I. Taba

Bakit kaya laging nasa likod/hulihan ng barbecue stick yung taba ng barbecue no? Talagang sa tagal ng nilagi ko sa mundong ‘to, siguro mga limang beses pa lang ako nakakita ng barbecue na may taba sa gitna. Tuwing nangyayari nga yun, feeling ko e naka-jackpot ako sa kwarta-o-kahon (86.7% of the time ay nasa “V” ng ADVAN boxes ang jackpot at nasa pangalawang “A” naman ang balat ng saging).

 

San nga kaya nagsimula ang paglagay ng taba ng barbecue sa hulihan ng barbecue stick? At may makatarungan bang dahilan kung bakit ganun ang kapalaran ng kapirasong langit ng sarap na kung tawagin natin ay “taba”?

 

Aminin man natin o hindi ay yun ang pinakamasarap na parte ng barbecue. Sa ibang bansa ay tinatapon lang ang taba ng baboy tuwing kinakatay ito. Nakakaiyak mang isipin ngunit subalit datapwat hindi makatarungan para sakin ang ginagawa nilang iyon. Noong panahong P2.50 lang ang barbecue, sabi ko sa sarili ko, “puta kahit P10 ang bayaran ko, basta puro taba lang ang barbecue ko”. Tapos sasamahan mo ng kanin at sasabawan ng sabaw ng sinigang…syet na malagket. Ayoko nang mabuhay.

 

Taba ng barbecue na pininturahan ng marinade na gawa sa ketchup (catsup-tanginang spelling yan), asukal, asin, paminta at konting sprite at kalamansi. Talu-talo na.

 

— tem-i

 

 

i never liked the classic taba. ‘yung tabang nakikita sa barbeque, sa porkchop, and the like. nakakasuya. ayaw ko talagang kainin. the first time i chewed it, syet! sagwa!

 

but I got used to the sight of taba. at isa pa, may taga-kain naman ako nun (the elders usually). solb na ko sa barbeque kahit may taba kasi mas marami pa rin ang laman. minsan nakatuwaan ko lang kainin ‘yung taba. ginawa kong bubble gum. nginuya-nguya ko tapos sinubukan kong palobohin. kaso ayaw eh, kaya dinura ko nalang.

 

hindi creative ang mga taong nagtutusok ng laman at taba sa barbeque. parating nasa hulihan ang taba (either pasasabikin ang mga mahihilig sa taba, or ipinapakita lang nito na para sa mga hindi mahilig dito, it’s the least important). bakit hindi sila gumawa ng barbeque na nasa gitna ‘yung taba? or alternate ang laman at taba? bakit hindi nalang gawing sintigas ng chicharon ‘yung taba para mas inviting pa siyang kainin ng mga taong tulad kong kinasusuklaman ang taba?

 

lugi talaga ako ‘pag bumibili ako ng sinigang na baboy kina amparo kase more likely e may mga taba nanaman ‘yun. mas mabuti pang chicharon nalang ang bilhin ko, at least, kaya ko pang ubusin ‘yung taba nun kasi crunchy eh.

 

tang ina mong taba ka!

 

— tenco

 

 

bat nga b nasa dulo ang taba sa barbecue? pero nung bata ako ang tanung ko tlaga eh bakit may taba p na sinasama sa barbecue. ang sarap n ng laman n lng eh, delicious na eh nagiging haselicious pa sa dulo. kadire ampucha! talagang pag bumibili ako dati eh pinipili ko tlaga ung may pnakamaliit na taba sa dulo. pero minsan pag mamalasin ka meron ding taba sa bandang gitna na ndi mo mpapansin kc napahiran n ng sauce kaya kakulay n ng laman. pagkagat mo…wenk wenk! malambot na matigas na ndi mo maintindihan kc kadalasan litid p un. sumasama tlaga muka ko pag ganun at feeling ko nalugi ako sa nabili ko. parang may piso o dos na halaga ng laman dapat pero taba ang nkain ko. eh parang libre lng ang tingin ko sa taba. luge!

 

pero nung unti-unti akong tumatanda, unti-unti ko n ring naa-appreciate ang taba sa barbecue. sumasarap n rin sa panlasa ko. na-realize ko na un pla ang pinaka-malasang parte ng barbecue(pero meron p rin tlagang taba na ndi masarap kc ang tigas at parang tuyo pa). eh di ayun kakain din pla ko ng taba sa barbecue. minsan nga nilalagyan ko p ng diskarte ung pagkain ko ng taba. kakagat lng ako ng maliit sa taba tapos sa laman naman. parang bina-balance ko b ung lasa. parang taba ung ulam at laman ung kanin(ok din db? subukan nyo at parang sasarap lalo ang buong barbecue nyo). kahit papanu nkakatawa din kc minsan ako n ung kumakain ng tirang taba ng iba na dati pinapamigay ko lng un. meron na ngang barbecue na puro laman lng eh na parang un ang dream barbecue ko dati. pero ngaun mas gusto ko ung may taba, parang ndi n kumpleto ung barbecue pag walang taba eh. kaya kung sinu man nka-isip na lagyan ng taba ang barbecue, sa dulo, gitna o harap p yan, ok din pla ung naisip mo. sarap!

 

— tikboy

24 comments

  1. Delyong

    Mga kapatid sa pananamplataya… at sa taba na nasa hulihan ng barbeque …

    ang dahilan sa naturang pangyayari ayon sa aking masusing imbestigasyon ay para makapagbigay ng lasang mamantika sa bibig sa bandang huli. BAKIT???…

    ang dahilan ay simple… para humirit pa ang mga mamimili ng isa o dalawa pang stick ng b-b-q. (businessmen kaya mga Pinoys…) dahil sa kakaibang lasa ng taba sa huling bahagi… parang nakakaramdam ka ng paglalaway… pagnanasa…. na muling kumagat ng karne…

    Agree ba kayo??? walang problema kung hindi… bumara sana sa lalamunan nyo ang taba ng b-b-q nyo!!! hehehe peace!!!

  2. alasais

    delyong,

    aba, at may natutunan ako ngayon! salamat! pwede siguro itong gawing malupit na hirit sa chicks. pwedeeeeh!

    -tenco

  3. hisnameisdencios

    ako noon ay paborito ko yan. kaso ngayon ay hindi na. ang dalang kong makakain ng baboy nagyon sa totoo lang . puro isda. na miss ko tuloy ang bbQ sa aming kanto hehe

  4. Tsutsay

    e di sa lahat ng may gusto ng taba bumili na lang po kayo ng isang istik na taba..ehehe solb solb nayun….”ate pabili nga ng taba” 5 pesos lang yun nga lang manipis konte yung taba…atleast taba pa rin! ehehe…

  5. jrteehankee

    “puta kahit P10 ang bayaran ko, basta puro taba lang ang barbecue ko”.

    Ayos! Game din ako dyan!!! Ang balita ko, kaya nasa dulo ang taba, ay dahil sa ito ang “panghimagas” pagkatapos ng lahat ng karneng laman na kinain mo. “With compliments” kumbaga. Hahaha!!!

  6. alasais

    Jrteehankee,

    Ikaw pala makakasundo ko sa taba e ng bbq e! Aba, dessert na pala ang taba ngayon! Mas ayos! I hope you enjoyed our blogs!

    Salamas!

    Tem-i of Alasais

  7. pilya'tpasaway

    ang alam ko po… sabi ng inay ko… (dahil napaka scientific ng pagpapalaki skin… XD)

    kaya nasa hulihan ng stick ng barbecue ang taba kasi sa may hawakan, diba mejo wala ng apoy dun (pano mo nga naman mahahawakan sa hawakan kung sa gitna ng barbequehan mo ilalagay yung hawakan ng barbeque, kaya nga hawakan diba?)… eh ang taba, madaling nasusunog?🙂 pag nasa gitna yung taba, hindi na talaga makakain, sunog na yun bago pa maluto yung laman. haha!😄 kaya aun po.😀

    hindi ko alam na may iba iba palang dahilan yun… haha!! salamat, salamat.😀

  8. alasais

    Aiweenee,

    Wow! Kelangan namin i-hire ang iyong ina para sa aming research group. Napakatalino. Oo nga naman. Namimiss ko tuloy ang Sineskwela.

    Salamat and keep supporting Alasais. Pilya’t pasaway ka ba talaga?

    Tem-i of Alasais

  9. pilya'tpasaway

    Kuya Tem-i,

    opo, pilya’t pasaway po ako nung bata.🙂 kaya ang tawag sakin ng aking tito ay ayrinita: (enter first name here) na maldita.😀

    pa anonymous effect pako… chepar!😀

  10. TunYing

    Pag may handaan Barbecue ang pangatlo sa hinahanap ko (Una yung leche plan at pangalawa yung spaghetti) sa mga nakahain. Una muna 2 sticks tpos paisa isa na, hanggang sa di mo namamalayan, isang bundle na ng barbecue sticks ang naipon mo! hehehe…
    Sa ganang akin kaya siguro nasa huli ang taba eh dahil inahalintulad din nila sa balat natin. Laman sa una tapos taba tapos balat. hehehe… Sana may sense yun! hehehe…

  11. Snowden

    Hmmm.bagong kaalaman to ah.hindi ko talaga matripan ang taba sa bbq.pasinghutin ny0 muna ako ng rugby baka sakaling magbago isip ko.hehe.apir tay0 jan saludo ako sa bl0g ny0.pamatay!

  12. alasais

    Snowden,

    Salamat sa pagsuporta sa aming mga blogs. Every Friday, new blogisodes, tol. Tambay ka lang dito. Madaming rugby sa Marikina. Dun nakatira yung supplier kong sapatero e.

    Tem-i of Alasais

  13. Batang 90's

    Masarap ang taba lalo na kung medyo sunog. Parang hindi barbecue kung walang sunog na taba. Pero may mga nabasa ako na carcinogenic daw ang mga ito.

    Anyway, masarap pa rin!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s