J. Tambay

Pagkagraduate ng college ay magsisimula ka nang maghanap ng trabaho.  Para sa iba, pagkahagis pa lang ng kanilang toga sa PICC ay dederecho na sila sa human resources building para sa interview.  Para sa iba naman, feeling nila na they deserve to rest a little bit pagkatapos ng madaming taon ng paghihirap, pag-aaral at pamboboso sa teacher.  Dahil dun ay hindi sila magtatrabaho nang walong buwan.  HAAY SARAP NG BUHAY TAMBAY…

 

Paano mo imamaximize ang 8 months mo bago magtrabaho?  By becoming a bona fide ISTAMBAY! Ganito lang yan…

 

  1. Unang una, dapat ay nakatira ka sa bahay ng magulang mo.  Wala nang mas tatambay pa dito!  Sila ang nagtatrabaho at sumasagot sa lahat – pagkain, kuryente, tubig, sabon at ang paminsan-minsang seksing longkatuts. Tuwing magmamano ka sa mga magulang mo ay huwag kalimutang manghingi ng bente pesos na pangmeryenda o pang yosi.  Huwag mo ding kakalimutang magreklamo sa kanila kapag wala kang mahanap na ulam sa ref o kape sa tukador.  Yan ang tunay na tatak ng isang makapal ang mukha!
  2. Pag naubusan ng pagkain sa bahay, manghingi ng ulam sa kapitbahay.  Wag kang mag-alala kung wala nang natirang pagkain sa lamesa pag gising mo.  Siguradong may tira pa ang kapitbahay mo.  Lunes, adobong pusit kina Aling Lydia.  Martes, pritong galunggong kina Mang Rene.  Miyerkules, inihaw na talong kina Pastor Glen.  Ano pa bang hihilingin mo?!  Ngayon ay alam nyo na kung bakit kilala ng buong baranggay ang mga tambay sa lugar nyo.
  3. Magsuot ng puting sando, maong na shorts, at magsabit lagi ng puting “goodmorning” na twalyita sa balikat.  Eto ang uniporme ng isang tambay.  Lahat ng tambay ay may ganitong damit.  Mahalaga ito para malaman ng lahat ng tao na “Andito ako!  Kilalanin nyo ako!  Hindi ako magtatrabaho!  May tira ba kayong ulam?”
  4. Pagdating ng tanghali, hubarin ang puting sando, pumunta sa sari-sari store, bumili ng beer, at umupo.  Wala nang sasarap pa sa inuman sa tanghali!  Eto ang tatak ng isang “sunog-baga”.  Pagdating ng tanghali ay magsasama-sama na ang mga elite na tambay ng baranggay sa harap ng tindahan ni Aling Baby.  Uupo sila dun at iinom hanggang hapon – ang oras ng pag-uwi ng mga may trabaho.  Eto na ang simula ng sightseeing nila, naaawa sa mga umuuwi galing sa trabaho, nagtataka kung bakit nila pinipili ang buhay na mahirap kesa sa buhay tambay.  Sa oras nato maririnig ang mga sikat na katagang “Hi, Miss!  Hatid na kita!” at “Painom ka naman!”.
  5. Huwag magbayad sa tindahan.  Lagi itong ipalista.  Tuwing hihingin ng tindera ang bayad mo, sabihin mo lang na “Ilista mo na muna sa Mama ko…” 5 Pesos na Coke – Ilista mo muna.  P3.50 na hopia – Ilista mo muna.  Pisong Fita – Ilista mo muna.  Piso-tatlong Juicy Prut – Ilista mo muna sabi e!!!
  6. Maging present sa lahat ng handaan.  Kelangan ko pa bang ipaliwanag ‘to?  Madali lang malaman kung sino ang mga tambay sa isang handaan.  Pano kamo?  Suot nila ang uniporme nila.

 

 

Ano, gusto mo pang magtrabaho?

 

–tem-i

 



Simula’t sapul, hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi man lang nakaramdam ng pamomroblema sa buhay ang mga tambay.  Isipin mo, halos maghapon silang nakatambay—sa harap ng tindahan, sa tabi ng construction site, sa bahay-bahay (random select), sa jeep, sa manukan, sa kanto (kanto boy?).  Basta kahit saang espasyong puwedeng upuan o patungan ng gin, nandun sila.  ni minsan ba e nagutom sila?  Hinde.  Pinagalitan ba sila at pinauwi ng mga magulang nila?  Hinde. Nagreklamo ba sila sa buhay?  Lalong hinde.  E parang sila pa nga ang mga pinakamasasayang tao sa Pilipinas e!

 

Ang mga teenager na tambay, madalas sa jeep o tindahan ‘yan.  Kahit walang inuman solb na.  Ang mga mas matatandang tambay, sa tapat ng bahay o tindahan ‘yan.  Kahit walang yelo ang alak solb na.  Akala niyo ba wala silang sense? Merooooon!  Magagaling sila sa debate, mapa-pulitika man o showbusiness.  Akala niyo ba hindi nila kilala sina Rita Avila at Susan Africa?

 

Noong bata pa ako, nainggit na rin ako sa mga tambay at one point.  E bakit pa ko papasok sa skul e pwede namang magpalipas nalang ng oras sa may tindahan?!  Sige, maliban sa quiz bee, ano pa ang kaya mong ilamang sa isang tambay? Walaaaaa.

 

Saang mga larangan nga ba nag-e-excel ang mga tambay?  eto:

 

1.       Inuman.  parang umiinom lang sila ng juice.  Wala silang pinipiling oras.  Mas preferred nila ang gin.

2.       Pakikipagpustahan.  Eto na ang tyansa nilang kumita ng pera.  Akala mo ba parati silang asa sa magulang?  Kahit anong pwedeng pagkunan ng yaman e hindi nila palalagpasin:  cara y cruz, tong-its, basketball, dama.

3.       Pag-i-ingles.  Sa ikaapat na bote ng gin, magsisimula na ang pakikipagtalastasan sa wikang banyaga.  Walang nag-f-fold.  Lahat may kani-kaniyang argumento.

4.       Dagdadahilan at paghahanap ng lusot.  Syempre nagkakahulihan pa rin sa labas.  At tatanungin sila nang makailang ulit kung bakit hanggang ngayon e hindi sila tumutulong sa bahay o naghahanap ng trabaho.  Kung ako ikaw, ‘wag ka nang makipagtalo sa tambay, dahil matatalo ka lang.  Pustahan o?

 

–tenco

 

Teka bago ko magsimula tatawa muna ko sa uniform nila. Hahaha white na sando, maong shorts at good morning towel! Lahat ng tambay may ganung uniporme ampucha!
 
TAMBAY…Sila ang mga taong hindi alam ang salitang stress. Hindi nila kelangan isipin kung anung oras sila gigising. Basta antok pa sila matutulog lang sila at walang gigising sa kanila o  tutunog na alarm clock. E malamang nga hindi pa sila marunong mag-set ng alarm e.
 
Sila ang mga taong hindi lumalabas sa bibig ang salitang haselicious! Paano nila sasabihin yun e wala naman silang seryosong problema at nakakadiskarte ng mga simpleng kagustuhan nila. Sabi nga ni tem-i, ang kakapal ng mukha nila kaya dun pa lang nakukuha na nila ang mga gusto nila.
 
Sila rin ang mga taong may iba’t-ibang tawag sa mga dumadaan sa tambayan nila. Sa kalalakihan, musta tropa, kosa, repapips, idol, parekoy, pareng _______ (pangalan ng dumaan) at kung anu-ano pa. Sa kababaihan, shempre ang pinakasikat na hi miss, seksi, mis byutipul, lab, darleng at minsan tinatawag rin nilang idol ang mga babae. Ayan e pag may konting katorpehan ang tambay at hindi madiretso ng seksi at byutipul.
 
 
Sila rin ang mga taong pag may hindi nagawa sa araw na yun, sasabihin agad nila “bukas na lang!”. Hindi na sila mag-dadalawang isip pa at siguradong magagawa nila kinabukasan yun. Anu pang iisipin nila e wala namang schedule ang buhay nila. Kapag may hindi sila nagawa o may naisip gawin pero gabi na, bukas agad yan. Wala nang mas rerelax pa at sasarap sa buhay ng tambay.
 
At eto napansin ko lang…para sakin, parang ang hirap matsempuhan ng mga tambay na bagong ligo sila at makikita mong basa pa ang buhok nila. Parang wala akong maalalang nakita ko na tambay na bagong ligo. Ganyan sila karelax.
 
 
– tikboy

26 comments

  1. kengkay

    hahaha, kuhang kuha nya ang taong tambay. para sa aking ang kakambal ng tambay ay tagay. di ba napala-charming ng mga tambays, lahat ng dumaan kaibigan nila. lahat ng dumaan pinapainom, pinapatikim, kinukwentuhan — at oo, nagiging inglis nga kapag nagtagal tagal🙂

  2. alasais

    Hahaha! Korek ka diyan Kengkay! Walang tambay ang hindi tumatagay (isa sa madami nilang motto)! Pinapatikman namin madalas ng kilawen yung mga dumadaan na binatilyo e.

    Tem-i

  3. alien

    agree… when you say “tambay”, kasunod niyan agad ay “tagay”!

    at yung pagi-english… haha at first i never believed that… pero nung nakakita ako ng taong biglang super english talaga after malasing… wala na kong masabi!

  4. kalye11onse

    Anakngputsa, deng! Kuhang-kuha mo ang description ng mga kapitbahay at kaibigan ko. It’s about time we give them the reconition they deserve.

    Panahon na para ilagay ang mga tambay sa pedestal
    (para ‘pag lasing na lasing ka na, o naiihi, alam mo na kung saan ka pupunta para sumuka at jumingle).

    tagay pa, pre.

  5. alasais

    Hehehe! Salamat sa pagdalaw sa Alasais Kalye11onse.

    Nung nalasing ang katropa ko na si Biktor ay nakatulog siya sa malumot na tiles ng banyo nila. At oo, hindi shumoot ang kanyang suka.

    Tem-i

  6. alasais

    Pretty,

    Oo, totoong gawain ng mga tambay yan. Lalo na kapag tuyo ang ulam e itago mo na ang suka sa tukador niyo dahil sa ilang segundo ay maririnig mo na ang katok at sigaw sa may pinto ninyo.

    “Ate may suka kayo?”

    Tem-i of Alasais

  7. alasais

    Langaw,

    Ay talagang mabuhay sila. Hinding hindi mamamatay ang mga tambay! Tayo pa!

    Tanungin mo si Tenco. Ingglisero yan ‘pag lasing e.

    Every Friday, new blogisodes!

    Tem-i of Alasais

  8. TunYing

    bakit ganun? yung tambay sa amin lagi naka-hubad at naka-maong shorts? Tapos may mgakasamang nakaupo sa tabi at naghahagis ng 3 barya. Cara cruz! hehehe…

  9. alasais

    Tenco,

    Agree ako diyan. Yung maong ko nga sa sobrang hindi ko nilalabhan eh napagkamalang islaks ng boss ko e. Teka..may naaamoy ako a…Ikaw ba yun Tencorski?

    Tem-i of Alasais

  10. alasais

    Azianitsirc,

    Wag kang manghinayang dahil sa tambay siya. Siguradong hindi ka hahayaang magutom niyan dahil hindi ka pa nagigising eh nakapangdelihensya na yan ng kakainin niyo para sa date niyo. Dadalhin ka niyan sa mga fine dining restaurants tulad ng Vicky’s Kambingan, at Scott Burger (Buy 1 Take 1). Wala ka nang hihilingin pa sa isang tambay. Ang singsing mo nga lang ay yung libreng bonus sa ilalim ng lalagyanan ng chichirya tulad ng chickadees. May libreng tattoo pa!

    Tem-i of Alasais

  11. DEADPOOL

    eto ngaun lang ako magkkumento dito…
    ganito din ako for 2yrs after ko mka’graduate sa amerika ng CIS(computer information technology) eh uwi agad ako dito sa pinas dahil masarap tumambay dito… isipin nyo un 2yrs akong tambay! at ang matindi uniporme ko bilang tambay eh wala akong damit, pero may towel ako lagi kasi naiinitan ako, tsaka korek lahat ng nkasulat dito, nakikikain ako kila tommy(classmate ko nung elementary hanggang highschool, hanggang ngaun tambayan pa din ng tropa bahay nila, na’aalala ko pa sa pagiging tambay ko nagkaroon pa ako ng mga apprentice na malulupit ung talagang hindi din nagtrabaho, kaso biglang naglalaho un pala tinatapon ng mga magulang nila sa probinsya… buti na lang ako di naitapon! sustentado pa ako nun! sarap ng buhay tambay! ngaun iba na… kayod na ng kayod! kaya pag nkakakita ako ng tambay ngaun eh gnagawa ko kinakausap ko sandali at sasabihin meron ka bang goodmorning towel? pag wala di sya certified tambay!
    ang galing ng mga tambay, mga tunay na SURVIVOR!

  12. alasais

    Deadpool,

    Wala nang mas de-deadly pa sa tambay na may sustentado. Daig pa nila sa saya ang milyonaryong may asawang sex bomb dancer. Kung dalawang taon kang tambay eh tunay ka nang maituturing na dakila. Pensionado na, wala pang suot na sando! Alamat.

    Tem-i of Alasais

  13. rinaldetadase

    mas gusto ko ung english na dirediretso tapos mali-mali. habang nakikinig ka sa mga to dirediretso din ang tawa mo…

    matanong nga
    ung mga naka-uniporme..
    malalaki ba panga nila??
    samin ganun e..
    minsan pa nga walang sando eh. balat lang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s