W. Recess

Riiiiing!  Recess na!  Handa ko nang buksan ang baunan kong nakalagay sa likod ng klasrum.

What’s your favorite subject?  “Recess!” – Imposibleng hindi mo jinoke ‘yan nung bata ka?!

Kasama ang lunch time at uwian, ang recess ang isa sa mga pinakapaboritong timeslot sa araw ng mga batang mag-aaral.  Nung mas bata-bata pa nga tayo wala pang lunch time e, kase half-day lang naman tayo nun.  Pagtunog ng bell e dali-daling lalabas ang mga chikiting para pumila at pumunta sa CR (hands at the back!).  Pagbalik sa klasrum e kanya-kanya nang bukas ng mga baunan nila.  Napapaalala rin tayo nito na hindi lang puro aral sa skul.  Pwede rin palang kumain.  At maglaro.

Kulay blue ang baunan ko nun – parang attache case na maliit ang itsura at may bukasan sa ilalim ng hawakan.  Shaider ang design.  Ang kadalasang laman?  Hansel.  Minsan e Rebisco.  E hindi ko naman talaga paborito ‘yung mga ‘yun kaya binibigay ko rin sa mga kaklase ko, hirap ubusin e.

Kapag maganda ang itsura ng baunan ng kaklase ko, naisip kong masarap na rin ang laman nun.  Kaya tuwing recess e nag-iinspeksyon ako ng mga lunch box dahil panigurado e may ilan sa kanilang masarap na pagkain talaga ang laman.

Knick-Knacks.  Marie.  Mr. Chips.  Orange (jelly candy).  Roller Coaster.  Chocolait.  Zest-O.  ‘Yan ang roster ng masasarap at panalong baon.  Zest-O Mango Flavor at Marie ang gusto kong kombinasyon.  Tangina sarap!

Kinse minutos lang ang recess namin noon.  Pero parang andami nang pwedeng gawin – makipagkuwentuhan tungkol sa Regal Presents kagabi, maglaro ng teks at jackstone, tapusin ang nabiting pag-d-drawing, o pumunta sa canteen para bumili ng tokwa.  Minsan naman, bibili ako ng dirty ice cream sa labas ng skul pero hindi rin matutuloy dahil bawal daw lumabas sabi ng guwardiya.

-Tenco

Bago ako magsimula eh sasabihin ko lang na absent si Tem-i ngayon (lalamang na naman ang kasikatan ko sa’yo ungas!). Mahirap rin naman kasi maging boyband at marami lang talaga siyang ginagawa. Pero sana palaging ganyan para mapag-iwanan ko na talaga siya.

Mapunta na tayo sa usapan ngayon, recess. Haha tama ka Tenco jinoke ko rin talaga yang “What’s your favorite subject? Recess!”. Sinungaling yung magsasabing hindi niya jinoke yun. Yung iba ginagawang lehitimo rin talaga yung joke at ang sinasagot eh “P.E.!” kasi subject nga talaga yun sa skul. Pero wala pa ring sasaya sa recess kasi wala talagang titser yun eh. Kain, daldalan, laro o kahit ano pang gusto mong gawin sige lang.

Ang baon ko rin talaga noon eh hansel at zesto. Ang sarap ng hansel eh! Ang lambot ng biskwit niya na pagkasubo mo pa lang parang natutunaw na sa laway mo. Bad trip ako ‘pag chokies na orange yung filling ang baon ko. Tsokolate yung biskwit tapos orange flavor yung filling?! Puchang kombinasyon yan! Pero sumikat pa rin talaga eh. Inggit rin talaga ko sa mga kaklase kong may baon na chocolait. Dabest na inumin yun eh! Pero bihirang bihira lang akong makapagbaon nun kasi mahal eh hindi tulad ng zesto.

Nung nagbaun na ako ng kanin eh klasik na square na tupperware lang ang baunan ko nun. Walang special compartment ng kutsara’t tinidor o divider sa loob para sa ulam at kanin. Lagay ang kanin at ipatong ang ulam sa kanin tapos. Kaya naeelibs ako sa mga kaklase kong kakaiba ang mga baunan. Lalo na nung una kong nakita ang tatlong magkakapatong na stainless steel na bilog na baunan ng kaklse ko. “Lupet ng baunan nun ah!”, ang sabi ko sarili ko. At pwede pa ‘tong i-adjust, pwedeng dalawang palapag lang ang gamitin mo depende sa dami ng pagkain na ibabaon mo. Gustung-gusto ko magkaroon nun ngunit hindi nangyari. Kaya kapag tapos na ang kaklase ko kumain, sasabihin ko na ako na magbubuo ng baunan niya. Pagpapatun-patungin ko na at sabay klak! Naka-lock na ang magkakapatong na baunan.

Pagkatapos naman kumain symepre ano pa ba? It’s playtime! Mata-mataya, batobatopiks, taguan, dampa at iba pa. Siguradong pagbalik niyo sa klasrum eh pawis na pawis kayo. Yung mga nerd at mama’s boy lang ang mga fresh na fresh pa rin. Hindi naman kasi sila sumasali at nakaupo lang sa canteen. Syempre isa ko sa mga nagpa-cool na nagbubukas ng polo kapag naglalaro. Kitang-kita yung nakatak-in kong sando sa seksi kong shorts pero maangas ang dating nun dati. May mga goma rin akong bracelet panlaban sa dampa. Yung dala kong panyo nun e basang basa na at ‘pag pinahid mo pa sa balat mo eh mababasa lang ulit ng pawis na nasa panyo. Yun ang masarap paikutin at ipampitik sa mga kaklase mo. Solid yun kasi basa na eh. Lalagitik talaga yung dulo ng panyo mo sa balat ng kaklase mo. Maraming umiyak at nagsumbong sa titser dahil dyan.

Hindi rin naman ganung nagpapahuli ang mga babae dahil kanya-kanyang dala rin ng chinese garter yang mga yan. Pagalingan sa 10-20 yang mga yan. At kapag mataas na ang garter eh naglalabasan na ang mga panty nilang pink o yellow. Palaging yun naman kulay ng mga panty nila dati eh. Syempre makiki-epal rin kami sa laro at bigla na lang kaming tatalon talon sa chinese garter nila at kunwaring magteten-twenty rin pero mang-aasar lang.

“Please fall in line! Find your height!”

Oops sige tapos na ang recess nagtatawag na si titser. Sarado ko na polo ko.

Tikboy

70 comments

  1. Janis

    Tenco:

    Mas maganda baunan ko. Tupperware na blue and orange, na may nakaukit na alphabet at numbers 1 to 20. Hanggang grade four yun ang lunchbox ko. Ahuhu namimiss ko na siya.

    Nakatikim ka ba nung juice na nasa plastik dati, yung tigpipiso lang? balita ko para raw siyang tubig na may food coloring lang. Hindi ko yun natikman ever kasi maarte nanay ko, madumi raw yun. Naging masunurin naman ako.

    Tikboy:

    May Chokies pa ba ngayon? Pakitiktikan naman ako kung meron pa. Namimiss ko na rin siya e. Saka ako ren, naiiinggit sa mga kaklaseng stainless steel ang baunan. Pero nang makita ko siya bilang baunan din ng mga construction worker sa may kanto sa amin hindi na ako nainggit ahehe.

    Hi Tem-i! Kung may album kayong ilalabas, enge a.

    Hello sa inyong lahat! Andaldal ko sorry hehe.

  2. grasi

    di yata applicable senyo yung sinasabi dati sa gwapings na maghiwahiwalay na kayo para sumikat naman kayo. may sakit si temi? baka absenteism na yun. patingnan nyo na.

    tikboy, di kaya klasmeyts tayo? hansel at zesto!! da best. ilabet! kelangan lang ingatan yung hansel dahil madaling madurog. hi-c baon pag mejo bigtime ka. at may mga payabang pa ng chips ahoy.

    bwiset yang 10-20 na yan. nung grade 6 kami ang daming free time dahil praktis ng graduation. eh di panay ang laro namin. dahil sa kahumalingan sa unahan sa magandang pwesto, takbuhan na palagi. dahil lampa ako, nadapa ako sa pagtakbo. ayun grumadweyt ako na bangas ang siko at tuhod. buti di kita sa piktoryal.

  3. mars

    pag pumuntang C.R, hands at the back.korak!di ko lang maintindihan bakit kailangang sabay-sabay kami eh hindi naman kami kasya lahat dun…o kapag sarado naman ang C.R. pumupunta kami sa likod ng building at doon umiihi.

  4. Sembuddy

    hehe..kakatuwa naman tong blog mo…halos magkahawig lang mga binabaon, kc mahirap lang kami..hehe…hansel totoo masarap yun.minsan marie..zest-o lang ang katapat, o kayay palamig nalang kasi piso lang mas marami pa at mura kesa sa zest-O..kontento na ako pag may sentimo akong baon, tapos ibili ko ng kendi, lalo na yung tiptop, marami kasi, hmmm masarap din naman, pampalubag lang ng inggit sa mga may baon. Naranasan ko na rin magbaon ng kanin at ulam nung elementary ako..kasi exam nun..isa ako dun sa mga nerd at mama’s boy, na fresh na fresh parin. Gusto ko yun aral lang tapos ko kumain, kasi may test pa sa susunod na subject, naku patay ako pag walang ako maisagot.hhmmpp..ayoko kasi ng ngapapagod at pinagpapawisan ew kaya hehe..inis naman ako sa mga klasmeyt ko na hmmmpp! amoy pawis na iwan..pano kasi takbo dun takbo dito..habulan, nakikipagharutan, daldalan, batuhan, pati sa loob ng klasrum ginagawa nila..hehe..dami pa ako masasabi, meju mahaba na ta toh..hehe..anyway, I like your blog naman kasi parang nasasariwa ko ang mga alalalang nakalipas ng kahapon sa buhay ko sa kamusmusan,hehe, meron pang ganung factor?,nyahhaaa…

  5. Beia

    Tikboy:
    “Lalo na nung una kong nakita ang tatlong magkakapatong na stainless steel na bilog na baunan ng kaklse ko. “Lupet ng baunan nun ah!”, ang sabi ko sarili ko. At pwede pa ‘tong i-adjust, pwedeng dalawang palapag lang ang gamitin mo depende sa dami ng pagkain na ibabaon mo. Gustung-gusto ko magkaroon nun ngunit hindi nangyari.”

    –gustong gusto ko din ang ganung baunan dati pero ndi ako ngkaroon ng ganun. meron ako ng katulad nang kay Tenco, pero red nman and akin.🙂

  6. photosynthesis

    Tenco,

    Di naman. Feeling ko lang ganun mangyayari. haha.
    Yung crush ko nung grade three… nagka”accident” eh dahil dun. haha.. T.O. hahahaha..
    In-example ko nga pala ang blog nyo sa CmSc2 class ko. Magbigay daw ng blogsite na like eh. Kaya shinare ko sa class namin.😀
    Hope you don’t mind! Thanks!😀

  7. alasais

    Judith,

    Wow! Talaga? Dahil diyan, may libre kang brand new na baunan with freebies! Ilista mo na ang Pritos Ring, sigurado na ‘yan!

    Maraming salamat!🙂

    -Tenco

  8. jhuvie

    hehe.. recess! favorite ko rin yan…

    naalala ko nung kinder ako yung classmate ko na babae na tameme lang na lagi lang nakaupo, nung pumunta kami ng CR na nakapila at ‘hands at the back’ din, yung klasmeyt ko hindi sumama.. pagbalik namin, ayun naihi sa classroom! hindi talaga sya tumatayo kahit basang basa na yung palda nya ng wiwi.. badtrip na badtrip yung kaklase kong nautusang punasan yung basang sahig.. haha! hindi lang makarekalmo eh… haha! sarap kasi nung ininum nya nung recess, nagsoftdrinks eh.. nakakaihi ba yun?

  9. jhuvie

    pero bago ako mag-aral, inaasar ako ng kuya ko, magbabaon daw ba ako sa school ng dede as in milk sa feeding bottle? hehe! 5 years old na kasi ako, sa tsupon pa ako umiinum ng gatas…

    pero buti na lang hindi ako pinagbaon nun sa school ni mama… kahiya hiya naman yun. ang baunan ko dati ng iinumin yung may straw… atleast diba? hehe

  10. emilayskie

    Ang hindi ko makalimutang baunan na ginamit ko tuwing recess ay yung nabibili sa Jollibee na may kumpletong mga gamit (plato, kutsara, tinidor, baso, container) na nakalagay sa isang malaking jug na hirap na hirap akong buhatin dahil sobrang laki at kapag naglalakad ako ay hinihigop nito ang buhok ng legs ko.

    Gumamit din ba kayo ng placemat? Iba-iba ang kulay nito at nilalatag ito pag kumakain. Lahat kami noon ay nire-require bumili nito hanggang grade 3 pero pagkatapos lang ng isang buwan ay hindi na namin ito ginagamit.

    Hindi ko masyado matandaan kung anong paborito kong pagkain sa recess dahil mayroong binebentang “tray” at “soup” sa bawat klase at lahat kami ay kinakailangan bumili nito. Kapag hindi naubos ang laman ng tray ay nagiging bad record ito para sa section namin. Ang paborito ko lang bilhin sa tray ay yung sweet beans at Lala chocolate. Sobrang sarap na sarap ako sa Lala.

  11. batopik

    HAKHAK!
    Nagbaon pa ako ng dede hanggang naggrade 1 ako.
    BATOPIK LOSER! hakhak.

    Moo yung baon ko nung gradeskul minsan BIG na parang zest-o para daw tipid sbi ng nanay ko haha. . .tapos biskwit di ko na matandaan. wala ata akong baunan non.. ewan ko ba bat di ko matandaan ang recess. waaaah!

    Elow Tenco, tem-i at Tikboy.

    [Si Tikboy parang ang angas nung bata eh. Ang yabang namimitik gamit panyo niya. Ikaw ata yung nambubully saken nun eh. BADTRIP!]
    Hakhak. joke lang.

  12. aKDa

    hanggang hayskul ko ginagawang joke na recess ang paborito kong subject. isip bata pa din kasi. LOL.

    naalala ko pa noon kung paano naging kontrabida sa buhay namin yung mga titser sa oras ng pagtapos nila ng oras ng recess, at kung pano namin naging paborito yung mga titser na later dumating kaya nageextend ang recess. haha. at talagang makikita mo ang lungkot na pipinta sa mukha namin pag naputol ang paglalaro namin ng chinese garter at luksong tinik. (ang tanda ko pa nun, nung nakaaway ko yung mga babae kong kaklase, luksong baka naman ang nilalaro ko kasama ng mga kaklase kong lalake. hahaha)

  13. Tsutsay

    sino ba senyo may paborito ng Pritos ring? natatawa naman ako dun! lalo na yung di magkasya sa daliri? wahahah. iniimagine ko parang puro hinlalaki yung daliri.parang 2 blog na ata na nakabasa ko ng may Pritos ring? ehehe. meron pa pala nun. masarap din yung Kerei ibaon pati hi-ro,jolly biskwit yung violet yung balat? sino nakakaalam nun? tapos samahan pa ng Richie orange na kalaban ng Sunny orange. minsan masarap na rin ang BIG 5 pag walang mainom.

  14. alasais

    Tsutsay,

    Kami ni Tenco ay mahilig sa Pritos Ring. Si Tikboy naman ay mahilig sa Barbie Doll. Ang matalo sa pusoy dos ay siyang iinom ng isang shot na Richie o Sunny Orange na galing straight sa bote, walang halong tubig.

    Tem-i of Alasais

  15. pilya'tpasaway

    ang sakit naman ng hagod sa lalamunan ng Sunny orange na walang halong tubig..😀 “Sunny Orange I love you…”-jingle nyan, napapanuod ko pa sa eat bulaga nun dati.😀

    lahat ata ng baunan binili ng nanay ko, para lang maubos ko ung baon ko.😀 eh sino bang hindi magsasawa sa hotdog, bacon at itlog??!! tapos nung nadiskubre ni nanay ung nuggets, nuggets halos araw araw!!😄

    Ang hindi ko po makakalimutan ay ang Rinbee… Kakaibang chichi talaga, kase pag kinain mo yun, magiging cheesy na rin ang kulay ng daliri mo, dumidikit kasi ung cheese flavor.. haha!😄 finger-lickin good!😀

  16. alasais

    Aine,

    Ay oo! Ang gagawin ko, kukuha ako ng Rinbee at gagawa ako ng korteng bahay. Tapos maghihintay ako ng 10 seconds bago ko kainin isa-isa gamit ang bibig.

    – Tenco

  17. alasais

    Aiweenee,

    Ang galing ng rendition ni Jimmy Santos ng Sunny Orange jingle. Dumidilat dilat pa ang mata at umaalog ang belt bag nya. At tama ka, masarap nga sipsipin ang daliri na may Rinbee residue…pati na din ang Piatos.

    Tem-i of Alasais

  18. almariza

    nung kinder ako mga dalawang bahay lang layo samen nung pinapasukan ko.kaya pag recess,umuuwi lang ako sa bahay namen🙂

  19. alasais

    Almariza,

    Sinubukan mo bang gumawa ng magic? “Uy may baon akong tocino! Nandito o!” (sabay takbo sa bahay) “Tapos may sinigang din!” (sabay takbo sa bahay) Nakakapagod nga lang. Pero magic pa rin.🙂

    – Tenco

  20. andreidae

    ang cool nman..

    astig nyu tlga guys..

    you keep me entertatined at tlga namang naaalala kuh din ang aking kabataan..

    malapit lang din s amin ung school kuh nung pre-elem days..sa may kanto lang namin un..pwo may baon padin akuh..ayaw yta tlga akuh mkita ng nanay ko s bahay namin kea kahit malapit lang malayo din..:)

    keep it up guys!!

  21. alasais

    Andreidae,

    Salamat sa pagtwag samin na cool at astig. Malapit nang kiluhin ang mga ulo namin sa laki. Tuluy-tuloy lang ang mga blogs namin kaya we hope you keep enjoying our blogs!

    “…malayo man, malapit diiiin…”

    Tem-i of Alasais

  22. Christina

    todo reminisce talaga ako pag nadadaan ako sa blog niyo. ^^

    hanggang 2nd year nagbabaon ako, as in tinapay, juice, gatas, etc. mahal na mahal talaga ako ng nanay ko!!

  23. alasais

    Christina,

    Eh ang sarap naman pala ng mga palaman mo eh. Hindi lang pala ko kakagat pakisabi na lang sa nanay mo gawan na rin ako. Gusto ko yung nakabalot sa tisyu ha.

    – Tikboy

  24. mishes

    oonga.. bat ba pag recess kelangan magcr.. tas bukod sa hands at the back & find ur hayt, may effect pang kip ryt. yan tuloy gang ngaun sa kanan lang ako naglalakad.. nadala gang pagtanda.. hehe.. tas meron pang emote na “buhatin ang paa pag naglalakad” aka wag maingay ang sapatos sa paglalakad.. as if, eh kung iliteral un eh d ala ng nakalakad.. hehe..

    badtrip din ako dun sa chokies na may orange feeling.. binili q nun ng nanay ko 1 pack.. ayun ilang araw din akong alang recess.. di matake eh.. ampanget ng lasa.. kakahilo!!! hehehe

  25. alasais

    Tenco at Mhey,

    Wala kayo sa lolo ko! Condensed milk ang nilalagay sa gitna ng biskwet! Nyeh!

    “Sina Tito, Vic and Joey…”

    Tem-i of Alasais

  26. mishes

    hmmm.. parang ok un pnut butter.. matry nga maya.. bili ako chokies orange.. hehe.. un ladies choice lang parang ???.. mukang mas masakit sa ulo ang mayo kesa sa orange filing.. hehe..🙂

  27. Diona

    pacomment ulit.

    naalala nyo ung Hi-C at jolly? yun lagi baon ko.

    ang masasarap na baon noon ay zip, Nissin dip dip (may nakakaalala pa ba?), pretzel. pag may baon kang apple, ibig sabin galing ka sa mayamang pamilya. pag naman tumulo ang baunan mo sa pila sa likod (or labas ng room), ibig sabihin non loser ka.

    ang harsh ng childhood no? haha

    uy tem-i, tambay naman tayo minsan. parang masaya yun eh.

  28. TunYing

    Pagrecess nung hayskul eh tambay kami sa tapat ng grade3 classroom, as in tambay lang! Wala partikular na ginagawa… pwera pag lunch ha… Kung meron man, naaalala ko eh nanghihingi ako saka ang kaklase kong si lenard ng piso sa bawat kilala namin, presto! may pambili ng meryenda, may pamasahe pa! hahahahaah!!! (pinakamalaki namin naipon noon eh 50pesos- tig25 kami!)

  29. alasais

    Allan at Tenco,

    Sana sinubukan niyo din mangalap ng mga bote ng coke kasi dos din ang deposito nun. Dun yumaman ang kaklase kong si Noyma (anlaki kasi ng manoy niya), dahil nangingikil siya ng bote sa mga estudyante sa canteen.

    Tem-i of Alasais

  30. Snowden

    Waw may kapareho ako ng baunan..haha.tupperware na kulay blue ang isan side at orange sa kabila.plus factor yung naka ukit na letter a-z at 1-10..

    Perwisyong chokolait yan..hehe.natae ako dahil dyan.simula nun isinumpa ko na ang baka na yan magsama kayo ni m0o.pakshet.hehe..(bitter na bitter ba?)

    Nung elem parang jologs na dating ng may baunan eh.hehe.lalo na nung grade 3.pas0syal kasi mga hinayupak kong kaklase pati tul0y ako nahawa..hehe

  31. TunYing

    hmmm.. tungkol sa bote ng coke… dati nagkukusa akong bumili ng coke para sa mga kaklase ko per kapalit nun akin yung deposito… hahahaha.. kusa yun ha…

  32. alasais

    TunYing,

    Hehehe yan ang pinakamalaking negosyo sa loob ng canteen. “Ano raket mo nung hayskul, Pare? Magbobote.” Walang binatbat ang newspaper drive at bullying sa pagbobote sa canteen.

    Tem-i of Alasais

  33. alasais

    Allan,

    Ayos ang diskarte mo sa pera a. Kung magkusa kang bumili ng sopdrinks ng isandaang kabahayan e malaki-laki na rin ang kita nun, pambili ng Snacku.

    – Tenco

  34. TunYing

    ang tawag sa amin ng mga kaklase namin eh Gancho at Long… Para daw kaming sila Dennis Padilla at Long Mejia sa KOOL KA LANG… Malakas mangraket! Hahahaha…

    Tenco, hindi pa malala yan, paminsan minsan pag pumapasok ako ang binabaon ko lang kanin, walang ulam… ang gagawin ko hihingi ako ng ulam sa mga kaklase ko tapos libre naman yung sabaw sa canteen… hahaha.. ayos! nakaraos ang lunch ko! hahahaha…

  35. alasais

    Allan,

    Sana pati kanin kinolekta mo na rin, para lalagyan nalang ang dadalhin mo parati, hehe.

    Isang kutsarang kanin x trentang kaklase = dalawang araw na suplay ng kanin

    – Tenco

  36. adonis

    pare pareho pala baon natin hansel at zest o, minsan 2 pirasong yakult katapat ng sandwich na made ni ate inday tapos ang bag ko pa noon prang attache case na kulay brown.

    di lang fall in line ang pagcr pati ang pagtoothbrush fall in line din ayos non mga bata pa wala pang kiyeme ang pag ihi ng sabay sabay kayo non high school di na pwede yon sabay sabay kasi yon iba di don sa iniihian nakatingin ang poga…

  37. ren-ren

    nakaka-aliw basahin mga blogs nyo, parang time machine na ibinabalik ako sa dating buhay estudyante ko noong elementary days ko…kung baon ang pag-uusapan may tindahan kami dati sa bahay kaya alang problema, pipili lang ako kung ano ang babaunin ko pero pag di ko trip magdala bumibili ako sa canteen sa school, nakakasawa rin kasi pag puro junkfoods lang ang kinakain, masarap yung mga tinda sa canteen namin gaya ng spaghetti, palabok, pansit guisado, siopao, kikiam, fishballs, siomai, lumpia, cheese burger, champorado at arroz caldo.. kadalasan yun ang mga inoorder ko sa canteen samahan pa ng malamig na 12oz coke..😀 whole day kc class namin kaya may packed lunch talaga akong dala, yung lalagyan ko yung stainless na kagaya ng construction worker pero 2 layers lang: yung isa para sa kanin, then yung isa sa ulam..request ko sa nanay ko ayoko magbaon ng may sabaw at gusto ko kung hindi maling (luncheon meat) ang ulam ko adobo, tapa o bistek pero bawas na yung sarsa para walang tapon..

  38. alasais

    Ren-Ren,

    Haha pasok talaga ‘yung stainless na baunan. Parang pang-mayaman talaga ‘yun eh. Appealing sa mata eh. Galing ng nag-imbento nun. At ang sarap ng mga tinda sa canteen niyo ah. Gusto ko ‘yung champorado. Iniisip ko nga kung paanong nakaisip ng ganitong pagkain ang kung sino mang nakaisip nito eh. Parang chocolate na hindi naman. Tapos kanin ‘yung parang main ulam. Staple food eh. Alam mong bebenta eh. Panalo talaga ‘to.

    – Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s