47. Batibot

Isang malaking puno sa gitna ng studio.  Mga papet.  Mga bata at mga kuya at ateng nagtuturo ng aral.  Channel 9.  O ano ‘yan ha.  Ano ano ano?

Kausap ni Ate Sienna ang mga bata.  Tila hindi nila mabilang ang mga saging na nabili nila sa tindahan ni Kiko Matsing.

“Ganito lamang ang pagbilang mga bata.  Isa, dalawa, tatlo, apat!  Apat na saging!”

“Ang galing mo talaga Ate Sienna!  Tamang-tama pala ito para sa aming magkakapatid.  Mayroon kasi akong dalawang ate at isang kuya!”

Sa kabilang kanto, ‘di kalayuan sa tindahan, nakatayo ang isang bata at tila may hinahanap.  Lumapit si Kuya Ching at winika:

“Magandang umaga Juanito!  Maaari bang malaman kung ano ang hinahanap mo?”

“Nawawala kasi ang pitong piraso ng holen ko.  Hindi ko sinadyang mahulog ang aking garapon at nagsigulong ang mga ito sa daan.”

“Sige, tutulungan kita.”

(Maya-maya) “Juanito, narito na ang mga holen mo.  Halina at bilangin natin.  Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito.  Pitong holen!”

“Maraming salamat Kuya Ching!  Ang galing mo talagang magbilang!”

Minsan ko nang ginawang excuse ang panonood ng Batibot para hindi ako pumasok sa iskul.  Eh sa tinuturuan din naman tayong magbilang at magbasa nito eh.  Mula sa pag-awit ng Abakada hanggang sa pagkuha ng moral lesson mula sa iba’t-ibang kwento, ang Batibot ay parang isang hiwalay na asignatura na kung saan ay maihahambing natin sa General Information.

Sandale, bakit parang ganado akong gumawa ng mga talata?  Teka nga..

Sino ba sa atin ang hindi nanood ng Batibot?  Lahat naman siguro ng batang kalye nung araw eh alam ‘to ‘di ba?  At some point eh sinubukan nating gayahin ang boses ni Kiko Matsing at na-realize kong mahirap ‘yun kase nakakagasgas ng lalamunan eh.  Pang-best actor ang acting ni Kuya Bodjie dahil parang nilikha siya para magpasaya ng mga bata.  Kuya Bodjiiiiieeeee!

Salamat sa Batibot dahil ipinadama sa atin ang kahalagahan ng pagtatanim.  Salamat ulit sa Batibot dahil ipinakilala nito sa atin ang iba’t-ibang mga kapitbahay na laging handing tumulong sa inyo.  At lalong salamat sa Batibot dahil natuto akong bumati nang may tono.

“Magandang umaga Ginang Santos!  Ikinalulugod po kitang makilala ngayon!”

“Mali Tenco, kilala mo na ko kahit nung Kinder ka pa.”

– Tenco

20 comments

  1. superlolongpinoy

    Nung maliit pa ang mga anak ko lahat sila ay naging suki ng Batibot. Ito ang Pinoy na Sesame Street. At dahil sa kasikatan ni ng karakter ni Kuya Bodjie…kahit sa personal na makita siya ng mga bata sa SM ay…Kuya Bodjieeee ang tawag sa kanya.

  2. no benta

    alam nyo ba kung paano naging kasabihan ang ‘ang taray mo naman pero sa batibot, kakaway-kaway ka.’? Dahil ito kay ate shena. Sshh.. In real life ay ayaw nyang magpatawag ng ate. Susungitan ka nya at sasabihan ng ‘DON’T CALL ME ATE COZ YOU ARE NOT MY BROTHER/ SISTER!’ Kumalat yun sa uste hanggang naging joke na ng mga pinoy.. ~http://no-benta.blogspot.com

  3. no benta

    hindi ko alam kung tumandang dalaga siya pero isa siya sa mga terror ng teatro tomasino. may nagsabi (di confirmed) na isa sya sa staff ng PBA. ~http://no-benta.blogspot.com

  4. balotlot

    dahil sa batibot natuto gumawa ng bangkang papel ..
    like ko cna
    kapitan basa,
    irmadaldal,
    madam bola,
    sitsiritsit alibangbang,
    tska syempre c pong pagong..
    yoko ke kiko matsing.. parang ang dugyot na ewan.. labo ko nmn..

  5. alasais

    Allan,

    Hahaha, hindi kaya si Kuya Bodjie talaga ‘yun? Siguro ang bait-bait niya noh? Malamang ‘pag nagkamali ka sa trabaho e ngingiti pa ‘yun.

    – Tenco

  6. marshi

    napakasarap alalahanin ng ¨BATIBOT days.¨ Kung bakit nga lang ang salitang BATIBOT ay nagkaroon ng ibang kahulugan. ( hay naku!)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s