G. Patalastas

Noong ako’y musmos pa ay hindi ko alam kung baket may patalastas sa TV.  Komersyal, adbertisment, palatastas, patalastas, palaspas o kung anu-ano pang tawag dun.  Ako, hindi ako mahilig manood ng patalastas pero minsan, talagang napapagod din ang mga daliri ng kung sino mang may hawak ng remote control at wala kang magagawa kundi panoorin ang mga komersyal na paulit-ulit.  Eh wala, puta ganun talaga.

Kung nabuhay ka sa panahon ko, imposibleng wala kang kabisadong patalastas.

Swatch komersyal with Mikee Cojuanco – nakapose lang ‘yung braso ni Mikee habang may kumakanta sa likod ng “I like you…”  Buti na lang maganda si Mikee.  Kundi ampanget ng patalastas na yun…nakakatae…shet.

Eh ‘yung sa Purefoods Hotdog?  “Dear Diary, Carlo sat beside me today.  He’s sooo cute!  Sabi nya, I’m pretty, kaya lang I’m fat…”  Sa’n na kaya ‘yung babaeng yun?  Diabetic.

Eh eto, “Hi!  It’s me – Curlets!  Let’s all sing the new Cheesy Cheese Curls song!  Chessy Cheese Curls, you’re the one…You make snack time lots of fun!  Cheesy Cheese Curls, you’re my favorite cheesy treat!”  Tapos uulitin lang kasi masyadong maigsi ‘yung patalastas.  Shempre pa ‘yung putanginang Nano Nano na ‘yan na ni minsan eh hindi ko natikman.  May tatlong sari-sari store sa kanto namin eh ni isa walang nagbebenta.

Ok ‘yung patalastats ng Sweet Corn na nag-iiba iba ‘yung mukha ng mga kumakain habang nagsasabi ng “Munch it, munch it!  So goooood, yeah!”  Hataw sa special effects eh.

Ay puta kung patalastas lang din ang pag-uusapan, hindi tayo mauubusan ng alam diyan.  Lalo na si Tenco at Tikboy.  Hindi ko na sasapawan ‘yung dalawa at baka hindi nila ako pahiramin ng season 2 ng “Kimba the White Lion”.  Malabo pa naman Channel 5 namin.

Tuloy-tuloy lang sa pagi-email.  Sasagutin namin lahat ng tanong ninyo.  Salamat ulit sa pagbabasa ng 6pm.

– Tem-i


Hay naku patalastas…yan ang haselicious sa panonood ng telebisyon nung bata pa ko.  At halos lahat ng bata nagkamali sa pagbigkas nyan.  Imbes na patalastas nasasabi nila “palatastas”, diba diba?  Isa na ko dun hehe.  Kaya nga rin nagkaron ng laro na paunahan sa paghula ng patalastas para pampabawas bagot sa panonood nun.  Sumasali rin talaga ako sa laro na ‘yun para hindi ako mainip.

Hindi ko pa talaga alam dati kung bakit meron pa nun.  Parang nang-aasar lang sila ng mga manonood na katulad ko.  Hindi na lang puro kartuns at maskman ang pinapalabas.

Nabanggit na lang din natin ang maskman, eto yung palaging komersyal pag maskman…  SNACKU!  Hindi ko maintindihan ‘yung komersyal na ‘yun.  Ang tanda ko parang may tao sa isang bahay tapos may darating na haponesa at sasabihin lang niya, is-na-ku…  mabagal pa talaga pagbigkas tapos magiging masaya na sila.  Ang labo eh.

Eto ang patalastas na klasik sakin.  Ewan ko lang kung tanda nyo pa ‘to.  Anu ata ‘to eh, parang betamax rental.  Magpapakita sila ng iba’t ibang palabas tulad ng Smurf, si Mr. T at iba pa.  Tapos nun sa huli ‘yung parang nasa spaceship na maraming pindutan tapos may dahan-dahang lalabas bigla na kamay na parang inaagnas na nakakatakot.  Mahaba ang mga kuko nun na black.  May background music ‘yun na nakakatakot din eh.  Takot na takot ako dun nung bata ako.  Pag ‘yung part na lalabas na ‘yung kamay na ‘yun pumipikit na ko.

Eh ‘yung Oishi, ‘yung biglang papadaanin yung kamay sa baba.  Lahat na tao hinirit ‘yun pambara eh.  “Apir tayo apir….oishi!”  Eto hindi ganun ka-old skul pero old skul pa din.  Ang Sprite ni Grant Hill.  Pumatok din sa mga pinoy ‘yun eh.  Basta may nakitang nabitin na dakdak, “Uy na-sprite o!”  “Ganda sana ng dunk mo kaya lang sprite eh.”  ‘Yun na talaga ang naging tawag sa bitin na dakdak ampucha.

Ayos yung Kimba ni Tem-i haha.  Isa sa pinakapanget na kartuns sakin.  Hindi ko malaman kung leon o daga si Kimba eh.  Kasing laki ng tenga nya ‘yung ulo nya tapos kulay puti sya haha.  “Kimba, the white lion” hahaha.

– Tikboy


Haha!  Ako rin nagrereklamo kung bakit may mga komersyal pa.  Eh bakit, hindi ba pwedeng tuluy-tuloy nalang ‘yung palabas sa TV?  Kaya nagtanong ako kay mama.  Ang sagot niya, “e ganun talaga.”

Isa talaga sa mga sumikat na komersyal e ‘yung Purefoods Hotdog na sinabi ni Temi-i.  Puta natsismis pa ngang namatay sa aksidente ‘yung babaeng artista dun eh.

Nano Nano.  Sa lugar namin, iisang tindahan lang ang nagbebenta niyan—kina Mommy (pangalan ng tindera at hindi ko siya nanay).  Nasa school vicinity ang tindahan niya kaya instant access ako sa kending ‘yan tuwing recess.

Oh Nano Nano
It tastes so yummy.
I really love
What it does to me-e-e-e.
Sweet, sour, and salty,
Nano Nano,
Nano nano,
Nano nano-o-oh!

Totoong tatlong pinagsama-samang lasa ang lasa niyan.  Sinagot ko nga sa exam namin sa Science ‘yan eh (para tatlong korek answer agad).  E puta minali ako ng titser.  Tatlong mali tuloy.

Golden Sweet Corn.  Nakakatawa ngang maalala ‘yung eksenang nagpapalit ng mukha ‘yung kumakain niyan.  Meron pa ngang matandang babae diyan na biglang sumayaw eh (hindi kumain amp).  Parating pinapatalastas ‘yan tuwing Linggo nang tanghali, sa IBC 13.  Naalala ko tuloy ‘yung patalastas dati ng Beer na Beer na meron ding nagpapalit-palit na mukha habang nagpapaliwanag naman kung gano kabida ang Beer na Beer.

Patok din sakin ang mga animated commercial ng chiskarr at Nips.  ‘Yung tono nalang ang naaalala ko sa Nips commercial.

Nakakatakot nga ‘yung komersyal na sinabi ni Tikboy, ‘yung may kamay na biglang lalabas tapos parang may pipindutin sa space ship.  Talagang natakot din ako run e.

RA Homevision,
Dependable home video services,
Where you can find the box office hits,
Guaranteed top-quality vhs tapes at very affordable prices.
We got them, VHS thrillers, adventures, dramas, sports (clip of Mr. T), cartoons, award-winnings, and more.
Bring home the excitement!

Eto ang patalastas na klasik din sakin–-Encarnacion Bechaves.  Tuwing Wednesday ng gabi ‘yan kapag wrestling na ang palabas (for they need to know how much you really care).

Kinamulatan ko naman ang tungkol sa pagkakaroon ng syota dahil sa komersyal ng Green Cross Cologne–-“feel the fragrance…  Green Cross Cologne.”  Tapos may dalawang magsyotang magkahawak-kamay yata nun, gabi ang setting, at nasa terrace sila.  Nostalgia!

Minsan ko na ring nasulyapan ang Close Up commercial ni Tonton Gutierrez.  Syet, ang gwapo talaga ng taong ‘yun.

Bakit kapag tapos na lahat ng mga palabas sa TV e buhangin ang ipapakita sa screen tapos tunog umuulan?

– Tenco

regent-goldensweetcorn

65 comments

  1. batopik

    anu daw? hakhak! adik. pero naaliw ako sa inio.
    hakhak! adik kayong tatlo noh?
    magkano isang gramo? hakhakhak!!!

    nakakatuwa nga ung mga patalastas eh.
    maganda ngaun ung patalastas ni ramon baustista tska ni pransis em. hakhak! ung sa nescafe. wala lang..

    nakakainis ung chubby na commercial.. chubby chubby ye..sarap ng chokoleeeeeeeeeeyt… cha cha cha cha cha chubby chubby… hakhakhak!!! LSS. tskk!

    at ang daldal ko noh? hakhak!!!
    aliw toh!!!😄
    weeeeee!!!

  2. alasais

    Hello Batopik,

    Mukhang pareho tayo ng hinihithit a. Haha! Salamt sa mga komento. Nakakaaliw ang mga banat mo. ENjoy our weekly blogs!

    Tem-i

  3. eiyelle

    nainis din ako sa mga komersiyal dati, dahil sa sobrang tagal ng airtime nila pakiramdam ko nakain na nila lahat ng oras nung pinapanood kong palabas sa tv.
    pero nakakatuwa din kasi para hindi ka maburyong sa tagal nila, naging laro namin ng mga pinsan ko yun, paunahan sa pagsabi kung anong komersiyal ung lalabas sa tv tapos pipitikin mo yung natalo. hehehe..
    pinakagusto kong komersiyal yung nips ang ganda kasi ng jingle at syempre jolibee..nakakagutom!hahah!🙂

  4. atetin

    RA homevision at Cash & Carry, Makati wahahaha! Yang jingle ng nips ang mabenta sakin. na-late kc ako noong intern pa ako at ang parusa, kumanta raw ako. Wala akong maisip n kanthin. sabi ko s senior ko, 1 kanta lng naaalala ko that time. ok lng daw, e d bumanat ako ng “you wanna see wat happens in a bag of nips…” aba, bago ko ntapos ung kanta e may mga back-up singers n ko, sumabay n lahat ng mga kasama ko sa akin hehe. ang ntatandaan ko patalastas tuwing linggo e yung s Family rubbing alcohol (d lng pampamilya, pang-sports pa..ting!), mabenta rin yan tuwng may boxing. pang-inis rin ung Vetracin multicaps tpos may CY Gabriel, ang sabon ng mga artista. bkt b yung mga pang-inis p ang naaalala ko. kasi nga naman istorbo s panood, sana tuwing pgkatapos n lng ng pinapanood ko ngpapalabas ng mga patalastas.

  5. alasais

    Atetin,

    Hanggang ngayon ay kabisado ko pa din ata yang Nips na yan e. Hindi matanggal sa isip ko.

    Ay ok talga yang Vetracin…kung di ako nagkakamali, yan ba yung may pinost silang picture ng vetracin tapos kunwari pinagkakaguluhan ng mga biik. Pero kitang kita naman na ang totoong picture e umiinom lang sila ng tubig. Hataw sa special effects.

    Ang CY gabriel naman ay lagi kong nakikita sa gitna ng mga portions sa eat bulaga. Ang haba ng patalastas nila lalo na bago mag bulagaan. Pero ni minsan ay hindi ako nakakita sa tindahan ng CY Gabriel. Hahaha! Kaya tumambay na lang ako sa Encarnacion Bechaves.

    Enjoy our blogs every Friday!

    Tem-i of Alasais

  6. babyfatty

    aliw na aliw din ako talaga sa patalastas ng purefoods hotdog na si dear carlo tapos lagi ko ding inaabangan noon yung sa coke yung mag bestfriend may kwento yung patalastas na yun eh kaya benta sa akin at syempre hinde mawawala ang “eto ang bit sabay-sabay eto ang bit walang sablay coke ko to coke ko to coca-cola” at iba’t ibang version pa yan kaya super benta! haha

  7. Li

    di ko makakalimutan yung close up commercial kung san nadiscover si robin da roza – yung nakikipagbasketball (pero ang totoo nakikipagflirt) sha with the short-haired chinita girl. wahaha.

  8. alasais

    Bwahahaha! Oo nga pala Santhrock! Favorite kantahin sa Tropang Trumpo din yang mga patalastas na yan e!

    Galing mo!

    Tem-i of Alasais

  9. atetin

    question lng… napansin ko dun s United American Tiki Tiki, hindi p nila binabago ung packaging nila. Bata p lng ako, un n ung picture ng bata s kahon. Sino kaya un, bakit hindi sha sumikat? Ilang taon n kaya sha? La lng, naisip ko lng🙂

  10. jhuvie

    hahaha! impernes chuvaness, aliw ako sa blog nyo. di ko nga alam kung panu ako naligaw dito pero aliw!🙂

    at natawa ako sa sinabi nyong commercial ng purefoods, naalala ko rin yun tapos bandang huli sabay banat ng “…goodbye Carlo!” sabay lafang ng hotdog.. ayus! naalala ko pa, napag-chismisan pa na anak daw ni Sharon Cuneta yung babaeng yun… ganun din kasi kataba si KC Concepcion dati nung bata pa sya.. hehe…

  11. JUGGy

    Kilala nyo ba si Joey at ang crush nyang si Jeny? Sino ba ang makakalimot sa klasik na commercial ng Royal Tru Orange…pinabili lang ng suka. Classic!

  12. Tsutsay

    naalala ko bigla yung komersyal ni alice dicson(tama ba ispeling?) na Palmolive ” i can feel it! shah!!!”. lagi kasing ginagaya ni rene requestas yun eh! ehehe…tsaka yung kay regine velasquez na “iiits the best time fooor WENDYS!” meron pa pala…yung patalastas ng katol! “dregon kung umusowk lamowk seguradong tehpowk!!” di ba?…isleng kasi eh…ehehe

  13. tupe

    meron pa. naaalala ko parating pinapalabas habang nanunuod ako ng “Video Hit Parade” yung commercials ng Family Rubbing Alcolol (‘di lang pampamilya pang-isports pa! *ting!*), Caronia nail polish at ang walang kamatayang Seiko Wallet (Wallet na masuwerte).

    Memories!

  14. mishes

    samin din paglate kelangan mong kumanta ng nips.. kaya lang may twist, kelangan hindi ka ngingiti.. hinay.. ang hirap kaya nun.. hiya ka na nga sa mga classmates mo, empre lalo na kay crush.. tas kelangan pa mala opera ang pagkanta ng nips.. hayzzz.. buset tlga un prof namin na yun.. hahaha..

    pinakafave kong commercial, yun sa sterilized ng bearbrand.. yun nagsasayaw un maglolo tas sabi nun lolo sa apo.. luk at my mole.. hehe.. wala lang.. ang saya talaga dito sa blog na to! :0

  15. alasais

    Mhey,

    I remember yesterday… the world was so young… (naalala ko nanaman ang makabag-damdaming awiting ito)

    Hahaha sarap sigurong balikan ‘yung pinapakanta kayo ng Nips. Tingin ko kakayanin ko, basta wala ‘yung pagmumukha nina Tem-i at Tikboy sa harap ko.

    – Tenco

  16. alasais

    Mishes,

    Sana minura mo yung prof.

    “You wanna see what happens in a bag of nips? Tangina nyo Ser!”

    Tambay ka lang dito sa Alasais. Masaya dito.

    Tem-i of Alasais

  17. mishes

    tem-i

    sarap ngang murahin eh.. kaya lang baka bigyan ako ng 5.. hehehe..

    ginagawa ko na ngang daily habit ang pagtambay.. lapit na matapos ang backread.. buti na lang friday na tom..🙂

  18. mishes

    hala! may bayad pala.. hehe.. may discount ba pag may recruit?? hahaha.. lista mo lang ng lista.. pagnagkita tau.. wla lang.. nagkita lang.. kala mo babayaran eh no.. hehe.. joke!

  19. TunYing

    Classic pa din at di malilimutan yung patalastas na “LABADAMI LABANAYAD LABANGO!” hehehe… Sama mo din yung Sunny Orange “Sunny orange i love you lemon grapes and strawberry”… Eh yung jollibee? ” I love you sabado pati na rin linggo hintay ka lang jollibee nandyan na ko” bata pa si boy2 nyan! Yung Caronia din tuwang tuwa ako dun kasi ginawan ng tropang trumpo ng dance steps yun! At syempre yung walang kamatayang “SEIKO WALLET!!! Balat nito ay genuine international pa ang mga design, ang wallet na maswerte!” hehehe… Ooops… Meron pa pala… O-O-O-valteenies O-O-O-valteenies…. hehehe…

  20. alasais

    Tunying/Allan/Boy 1-2-3,

    “I just can’t get enough…you’re gonna love this stuff!” Tama na nga yang Ovaltinees na yan. Nano-Nano naman.

    Tem-i of ALasais

  21. Snowden

    Haha.naks lahat na katuwa tuwang patalastas binuhay ny0.see hindi naman kasama ang mga patalastas.mga kapatid kantahin natin ang seik0 wallet per0 dapat malungk0t ang dating.wahaha

  22. dencios

    cool. haha kulit!🙂 enjoy naman ang komersyal sa pinas e. kahit mahaba e ok na din at least na eentertain tayu ng mga patalastas na iyan haha

  23. azianitsirc

    *c patrick garcia b ung carlo dun s purefoods?
    *bukod s snacku,mga products ng regent ung comercial s IBC 13.paulit2 p.
    *naala2 nyo b ung comercial ni rico yan n EGGNOG,ung nirerate ng mga babae ang mga guys n dumadaan thru no. of eggnog?ang gwapo nya dun.
    *pgalingan dn kmi ni kua s pghula ng comercial pra d mbore.nkkmis 2loy
    *pampatnggal stress tlga ang pgvisit q s site nyo.hehe.:-)

  24. alasais

    Azianitsirc,

    Dahil sa pagcontribute mo ng ala-alang yan sa amin, I give you 5 eggnogs! Oo, si Patrick Garcia yun nung supot pa siya. Regent Mocha Cake, Ube and Penden (pandan).

    Tem-i of Alasais

  25. TunYing

    may naalala pa pala akong classic na patalastas… kanina lang… hehehe… yung dragon katol!

    “Dragon katol… dragon kung umusok, lamok, siguradong teypok…”

    HAhahahahahaha

  26. dyake

    teka, di nyo man lang naalala ang..

    “im gonna knock on your door, ring on your bell, knock on your window too..” hahaha..classic tlga!

  27. alasais

    Dyake,

    Hahahaha! Electrolux ba ang patalastas na iyan? Kumatok sa pinto sabay kanta pagbukas? Classic talaga yun! Andami dami pang mga ka-klasikan sa mundo ng isang batang kalye kaya keep the memories coming!

    You rock!
    Tem-i of Alasais

  28. adonis

    kami rin ng ate ko at mga kalaro ko pagnapunta me sa bahay ng mga kalaro ko at don nanonood kahit may tv naman kami wala lang gusto ko lang makipanood masarap kasi yon nakikinood ka tapos ikaw pa ang may hawak ng remote ganon nakikinood ka lang kaya asar sakin yon mga high school hahaha..

    natatandaan ko komersyal yon kay sharon cuneta super ferry “sakay na”, tapos yon kay ruffa na happy toothpaste “ang mundo ko sana makita mo” yon kay serena dalrymple ” chicken joy chicken joy” tapos yon pldt commercial yon commercial ni carlo na may sequel pa nga hahaha yon lang mga natatandaan ko..

  29. alasais

    Adonis,

    Super Ferry! Talagang trip kita! Sakay na! Tapos na-flatan ng gulong nung sumakay si Sharon. Huh? Kung anu ano nanaman sinasabi ko. Anyway, mukhang mahilig ka din talaga sa tv. SIguro kung magkabahay tayo ay nagcontest na tayo sa patalastas.

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  30. alasais

    Randy!

    O Nano Nano, you drive me crazy! I really love, what it does to meeeheee! Isa ka din palang tambay sa harap ng TV! Dapat ay maglaban tayo sa patalastas isang araw. Alam mo ba yung larong yun?

    Keep enjoying Alasais!

    Tem-i

  31. kuchara

    “tikman nyo ang jolly hotdog ubod ng sarap” (sing to the tune of elvis presley’s hound dog) natatandaan nyo p ba to? waaaaaaaaaaaaah

  32. kalye11onse

    my favorite:

    YC bikini briefs
    YC bikini briefs
    YC bikini briefs
    For the man who packs a wallop

    YC for comfort
    YC for fashion
    YC for #$%* and motion
    YC is for you

    YC bikini brief
    YC bikini briefs
    YC bikini briefs
    YC BIKINI BRIEFS!!!!

    yaaaahhhh!!!
    if this isn’t brainwashing i don’t what is.

  33. guru_disini_jakarta

    tem-i!!!

    like mo ba nano nano??? marami dito sa jakarta. bigyan kita krismas gift ba kasi napapasaya mo ako d2. tell kung like mo ha hehe dadalhan kita pag uwi ko for christmas…totoo. tas pa picture na rin ako. hehe.

  34. owyeah

    wahahaha.. naalalak o ung family rubbing alcohol.. eto lumalabas tuwing me boxing (lolo ko kasi is fond of watching boxing matches)

    pagkatapos ng bawat round eepal ung referee na may hawak ng alcohol tapos sasabihin sa huli

    “DI LANG PAMPAMILYA, PANG ISPORTS PA” sabay banat ng pakanta na “DI LANG PAMPAMILYA, PANG ISPORT PA” *teng*.. wahahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s