43. Singkiterts

Kung lumaki ka sa mga kalye ng Pinas ay siguradong nakakilala ka ng batang singkit.  Or actually, kahit matanda eh.  Siguradong may singkit na matanda kang nakita diyan.  Sa may amin, heto ang madalas na suot ng singkit naming kapitbahay:

1.  Puting Sando

2. Maong or Khaki na Shorts

3.  Tsinelas or Topsider

4. Pamaypay or Karton na Pamaypay

5. Gintong Singsing na Napakalaki at Kwintas.

6.  Hindi Mawawala ang Twalyita na Nakasabit sa Balikat

Korekek!  Siya nga ang tinaguriang “Instik Beho” ng baranggay niyo.  Kahit ano pang itawag o iasar niyo sa kanya ay hindi niya ito iindahin dahil alam niyang siya ang may pinakamaraming pera sa baranggay niyo dahil siya ang may-ari ng hardware, sari-sari store, pautangan, bingguhan, saklaan at bilihan ng So-En na bra’t panty.

Swerte ba sila o masipag?  Malay ko.  Pero sigurado akong may ginagawa silang ka-pungsuyan.  Sinubukan ko ding ayusin ang sala namin para daw pasukin ng swerte pero mukhang lalong minalas dahil binaha kami kinabukasan at natangay ang aming Kyowa rice dispenser.  Hindi pala magandang ilagay ang paso ng halaman sa harap ng tv.

Naging bespren ko noong grade 4 si Mimoy.  Intsik siya at siyempre, “Beho” ang tawag sa kanya ng mga kaibigan namin.  OK lang naman sa kanya kaya tinawag ko na din siyang Beho.  Eh OK lang daw sa kanya e!  “Hoy Beho!  Baho mo ngayon a!  Beho – Baho!”  Pero mahal ko yang instik na ‘yan.  Lagi ‘yang may baong dalawang siopao – isa para sakin at isa para kay Gardo, yung bully namin.  Hindi naman siya nagugutom dahil binibigay ko sa kanya ang pandesal kong may palaman na isang hotdog na hinati sa gitna para magmukhang dalawang hotdog at humahawa pa ang kulay nung hotdog sa pandesal (parang ang hilig kong banggitin yung hotdog a…chenes!).

Pangarap ni Mimoy maging artista.  Tinanong ko kung sino ang idol niya.  Si Smokey Manaloto daw.  Okey.

Tinanong ko din siya kung totoong gawa sa uhog ng intsik ang paste.  Ipinahid niya sa mukha ko yung paste sabay subo ng pandesal with hotdog ko.  Ang sarap…sabi niya.

Nung una akala ko Hapon si Mimoy.  Nalaman ko na hindi pala siya Hapon.  Alam niyo kung pano ko nalaman?  Kasi sinabi niya sakin, “Tanginamo.  Hindi ako Hapon.”

– Tem-i


Ilan rin ang naging kalaro at kaklase kong singkit. Manilaw-nilaw sila at magaganda ang kutis pero kadalasan eh hindi masyadong maliksi kaya madali ko silang mataya.

Si Chris ang isa sa mga singkit kong naging kaklase dati. O mas kilala sa tawag na Jacky Tiyan. Mataba rin kasi siya at pagdating ng hapon eh umaasim na rin ang amoy niya. Kinukulit namin siya palagi na turuan kami mag-Kung Fu pero ayaw niya eh. Sinuntok tuloy siya sa may balikat ng kaklase naming mayabang para piliting lumabas ang Kung Fu skills niya. Nag-abang kami lahat sa gagawin niya…

“Ayan na lalabas na! Patay ka ngayon, Richard(ang mayabang na sumuntok sa kanya)!” ang sabi namin.

Pagkaraan ng ilang segundo…luha ang lumabas hindi Kung Fu. Patay pa rin si Richard, patay siya sa titser namin at pinaiyak niya si Jacky Tiyan. Mula noon hindi na namin pinilit ilabas ang Kung Fu skills niya nanghihingi na lang kami ng pagkain.

Mayroon rin sa amin dating sari-sari store na ang bantay ay isang singkit. Mas kilala siya sa tawag na Mang Tsekwa. Siyempre hindi mawawala ang binanggit ni Tem-i na tuwalyita na nakasabit sa balikat niya. Medyo mahirap nga mangutang sa kanya eh. Lalo na kapag umaga at baka buong araw na daw puro utang ang mangyari sa tindahan niya.

Siya lang rin ata ang nakita kong tindahan na hindi na kailangan ng calculator. Ang galing niya mag-kompyut eh. Hindi pa ako tapos magtanong kung magkano eh nakasagot na agad siya ng total price ng nabili ko. Pwedeng-pwede maging Math titser si Mang Tsekwa.

Tikboy: “Mang Tsekwa, magkano onseng lollipop, doseng pancit canton, pitong Oishi, katorseng tsoknat at benteng Cheez-it?”

Mang Tsekwa: “Hmmmm..”

Tikboy: “Ayoko na ang tagal eh!”

Buhay ka pa.

– Tikboy


Minsan e may makakasalubong kang taong hindi mo kamukha, ‘yung hindi mo talaga kamukha ha.  ‘Yung iba ang itsura.  Oo magkaiba talaga kayo ng anyo.  Iba ang pagka-anyong tao niya e.  Maputi nang konte, payat nang konte, at singkit.  Naisip mo na siguro dati kung pa’nong nangyaring magkaiba kayo ng itsura.

Sila ang mga Intsik.  Sila ang bida sa Pin-Pin na pinapanood natin sa Channel 9 tuwing Sabado ng umaga.  Sila ang kinamulatan nating mga foreigner.  Ginaya na rin natin dati ang pananalita nila.  “Ching chang chung, sin san se.”  Basta kahit anong maisip nating one-syllable words e sasabihin natin para lang ma-impersonate sila.  ‘Di ba nagsisingkit-singkitan din tayo dati kapag napapanood natin sila sa TV?  Mahilig din akong manood ng mga palabas nila sa Channel 2 tuwing Linggo ng umaga.  Meron pa ngang subtitle na Intsik pa rin sa baba ng TV screen eh.

Tinuro sa atin ng titser natin noon na ang mga Intsik ang isa sa unang mga banyagang pumunta sa ating bansa.  ‘Di ba sa kanila galing ang mga kasangkapan nating porselana?  ‘Yun lang ang naaalala ko sa mga tinuro sa amin dati eh.  Dahil na-curious ako e tiningnan ko sa globo ang bansa nila.  Aba, ang laki a!  Inabutan ba nila ang tulay na yelo para makarating sa Pilipinas?

Magaling at matiyaga silang mga businessman.  Punta ka sa Divisoria.  Ang dami nilang pwesto dun.  Kahit sa mga baryo-baryo e may mga tindahan sila.  Kadalasan e hardware o tindahang maraming gamit.  Nakasandong puti ang lalaking may-ari, at mamula-mula ang balat sa pagitan ng leeg at dibdib.  Nakasalamin sila at naka-pants na hindi kulay brown.  98% sa kanila walang facial hair.  Napatunayan ko ‘to nung minsan nagpunta kame ni Mama sa Binondo.  Ang alam ko sa Recto dapat kami pupunta nun pero ewan ko kung bakit kame napadpad dun.  Sumaglit yata si Mama noon para bumili ng Tikoy.  Tapos kinabukasan e ‘yun ang agahan namin—Tikoy with itlog.  Mas gusto niyo ba ‘yung Tikoy na puti o ‘yung brown?  ‘Yung sunog nang konte o hinde?

E bakit hindi naman sila nagpapagupit ng semi-kalbo (kalahati kalbo, kalahati long hair) tulad ng napapanood ko sa TV?  Lahat ba sila magaling sa martial arts?  Kaya minsan e nag-alangan akong awayin ‘yung batang Intsik na nakasalubong ko kase baka karatihin ako eh.

Masisipag at matiyatiyaga sila.  Hands-on talaga sila sa mga negosyo nila.  Magaganda rin ang mga kutis nila.  Never pa kong nakakita ng Intsik na peklatin e.  Meron pala akong kaklase dati na ang daming peklat sa binte.  As in.  Piso-piso talaga.

– Tenco

10 comments

  1. Rojan

    maidagdag ko lang mga dabarkads…

    kung paano ang get up ng smaller version ng intsik beho.

    ang mga toddlers ay nakasuot ng puting sando ng butas butas… sunjoy ang tatak na nakatuck in sa puting briefs na handford (mayaman kasi). hindi mawawala ang hawak hawak nilang sundo’t kulangot na pag madungis na ay laging may pamunas na “Good Morning” towel.

  2. alasais

    Rohanes,

    Bwahahahahahaha!!!! Sunjoy! Tumpak na tumpak yan a! oo nga, yung tanginang sando na laging naka-usli sa labas yung tatak na Sunjoy! Bwhahahaha! Haay Rojan.

    Tem-i of Alasais

  3. lovely

    haha..talagang mapula ung bandang leeg nila at dibdib..parang laging nakainom hehe..yay..

    talagang kailanagan kasama pa ung klasmeyt mong madaming piso sa binti tenco hehe..

  4. grasi

    ung mga instik na nakikita ko sa tindahan nila laging nasa kaha. may abacus pa. akala ko noon laruan lang yun. old school pala na calculator.

    ung mga kaklase ko naman nun sa elementary na chinese eh nag aaral sa chinese school after ng regular classes sa min. kelangan ata sa kanila un para maretain at matutunan nila ang chinese heritage nila. nag aaral sila ng history, math, at pagsulat at pagsasalita ng instik.

    nagkaroon ako ng chinese shoes nung grade 1. ung parang pang kung fu. tela un at may strap. pag nabasa asahan mo amoy kulob na un at hanggang paa pag umuulan. di advisable isuot pag tag-ulan😛 pero pag suot ko yun feeling ko si jackie chan ako at pwede magkungfu stance. pero ang action lang ata na nababadan ng sapatos na un ay chinese garter.

    di ko lang matandaan kung anong pagkain ung sinasabi ni ermat nung bata ako na gawa sa kulangot ng instik. champoy ata o babol gam. hay mga ermat talaga, istayl para di humirit ng piso pambili ng junk food. pati tuloy instik nadamay.

  5. Jew

    shet =)) naalala ko yung palabas sa channel 2 pag linggo ng umaga =)) Ano nga ba title nun? Nung 3-4 yrs old ako, trip kong panuorin yun eh😐 hahaha.. tas ginagaya ko rin kung pano sila magsalita. Di ko maintindihan kung anong trip ang gumana sa utak ko at nanuod ako ng ganun na di ko naman alam kung ano mga pinagsasabi nila… haha nostalgic!

  6. AndreidAe

    Tem-i.. winner ang last line muh..magical talaga kung pano mo nalamang hindi xa hapon.. kewL…love it!

    share ko lang sa mga singkit.. singkit din kasi ang aiyah kuh (older brother).. wala kaming lahing chinese or something pero nakakaaliw lng minsan pag napapabilis xa ng salita at hindi namin xa naiintindihan..

    aiyah: andrea..”ashin shang..kin tse..ung …jksagdfjasgf”

    andreidae: WTF..**annoyed** aiyah.. nag iinstik ka n nman..tagalugin mo kasi..

    LOL

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s