42. Coffee Na Lang, Dear

Pitong taong gulang ako nung nangyari ‘to.  Nanonood ako ng tv at mga sampung beses pinalabas tong komersiyal na’to.

“Cafe Puro…May sarap ng giniling na kape…”

Nagtanong yung katulong namin nung hapon.

Manang Buday: “Hoy Tem-e!  Anong olam ang gustuhen mo?!!!”

Tem-i: “Manang!  Giniling!  Giniling na kape!”

Manang Buday: “E tarantado kang bata ka!”  Ayun.  Nagluto siya ng nilagang repolyo.

Malay ko ba!  Hindi ko naman alam yung mga giniling na kape epek na ‘yan dati eh.  Pero ngayong medyo tumanda na ako ay alam ko na ang kape kape epek na ‘yan.  Madami sa mga matatanda sa atin o kahit saan pa sa buong mundo ang adik na adik sa kape.  Nung bata tayo ay hindi natin maintindihan kung bakit laging nagkakape sa umaga ang mga magulang at mag lolo’t lola natin.  Bat kaya nila gustong uminom ng super init na inumin?  At pano nila naiinom yung super init na inumin na yon?  Mas makapal ba mga dila nila kesa saten?  Speaking of kapal, makapal ang mukha ni Tikboy at makapal ang buhok ni Tenco…sa loob ng shorpans niya.

Nasarapan din naman ako sa kape.  Iba nga lang talaga siya sa Milp, Ovaltine at Nido.  Dahil ang mga ito ay masarap kahit na nasa powder form.  Kahit hindi mo pa tinitimpla ay masarap na agad siya.  hindi tulad ng kape na masarap lang kapag tinimplahan na kasama ang tubig.  Nung wala akong ulam noon ay naghagilap ako sa tukador.  Wala din kaming Milo at Nido nung oras na yon kaya wala akong maibudbod sa kanin ko.  Pero teka, may Nescafe sa sachet na nakaipit sa bulsa ng blouse ni Manang.  Ayan!  Mu-wa-ha-ha-ha-ha!  May ulam nako!!!  Budbod dito, halo doon.  Subo!  Ngasab!  Dura!  Puta ampaet!  Babala:  Hindi pwedeng ulamin ang Nescafeng hilaw sa kanin.

Pandesal sa kape.  Mapa-alasais nang umaga o alas kwatro nang hapon, laging masarap.  Walang mintis ang pandesal sa kape.  Tatapat to sa pandesal sa kondensada, pramis.  AT kailangan nakataas ang isa mong paa at nakaapak sa upuan mo habang kinakain mo ‘to. Yun ang pinakamasarap na pwesto habang nagsasawsaw ng pandesal sa kape.

Sandale mga repapips.  Makapag-Blend 45 nga muna.  Ay puta wala nang asukal!  Punta muna ako sa Starbucks.  Madaming libreng asukal dun e.

“Bakit kung sino pah!  Ang siyang marunong magmahal!  Ay siyang madalas maiiwahaan, nang di alam ang…dahilan!”

Sino kumanta niyan?

– Tem-i


Meron pa bang mas kukumpleto sa umaga kapag naka-amoy ka ng aroma ng kape? Umiinom ka man ng kape o hindi, siguradong gusto mo pa rin ang amoy nito.

Nakasanayan na nating mga pinoy ang uminom ng kape tuwing umaga. Kahit nga hindi umaga, mapa-tanghali o gabi may umiinom nito. Tanda ko noong bata ako palagi akong pumupunta sa tita kong kapaitbahay lang namin para sumubo lang ng pandesal na sinawsaw sa kape. Hanglupet na kombinasyon niyan! Halos araw-araw akong nag-aalmusal sa tita ko. Magtataka na lang ang nanay ko at pagdating ko sa’min eh busog na ko.

Ang lola ko pa nga sinasabaw ang kape sa kanin. Minsan kapag wala na kaming ulam magtitimpla na lang siya ng kape sabay halo sa kanin at solb na solb na siya. Hindi ko nausubukan yun kasi puro milo at kanin ako.

Kahit sa mga tindahan may patimpla ng kape. Dati alam ko tres lang patimple eh. Ewan ko lang ngayon, limang piso na ata o mas mahal pa. Mabenta yan sa mga drayber. Habang nakapila sila sa terminal papatimpla muna ng kape yan at bibili ng dalawang pirasong pandesal para almusal nila habang nakasabit ang good morning towel sa balikat nila. Nauso na nga rin ngayon ang paggamit ng styro na cup. Disposable na, mas tumatagal pa ng init.

May panalo kong nakita sa pagbebenta ng kape. Nakabisekleta lang siya. Nakalagay na lahat dun sa bisekleta yung kape, asukal, gatas at mga baso. Rumoronda-ronda siya sa kalsada para magbenta ng patimplang kape. May karatula yung bisekleta niya. Pagbasa ko ang nakalagay…Starbike! Anong sinabi ng Starbucks diyan?

– Tikboy


Sino’ng tatay ba ang hindi nagkakape sa umaga?  Sino?  Sino?!  Masarap na kombinasyon ang kape at dyaryo sa umaga.  Naka-de-kwatro si tatay habang nagbabasa ng dyaryo na para bang may hinahanap na letra, sabay lakbay ng kanang kamay papunta sa hawakan ng tasa ng kape.  Sabay higop.  Ssshhhooooopp!  Aaahhhhh..

Ang kape ang Milo at Ovaltine ng mga ama at kahit ina ng tahanan.  Kaya naman naging curious tayo nung mga bata pa tayo kung ano talaga ang lasa ng kape at paano ito timplahin.  Sure ball na ‘yan, magkakamali ka sa unang timpla mo, dahil sobra ang kapeng nailagay mo.  Ano, mapait ‘di ba?  Ulet ka ngayon!

O game na.  Eto na talaga.  1/3 teaspoon nalang.  Teka kulang.  2/5 na teaspoon pa.  Perfect!

Masarap naman pala talaga ang kape, basta ‘wag maging excited sa paglalagay at baka mapasobra.  Kasama ang asukal at gatas, lalaban ang kape sa Milo at Ovaltine sa pasarapan.  Nagkaroon nga ng panahong nahilig ako sa kape e.  Feeling ko binata na ko dahil umiinom ako ng kape.  Saka ka na Ovaltine, papapakin nalang kita mamaya.

P.S.

Tem-i, kilala ko ‘yan a!  Hirap sigurong gayahin ng hairstyle nyan.  ‘Yung boses talagang hindi ko magaya e.

“Sayang lang ang pagmamahal!  Na inalay ko sa’yo!”

– Tenco

20 comments

  1. grasi

    base!

    mang tem-i si lloyd umali ang kumanta nung lyrics mo! ahahaha

    batanguenya ako at nakalakhan kong magsabaw ng kape lalo na pag sinaing na isda ang ulam. panalo sa combo! bahaw at kape.

    nung napapunta ako sa maynila, anak ng kamote pagkamahal ng kape sa istarbaks. isang kape eh pang isang linggo ko nang kanin at isda. di mo pa maisabaw dahil pag napaorder ka ng caramel macchiato eh sasaniban ka ng kasosyalan.

    wala ng tatalo sa almusal na pandesal na idinunk sa kape habang nadidinig mo ang tunog ng waling tingting ng kapitbahay at ang amoy ng siniga na tuyong dahon.

  2. alasais

    Grasi! Hahahaha!

    Lloyd Umali ba… Hahaha! galeng!

    Bwahaha sinabaw ang caramel macchiato hahahaha! Parang mahirap magkamay ata pag yun ang kapeng isinabaw mo eh.

    Base ka talaga!

    Ganda ng unang koment.

    Tem-i of Alasais

  3. Tsutsay

    Kape! mamamatay ata ako pag walang kape! peyborit ko ang kape lalo na kapeng barako ng batangas. natuto ako uminom ng kape dahil ako’y napatira sa aking lula nung ako’y bata pa eh..ang sarap ng kwentuhan ng matatanda sa umaga habang umiinom ng nilagang kap-e. Ay ineng ikaw ba ay nainom ng kap-e? ay galing ka daw maynila e.. dito sa amen ay kap-e laang ang iniinowm..”ay uho! ako’y natuto dine nung akoy napatira ho ditow. ay kasarap ng kap-e di hu ba?” ay uow! walang pinipiling panahon at uras ang paginum ng kap-e. ay kasarap talaga!!.. minsan nga ang aking pamangkin ay lumuwas ng Maynila. minsan daw syang napadaan sa internet kape(cafe) at pumasok. sabi ba naman ” ako’y paurder nga ng kap-e!” aba’y ka tagal ng nakaupo ay walang pang dumadateng na kap-e! ang mga tao duon daw ay ka-iingay sa luowb. ay siya! ang aking pamangken ay lumabas at umuwi na laang ng bahay at duon ng kap-e. pag ako’y lumuwas ng maynila ay hinding hindi ako dada-an diyan sa internet kap-e na yan! ako’y hindi bilib diyan! painternet internet kap-e pa sila ay wala naman daw kap-e!

    ay siya! ako ho’y liliban muna. kanina pa ko text ng text ay wala hung sagap!..

  4. balotlot

    sa lahat ng topic nio eh relate na relate aq d2…
    bakit?

    e2 ang trbho q d2 sa abu dhabi… barista…
    la aq ginawa d2 kundi magtimpla, mag serve,
    mang buhos ng kape sa mga customer…
    mangulit sa kapihan…

    mabuhay kyo… coffee na lng dear.

  5. balotlot

    3 taon na ako bagong bayani(ofw)

    ok ang work d2, mas ok lalo sa sahod.
    nsa mindset ng isang ofw na gaya ko, kung gus2 ko isipin na masaya ako eh masaya ako,

    peo kht tagal na me d2 eh inaatake pa rin me ng homesick… numero uno kalaban nmen…
    iba tlg sa pinas.. masaya kht ala pera mga tao jan. db db db?????

  6. alasais

    Baby Ruth,

    Korek ka dyan. Simpleng buhay lang pero masaya. Pwede kang tumambay sa tapat ng kapitbahay para makipag-chismisan. Pwede ka ring tumambay sa tapat ng tindahan sabay upo sa bangko. Kung bored ka naman sa loob ng bahay niyo e lumabas ka at maglaro ng jolen.

    “O pare sa’n ka punta?”
    “Sa LTO lang brad papa-renew ng lisensya.”

    – Tenco

  7. Cherry

    Ako man mahilig sa kape. Pag nauubusan nga kami ng stock, kulang ang umaga ko. Kaya pag nakabili na, binabawi ko yung mga araw na di ako nakahigop ng kape, nagkakape uli ako sa hapon hehe!

    Tama, ang tatay ko mahilig yan sa kape. Routine na nun ang matulog sa hapon. Pagkagising… magkakape yan. Ang nanay ko din mahilig sa kape. Pero nakiki-inom lang sa baso ng tatay ko. Tamad magtimpla. Infairness kasi, masarap ang timpla ng kape ng tatay ko. Kaya ayun, nung minsang makihigop ng kape ang nanay ko, naka-lublob pala sa loob ng tasa ang pustiso ng tatay ko. Totoo to, promise! Mula nun, di na naki-inom ang nanay ko sa kape ni erpats.

    Nung bata ako, minsan ko nang nasubukang magbaon ng kape sa school. Wala ng Milo eh. Nilagyan naman ng gatas para kunyari Milo parin. Nung recess na… namputsa! Ang higpit ng pagkakatakip ng thermos ko. Mas lalaong nakakainis nung matapon ang kape sa paa ko nang mabuksan ko na. Ang resulta, umuwi ako na kulay kape ang kanang medyas ko.

    Dahil sa mga karanasan ko sa kape, kaya siguro napamahal na sakin ang pag-inom nito. Sa totoo nga, habang isinusulat ko to, may kape sa gilid ko!

  8. Almariza

    bihira ako magkape sa puyatan.walang epekto e.hmm apple juice pampagising🙂

    pero ang kape ay masarap kasabay ng walang humpay na kwentuhan🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s