31. Saing

Ano mga tambay, mainit pa din?  Tapos na ang ice cream at ice candy!  Ano naman gusto niyo, samalamig??!!!  Hehehe!  Tama na, iba naman.  Eto, sumisigaw nanaman ‘to ng “Batang kalyehhh!!!”  Uh huh.  Kung may isang batang kalyeng hindi makaka-relate sa blog na’to eh ipapa-ahit ko ang buhok sa tumbong ko.

“Tem-i!!!”

Ay mali.

Take two.

“Temmeeeh!!!  Magsaing ka naaaah!!!”

Haaay…pakshet .  Hindi ko ito gusto.  Lalo na kapag may pinapanood akong magandang palabas tulad ng Kimba The White Lion.  Ang nakakainis sa pagsasaing (yung old skul style ha) eh hindi maigsi ang prosesong ito.  Kahit anong kalkula ang gawin mo eh hindi mo matatapos ang pagsasaing sa isang komersyal kaya lagi talaganag mapuputol ang pinapanood mo.  Kaya nakaka-inggit ang mga kapitbahay kong naka-rice cooker dahil nakukumpleto nila ang Kimba.  Lalo na yang si Rik-Rik na lagi akong iniinggit dahil alam niya lahat ng nangyari sa Kimba at sa Huckelberry Hound.  Inang Rik-Rik yan oo…

Itatakal ko na ang bigas gamit ang plasitc na cup nanakabaon sa sako.  Oo, wala din kaming Kyowa Rice Dispenser.  Kelanganng takalin nang tama at tantsahin nang mabuti ang dami ng bigas para mai-budget at magkasya ito nang isang buwan or dalawang linggo dahil kung hinde, mag-asawang batok ang aabutin mo.

“Wala nanaman tayong bigas Temmeh!  Humingi ka nga kay Mareng Susan ng limang takal!  Linchak na buhay to oo!”

Tanggalin ang mga maliliit na bato sa bigas.  Kung may talent ka tulad ng katulong naming probinsiyana na seksi eh salain ang dumi ng bigas gamit ang bilao teknik.  Ikot-ikot sabay hagis sa ere ng bigas, tapos pulutin ang mga umangat ng batong maliliit.  Sinubukan ko din yun.  Pagkahagis sa ere eh nalaglag lahat ng bigas sa lupa.  Mag-asawang kutos.

“Sinasayang mo ang bigas Temmeh!  Andaming nagugutom!”  (Isa na siya dun.)

Sinong lumaki sa “am”?  Itaas ang nanghihinang mga kamay!!!  Hehehe!  Sarap ng am no?  Kung may batang Promil eh may batang am din.  Wala nga lang kaming patalastas sa tv.  Pero gifted din kami.  Promise.  “Eeeeeye to eye!”

Kelangan ding galingan ang pagbantay ng nalulutong kanin.  Kapag nalingat ka nang konti ay tutong ang aabutin mo.  Pero hindi ako nakakatanggap ng mag-asawang sapak dahil gusto ng tita ko ang tutong na kanin.  I-ref ang tirang tutong at paglabas…tadaaan!  BAHAW!  “Bahaw…kaning lamiiiiig…h’wag  itong itapon…sa umagaaaaaah…pwede pang ihaaiiin…”

Alam kong nanggigigil na kaong magcomment dito mga tsong at tsang.  Paulanan na ng comments tong blog nato at kung hinde sige ka, puso mo’y mabibiyak, mwalay man ang panget hindi ka iiyak diba?  Take it away Tenco and Tikboy!

“Basta may Kyowa, ginhawa kaaa!  Ting!”

– Tem-i


Kelan ba sumarap ang pagkain nang walang kanin?!  Kelan?!  Kelan?!  O ano, hindi kayo makasagot!  Umamin na kayo, kakainin niyo pa rin ang kanin kahit medyo tutong na para hindi sayang ang sinigang sa baboy!  Kahit ang Ovaltine nagiging legal na pagkain sa mesa basta may kanin e.  ‘Yan ang nagagawa ng kanin, pa’no nalang tayong mga Pinoy kung wala niyan?

Ang Rehiyon III ang tinaguriang Rice Granary of the Philippines.  Kabilang sa rehiyong ito ang Pampanga, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Zambales, at Aurora (oo kasama na ang Aurora since May 17, 2002 pa via Executive Order No. 103).  Kapag nagawi ka sa Olongapo-Gapan Road, makikita mo sa gilid ang mga magsasakang nagtatanim at nag-aani ng palay.  Laking pasasalamat ko talaga sa kanila dahil may nakakain pa rin akong kanin hanggang ngayon.  Pero pinapak ko rin ‘to e.  Nung minsang nainip na’ko sa paghihintay ng ulam, sumundut-sundot ako ng pagkuha sa kanin.  Ayun, 14 na sundot = 1 platong kanin.

Ang kanin ang isa sa mga useful na mass noun sa balat ng lupa.  Nilaban ko pa ‘yung argumento kong count noun ‘yun kase pa’no kung may tumapong kanin sa sahig?  Mabibilang mo naman ‘yun ‘diba?  Sabi ng teacher ko, “Ginagamitan natin ng counters ang mass noun, kaya nga may 1 sack of rice e.”  Sabi ko naman, “E ma’am pati naman count nouns ginagamitan ng counters e.  1 slice of banana.”  Oha.  Sino’ng panalo sa argumento, sino?!

Mabalik tayo sa kanin.  Tayong mga bata, medyo naging kalaban natin ‘to at some point dahil syempre mas gusto nating tirahin agad ‘yung ulam.  Nagkaroon ng rule si mama dati na dapat e bago ka sumubo ng tocino e sumubo ka muna ng kanin.  Ayun parang nabawasan tuloy nang konti ‘yung sarap ng tocino.

Syempre pa, dumaan din tayo sa stage na nilalagyan ng Star Margarine ang kanin natin tuwing almusal.  Hay ang sarap naman talaga!  Kulay dilaw ang kanin!  Masarap din ang sinangag tuwing umaga.  Mas malasa talaga e noh?

Hindi ako nag-am nung bata.  Bakit nga kaya “am” ang tawag dun?  Dahil ba hindi talaga natin alam ang tawag dun?

“(lola voice) Teka nga, makuha nga ‘tong…  uhm…  uhm…  am!”

Sorry, wala na kong masabi sa am dahil hindi talaga ako nag-am nung bata.

Ginawa niyo ba sa kanin ‘to:  ‘yung hinati-hati niyo ‘yung kanin gamit ang kutsara at tinidor para ma-psyche ‘yung sarili niyo na malapit na ‘tong maubos?  O ‘di kaya e susubo kayo nang malaking-malaki para ang dating e naging tatlong subo ‘yung dapat na sampung subo?

3D Rice-o-matic!

– Tenco


Pucha ka Tenco lumabas na naman ang pagiging pasikat at KJ mong estudyante dati. Bwiset! Magtatapon ako ng isang bilaong bigas sa sahig at bilangin mo ha. Kapag hindi mo nabilang ng maayos yun ipapasok ko yun sa tumbong mo isa-isa.

Kapag batang kalye ka eh matututo ka talaga magsaing. Syempre ikaw ba naman palagi ang utusan magsaing at wala pa kayong rice cooker. Naiinis ako dati sa tatay at nanay ko kasi ayaw bumili ng rice cooker. Ayon nga kay Tem-i eh istorbo talaga sa panonood ng tv. Parang ang tantsa ko 30 minutes ang kakainin sa oras mo ng pagsasaing eh. Eh 30 minutes lang rin ang mga cartoons sa tv eh! Haselicious!

Eto ang mga ilang hakbang sa pagsasaing kaya hindi ganun kabilis ‘tong matapos:

1) Ang pagtatakal at paghuhugas ng bigas

Tikboy: Ilang takal, nay?! (gamit ko ang maliit na basong plastik)

Tiknay: Dalawa’t kalahati lang!

Tikboy: Ha? Eh lima tayo eh! I-round niyo na at gawin ng tatlo.

Tiknay: Roundin ko mukha mo gusto mo? Ikaw ba nanay? Ikaw ba bumibili ng bigas? Magtipid ka at sumunod na lang!

Takal na lang ako ng dalawa’t kalahating bigas at huhugasan ko sa gripo. Lagyan mo lang ng tubig at halu-haluin eh aangat na yung mga dumi sabay tapon sa lababo ng tubig. Mga dalawang beses ko uulitin yun at ready to salang na!

Mga 5 minutes siguro ‘tong hakbang na ‘to.

2) Ang pagbabantay at pag-adjust ng lakas ng apoy

Ito ang pinaka-ayokong hakbang. Dito ka talaga hindi makakanood ng maayos. Eh kung bata ka lang naman eh bobo ka pa talaga magsaing kaya maya’t maya mo i-checheck ang sinaing mo. Hindi mo pa alam ang mga tamang timing sa sinaing.

Makikita mo nang sasaya si Nelo nang biglang..”Tikboy! Sinaing mo!”. Mapapatayo ka at i-checheck ang sinaing. Pagbalik mo eh malungkot na uli si Nelo. Makikita mo nang ngumiti ang Mahal na Konde nang biglang..”Umaapaw na yung tubig ng sinaing mo, Tikboy!”. Pagbalik mo nakasimangot na uli ang Mahal na Konde.

Mga 15 minutes ka sigurong patayo-tayo.

3) Ang pag-in-in

Ito ang relaxing stage ng pagsasaing. Pero may kasamang teknik ‘to. Ito ang teknik sa pagpahina ng apoy sa kalan. Kailangan kasi eh mahinang-mahina lang talaga at wala sa switch ng kalan ang ganun kahinang apoy. Kaya kailangan niyo gawin ang pitik-pitik teknik. Itatapat muna ang switch dun sa malapit sa off at parang pitik-pitikin lang ang switch para unti-unting humina ang apoy hanggang sa madali mo na ang tamang hina.

Mga 5-10 minutes ‘to. Ayan nga mga 30 minutes nga. Isang buong cartoons!

Paalala: Huwag masyadong mag-relax sa in-in stage dahil diyan tayo nayayari. Sa sobrang relax mo at panonood ng kartuns eh nalimutan mo ng patayin ang apoy. Natutong mo rin ang sinaing. Kaya huwag mawawala ang focus sa huling stage na yan.

– Tikboy

31 comments

  1. callocohan

    ako ba first base nyahaha??

    hahaha relate na relate ako dyan ako kc taga-saing mula nung grade4 ako hanggang ngaun hihihi

    at hanggang ngaun wala pa kaming rice cooker ndi kc marunong tita ko sa pag gamit nun kaya lagi nasisira nyahahaha

    nakakainis tlaga ang mag-saing lalo na kung sobrang ganda ng palabas..

    ndi din ako nag “am” laking bear brand at nido ako pero nung grade skul laking kape nlng ako hihihi

    may mas mabilis na paraas sa pag hina ng apoy i todo mo lang hanggang sa baba at aun mahina na ung apoy ^__^ ndi ko alam kung lahat ng stove eh ganun oh ung samin lang ^___^

  2. alasais

    Carlo,

    Ah oo nga noh, ‘yun ba ‘yung kapag pinihit mo sa right side? Ang alam ko e mahina ang apoy nun pero hindi talaga mamamatay.

    – Tenco

  3. alasais

    Callocohan!

    Boom! Una ka nakabase! Ikanga ni Tikboy, haseliscious talaga yang pagsasaing na yan para sating mga batang kalye.

    Laking Bear Brand ka pala ha? “Look at my mole. Ayan. I remember…yesterdaaay…”

    Tem-i of Alasais

  4. K

    tem-i simulan mo na magpa-ahit dahil di ako nakarelate. ahaha. kahit ngayon hindi parin ako sanay mag saing.

  5. superlolongpinoy

    Haha…Galing!

    Talagang mahirap matoka sa saing lalo na at ang trip mo ay lumabas ng bahay. Kasi pag di ka nakabalik mula sa layasan…ayun malutong na tsinelas ang aabot sa puwit mo.

    Teka Tikboy mukhang kulang ka sa procedure ah. Ang sikreto ng saing ay ang sukat ng tubig, para hindi malambot o hilaw, matagal ko rin itong problema bago magkaron ng rice cooker. Basta laging sabi ng matatanda ay kung ano daw ang sukat ng bigas sa kaldero eh yun din ang sukat ng tubig(mula sa pinaka-ibabaw ng bigas). Kaya pagkatapos hugasan ang bigas habang nilalagyan ng tubig ay itusok ang hintuturong daliri hanggang sa makapa ang ilalim ng kaldero tapos gawing pananda(marker) ng lalim ng bigas ang hinlalaking daliri. Iangat na di inaalis ang pananda sa daliri habang sinusukat ang tubig. Yun puwede ng takpan ng takip ang kaldero. Ayan Tikboy diretso na sa Number 2.

    Haha…kaya pasalamat tayo sa inbentor ng Automatic Rice Cooker.

    3D ang una naming rice cooker.

    Kaya yung mga bata kailangan pa rin matuto na magsaing kasi kapag brownout yan ang problema. Sabagay iba na ang panahon ngayon…may delivery naman ang Jollibee at Mcdo..hehe…at puwede rin tumakbo sa malapit na karinderya(o sa mabait na kapitbahay)… lusot pa rin.

  6. alasais

    SuperLolo,

    Hahaha! Oo nga naman. Sukatin muna ng daliri ang bigas para saktong sakto ang pagkakasaing – puting puting kanin hanggang sa ilalim ng kaldero! Bakit ‘pag 3D, laging si Nanette Inventor lagi ang naiisip ko – sa elektrikpan at sa rice cooker.

    Hehehe malutong na tsinelas…nice…

    Tem-i of Alasais

  7. andreidae

    this is so nice..

    Tenco..auz ah..dinaig ang wikipedia..im lovin’ it..
    good thing yaya kuh ngsasaing noon..pti ngaun may rice cooker nman kea hndi gnun ka hasel for me..

    di din akuh nkatikim ng am..anu b un??and yeah mdjo hasel para sakin ang rice dahil hindi akuh mxadong fan nito..pero lab ko nman xa..haix..

  8. alasais

    Andreidae,

    Hehe! Dapat turuan mo nang mag-comment sa blogs ang yaya mo dahil siguradong madmaing mako-contribute yan sa blog naten. Yang si Tenco, kung hindi niyo nalalaman eh apo sa tuhod ni Ernie Baron ‘yan. WikiTenco.

    Tem-i of Alasais

  9. nadoganado

    habng tumatagal ata eh nawawala ung theme na 90s. un pa naman ung hnahanap ko kaya tumatmbay ako d2. ngaun parng kaht anu n lng. sori harsh pero un ang naobserv ko. anyway, salamat n rin s article. aus n rn pampalipas oras.

  10. reeyah

    tikboy, natawa ako sa step by step directions mo. saktong sakto!😀 pero nung bata ako yung pinsan ko na yung nagbabantay ng apoy haha. ako lang yung tagahugas ng bigas at tagasalang sa stove😀

    minsan nung bata kami tapos ayaw namin yung ulam magtitimpla kami ng milo tapos isasabaw namin sa kanin.😮

    o di kaya pag summer tapos madaming manggang hinog gagawin naming ulam yun tapos cubes yung hiwa nya.😀

  11. alasais

    Reeyah,

    Salamat sa pagtawa sa directions ko at pagpapa-alala sa Pandan. Naglalagay rin ako sa sinaing nun nung may halaman kaming Pandan.

    Milo na isasabaw sa kanin? Manggo cubes ba inuulam sa kanin? Eh ginawa ko rin yun nun bata ako eh. Sarap! Hindi kaya kapatid kita?

    – Tikboy

  12. juyjuy

    haha.. nako.. hate ko rin gawin
    yang pagsasaing nun bata pa ko
    (well.. sunod sa paghugas ng pinggan)
    kasi, i agree, sobrang time consuming
    (as if may sense of time ang mga bata noh?)
    hahaha.. pero un nga, agaw oras yan
    sa panonood ng tv at paglalaro..
    kainis.. dapat pa bantayan.. tapos
    tumatagas pa ung sabaw kapag kumukulo..
    dagdag trabaho pa kasi kelangan pa punasan
    ung stove.. tsk3.. buti na lang at meron
    na kaming rice cooker ngayon at katapat
    ng aming lababo ang tv para kita ko pa rin
    habang naghuhugas ng bigas..;D

    great topic!=D

  13. butakal

    weird, pero isa sa mga love ko nung bata ko ang magsaing.. kahit n yung old skul style… well, hindi nman kc cya istorbo s pnunuod ko ng kartuns kc kita tv nmin khit nsa kusina eh (yun nga lng malayo, yun bang hindi nktutok n kulang n lng eh maduling k s lapit :))

  14. alasais

    Malen,

    Ayos a, meron pala sa’ting gusto ‘yung pagsaing. Mabuhay ka! Isa kang ulirang anak! Ano, tama ba ‘yung steps ni Tikboy? Baka may ibang teknik ka..

    – Tenco

  15. balotlot

    hahaha aq aminado tirador aq ng
    kaning tutong sa bahay…

    sbi nila nakakataba daw yung bahaw..
    ndi nmn epektib eh.. lage kya bahaw
    kinakain q hahaha…

    alam nio ba yung alamat ng kyowa?

  16. balotlot

    db nauso yung kyowa organizer yung astig na may drawer… sa itaas eh yun rice cooker, sa gilid eh rice dispenser tpos may drawer sa baba,

    me natagpuan kasing isang sanggol sa loob ng drawer, hehehe ewan kalungkot kc related sa abortion, kya mula noon binansagan syang alamat ng kyowa.

    parang tyo mga pinoy hilig sa instant, lahat na lng instant, instant noodles, instant rice… ayan instant baby…

    musta kyo? naambunan ba kyo ni ondoy?

  17. alasais

    Balotlot,

    Tsk tsk tsk…kawawang bata. Ilang gatang…este…buwan siya nung inabort? Stop abortion…if you can!

    OK naman kaming tatlo. Lately, medyo busy dahil sa paglilnis ng mga gamit at pagtulong sa mga kapitbahay. TUloy tuloy lang ang pagbibigay ng donasyon dahil hanggang ngayon ay madami pa ding hindi nakakabangon mula sa hagupit ng bagyo. In fairness, natutong lumangoy si Tikboy nung araw na ‘yon.

    Sana laging safe ka at ang pamilya mo.

    Tem-i of Alasais

  18. alasais

    Baby Ruth,

    Hindi ko alam ‘yang Kyowa Organizer ah. Ang alam ko lang e may drawer sila at rice dispenser. At hindi ko rin nabalitaan ang tungkol sanggol sa loob ng drawer.

    Sinisipon ako ngayon. Sipon lang🙂 Umabot sa sala namin ang baha e, mga 1 inch yata. Kayo kumusta?

    – Tenco

  19. balotlot

    uu nga salamat.. okay cla sa bahay peo yung bahay nmen sa quezon city eh ndi okay…

    hay, ondoy actually maraming beses na ang ganitong pangyayari at may mga malalakas pang bagyo ang mga nagdaan na may kasama pang hangin at marami ring mga nasalantang mga pananim at pati na ang mga higanteng billboard ay may mga bumagsak..wala rin hindi parin natututo..
    pointing fingers? yes, to ourselves for being selfish, to our leaders for being so relaxed and unprepared..palagi na lang tayong reactive pag may mga pangyayaring ganito, sana naman maging pro-active tayo.

    hahaha cenxa layo sa topic nio comment ko nauwi ke ondoy…

    hahaha good for tikboy free na sya sa swimming lesson nya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s