8. Kens

Ang ganda ng kwentuhan natin tungkol sa “Tanghali” blog a! Parang ansarap gumawa ng part 2! Anyway, hindi ito ang part 2.

Sa sobrang busy ng buhay ay nawawalan minsan ng panahon sina Nanay, Auntie, Lola o ang longkatuts na magluto ng pagkain natin. Pero h’wag mag-alala! Andito na si Iloooooong Ranger!  Huh?  Ay taena ewan.  Anyway, buti na lang at may mga de lata kina Aling Baby. Ito ang emergency food ng mga batang kalye. Buksan lang ng can opener, kutsilyo, balisong o kahit ng ngipin mo at swak na ang almusal, tanghalian, hapunan o pulutan ng tatay mo.

Nabuhay ako sa de lata. Tanggalin mo na ang McDo, Jollibee, Scott Burger (2 burgers for P15!), Burger Machine at Smokey’s, huwag lang ang mga de lata ko.

Gusto – Ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng de lata dahil sa dami ng variety ng karne! May meatloaf na bilog at napaka-alat kaya ang sarap-sarap sa kanin! Shiyet na malagkeeet! Meron din silang sausage na di hamak na mas juicy kesa sa Swift Vienna Sausage! Talagang gustong gusto ko ang Gusto! Paborito din siya ng kaibigan kong si Gustavo.

555, Ligo at Master – Ang hari ng almusal ko. Sardines in tomato sauce (green can), hot and spicy (red can) at ang paborito kong spanish style (tot can) na mamantika at may isang hiwa ng carrot at isang pirasong sili. Sabayan mo ng tutong na kanin at itlog na sunog at malutong ang gilid…may sasarap pa ba? Ang da best na panulak nito ay malamig na tubig na lasang kalawang sa gripo. Kung type mo naman ang masabaw na sardinas ay Hakone ang kainin. Actually hindi ito sardinas kung di “mackerel”. Pero sardinas pa din ang tawag ko dito dahil sardinas naman talaga siya. Tangina may nalalaman pang mackerel e kahit sinong Pontio Pilato ang tanungin mo, sardinas ang sasabihin nila sa Hakone, diba?

Holiday Canned Goods – “Sarap na sarap, kaya ng lahat, di latang magogostohan ng mga bata! What kin you see (say)?! Ha-lee-dee!!! Si Nanay, Si Tatay, laging naghahanda, biplowp at susids , mitsadu at kurmbep! (beef loaf at sausage, mechado at corned beef) What can you see? Ha-lee-dee!”

Madami sa inyo ang malamang hindi natatandaan itong patalastas na ‘to. Ito ang laging patalastas tuwing pinapalabas ang mga bisayang telenobela sa Ch 4. Bisaya ang palabas, bisaya din ang patalastas. Da best talaga ang mga Yabis.

Hindi kami masyadong bumibili ng mga Pure Foods at CDO dahil mahal ang mga de latang ito. Ang nakayanan lang namin noon na medyo susyal ay ang Century Tuna dahil hindi namin matiis ang sarap ng mga iba’t ibang flavors neto. Buti na lang at dumating sa eksena ang jologs na Blue Bay Tuna Timplado na mas mura kesa sa Century. Ayun naglipatan agad kami sa mas mura.

Para naman sa gatas na de lata, mas mura noon ang Liberty Kondensada kesa sa Carnation Evap.

“Halo-halo’y walang kasing sarap kung may Carnation Evap! Best for Halo-halo! Ting!”

Noong bata ako ay hindi ko maintindihan kung bakit kelangang lagyan ng dalawang butas ang lata ng evaporada o kondensada bago ito ibuhos sa champorado o bilang palaman ng pandesal ko. Ewan ko ba sa katulong namin…ewan…haay ewan…GRRR EWAN!!!

“Peace pogiv meh, ahno na whattadu…Peace pogiv meh…aken stamp lavenue…Dondenay me, Dispain ahm gonnatru…Peace pogive meh…aken stam lavenue….”

Please Forgive Me by Bryan Adams.

– Tem-i of Alasais


Tem-i ang mahal na ng Scott Burger ngayon. P30 na ata ang buy one take one nila, without cheese pa yun. Pucha ang mahal!

Ito ang instant chibog ng mga batang kalye. Simple at madaling ihanda. Pero hindi ako marunong magbukas ng de lata ng walang “can opener” na di-pihit. Hindi ko kaya yung mano-mano eh.

Minsan eh mas gusto ko pang ulamin ang de lata kaysa sa lutong-ulam talaga. Eto ang mga de latang tinitira sa bawat oras ng kainan:

Almusal

Shempre nabanggit na ni Tem-i ang Vienna Sausage. Ang masarap rin chibugin eh ang Hunt’s Pork and Beans. Ilagay lang sa mangkok at sabayan ng mainit na pandesal eh solb na. Sisimutin mo pa ang natirang sarsa sa mangkok gamit ang huling subo ng pandesal mo.

Isa pang masarap almusalin at i-ulam sa sinangag eh ang Ma Ling Luncheon Meat. Wala akong alam na ibang tatak ng luncheon meat kundi Ma Ling lang. Hindi ko nga alam na luncheon meat ang tawag dito eh. Basta maling ang alam kong tawag at gusto ko siyang tustado. Napakasarap neto lalo na kapag isasawsaw mo sa catsup.

Tanghalian

Dito maraming de latang pwedeng tirahin. Isa na sa pang-ulam sa tanghali eh ang kornbip(corned beef). Gisahan mo lang ng bawag, sibuyas at lagyan ng patatas cubes eh ulam na. Isama mo na rin ang Meatloaf na feeling ko eh ginaya lang ang Ma Ling. Mas hindi masarap na version ng Ma Ling.

Naglabasan rin ang mga instant ulam na de lata tulad ng mechado, menudo(ano pagkakaiba niya sa mechado?), kaldereta at afritada. Pwede mo siyang iinit sa kawali o kaya kapag gutom ka na talaga eh wala nang init-init at isalpak mo agad sa kanin mo at lamon na.

Meryenda

Meron pa bang aangal kung sabihin kong pinaka-minemeryendang de lata eh ang Reno liver spread? Ipalaman sa tasty at sabayan ng coke eh wala nang swaswabe pa sa meryenda mo. Hanggang ngayon wala pa ring nakakatalo sa Reno pagdating sa liver spread. Siya ang Colgate ng toothpaste at Pampers ng diapers pagdating sa liver spread.

Hapunan

Kung ano ang de latang kinakain sa tanghalian eh yun din ang kinakain dito sa hapunan. Kung ang kinain niyo ng tanghalian ay de latang mechado eh di menudo naman sa hapunan. Kung kaldereta ang tinira niyo eh di afritada naman dito.

– Tikboy


Ang mga pagkaing de-lata ang isa sa mga kinamulatan ko sa mesa noon.  Naka-stock lahat ‘yan sa cabinet naming nakakabit malapit sa kisame.  Dito ako natutong magbukas gamit ang klasik na abrelatang kulay itim, o paminsan e kutsilyo.  Madali lang magbukas niyan e!

Sikat ang mga de-latang tatak Dole, lalung-lalo na pagdating sa mga salad!  Masarap papakin ang peaches kaya sermon ang inaabot ko kay mama tuwing naghahanda siya ng prut salad.  Tapos biglang tutugtog ang…

“That’s Del Monte Kitchenomics!”

‘Diba tuwing Sabado e meron sa Eat Bulaga nito?  Medyo boring na part ‘to para sakin e.  Saka parati namang nasasarapan si Coney Reyes sa mga recipe ni Sandy Daza e.  Ni minsan hindi niya sinabing, “Ay sandali lang Sandy medyo mapakla ang lasa nitong spaghetti mo.  Pwede bang paki-ulit?”  Ilang beses ko na ring sinabi kay mama na gawin ang kahit isa sa mga recipe na nakasulat sa likod ng balat ng de-lata ng Del Monte.  Sa kabutihang palad, hindi pa rin niya ito ginagawa hanggang ngayon.

Speaking of recipes, hindi mawawala ang evaporated milk ng Carnation:

“Dagdagan paaaah, ng Carnation Evap!  Para halo-halo’y tiyak na masarap!!”

Nalilito talaga ako dati kung alin ang evap at kondensada e.  Alin nga ba run ang ginagamit sa halo-halo?  Saka pang-timpla ng Milo?  Merong isa run na ang sarap papakin e, evap nga ba ‘yung malapot?

Mapunta tayo sa klasik eksena sa almusal.  Noong bata pa ako, madalas hinahanda sa mesa ang pork and beans.  At sapul ka Tikboy, Hunt’s lang ang pork and beans na gusto ko.  Pero hindi ko talaga sobrang gusto ‘yun.  Tipong parang gusto kong ayawan ang pagkain kasi ang lamya tingnan tapos ‘pag natikman mo na e talaga nga namang masarap!  Teka, sa’n ba ang pork dito?!  Halos puro beans naman ang laman nito e!

Naisip ko lang, subukan niyong tikman ang corned beef with corn.  Masarap ‘yun!  Sinubukan na ‘yun sa bahay dati e!  Naisip ko dati ang corned beeh dapat may corn talaga e.

Kung walang pork and beans, nandyan naman ang sausage, at Gusto lang talaga ang gusto ko.  Ayos sa pangalan Tem-i a-Gustavo.  Parang joke e.  Hahahahaha! Kakaiba ang sabaw niyan, ang properties e in between tubig and mantika.  Ganun ka-unique!  Sabi ng matatanda samin, “Bawal higupin ang sabaw.  Pwede.  Bawal.  Pwede.  Bawal.  Pwede.  Sluuurrrpp!”

Ma Ling.  Nagkaroon daw recently ng imitation nito.  As in kopyang kopya ang design at packaging.  Talagang ang kakapal ng mukha e noh?  Ang tigas ng mga mukhang gayahin ang nag-iisang pagkaing proper noun sa mundo.  Ma Ling.

Hay tama ka diyan Tikboy.  Reno Liverspread ang nagpapasarap ng meryenda natin!  Kahit saang tinapay pwede ‘to e!  Dapat e gumawa sila ng liverspread na kasinglaki ng Hakone ang lalagyan.  Parang bubuwisitin ka pa sa mga maliliit na packaging nila e.  Ni minsan hindi talaga ako nagsawa rito.  Kahit walang tinapay basta pumatak ang alas-3 ng hapon e magpapapak talaga ako ng sandamakmak ng Reno Liverspread.

Very useful ang mga de-lata dahil pwedeng-pwedeng i-recycle.  Pwede itong gawing gulong ng toy car gamit ang walis ting-ting at kahon ng sapatos (salamat sa Batibot).  Pwede rin itong talian ng pisi para gawing telepono (salamat ulit sa Batibot).  At oo, alam ko na ang nasa isip niyo, sa tumbang preso.  Carnation Evap ang da best gamitin dito.

– Tenco

42 comments

  1. TunYing

    ehem… mauna na ko sa comment ha… hehehe… Una may mas mura na burger ngayon! Angel’s burger makikita ito sa mga station ng lrt2 lalo na sa pureza! hehehe… Yung gusto sausage masarap yun, una ko nakita yun sa pulutan nila tatay! Tapos ung pork en bins (yan ang pronounce ko nun) eh nakita ko sa tv tapos nung nagpabili ako, di ko nagustuhan, pinakain ko na lang sa nanay ko. Wala namang tatalo sa maling kung meatloaf ang paguusapan, pag dun ako nakikain ng almusal sa tyahin ko dati, hindi sapat ang tatlong lata nito para sa aming magpipinsan! (ang tatakaw!) Sa sardinas naman, medyo lately ko na nagustuhan ang ligo kasi 555 ang fave ko! Century tuna, WoW!, sarap ng hot n spicy nito! Kayo kong ubusin ang isang lata nito, ung malaki ha! hahahaha… Sa gatas, kahit ano pa yang brand basta masarap sa halo-halo ok na!

  2. alasais

    Tunying,

    Buena mano ka sa blog na to a! Sa Pureza ba? Hahahaha! “Pureza Station, Pureza Station…paparating na sa Pureza Station…” Kelan ba kita makikilala, LRT2 voice…

    Jograd…este… Tem-i of Alasais

  3. mishes

    pag nagpapabili nanay ko ng maling… sinasabi nya na dapat un may tatak na b3 ata un ung bilhin pra sure na orig.. kasi ang dami ng imitations ngaun eh..

    aus din un pork n beanS.. ang dami maxadong beans.. as in beansssssss ito.. tas un pork eh talagang pork lang.. as in iisa.. heheh..

    hay nagutom tuloy ako.. :)makapag ulam nga ng maling..🙂

  4. alasais

    Mishes,

    Bwahaha! “Pork” lang kaya isa lang. Singular eh no! Hehehe! Kapag Ma Ling ang ulam, parang hindi ka nabubusog sa kanin…sunog at malutong na gilid…

    Tem-i of Alasais

  5. JUDITH

    “Peace pogiv meh, ahno na whattadu…Peace pogiv meh…aken stamp lavenue…Dondenay me, Dispain ahm gonnatru…Peace pogive meh…aken stam lavenue….”

    — LSS tuloy.

    Hunt’s Pork and Beans

    — ONGA! ONGA!

    “That’s Del Monte Kitchenomics!”

    — hahaha! memories!

  6. alasais

    Juds,

    A-ha! Naabutan mo din ang kasikatan niyang Peace Pogiv Meh na yan ha? Matanda ka na din pala tulad namin! Hehehe!

    Keep ejoying the memories!

    Tem-i of Alasais

  7. leiamariz

    kakatuwa talaga mga blog nyo. nakakarelate ako.

    ang pinakapaborito kong de lata ay maling. kapag tinatanong ako kung ano gusto ko ulamin? maling! at gusto ko rin ung tustado! hehehe

    un sa pork & beans, paborito ng kuya ko pero ako ayoko.. isa lang ang pork at napakarami ng beans. tama naman e.. d naman nakalagay na porks & beans db? kaya wag na natin asahan na magiging dalawa ang pork nito.. hehehe

  8. jack

    haha.
    di ko pa talaga na try kumain ng liverspread. ever. haha. naalala ko eh, bumili ako nun para i try kaso nalimutan ko na kung saan. haha
    oo nga ano. yung century, dati kung iwan kami ni mama sa bahay eh, mas prefer namin yung de lata, di rin marunong mag bukas ng de lata pero masaya dun ako natutong magbukas gamit ang kutsilyo. aha.. tapos, langit na nun pag nagka spanish style sardines, kasi daw spanish. haha. yun pala mamantika lang at di ko alam bakit pa naging spanish yun eh, yung isda sa pinas din nanggaling. hahaha.

    yun ma ling, alam ko eh grade six na ako nung naka kain ako. o di ko lang alam kasi kahit ano sinusubo ko sa bibig ko, oo kahit ano, kahit pa nektar ka ng bulaklak ng damo sa bakanteng lote. haha.

    yung carnation, btw, evap ba yun?, napapa isip pako nun kung ano pinagkaiba ng carnation na gatas saka carnation na sa crayola. haha. prep pa kasi ako nun kaya panay pangungulit ko kay mama tuwing nagrerebyu kami. hehe

    saka yung one million dollar movie na pinapanood tuwing sundays. haha. late pag umaga lunes, kaya bukas na lang ng sardinas kung kinakailangan. saooobrang sarap ng tutong, at may kalamansi. ooohh…

    langit na yun…

    haha.

    ngayon eh, marami na, may mga sardinas na ngayon na akala mo eh sobrang publicity at andami na ng patalastas paro ganun parin sardinas pa man din sya. haha. corned beef… lalo na yung holiday. haha. hirap na makabili ng holiday ngayon eh, siguro pag out of stock na yung mga corned beef sa dept store, dun mo ma kikitang mayroon pala nun hanggang ngayon. ahaha. eh, malupet, ngayon may brazilian style corned beef na eh. wala pa ring corn sa loob!ahaha. asa.

    soooobrang haba na nito. hehe.

    peace.

  9. alasais

    Jack,

    Pwede mo na kaming palitan sa pagbablog a! Hehehe! It’s ok Jack, da longer, da better! Aaaaaaaaaayyy Papalicious! Wala talagang tatalo sa Milion DOllar Movies dahil ito ang matinding tug of war na laro between nanay at anak.
    “Matulog ka na!

    Sandali lang! Pag patalastas!

    Matulog na sabi e!

    Next na patalastas Ma, pramis!”

    Keep your comments coming!

    Tem-i of Alasais

  10. alasais

    Jack,

    Hahaha, oo nga pala may Carnation ang krayola noh? Ngayon ko lang ulit naalala ‘yun a! Makakain nga ng corned beef with corn…

    – Tenco

  11. pilya'tpasaway

    hindi ko talaga nakalakihang kumain ng pork and beans… at ayoko talaga, ewan ko ba…😀

    pero kung gano ko kaayaw ung pork and beans, ganun ko kgusto ang Reno liver spread!🙂

    laking de lata din ako, corned beef forever…😄 At Ma Ling.🙂

  12. alasais

    Aiweenee,

    Masarap ang porkembins no! Kaso ‘wag mong ilalagay sa tupperware para sa baon mo dahil kahit anong sikip ng takip non eh lalabas pa din ang sauce nun at bubuhos sa bag mo…dyahe to the bones…

    Kumuha ng isang kutsarang Reno at unti-unting dilaan na parang ice cream.

    Tem-i of Alasais

  13. AndreidAe

    1st of all… happy friday the 13th!!

    Century tuna naman ang all time favorite kuh s lahat ng nabanggit dito…

    maling..yeah masarap nga un pag toasted ung gilid…
    at sa corned beef naman..n try nyu n b ung tortang corned beef??masarap un..ntry kuh xa nun dahil sa kawirdohan ng isang friend kuh nung 1st yeAr college..lagyan b nman ng catsup ung corned beef??eeewwww…pwo nung tnry nmin lagan ng egg..aun ang sarap din pla..

    at sa gatas nman..noon tlga nkkalito kung alin ang evap at condensada..pwo nung ngkaroon n akuh ng logic (mga grade school n cguro akuh nun)..naintindihan kuh nadin na ung condensada ay yung malapot na gatas kea ng pla condensed milk eh…at yung evap nman ung malabnaw xe mas madali xang mag evaporate…cool db??

    “Peace pogiv meh, ahno na whattadu…Peace pogiv meh…aken stamp lavenue…Dondenay me, Dispain ahm gonnatru…Peace pogive meh…aken stam lavenue….”

    go kuya Tem-i!!..dko akalaing singer kna din pla ngayon…

    keep it up!!

  14. alasais

    Andreaidae,

    Oo, singer ako. Dati akong kumanta sa Pasyon tuwing Mahal na Araw. Ako ang designated “Pasyonista” ng Baranggay Magsisi sa may Tayuman.

    Ano ba talaga ang tamang spelling niyan? Ketchup o Catsup? Hindi ako makatulog ng dalawang buwan sa kakaisip niyan eh!

    “Nang si Huuudaaaas ay madulaaaas….tatlong balabaaas ang nalagaaas….”

    Ushe…este Tem-i of ALasais

  15. bipolarsisa

    pork and beans, maling, corned beef,reno liverspread, at sausage…waha..paborito ko ‘to ng kabataan ko. waha.nakakagutom🙂

    natatandaan ko pa kung ga’no kasama loob ko sa nanay ko ‘pag hahainan nya kaming magkakapatid ng adobo, o ng menudo, dahil ang gusto talaga namin eh yung mga delatang nakadisplay sa cabiner sa kusina. waha.

  16. jack

    you guys, haha..

    astig talga.
    sabi kasi wag masyadong gandahan, eto. pati sa pagtulog nag rereminiscin ako. haha.

    pero, pwede nga ba sumali ako sa tropa nyo?
    haha.

    jowk.
    cge, wag na. fan na lang ninyo ako. sobrang layo ng edad. haha!

    peace.

  17. jack

    wag na.
    baka nahihirapan na din kayo sa pag rereply sa mga coments na pinopost dito.
    haha.

    baka di ko mapigilan kamay ko at mag overflowing na cooments ko ditot halos pareho na length ng post nyout comment ko.
    haha.

    pero, sige sige.
    kahit andito ako sa mars eh, sure na sure sasali ako. haha

  18. tonitoni poponi

    pasali! ung ma ling mura na mas masarap pa kesa sa purefoods luncheon meat! tas ibabad mo sa binateng itlog iprito viola! ansarap! pinakapeyborits ko tlga ung HUNTS PORK AND BEANSSSSSS! sandamakmak na beans at ung pork dun? synthetic pork na lang un! ito try nio! chopseuy + reno + kaning lamig = NAMETS! (sarap) sarap din iulam sa kanin kung payak na reno liversread lang! pamatid gutom! d best! parang alsais! dbest! NAMETS!

  19. alasais

    Camille,

    Parang tuwang-tuwa at sarap na sarap ka sa comment na ‘to a! Pwede bang mag-request ng liverspread specialties mo? Mukhang pinag-eksperementuhan mo a.🙂

    – Tenco

  20. Snowden

    Hindi ba pwedeng p0rks and bean?at kung may p0rk sana karne naman,hindi yung parang esp0nghang taba!

    Dahil sa kang-gudz(can go0ds)na yan natuto akong mag-ingat nung nagbukas kasi ako dati ng 555 tuna na afritada dumulas ung kutsilyo.kulang pa kasi yung sarsa kaya dinagdagan ko ng dug0..

    Kasalukuyan kong binabanatan tong pandesal na sintigas ng bato na may palamang ren0 liber spred..hehehe..

  21. alasais

    Snowden,

    Mukhang hindi talaga pork ang nasa porkembins na ‘yan. Hindi ko alam kung san talaga gawa ‘yun e.

    Pasok sa tigas ‘yang pandesal mo a. Crispy crunchy pandesal!

    – Tenco

  22. lau2gwapa

    oo nga..hindi ko alam kung bakit dalawa ung butas na nilalagay sa gatas not until napanood ko sa sineskwela…hehe

    at oo naalala ko ung patalastas ng holiday… hahahah!!! (bisaya din kasi ako e.. =P)

    -lau2gwapa

  23. snowden

    yung dalawang butas para madaling makalabas yung laman sa loob…something with air pressure ata?basta

  24. alasais

    Snowden,

    Hindi kaya anak ka ni MacGyver? Anlupit mo sa siyensya eh!

    “Buksan aaang pag-iisiiiip, tayo’y likas na scientiiiiist….”

    Tem-i of Alasais

  25. adonis

    natatandaan ko inexplain sakin ni inday kung bakit kailangang 2 butas sa gatas at dinemo pa nya para mas madali ko maintindihan pucha c inday pa ang naging titser ko.. Sana magkaron kayo ng blog about sa mga katulong,yaya, or kung sino man alalay natin non bata bilang pagbibigay pugay sa kanila…

    Mabalik tayo sa 2 butas na may gatas na lumalabas sabi ni inday kailangang daw butasan ng 2 ang magkabilang dulo kasi yon air pressure daw papasok don sa kabilang butas at maitutulak daw ng air pressure yon gatas palabas sa isang butas, sabi pa nya subukan mo 1 butas lang di ba mahina ang tulo or wala talagang tulo.. nasabi ko na lang ” oo nga ano ” sabay palakpak kay inday dahil manatutunan din pala akong sa burarang inday na ito hahahaha

  26. alasais

    Adonis,

    Hehehe! Wag kang mag-alala. May naka-ready na kaming blog sa mga yaya. Actually nasimulan na pero hindi pa tapos. Hindi pa namin alam kung kelan namin ipopost. Mahalaga si Inday sa pamilya. Lalo na sa mga mister ng tahanan!

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s