako paborit ko ung pinipig at ice buko na may monggo heheeh..sarap sarap

    tapos sa selecta ung uso ngayon na banana split may tatlong flavor na ice cream tapos may saging sa gilid hehe..may toppings pa un hehe..

    at tem-i gustong gusto ko rin ang keso na ice cream ng magnolia hehe..cheese na cheesssyyyy talaga..

  27. Debz

    Hey man! love your article. Will recommend it to my friends, kung ok lang sa iyo. Sana ay ipagpatuloy mo ang pagsulat ng ganito. Nabibigay ka ng tuwa sa aming mga mambabasa. Maraming salamat!

  28. andreidae

    wow.. ice cream..

    sarap nman..sarap din ng usapan nyu dito..haix guess im too late..

    bawi aku s mga susunod na blogisode..

    -Lovin’ this…^^,

  29. DEADPOOL

    im back but late… guys miss ko na kyo, hrap pla mag comment pag cellphone gamit,
    ice cream! mis ko na pinas, dati pag bibili ako dati kay mang jimmy nito lagi hnahanap ung flavor na ampalaya supreme tsaka bagoong delight, kaya lagi ako may bonus na xtra scoop n sawsaw dun sa chocolate toppings na tumitigas, pag tigas nun, sabay kagat sa pwet ng apa, para sipsipin ung ice cream, un ang unik teknik ko… ala nkong pakelam sa kulangot, bsta touch move na! pag sa baso or cup naman, gnagawa ko tnutunaw ko, mas masarap kc… sana may kasunod tong episode na, ung kakambal ng ice cream sa 3 o’clock habit ung undefeated binatog of tha century, binatog round 2 teng teng teng… hehehe… haiii… 2log nko… salamat T.T.T.

  30. alasais

    DeadPoolz,

    Welcome back! Makahanap nga niyang mga falvors na yan. Exotic! Matagal ko na hindi naririnig yang touch move na yan ah! Hahaha! Binatog…abang abangan lang natin yan, baka may biglang magpost…hehehe! Good night!

    Tem-i of Alasais

  31. alasais

    Deadpool,

    Hahaha nice one pare! Nangchichiks ka nanaman dyan. Gawin ko nga ‘yang kagat sa pwet ng apa teknik mo at nang malasap ang katas ng ampalaya sumpreme! Hahaha nice one.

    – Tenco

  32. lev

    putsa, d best ang blog nyo..
    ang galing..naalala ko tuloy yung kabataan ko..
    hehehe..parang antanda ko na noh?! ang nakakaloka,
    pag umihi ang sorbetero tapos sabay hawak sa apa ng bibilin mong sorbetes..whahaha..antsalap..:-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s