18. From

Dahil sa dami ng requests, magsusulat kami tungkol sa JS Prom.

Eto na, magsusulat na.

Ok.  JS Prom.  Teka, kumusta na yung kaso ni Ted Failon?  40 days na pala ni Francis M!  Hmmm, nanalo si Angel ng isang milyon?!  H’wag kang gamol!!!

OK.  Eto na talaga.  JS Prom.

Ito ang panahon kung saan pinapayagan ng mga eskwelahan ang mga estudyante nila na makipaglandian sa opposite sex…o sa same sex.  Kung may pera ang iskul, sa hotel.  Kung kuripot ang principal, sa covered court.  Madami sa atin ang nakaranas na umatend ng prom.  Dito na nae-excite ang mga nanay para sa kanilang mga dalagita.  Dito din napapa-ngitngit ang mga tatay at tila gustong bugbugin ang mga lalakeng susundo sa kanilang anak na babae.

Dadating ang lalake para sunduin ang babae:

Tupe:  “Gud eebning ho…”

Nanay:  “Ay andito na pala si Kristoper!  (Sasabihin niya ito kay Tupe na parang hindi si Tupe ang kausap niya)

“Anak bumaba ka na diyan!  Andito na ang sundo mo!”

Tatay:  (Habang nililinis at pinapakintab ang kanyang baril sa harap ng lalakeng sundo) “Anong oras ba yang prom na yan?

Tupe:  “7 po ang simula, hanggang hatinggabi po…”

Tatay:  “Dapat alas-otso, andito yang si Karen malinaw?”  (sabay kasa ng baril)

Hehehe…ang mga tatay talaga oo.  Actually medyo malumanay pa ang eksenang ‘yan.  Subukan niyong sunduin ang mga prom dates niyo habang nakikipag-inuman ang tatay niya sa harap ng bahay kasama ang mga uncle ng anak niya at mga kumpare niya.  Tignan lang natin kung hindi kayo maihi at matae sa pantalon niyo…nang sabay.  Kung may babaeng anak si Chavit Singson, ano kayang pakiramdam ng susunduin mo ang anak niya sa prom no?  Baka tigre niya ang sumalubong sayo sa pintuan.

Walang tigil ang saya ng prom habang nagsasayawan ang mga kabataan.  “Arico Mambo”, “Macarena”, “I Saw The Sign”, “Ice, Ice Baby”, “Can’t Touch This” at “Kapag Tumibok ang Puso by Donna Cruz” ang mga sikat noong 90’s.  Pawis na ang mga lalake at kumikinang ang mga glitters sa mga backless na gowns ng mga bebots.

At eto na.  Babagal na ang mga kanta.  Simula na ng kilig moments.  Patutugtugin na ang “Bed of Roses”, “Just Once” (o kilala sa kanto namin na “Just One”), “Sayang na Sayang” at ang walang kamatayang “Lumayo Ka Man sa Akin by Rodel Naval” na hanggang ngayon ay naririnig ko pa sa kapitbahay namin na kwarenta anyos na.  Ang kaninang mga nagwawalang lalaki at babae ay magsisimula nang magdikit.  Para silang magkayakap ngunit naka-usli ang mga pwet sa takot na magdikit sina Manoy at Vajayjay.  Aba!  Walang amoy si lalake ngayon kahit pawis na pawis!  ‘Yan ay dahil isang oras siyang nagpahid ng Rexona sa magkabilang kili-kili at hanggang sa susunod na linggo ay amoy bagong linis na opisina ang kanyang leki-leki.

8:30 ng gabi:

Tupe: “Gud eebning po…”

Tatay:  “8:30 na ah…”

Kinabukasan…

TV Patrol:  “Sa ulo ng mga balita, isang binatilyo…”

– Tem-i of Alasais


Derecho na tayo sa mismong from, ehem prom.  Magkakasama ang ilang mga 3rd year at 4th year students sa labas lang ng isang malaking hall (kapag sa hotel) o covered court habang ang iba e nagsipasukan na.  Ang mga lalakeng walang gelpren, kanya-kanya sila ng pag-iisip kung sinu-sino ang mga babaeng ilalagay sa playlist nila-from first to last dance.  ‘Yung iba naman e nagdala ng kani-kanilang mga partner na galing pa sa ibang eskwelahan.  Aba astig naman!  May na-invite si Marco!  Hindi ba pinsan niya ‘yun?

Anyway, ito rin ang highlight ng lahat ng moment ng pagpapa-porma ng mga lalake.  May mga naka-tuxedo, amerikana, long-sleeved polo, atbp.  ‘Yung isa kong kaklase dati e naka-white na long sleeves at black pants.  Ribbon nalang ang kulang e.

Hindi naman padadaig ang mga babae.  Syempre pabonggahan din sa mga gown ‘tong mga ‘to.  Meron pa nga sa kanilang nakasuot ng parang ikakasal e.  Lufet!  O tawagin na ‘yung nakaputing long sleeves kanina at bigyan ng cake ‘to!  Buhay ka pa.

Puting manipis na long sleeves talaga e.  At black pants e.  Sando sa loob.  Hay saya.

Pagkatapos ang boring na pilian kung sino ang prince at princess of the night, oras na para sa first dance.  Tutugtog ang Queen and King of Hearts by David Pomeranz.  Ay sandale, hindi pala ito ang unang kanta dahil sa bandang gitna ito patutugtugin at talaga namang maghihiyawan ang mga estudyante ‘pag narinig ‘to.  Ito nalang:  Don’t Give Up on Us by David Soul.  Una nang magsasayaw ang mga pabidang estudyante hanggang sa matakpan na sila nang husto ng susunod na isandaang kataong sabay-sabay magsasayaw.  Hawak si lalake sa baywang ni babae, at nakasampay naman ang braso ni babae sa balikat ni lalake.  Sweetness!  Wahaha🙂

Hindi lahat ay may partner.  ‘Yung mga walang partner e nagkukumpulan sa isang table para magkwentuhan, at matatapos ang gabi na wala silang naisayaw kahit isa.  Meron namang may partner pero nag-away lang naman buong gabi.  At eto pa, meron pang mga retouch nang retouch at natapos na ang prom at lahat-lahat e wala namang nagsayaw sa kanila.  Klasik na klasik ang mga eksena e.

We’re the king and queen of hearts

Hold me when the music starts

All my dreams come true

When I dance with you.

Promise me you’re mine tonight

I’ve been waitin’ lyin’ tonight

While the lights are right

I’ll never let you go.

– Tenco


Tikboy: “Tol may susuotin ka na ba?”

Pido: “Meron na tol nabilhan na ako ng nanay ko”

Tikboy: “Ganun ba? Wala pa kasi ako eh. Sabihin mo nga sa nanay mo bilhan rin ako. Ako bahala sa gel mo JS natin.”

Papogian at pagandahan dito sa JS prom. Kahit mga nerd at KJ mong mga kaklase eh nagkakaroon ng kalandian. Ang isip ng lahat ng babae eh nagiging isa…magpaganda. Kahit ang tomboyin o kaya konserbatibo mong kaklase eh maiisipang mag-spaghetti strap o tube. Lahat maglalagay ng make-up. Mapuputing mga mukha at mapupulang mga labi. Kanya-kanya ring punta sa parlor para magpaayos ng buhok. Yung iba umaga pa lang nasa parlor na para magpa-kulot o kung ano mang gustong gawin sa buhok. Mayroon nga kinahapunan pa lang pumunta na sa parlor.

Hindi rin naman papatalo ang mga boys. Kanya-kanya ring punta sa barbero yang mga yan. Ang iba naman sa suki nilang bakla para masunod talaga gusto nilang style na buhok o kung ano yung uso. May libre nga lang himas sa katawan pero ok lang basta maging pogi at maganda ang hairstyle. Kadalasan eh magkikita-kita muna ang magtrotropa para sabay-sabay na silang pupunta sa prom. Magtatanungan muna kasi ng mga porma kung ok ba at mag-aayusan na rin ng buhok. Kung tama lang ba ang dami ng gel na nilagay o kulang pa. Kung tama lang ba yung pagka-tucked in ng damit o baka maluwag.

Ito rin ang inaabangan ng mga nagliligawan. Ang malulupet dumiskarte eh nakabakod na agad sa chick nila at buong gabing isasayaw. Lalo na kapag sweet ang kanta. Hindi palalagpasin ng mga kolokoy yan. Todo-hawak sa beywang yang mga yan at bobola-bolahin na habang nag-sasayaw. Bago matapos ang gabi eh napasagot na nila ang nililigawan at nakayakap na sa kanila pagdating ng last sweet song.

Ang mga torpe naman eh naka-ilang hirit na ng “next song na lang” eh hindi pa rin nila nasasayaw ang crush nila. Hanggang sa iba na ang nag-aya at babastedin na lang sila kinabukasan. Dadaanin na lang nila sa pagiging makulet sa dance floor at makikipagsayaw na harotan na lang sa mga tropa nilang lalake. Nagpa-kwela epek na lang ulet.

Tikboy: “Pido, ano nasayaw mo ba si Kristine?”

Pido: “Hinde eh nahiya ako at last song na eh”

Tikboy: “Pucha bayaran mo yung gel na binigay ko sa’yo! Hindi mo rin naman pala nagamit sa crush mo gago!”

– Tikboy

51 comments

  1. snowden

    Sa wakas.antagal naman ng entry na t0.maghapon ak0ng naghintay habang binibilog kulang0t ko.sana naman ako ang maunang magc0mment.haha

    Back to topic.pr0m isa yan sa mga pinakahihintay ko bukod sa piltrip at bakasyon.haha.eto talaga yung panahon para makabiktima ng tsiks.haha..

    Kung hindi ny0 natatan0ng eh naging pr0m king ako nung 3rd yr.bwahaha.k0rni n0h?wla akon magawa ako lang ata nakapagplantsa ng longsleeves at slacks kya panalo.haha..sayang din naman yung 500 pesos na pinanlibre ko ng mami sa mga barkada ko.haha.masya ang mga js pr0m na nasalihan ko lagi pa akong kasali sa kotily0n.wahaha..ay0s na sana ang k0tily0n kasi nakapartner ko si kras kaya lang pr0blema pasmado pala siya..dyahe talaga.ako pa ang nahiya sakanya dahil naglalawa sa pawis ang kamay ko dahil sakanya..

    Di naman ako cho0sy sa damit kahit longsleeves lng bsta wag puti at hindi bow tie para di naman magmukhang waiter.sa buh0k k0nting hag0d lang ng gel na tig 3 pis0 s0lb na ako.

    Nga pala nakalimutan badtrip maging emcee k0nti lang naisayaw ko..haha

  2. alasais

    Snowden,

    Aba, may kalaban na si Tikboy sa pagiging Prom King. Pero gusto ko ‘yung part na nilibre mo ng mami ang barkada mo.

    Sa’n na nga ba, sa’n na nga ba, sa’n na nga ba’ng barkada ngayon…

    – Tenco

  3. snowden

    Eto ang pick up line ko

    Ako:miss sasayaw ka?
    Pangit:uu naman!bakit isasayaw mo ba ako?
    Ako:ah hindi hihiramin ko kasi yung upuan m0.

    Ganyan ang pr0blema pag nagtipid ang prinsipal tap0s sa audit0rium lang,agawan sa upuan..hehe

  4. alasais

    Snowden,

    Haha! Ang ganda ng pick-up lines mo ah. Gumana ba yan kahit isang beses? Hehehe! O sa panget lang gumagana? Sana nag bring your own chairs na lang din kayo para nilubos niyo na ang pagtitipid. Hehehe!

    Tem-i of Alasais

  5. alasais

    Naleyn,

    Oo ganyan nga, kahit aminin nila o hinde. Kapag dineny ng boypren mo yan eh hampasin mo ng hilaw na longganisa. Hehe!

    Tem-i of Alasais

  6. DEADPOOL

    JS? ano ba un! malungkot ako sa blog na toh! na’aalala ko kasi! wala kaming JS nun!
    pero hep hep hep! buti na lang bumagsak ako at di nka’graduate! kaya swerte natikaman ko din! pero sacrifice talaga! at super swerte! dahil habang tumutugtog ung always ng ERASURE(malamang alam nyo yan) dun ako nagkapopwers para isayaw ung crush ko na crush ng classroom, xempre seniority ako kaya medjo ilang pages ng telephone directory kapal ng mukha ko nyan! hehehe… ung porma ko nyan di ko malaman kung sakto lang o isang litro eh! di ko na matandaan! basta go lang ako ng go! ang nag ayos pa sakin nya eh ung tita ko na nagjjapan! ang tinde ng mga tirada ng mga bagets nyan may mga service pa ng tricycle nyan kaya pogi nnaman si manong driver nyan! at eto pa! sobrang kurakot ng skwelahan namin nyan sa gym lang school! eh pag nakita nyo naman skwelahan namin nun parang bahay lang na nilagyan ng flag pole! subukan nyo silipin ung roosevelt college sa san juan, ngaun skool for the abnormal na! ang galing nyan! teka tawag na ako ni esmi 2loy ko na lang toh maya maya! at kkwento ko din ung asawa ko! dahil highschool classmate ko sya na kaaway ko at hot nung panahon namin! adios mga kaibigang batang kalye!

  7. alasais

    Deadpool,

    Bwahahaha! Eskwelahan na ba ng special kids? Hindi mo lang alam, special school na siya nung andun ka, akala mo lang regular skul yun. Diba? Wink wink! Bahay na nilagyan ng flagpole – haha! Hihintayin namin ang katuloy neto.

    “Olways, I wana bi widyu, en make bilibimyu, en libin harmony-harmony ol naaaaayy!!”

    Wowie de…este…Tem-i of Alasais

  8. jeds1823

    thanks alasais! buo na naman ang linggo ko, hahahaha. matagal nakong nagbabasa ng blog nyo pero ngayon lang ako nakapag-comment. tamad kasi.

    heniwei.. tawang tawa naman ako sa post nyo na ‘to! ang prom namin nun ginawa sa isang convention center! yep, andami kasi namin, ikaw ba namang mag-aral sa pinakamalaking public haiskul sa probinsya nyo. at dahil maraming mga JJ (jumping jologs) sa dancefloor e andun lang kame sa risers sa gilid most of the time habang naghahanap ng ookrayin, hahahaha. at andaming taga-regular section na nakapang-gown! kaloka! ang iba e parang magaabay lang sa kasal😀

    isa sa mga friends ko ang isinayaw ng manliligaw nya. habang nagiislow dance sila e may naramdamang nakabukol sa may bandang pants ng guy ang friend ko. so cympre naloka si friend! ngayon pala e box un ng ferrero chocolates na kanina pa nakabulsa at iniabot lang pagkatapos ng sayaw.

    hay nakakamiss tlaga ang hiskul…

  9. alasais

    Jeds!

    Nice to finally hear from you! Madalas din magbaon ng ferrero si Tikboy sa pantalon niya eh. Lagi na lang may naka-umbok, hindi naman niya kinakain. Kumusta ka na? Keep enjoying Alasais! Tambay ka lang dito lagi, ma dear.

    Tem-i of Alasais

  10. anakngpating

    wah i miss high school life ..
    takte yan yung crush ko nun di ko man lang naksayaw hehe..kasi di nya ko nilapitan hehe ..ang ginawa namen nung mga tropa kong walang kasayaw eh group dance na pabilog as in nagtatanggalan kami ng mga klasmeyts ko ng sandals dahil masakit sa paa hehe..hindi sanay sa mga hig heels ang player dati ng softball eh hehe..lalo na ko hehe,.
    tapos ananngpating yung adviser namen nung 4th yr.lahat ata kaming studyante nya sinayaw nya may nahalata tuloy kami hehe..:)pero miss ko si sir ymasa oh di ba sa last name palang huli na hehe..
    kayo bang tatlo eh may nakasayaw o tambay lang ng gabing yun tenco,tem-i,tikboy sumagot kayo hehe..

  11. alasais

    Tungawngaw!

    Okey yang Sir Ymasa niyo ah! Medyo hindi malandi! Hehe! Dapat ang high heels, ginagamit lang na pang toothpick dahil mukhang mahirap talagang sumayaw with it. Nung nagpunta akong prom ay nagsayaw naman ako sandali pero tinamad din kami kaya iniwan namin ang mga partners namin at ipinasok kami ng kuya ng kaibigan ko sa beerhouse. Mas enjoy kesa sa JS Prom.

    Hindi ako kinausap ng partner ko nang isang buwan.

    Waaaaaagnuuuuut!

    Tem-i of Alasais

  12. anakngpating

    oo ang landi ni sir ymasa lahat kami ng klasmeyts ko pati ibang section eh nag flirt samen ay hindi pala lahat yun palang mga magaganda hehe..kasi napansin ko un ibang klasmeyts ko di nya sinayaw hehe..haha isang buwan ka di kinausap hehe loko ka ba naman ipagpalit daw ba sa beer house ung prom hehe..

    tungaw

  13. DEADPOOL

    eto na ung part 2 ng kwentong JS…
    ehdi xempre ang dami ko din gnawa buong araw, nkarating pa ako ng quiapo para mamili ng dadalhin sa sweden, at nkarating sa airport…
    teka JS Prom pala usapan!
    ayan! nkapag JS nga ako nun nung bumagsak ako at di nka graduate! ako ung mga bigatin nun x2senior ako nun! parang under ko lahat nun! kaya malakas apeal ko sa mga chix… ibang klase talaga nyan dami ko nauutusan at nuuto… sari saring pambirit(porma) din nyan, tsaka ung mga kintab shoes na di pwede maapakan at mga pamada at gel sa buhok ng mga lalake na parang dinilaan ng kalabaw, at sa mga babae naman eh ung mga spray net at nagkakapalan na make-up! at ang grupo xempre ng mga backstreet boys na boy band talaga datingan dahil nagkukumpulan sila at may dance number pa sila nyan! at sa mga babae naman eh parang spice girls… ang saklap nga lang sa JS is walang alak at yosi! ang baduy nun! uso pa nun eh ung gin pomelo, pero ung juice namin nun eh tinimplang tang pineapple lang! buti na lang may adik akong classmate na nagdala talaga ng gin! kaya ayun! kada inom namin nug pine apple eh hinahalo namin un! kaya nkapag uwi kami ng chix! after 3days sibak ung adik na classmate ko!
    di ko na kkwento un! dami ko pa maisip kaso bka di na kasya! sa susunod na blog na lang ulit…
    o diba astig comment ko! talagang inabangan nyo din!
    ang sarap talaga magbasa lalo na ung nakaraan…
    pwede bang tawagin si yda para gamitin ung time space warp o kaya si dr. Emmett Brown para gumawa ng time machine… mas masaya talaga dati kesa ngaun! mas madami na kasing corrupt at wala na si kiko na babatikos sa bansa!
    mabuhay ka kiko!
    salamat sa inyo tenco, tem-i, tikboy!
    mga henyo kayo!
    salamat!

  14. alasais

    Patay na Languyan AKA Deadpool,

    Talagang nakapasok pa siya ng 3 days bago sibakin ha? Hahaha ano kayang ginawa ng principal nung 3 araw na yon? Nagsine? Nagyosi? Tinikman ang Gin-Pom?

    Uy, wag naman “henyo” ang itawag mo. “Diyos” na lang.

    Time space warp, ngayon din! (…shigi shigi..)

    Tem-i of Alasais

  15. Bam

    nabuhay ako ulit mga kuya!!!hahaha…Hassle kasi mga reports, patapos na sem dito. Anyway, ang ganda ng topic ngayon. Never missed, napatawa niyo na naman ako. Masaya talaga ang JS prom.Na-alala ko nga mas excited pa yung nanay ko bumili ng gown 2 months before ng prom meron nakong gown, pambihira! Naranasan ko rin yung may “nangbabakod” hindi na ako makaupo nun.LOL asar lang minsan kasi hindi naman ako pwede mag-ask sa lalake db?hahaha..
    Looking forward to your next blog ^^

  16. alasais

    Bambambino!

    San ka nanggaling? Namiss ka namin ah! Nagtatae ka nanaman ano? Aminiiiin! Nabakuran ka na din ba sa JS? Hehehe! Ganyan talaga ang buhay…parang gulong lang yan, minsan nasa taas, minsan ay bilog.

    Wag ka nang aalis ulit!

    Tem-i of Alasais

  17. jeds1823

    tem-i, ayos lang naman ako🙂 parang antagal na nating magkakilala ah, hehehehe🙂 tambay ako lagi dito don’t worry😉

    tenco, ur so malicious! akshali, ganun din ang reaction namin nung nagkkwnto ung friend ko, akala din namin ano e, uhm..

  18. andreidae

    kewL!!!

    prom nayt pla ang topic..teka lang pasali din..namiss kuh dito..haix..

    ang aking unforgetable prom nyt..haix..pnu nga ba uumpisahan??..1 tym lng namin na experience toh eh pwo unforgetable tlga..

    nttndaan kuh na kasalukuyan akong inlab s aking bestfriend nung mga panahong itoh pwo xmpre d nya alam..nkakakilig lng xe xa ung first dance kuh at masaya nman..grabeh..tpos sunod sunod na ung mga ksayaw kuh..hindi nman me nbakuran pwo prng gnun din xe d nman me nbakante..nkkaloka ang gabing itoh..dahil nkktawa ung nanliligaw sakin nun nung niyaya akuh sumayaw..d nya alam kung san nya ako hahawakan..hahaha..nkk2wa tlga at naalala kuh n nman toh..takot xe sakin ung suitor kuh n un auko p nga sna mkipgsayaw pwo nkkaawa at mdjo masama n tingin sakin ng mga tropa kuh dahil npka maldita kuh daw kea pumayag nadin ako..nkktawa tlga xa dahil nanginginig xa the whole time we were dancing..poor guy..pwo auz lng un..atleast naisayaw nya n ako khit sandali..tpos nkkaloka pa dahil sinayaw din akuh nung crush kuh na 3rd year..(pedophile much!haha..)(we were already 4th year studs nung nkpg prom kmi)..buti nlng mdjo maliit lng ung school nmin at ngkataong president p akuh nung 4thyear kea mdjo kilala nya n ako..parang gusto kuh himatayin nun pero kylngan todo project lng..haix..then after that sinayaw nman akuh ng long time classmate kuh and at the same time crush kuh din xa nun and he’s aware na crush kuh xa kea sinayaw akuh ng loko..and xa n ung last dance kuh nun kea sobrang fulfilled akuh nung prom night mjo kulng lng pwo pwede nadin..

    haix..namish kuh tlga itong blog kea o.A s haba ung comment kuh..

    nice one guys!!kip it up!!

    =)

  19. alasais

    Andreidae,

    Aba, aba, aba! Madami ka palang suitors at crush ha! Siguro, patay na patay sila si ishfelling moh! Namizzz ka deen namen-ramen! Ang tawag sa dance step ng kabadong may crush sayo ay “The Electric Dance”.

    Buti at nakahabol ka pa dito sa blogisode nato! We always love hearing/reading from you Andreidae!

    Tem-i of Alasais

  20. jew

    haha ayos tong blog na to aa. aniweiz, sakto naman na habang binabasa ko to e pinakikinggan ko ang don’t give up on us ni david soul.. aniweiz again, junior hs palang ako sa pasukan so magpaprom palang😐 hindi ko alam kong matutuwa ako o maiinis pag malapit na ang prom e kasi di ko maimagine yung sarili ko sa isusuot ko :)) haha anyway, patok sakin to😀

  21. alasais

    Jew,

    Kumusta na? Na-miss ka namin a. I-enjoy mo ang prom dahil minsan lang mangyari ‘yan!🙂 O ‘di ba saktong-sakto ang kanta?🙂

    – Tenco

  22. DEADPOOL

    hehehe! di naman kasi nkapasok ng 2days ung chix nun! kaya hindi agad na litis ang kaso!
    tsaka talagang walang nagsusumbong nun… kaya ung biktimang babae ang talagang nagsumbong! kaya sa nakakabasa nito! mag iingat sa JS at classmate na manyakis… mag ingat din kay tenco… juk! teka lang! may tropa din akong tenco at madami din tattoo 2lad ko! ikaw ba un tenco? hmmmm…
    BLOG na agad! naiinip ako dito!

  23. alasais

    Deadpool,

    Haha! Hindi biro yan. Mag-ingat talaga kayo kay Tenco. ‘Yan ang “Gapang King” ng prom nila, tama ba Tencs?

    Tem-i of Alasais

  24. andreidae

    kuya Tem-i,

    namiss kuh po tlga dito.. waheh..xempre nman po gnun tlga nung highschool diba??daming crushes..bata pa kxe..anyways..xmpre nman habol padin me..naging busy lng nman dahil sa graduation..and now okay na..board exam nman..pray for me.. uber namish kuh tlga dito..and now alam kuh na kng ano twag dun s sayaw nung nanliligaw sakin nun..”electric dance” pla un..haha..tnx tnx po..

    more power to alasais!!

  25. alasais

    Andreidae,

    Ipagdadasal kita. May altar ako ni Victor Neri dito eh. Mag-aral ka mabuti at siguraduhing matatalino ang katabi mo. Kumain ng madaming carrots (o kerots) para luminaw ang mga mata. Yumuko habang nag-eexam para matakpan ng buhok mo ang mga mata, at nang hindi mahalata kung saan ka nakatingin. At pag pumasa ka, sumayaw ka ng electric dance, dedicated to suitor number 8.

    Keep enjoying!

    Tem-i of Alasais

  26. andreidae

    kuya tenco,

    wow nman..ur always welcome po!..i love your blogsite that’s why i keep on coming back..at kau po pla ang “gapang king”..hahaha..natuwa nman me dun.. more power!

  27. alasais

    Igel,

    Tumambay ka lang dito Pare! Laging may kwentuhan dito. Kada Biyernes, abangan mo dahil may bagong blogisode. Wag kalimutan magdala ng chicharon para may pulutan tayo.

    Tem-i of Alasais

  28. azianitsirc

    waah.namis q tlga ang alasais at kaung 3.super kilig aq nung prom nung 3rd yir kmi kc naisayaw aq ng crush q.haha.wid wyt roses p.nanli2gaw n rin kc xa nun.nkadalawa kanta p nga kmi.hay.nkkmis 2loy un.

  29. alasais

    Azianitsirc,

    Namiss ka rin namin, sa’n ka ba galing? Ano na’ng nangyari run sa nanliligaw sa’yo? Hanggang ngayon ba e nanliligaw pa rin?

    – Tenco

  30. adonis

    naalala ko tuloy ang js prom namin… hindi nabanggit dito ang pinaka importanteng nagaganap sa js prom. dito ka talaga madedevirginized sa mga babae at sa mga lalaki dahil ito ang pagkakataon ng mga 1st timer kasi 1st time din uuwi ng gabi at 1st time aabutan ng gabi ng walang bantay si babae…sa mga kalalakihan maraming 1st time andyan ang 1st time makakiss,makayakap,matsantsing,makascore at pagmalupet lupet at astig ka talaga 1st time sex experience wow sarap lahat 1st time sa isang gabi lang magaganap… 1st time mo din matikman ang alak kaya ito ang pinakamasayang gabi para sakin ang js prom….

  31. TunYing

    JS prom… memorable sa akin yung JS namin nung 4th year HS ako… first dance ko yung labs ko! (yiheee… kaso di nya ko labs! hahaha) Naalala ko pa may kaklase kami TOMBOY na hindi nagJS nung 3rd year kami kaso kailangan sya dumalo sa 4th year kaya hayun napilitan magsuot ng gown at high heels… Paika ika lumakad! Pero infairness! Sexy!!! hahahaha… May nakasayaw din ako na 3rd year maganda din at sexy kaso mas amoy lalaki pa sa akin! hehehe… Lastly, nakakaawa naman yung kaklase kong mukhang bangkay… kasi ni isa man lang… walang nagsayaw sa kanya… kahit yung tugtog eh THRILLER!!! hahahaha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s