7. Tanghali

“Ayan, tapos na ang Teysi ng Tahanan!”  Magre-ready na ako para sa Eat Bulaga.  Actually, channel 2 pa ang Eat Bulaga noon at bago pa man ako magkamalay ay nasa channel 9 pa siya.  9 minus 2 equals 7, kaya nasa GMA na siya ngayon.  Klaro?!  Yan ang scientific explanation kung bakit nasa GMA na ang Eat Bulaga.  Seryoso ‘yan, maniwala kayo.

Anyway, mahalagang oras ng araw ang tanghali sa buhay ng isang kalye boy.  Para sa mga pang-umaga sa iskul,  ito ang sumasalubong sa kanila pagdating sa bahay.  Para naman sa mga pang-hapon, ito ang sinusulit na oras tuwing half-day dahil bihira sila mag-spend ng oras sa bahay tuwing tanghali.

Para sakin, ang Teysi ng Tahanan ang pampainit o “warm-up” show para sa tanghali.  Magpapakita sila ng mga recipes at mga issues na pang-nanay o pangkatulong.  Pagkatapos nito ay derecho na sa star ng tanghali – Eat Bulaga sa Ch 2 at Lunch Date naman sa Ch 7.  Kung nasa kolehiyo pa lang kayo ngayon ay malamang hindi niyo alam ‘tong mga pinagsasabi ko dahil baka hindi niyo na naabutan ang mga palabas na’to.

Habang pinapalabas ang mga shows na ito ay tatatak sa utak ng mga manonood ang mga patalastas tulad ng C.Y Gabriel Soap, Lydia’s Lechon, Caronia Nail Polish at Caress.

“…with magic Caressss, Caresssss….Color every magic mohmeeeent….”

Kung ikaw naman ay avid fan ng PTV 4 ay siguradong maaalala mo ang Vetracin Multicaps – ang gamot para sugpuin ang bulate ng mga alaga mong baboy.  Ito ang patalastas ng sikat na drama anthology noon na “Balintataw”.

Kung RPN 9 fan ka naman ay siguradong alam mo ang palabas sa tanghali na Buddy en Sol.

“Buddy en Sol!  Hindi mapgahihiwalaaay!  Laging magkasama, sa saya at lumbay, magkaibigang tunay na tunahaay…. Buddy en Sohoooool….”

Dito ko nakilala si Ces Quesada at ang paminsan-minsang pagge-guest ni Soxy Topacio.  Channel 9 din ang tahanan ng Champoy at ng ReyCards.  Kung hindi niyo naaalala si Carding ng ReyCards ay tignan niyo na lang si Tenco.

Siyempre, hindi mawawala sa listahan ang Agila, Valiente, Annaluna at Mara Clara.  Heto ang mga palabas na kinalakhan ko noon habang pinipilit akong matulog ng katulong namin na si Manang Cesa – ang hearthrob ng mga construction worker sa kalye namin.  Papatulugin niya kami dahil gusto niyang makipaglandian sa mga trabahador at angkinin ang remote control ng TV namin.  Ayun, pagkatapos ng 4 na buwan ay nabuntis si Manang Cesa at hindi niya alam kung si Berto ba o si Raul ang ama ng kanyang anak.

Madami pang ishe-share yung dalawang hunghunks sa inyo kaya kakain na muna ako at lumalamig na yung porchap kong matigas at tuyong tuyo na at hahanapin ko pa ang Maggie Savor.

– Tem-i


Haha Carding si Tenco ampucha! Gago ka talaga Tem-i. Pero iba yan si Carding, siya ang isa sa pinakapanget na mukha sa mundo ng showbiz noon. Wala siyang pakialam kung ano itsura niya. Basta magiging singer siya at artista. Tenco, sigurado kong natutuwa siya ngayon at palagi mong napapaalala sa mga tao ang isang Carding sa pamamagitan ng pagmumukha mo.

Paiba-iba ang pasok ko noon. Nung grade 1 ako pang-umaga ko, nung grade 2 pang-hapon at grade 3 pang-hapon ulit. Kaya naranasan ko ang makanood ng Teysi ng Tahanan bago pumasok na palaging kinokomersyal ang Tiki-tiki.

“Tiki-tiki for baby…”

Nakanood rin naman ako ng Buddy en Sol pagkauwi nung pang-umaga naman ako. Isa rin sa mga napapanood ko sa tanghali eh ang Bistek starring Herbert Bautista.

Ang lakas rin ng loob ng Lunch Date nun para kalabanin ang mighty Eat Bulaga. Pero kahit papaano lumalaban naman kasi yung lola ko ay yun ang pinapanood eh. Napapanood rin naman ako kasi naging crush ko nun si Ms. Toni Rose, ang ganda eh! Kaya medyo inis ako nun kay Louie Heredia kasi parang sila ang pinagpapartner nun eh.

At ang Mara Clara naman, tingin ko siya na ata ang pinaka-mahabang tele-nobela sa kasayasayan ng telebisyon. Eh sinabayan ako sa paglaki nito eh. Puchang diary yan napakatagal mahanap at maisiwalat ang nilalaman. Pero medyo natakot rin talaga ko kay Gary(ang akalang tatay ni Mara) nun. Ang angas rin kasi talaga ng mukha eh at parang papatay talaga ng tao eh. Kulot na hindi maputi at hindi rin talaga artistahin yung mukha eh.

Ang parang isa sa mga naging closing shows naman ng mga tanghaling palabas eh ang Cristy Per Minute.

“Cristyyy Per Minute!!! tug tak, tug tak, tug tug tak!!!”

Kaya medyo naging updated rin ako sa showbiz nun dahil hindi rin pinapalagpas ng kasambahay naming si Ate Rose ang programang yan. Impeyrnes ok ang showbiz na yan. Trenta minutos lang yan araw-araw eh pero sinusulit talaga nila bawat minuto para mabalita lahat ang showbiz tsismis.

Carding este Tenco, take it away!!!

– Tikboy


Hahahaha!  Gago ka Tikboy na-LSS ako sa Cristy Per Minute mo!

“Cristyyy Per Minute!!!  Tug tak, tug tak, tug tug tak!!!”

“Bawat … ng chika, sobra sobra!  Kaya dito ka na sa (sabay-sabay!) Cristy Per Minute!”

Itigil na ang pagiging insecure, Tem-i at Tikboy.  Idol ko si Jestoni Alarcon!

Hay tanghali, gandang topic din talaga nito e.  Parehas kami ni Tikboy na naging pang-hapon nung Grade 2 kaya naabutan ko rin nun ang Teysi ng Tahanan.  Para sakin, ito talaga ang da best na talk show bago mag-tanghali (ayan naaalala ko na ‘yung tugtog nito, hahahaha).  Sino ba namang hindi makakaalala sa kanang kamay niyang si Eagle na may segment na, “Eagle’s Nest?”

Mukhang bitter si Tikboy kay Louie Heredia a.  Pero ang kilala ko talaga rito e si Randy Santiago at si Mahal.  Matagal na nga palang host si Randy Santiago noh?  Tendendenden!  (segway)

“Salo-Salo Together!”  SST!  Sa channel 7 din ‘to at nadikitan ng SST sticker ang pintuan ng bahay ng kapitbahay ng kaklase ko kaya nanalo sila ng pangkabuhayan showcase!  Astig!

Pero wala na sigurong mas kaklasik pa sa Bulagaan Portion ng Eat Bulaga.  Talagang bentang-benta sa masa ang “knock-knock who’s there” at ang batuhan ng pie e.  Ang tatatak namang komersyal sakin nun ay ang walang kamatayang United Home Ferrous Sulfate at iba pa nilang mga gamot.  Natutunan ko rin na ang Landmark noon ang biggest department store in Makati.

Nung lumipat ang Eat Bulaga sa channel 7 ay nagkaroon ng ‘Sang-Linggo nAPO Sila sa channel 2 na sinusundan ng…

“Cristyyy Per Minute!!!  Tug tak, tug tak, tug tug tak!!!”

“Bawat … ng chika, sobra sobra!  Kaya dito ka na sa (sabay-sabay!) Cristy Per Minute!”

(Bubungad si Cristy Fermin na nakaupo sa high chair.)

Hindi ‘to nauubusan ng showbiz chika e.  At may celebrity guests pa araw-araw sa Tik-Tak-Talk Segment, at konti lang talaga ang itatanong sa kanila.

Sometime around 1991, Valiente ang pinapanood ko pagkatapos ng Eat Bulaga.  Kung takot si Tikboy kay Gary, takot naman ako kay Theo Braganza.  Akala ko nga namatay na ‘to pero nabuhay pala sa ikalawang aklat.  Tindi!  At takot rin pala ako kay Odette Khan!

Teka naalala ko pa pala, malamang e naaalala niyo pa ang isa sa mga unang hosting stint ni Arnel Ignacio.  Tinapat ito ng Channel 9 sa Eat Bulaga at ‘Sang Linggo nAPO Sila..

“Chichichibog chibog chibog chibog chibugan na.

Chibugan naaa!  Chibugan na!

Chibugan naaa!  Chibugan na!

Chibugan naaa!  Chibugan na!

“Chichichibog chibog chibog chibog chibugan na!”

P.S.

Tem-i, naalala mo pa ang Vetracin Multicaps?!  Ang tindi mo!

Si Meryl Soriano pala ang unang child star na nagpatibok sa puso ko nang mapanood ko siya sa Buddy en Sol (Buddy en Sohoooool!)

– Tenco


Hahaha! Tama ka Tenco! Oo, “Chibugan Na” ang panlaban ni Arnel Ignacio!  Eto ata yung lyrics niyan kung hindi ako nagkakamali e:

“Chibugan na namaaaaaaaan!  Sa tuwing pananghalian!  Awit, sayawan at tawanan…HIndi ko na alam ang kasunod!”

At ang missing words ng Cristy Per Minute nyo ni Tikboy kung naaalala ko nang tama ay

“Bawat tik-tak ng chika, subra subra! (oo subra talaga ang pagkakasabi, hindi sobra) Andito na ang bagong reyna ng intriga!  Mainit-init, uh!  Every minute!  Araw araw pa sa Cristy Per minute! May bonus pang TV at movie hit!  Lahat ng artistang may sabit o kagalit!  Walang pupuslit!  Sa! Cristy Per Minute! (Sing to the tune of “My Sharona”)  — Si Carlos Agassi ba kumanta neto?

– Tem-i


Hahaha!  Oo pare, “subra subra!”  Sabihin ko pa sana, “bawat takbo ng chika, sobra sobra!”  Napakamaling lyrics e noh?  Hahaha.  Takbo ampucha.

– Tenco

83 comments

  1. anakngpating

    uu sa channel 9 plang eat bulaga na sila hehe tapos nalipat nga sa 2 dun muntik na ko isali ng nanay ko sa portion na miss little phil.syempre dahil bata pa ko nun gusto kong sumali tinuruan ako ng mga sagot ng nanay ko pag question and answer na tapos ako mismo gumawa ng dance step ko sa sasayawin ko sa contest. kaso kasawiang palad na hindi ak nakasali dahil wag na lang daw sabi ng tatay ko dahil hindi nya ko masasamahan sa audition. di ba nakakainis iniyak ko yan ng 1 araw lang naman hehe..
    sayang lang sana may career na rin sana ko dis time hehe ..oha

  2. alasais

    Anakngpating,

    Uy sayang ‘yun a. E sa Princess Asia hindi ka na sumali?

    “Princess Asia ang gaganda… Princess Asia ang bobongga…
    Princess Asia ang galing nila…
    Sino’ng magiging Princess Asia?”

    – Tenco

  3. mishes

    lupet ni tem-i.. talagang kabisado mo ha.. hehe.. naalala ko rin yang sst na yan.. may tindahan kami dati sa broadway kaya jan kami tumatambay nun tindera namin paglunch eh.. jan ko napanood si bamboo nung part pa xa ng rivermaya.. may buhok pa xa nun.. hehe

    klasik din ang mara clara.. kulang na lang pati ako makihanap ng buset na diary na un.. hahahah..🙂

  4. emilayskie

    Nyay ang layo ko na ulit. Bakit kasi ang aga ni-post to? Hahaha.. Ganda naman ng topic nyo! Teysi ng Tahanan. Na-estimate ko na tuloy ang mga ages nyong tatlo. Sigurado akong kayo ay aking mga kuya ng mga dalawang taon. Hihi..

    Peborit ko rin yang Teysi ng Tahanan. To be fair to Teysi Tomas, walang halong kaplastikan sya kung mag-host at swak na swak ang kanyang mga patawa. Magaling din ang writer nila rito dahil ang gaganda talaga ng topic nila na kahit musmos na bata tulad ko ay naeengganyo talaga akong manood.

    The best talaga ang Eat Bulaga pero noong lumipat na sila sa GMA, dahil over “kapamilya” talaga ang parents ko ay stick kami sa pumalit at yun ay ang “Sang Linggo Na Po Sila.” Dati ay every sunday lang itong show na ito pero ginawang whole week round noong umalis ang Eat Bulaga. Noong grade 3 and 4 ako, panghapon, kapag naabutan ko ang mga palabas na itong mag-umpisa nagpa-panic na ako dahil alam ko malapit na ako ma-late sa klase. Hihi.. Buti na lang malapit lang school kaya karipas ako ng takbo papasok.

    Naku dami ko pang gusto sabihin kaso ang haba na. Hahaha.. Mamaya naman yung susunod.

  5. N

    dahil bagong gising ako at wala pa sa katinuan, magcocomment ako🙂

    konti lang ang naalala ko sa ma shows na nisabi nyo, yung teysi ng tahanan, valiente, at mara clara na nuknukan nga naman ng haba.

    at tulad ni emilayskie, naestimate ko din kung ilang taon na kayo. mga tatlo hanggang limang taon na agwat sa edad. at mas matanda kayo sakin. Naguluhan lang ako kay emilayskie, kasi yung estimate nya sigurado s’ya. Hehe, pis tayo emilayskie.

    Pborito ko yung eatbulaga nung nasa dos pa sya. nung lumipat sila sa syete. Hindi ko na sila gusto.

    Palakpak ako sa talas ng inyong mga memorya *apir*

  6. alasais

    N,

    Salamat! Kung may naaalala kayong hindi namin nabanggit, i-comment niyo lang! Tulad ni Gio Alvarez, talaga nga namang may pagka-rapper pala ‘to (salamat Diona).

    – Tenco

  7. alasais

    N,

    Good morning sa’yo at nawa’y mahimbing ang iyong tulog at hindi basa ang iyong punda.

    Kung huhulaan nyo ang edad namin, kami’y mga bata pa naman kung tutuusin. Pamunas pa din namin ng uhog ang mga kwelyo ng shirt namin.

    Apir!

    Tem-i of Alasais

  8. alasais

    Juds,

    Mostly ang timeline ng mga kwento naman ay 90’s. Yun ang golden age ng pagiging batang kalye namin e. Sounds family ba? Hehe..

    Tem-i of Alasais

  9. Toni

    Ang naaalala ko ay yung patalastas ng Caronia. Yung may pulang-pula na hinlalaki sa paa tapos, “The beauty staaarts… with Caro-nee-yah…” X-D

    At ang Teysi… hindi mawawala ang mga kalolahan na nakataas ang kamay pag nagpapalakpakan.

  10. alasais

    Toni,

    Hahaha!! Korek ka diyan! Nakataas ang mga kamay habang pumaalakpak! Scripted na scripted! Paglipat ng camera sa kanila biglang tataas ang kamay sabay palakpak. Haay mga nanay ng tahanan…

    Tem-i of Alasais

  11. bulakeño

    naku, ako na yta pinakamatanda sa mga narito.

    masaya ako kahit papaano naaalala ninyo mga iyan, almost 2 dekada na nakaraan.
    napakasimple ng palabas sa tv, pero sinubaybayan ng mga manonood.
    ang ‘eat bulaga’ na may dance contest, role playing sa mga pelikulang malapit na ipalabas, bulagaan.
    sa ngayon kasi puro remake ng mga lumang pelikula o komiks ang napapanood natin. malagyan sana ng mga ‘values’ ang mga ito.
    natutok sa panahon na ito ang mga bata sa computer (kaya parang robot na mga bata sa ngayon).

    sana marami pang magagandang alaala ng nakaraan.

  12. alasais

    Bulakenyo,

    Iba talaga ang kalumaan sa buhay. Masarap balik-balikan ang nakaraan. Tumambay ka lang dito, madaming ala-ala ang babalikan natin. As in!

    Every Friday, new blogisodes!

    Tem-i of Alasais

  13. pilya'tpasaway

    ang cute!!😄

    honga, kaedad ko si emilayskie… kaya tama siguro estimate nya…🙂

    lagi akong pang-umaga nung gradeschool eh.🙂 at ang saya pag naaabutan ko yang mga yan.🙂 nostalgic talaga feeling pag andtito..🙂

    ayos!😄

  14. tonitoni poponi

    grabe ung cristy per minute! naabutan ko yan pero bata pko mga 6? pro tsismosa nako! hahaha! pinakadbest dun ung sout na makulay na polo ni madam cristy!hahaha

  15. boy

    hahaha!! naging pang-umaga din ako nung elementary.. at napanuod ko rin yung ilan sa mga palabas.. tuwing nakakakita ako ng bus na may tatak na “SST” (sunshine transport yata yun) yung show sa gma naaalala ko.. meron pa yung kay jovani kalvo(sumalangit nawa) na showbiz din.. hahaha!! cristy per minute amp.. hehehe.. naalala ko pa yung tricycle driver naming si mang boning nakikikain pa samin ng lunch tapos makikinuod pa ng valiente pagka hatid niya sakin.. tpos napapanuod ko rin dati yung sa sanlinggo na po sila yung may malaking A P O na letters sa studio nila.. at si jim paredes lang lagi nagigitara.. sa teysi ng tahanan ko unang natutunan yung hand gesture ng rakista ngayon \m/ ibig sabihin kay teysi ay “commercial break” pero malanding version yung kanya.. madalas ilipat sa ibang channel yung tv namin dati.. at madalas ko rin napapanuod yung mga commercial ng family rubbing alcohol “hindi lang pampamilya pang isports pa! *ting*” yung referee daw na yun ung referee sa thrilla in manila ni ali at frasier.. pati yung family toothpaste.. “father mother brother sister blah blah blah” tama si tem-i ang malupit na commercial ng lydia’s lechon.. konti lang alam ko sa palabas ng tanghali.. kasi pinapatulog ako ng lola ko para makanuod sila ng kasama namin sa bahay ng telenovela sa channel 9 dati.. yung may “La ……” di ko maalala title basta yun..

  16. alasais

    Boy,

    Ay oo! Katok mga Misis! Tapos si Ali Sotto yata ang pumalit na host kung hindi ako nagkakamali. At salamat dahil pinaalala mo sakin ang hand gesture na ‘yan ni Ms. Tessie Tomas!

    “Father mother brother sister have you brushed your teeth?”
    “Family Toothpaste. Hindi lang pang-pamilya, pang-pearly white teeth pa.”

    Teka, “La Traidora” ba ang sinasabi mo?

    – Tenco

  17. alasais

    Boy,

    Hehe! Oo, naaalala ko nga yang APO na yan. “Dito sa San Linggo, nAPO Sila…Nagkatuwaan ang barkaaaaada! Sabay magjojoke si Amy Perez ng super korny na joke.

    Tem-i of Alasais

  18. andreidae

    ang cool…tindi tlga ng mga memory nyu..pati b nman mga sequence title ng mga palabas n un alam p din…
    but im pretty certain n mga kuya kuh nga kau khit ung iba eh familiar pdin sakin..and yet..college stud padin akuh nao kea…ayun…
    familiar akuh s Eat bulaga n galing xa sa channel 2…pwo dko n cla naabutan s channel 9..and yes…fan padin akuh ng Eat bulaga until now..and yeah nging fave kuh din ung buddy en sol..bebe p c Meryl soriano nun…
    and ang Teysi ng tahanan..xmpwe nman..dun nkkakuha ng mga recipe ung yaya kuh..cool..Valiente sa syete, Mara Clara nman sa dos..auz…at yung kirara??tanda nyu p b??dahil dun nging kawawa ung mga classmates kong d mxado kaputian…feeling ko tuloy biglang dumami racist s mundo..:)

  19. alasais

    Andreidae,

    Hindi ako nakapanood ng Kirara e. Gayahin mo nalang si Clara at tarayan mo ang mga umaapi sa mga ‘di kaputian mong kaklase.

    Naalala ko tuloy si Clara. Ang taray talaga niya noh?

    – Tenco

  20. alasais

    Andreidae,

    Ay oo naman. Talagang punung-puno kami ng memories pagdating sa kalumaan. Kulang pa nga ang FLAMES ni Buboy Garubilyo at John en Marsha.

    “Huwag matakot…Annaluna…ang lahat ay may pag-asaa…….”

    Tem-i of ALasais

  21. TunYing

    hahahaha… SST? nakihanap ako ng sticker nyan dati kaso wala ko nakuha. Sayang! Solid eat bulaga din kasi ako hanggang ngayon kaya di na ko nagaksaya ng oras sa sticker nila! Teka may nalimutan kayo, after ng agila at valiente (gusto ko ito kasi crush ko dati c mariz), sumunod yung rio del mar!!! Ayaw ko ng mara clara, nakakatakot si gladys dun eh! hehe… At speaking of cristy perminute… Pati ako napa-kanta! HAHAHAHAHA!!!

  22. alasais

    Allan,

    Hindi ako pamilyar sa Rio del Mar a. Sige next time e gagawa kame ng blog tungkol sa afternoon at primetime timeslots. Pati na rin ang mga pinapanood natin sa umaga. Abangan mo!

    (Naging idol ko rin si Ronnie Rickets dati.)

    – Tenco

  23. TunYing

    To Tenco:

    Yung rio del mar eh yung may binting nasa putikan ang opening… Di ko malilimutan yun kasi pinapanood yun ng mga teacher ko nung elementary… hehehe…

  24. jack

    ang galing naman.
    natatandaan ko eh, nung sumikat yung Lion king, at si elton john pumunta sa pinas, i was 4 dat time, suot suot ang superman ko na costume, with matching kapa pa ha. i just remember how old eat bulaga was. kahit ganun ako ka bata, naaalala ko pa kung ano ka nostalgic yung mga palabas na yun, regarding what station they were been.
    at saka, nang sumikat na nga yung kabayong bundat nung sa apo pa na show eh, parang naaalala ko pa kung ano ako ka bata talaga nung panahong iyon.
    hahahaaaay.
    thanks alasais.

  25. alasais

    Jack,

    Basta tumambay ka lang dito, siguradong mag eenjoy ka.

    “What’s this, kabayong buntis? What’s that, kabayong bundat…Ano ito? Hulaan nyo! What’s this, kabayong buntis! Ting!”

    Nagmamahal,
    Mufasa…este…Tem-i of Alasais

  26. jack

    ahem,
    masaya nga dito ano. kaso parang ambata ko pa para mag remenis ng mga nangyayari nun.
    pero talagang umiba yung mundo ng kapanahunang iyon kesa sa ngayon.haha. parang na aalala ko yung mga hapon, sina kristy fermin, sina jacob na host nung isang show na sintunado daw, sina aiza, tsaka yung pera o kahon nung araw tuwing linggo. eh naaalala ko pa lang , pero ang dating parang sepia na photo. haha LOL.
    Iba talaga yung media at ang nagagawa nito sa buhay. haha.

    sobrang haba na nito, pero papatulan ko pa..

    @tikboy
    di na kasya sa akin ang costume na yun ngayon. haha.
    naruto naman kasi ako na adik. eto nagpagawa ako ng damit kagaya kay sir kakashi. haha.
    laban ka?

    @ tem-i
    galing.
    tabayan ba talaga to? hehe.. kung di lang ako wirdo siguro umalis na ako, kaso abnormal pag iisip ko eh, tchaka, yung mga ganito para sa akin ay katumbas na ng langit.
    hirap intindihin no?

    onga.
    haha

  27. alasais

    Jack,

    Oo, tambayan talaga ‘to. Kwento lang nang kwento kahit mas mahaba pa sa blog namin! Masarap at mahapdi sa tiyan ang katatawanan na dulot ni Tito Pepe at ng Family Kwarta o Kahon lalo na kapag saging ang ipinagpalit sa 500 pesos. Langit talaga dito. Minsan tumatambay din dito si Rey Langit. Kapag tumatambay dito yun eh nagiging impyerno ang Alasais. Nagiging Ala-sais-sais-sais. Ano ba ‘tong pinagsasabi ko. O siya, maiwanmuna kita dito sa site namin at nautusan ako ng Aunti ko na bumili ng Lee Kum Kee toyo at Nelicom Patis.

    Tem-i of Alasais

  28. jack

    masaya nga ano.
    haha.

    di lang pampamilya pang isports pa! ting!

    haha. kakaiba. sayang nga lang at di ko inabot ang lyidias lechon at ang naabutan ko lang eh yng caress cosmetics na ad. parang nakakatakot na nga yung track kung pakinggan kasi yung boses eh malalaman mo na luma na talaga. at yung mga buhok. haha.

    sige. babalik balikan ko na lang to. at ang maga kabataan nyo. haha. na nangyari din sa akin nung musmos pa talaga ako. haha..

    yung si noli de castro pala sa tv patrol, magandang gabi bayan tchaka yung si Earni Baron. haha.
    kaka miss.

  29. alasais

    Jack,

    O diba, panalo dito? Siguradong may mababanggit sa blog nato na naabutan mo kahit papano. Ernie Baron eh no? Hahaha! Naaalala mo pa ba yung pyramid niyang pampatalino na sinusuot sa ulo?

    Keep enjoying ‘tol!

    Brad Pi…este Tem-i of Alasais

  30. jack

    nangyari ba yun? di ko na namalayan eh. naalala ko lang eh nung nag basa ako ng komiks nina donald duck saka mickey mouse. kilala nyu yung tatlong pato na pamangkin ni donald duck? kasi nung pinagbawalan sila ng uncle nila na manood ng tv eh nabanggit nila yung si ka ernie. kakatawwa ng. ay tagalog version na komiks yun eh. at year 2000 ata yun nung binasa ko. year 1995 o 1994 yung komiks ng inilabas.

    kaka miss.
    dati palaboy lang ako tuwing hapon. nakikipag laro sa aso at natutulog sa damuhan, ngayon eh, parang imposible; pilit ko nang tinatago sarili ko sa mga tao at kung nakikita ako eh, pa plastikan na din kahit di ko kakilala at di ko type. haha. sira publicity ko… uhuh… haha…

    pero okey lang. andito pa naman tong blog na to.
    na aalala ko pa kung ano yung nakaraan. weee.

    emosyunal yun ah. hahaha..

    ei, in add ko na kayo sa multiply. ikaw o kayo. basta.
    haha.
    and, try nyo din na sumali sa pinoy artists network. http://www.obra.ph at kung meron na, add nyo ko ha. hehehe. its jackb… haha

    cge mga pipz, peace.

  31. alasais

    Jack,

    Sina Huey, Louie and Dewey ang tatlong batang bibe na sinasabi mo. Meron din silang mayaman na uncle na si Uncle Scrooge McDuck. Hinding hindi mawawala ang batang kalye sa loob natin. Ikanga nila,

    “You can take the boy out of the street…but you can’t take the street out of the boy…”

    Bow.

    Tem-i of Alasais

  32. jack

    yey. haha.

    sobrang haba ng mga pinopost ko dito a.

    kasi naman. wag nyo masyadong gandahan yung pinopost nyo para di ako ma tagalan.
    haha. astig kayo.

    rak en roll..

  33. jack

    oo nga ano.

    hala.

    eto na naman, kating kati na kamay ko. haha

    wag.haha
    astig tong blog na to.
    wag lang naking i destruct masyado.
    gandang ganda kaya.
    haha

  34. Snowden

    Mga lolo.hehe.j0ke.naabutan ko yang christy per minute na yan.haha.at ang eat bulaga na nasa dos pa..badtwip talaga yang diary na yan sa mara clara..

  35. alasais

    Tin,

    Hahaha korek ka diyan, gwapa. “Mr. Kuuuupido…ako nama’y tulungan mo…Ba’t hindi panain, ang kanyang damdaminnn…at nang ako ay mapansiiihiiin…”

    Tem-i of Alasais

  36. alasais

    Kristine,

    Ah oo, kaso ‘yung Mr. Cupido e mga alas-3 na ng hapon ‘yun. At ‘yung pumalit na Flames e 2:30pm na.

    Hay Buboy…

    – Tenco

  37. adonis

    ang naaalala ko sa isa sa segment ng teysi ng tahanan ay ang puchang inday yan pcry cry hbang nnood yon segment ng “kung maibabalik ko lang” impyernos nkkaiyak nga sya sa school kc nmin klhti ng school year pang umga k tpos before or after ng xmas panghapon k nman ky nsusubaybayan ko nga yan..

  38. alasais

    Adonis,

    Bwahahahaha!! pacry-cry pa si Inday hahahahaha! Yan ang hirit!

    “Kung ma-i-baaaaahbalik ko laaaaang….ang dating ikot naaaaaaang, mundoooooohhoooh!!! Ang gusto ko’y ako’y lagi na lang sa isip moooohooh…”

    Tem-i of Alasais

  39. mar

    Wag kalimutan ang ANA LUNA… may pinsan ako na grade 2 dat tym at umuuwi talaga sya kahit di pa tapos ang klase makapanood lang ng ANA LUNA… hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s