14. Ang TV

4:30 na.  Ang TV na.  Doowadee-deedeedeedum-doobidoo.

Magkakasakit ata ako ngayon.  Giniginaw ako kahit tirik na tirik ang araw.  Pero hindi.  Kailangang pag-usapan ‘to.  Mahalaga ‘to sa mga batang kalye.  Hindi pwedeng humiga lang ako dito at hindi ipaliwanag kung bakit sumikat si Camille-liit at nalaos naman si Camille-laki.  Si Camille-laki, kung nakalimutan niyo na, ay yung nanay ni Paolo Contis sa isang segment ng “Esmyuskee.”

Isang hapon na lang ay biglang dumating ang mga artistang hindi kilala at bigla ding sumikat.  Nakatsamba ng palabas ang ABS-CBN sa Ang TV.  May “Ang TV Kids”, kung saan kabilang sina, Paolo Contis, Camille and John Pratts, Alfred, Tom Taus, Paula Peralejo at Boy2 Quizon.  Ang “Ang TV Teens” naman ay binubuo nina Jolina, Jan Marini, Rica Peralejo, Gio, Luigi and Guila Alvarez, Lindsay Custodio, Victor Neri at Toni Lambino.  Hindi ko alam kung saan ko ilalagay si Antoinette Taus dahil para siyang bata na dalaga, ewan ko ba.

Kasama din dito ang matatandang sina Joji Isla, Winnie Cordero at ang napakagandang si Joy Viado na mukhang bakal ang inaalmusal.

Sa aminin natin o sa hinde ay sumikat ‘tong palabas na ‘to.  Kinain niya ang mga kalaban sa ibang istasyon pagdating ng 4:30 nang hapon.  Inaliw tayo ng kanilang korny na jokes at mga song and dance numbers na talaga namang nagpaisip sa atin na mag-audition.

Andaming pinasikat ng show nato at kung iisipin mo, dati lang ay aliw na aliw ka sa mga jokes nina Rica Peralejo at Katya Santos…eh ngayon…hmmm…Hibla…Sex Drive…ayan na…lalagnatin na talaga ata ako…

Usually, kapag nanonood ako ng Ang TV no’n ay may pansit canton at tasty bread sa harap ko.  Suot ko pa ang panloob na sandong butas butas galing school at khaki na siyorts.  Susubukan kong sagutin ang mga jokes nila sa Esmyuskee at kapag nagkamali ay mangungulangot ako, pahid sa ilalim ng plato, sabay kurot sa tinapay.

Dati ay nagconcert ang cast ng Ang TV sa eskwelahan namin.  Nagwala ang mga estudyante nang makita nila ang mga idolong artista na naglakad sa may audience.  Habang nakatayo ako at tumitingin sa mga artista, nakita kong paparating si Claudine Barreto.  “ang ganda naman niya”, sabi ko.  “Syet, mukhang dadaan siya sa harap ko!”, bulong ko sa sarili ko – bulong na narinig ng dalawa kong kaklase mula pa sa kabilang dulo ng auditorium.  At hindi ako nagkamali.  Dadaan nga si Claudine sa harap ko.  Kinabahan ako nang kaunti dahil gusto kong magsalita at sabihin sa kanya na na-lab at pers sayt ako.  Dalawang hakbang na lang at nasa harap ko na siya.  Isang hakbang…

PROOOT!

Tangina umutot si Claudine!

Sigurado akong siya yun.

-Tem-i


“Anong oras na, pare?”

“1:30 na. Ang tv na!”

“Anong oras na, nay?”

“7:30 na. Ang tv na!”

Pucha yan dahil sa palabas na yan eh kapag nagtanong ka ng oras at nasaktong may “thirty”, hihiratan ka ng “Ang tv na!”. Pati ang pag-eexcuse me eh hinihiritan na rin ng esmyuskee.

“Tikboy taya! O kaw na taya ha kaya habulin muna kami.”

“Ay 4:30 na kaya Ang tv na! Tara nood na tayo.”

Nakatakas uli sa pagiging taya. Sino ba naman ang hindi uuwing bata sa paglalaro para manood ng palabas na ‘to?

Lindsay Custodio. Isa sa mga pinak-crush ko. Maputi, matangkad at parang siya lang nakapagpaganda sa kulot na buhok. At ang isa pang crush ko ay si Lailani. May nunal sa kanan niyang pisngi pero maganda pa rin. Mas gusto ko sila noon kaysa kay Rica Peralejo. Syempre sikat rin sa kanila ang mag-utol na Alvarez, Gio at Guila. Hindi ko lang alam kung tomboy ba ‘to si Guila eh. May itsura pa naman. Nandiyan rin ang sigang si Victor Neri. Parang siya ang astig sa kanila eh kaya naging action star rin pagtanda. Ang pelikulang “Utol” kasama si Mr. Cesar Montano.

Pagdating naman sa kantahan, ang palaging nakasalang eh si Jan Marini at Roselle Nava. Nalilito nga ako dati diyan sa dalawa kasi magkamukha eh. Ang palatandaan ko lang palagi eh kapag may nunal eh si Jan Marini yun. Sila lang palagi ang kumakanta. Pinagsasayaw na lang sina Claudine, Rica, Angelu at Katya.

Ang mga kids naman. Ang paborito ko talaga eh si Alfred. Itsura pa lang kasi nakakatawa na. Kulot, maputi at mataba. May mas nakakatawa pa bang kombinasyon diyan? Ang palagi pang karakter nila eh mga dungising bata. Nawala nga lang sa showbiz ‘tong si Alfred. Siguro kasi ngayong matanda na siya eh hindi na siya kyut. Sana hindi ka na lang tumanda, Alfred.

Kasama rin syempre si Paolo Contis at ang mag-utol na Pratts. Nandiyan rin ang kyut na kyut pa na si Vandolph. Pero ang isa pang nakakatawa eh yung batang egoy. Palaging may relasyon sa kulay niya ang joke sa kanya at kunwaring foreigner. Nasa showbiz na uli siya ngayon at kasama siya sa Betty La Fea. Pakisabi na lang sa’kin kung ano pangalan niya.

Ang mga gurang naman na sina Joji Isla (haha Joji Isla ampucha!), Winnie Cordero at Joy Viado ang palaging mga titser nila. Sila palagi ang asar-talo kina Alfred at kumukunot palagi ang noo. Minsan nagiging pulis rin si Joji Isla.

“Anong isda ang bumabaril?”

“Ano?”

“Eh di BANGus!”

Nyyyeeeeeee!!!!!!

– Tikboy


Paolo Contis:  4:30 na!  Ang TV naaahhh!

(Tutugtog na ang “Do Wah Diddy” by Manfred Mann)

Talagang bata pa si Paolo Contis dito e noh?  Akala ko e mahihirapang makakuha ng chiks ‘to paglaki e.  Si Patrick Garcia kasi ang pinakabinata ang dating sa batch nila.  Hahahaha, Alfred.  Ngayon ko lang talaga ulit naalala ‘to nung binanggit ni Tikboy e!  Ang tindi nga ng kombinasyon ng itsura niya, pampatawa talaga!  Payatot pa sina Victor Neri noon.  Si Gio Alvarez na yata ang pinaka may dating sa kanila.  At sa mga babae naman, si Lailani Navarro!  Pero talo ‘yan sa kras kong si Paula Peralejo.  Matindi ang tama ko sa kanya e.  Hay Paula…  tumaba ka na ba nang tuluyan?😦

Sakto lang ang timeslot na 4:30 para sa palabas na ‘to.  Ito kasi ang oras na gising na ang 98% ng mga bata sa Pilipinas galing sa pagkakatulog sa hapon.  Medyo naleleyt na rin akong lumabas noon dahil tinatapos ko pa ‘to.

Maliban sa mga nabanggit ko kanina, hindi lahat ng cast ay natatandaan ko.  Ang naalala ko pang nagsimula rito ay sina Sarah Geronimo, Claudine Barretto, Lindsay Custodio, Jan Marini, Roselle Nava, Angelu de Leon, Jolina Magdangal, Bodie Cruz, Luigi at Guila Alvarez, Tony Lambino, Christopher Roxas, Jao Mapa, Vandolph, Maybelyn dela Cruz, Antoinette Taus, Katya Santos, John at Camille Prats, at Ericka Fife.🙂

Si Paolo Contis na siguro ang pinakamasiglang umarte sa mga bata.  Walang patay na sandali sa kanya e.  Matitindi ang facial expressions niya at parang hindi napapagod umarte.  Si Tony Lambino naman, taga-kanta lang.  Ipapares lang siya kay Roselle Nava at five to ten minutes ng palabas na ang kakainin ng song number sila, habang ang mga cast ay nakaupo at nakapalibot sa kanila.  Naaalala niyo ba ang “Payong Kaibigan” ni Jolina Magdangal?  Isa rin ‘to sa mga kumakain ng oras e.  Kaya dito ako nagtitimpla ng Milo at naghahanda ng mga holen kong ilalaban mamaya.

Nalipat ito sa 2:30 timeslot e, kaya medyo wala nang dating ‘yung, “2:30 na!  Ang TV naaaah!”  Mas nauna ko nga palang nalaman ‘to kesa MTV.  Hindi nagtagal, medyo kinatamaran ko na ‘tong panoorin, siguro dahil sanay na ko sa jokes nila at naisip ko pa noong ang tindi ng assignment ng mga writer nila kase mag-iisip sila ng jokes na ihihirit from Monday to Friday.

“…kung ‘di man kayo matawa sana’y ngumiti ka nalang…  Awwoooohh!”

– Tenco

58 comments

  1. bipolarsisa

    haha.galeng, galeng. ganun pala ang “Ang TV.” natatandaan ko lang kasi, naeexcite kami manood dati kasi crush ng kapatid ko si Jolina.

    sana nga hindi nalang sila tumatanda. haha.

  2. alasais

    Bipolarista,

    Uh hmm, aminin mo na! Krash mo din si Jolens! If I know may notebook ka na may picture niya! O diba? Tama ako no? Gusto mo trade tayo? Madami din ako Jolina notebooks eh..pati Juday.

    Tem-i of Alasais

  3. anakngpating

    akswaly kras ko si paulo contis nun haha tuwang tuwa kasi ko nun kay paulo ung mga facial expression nya ang kulet…tapos natutuwa rin ako kay camil ang kyut kasi nya nun,lalo na nung naging munting sarah xa dati, hindi na rin ako lumulabas pag eto ang napapanood ko, kasi minsan kumukuha ako ng dance step kapag sumasayaw na sila camil hehe..ang sarap balikan talaga ang pagiging bata,

  4. alasais

    Tungaw,

    Akala ko “Sarah, Ang Munting Prinisipe” eh. Oo, si Paolo ang isa sa mga pinakabibo sa Ang TV no’n. Magaling sumayaw sa mga bata si Camille at si John Pratts. Sila ang bida sa sayawan nun e tapos sina Gio, Luigi at Guila naman ang magagaling sa sayawan sa mga teens.

    Tem-i of Alasais

  5. lally

    nyeekk im new hir pro lastweek ko lng nalaman tong blog nyo anwayz adik ako sa ang tv dati ang name nung negro is joseph and ndi nag ang tv si sarah geronimo at jao mapa nho… tagal ko na inantay na ma post nyo ang ANG TV talaguhng sumikat to and nag audtion pa nga ko kazo dipa ko ganun ka ganda dati hahaha nwayz more power… nga pla naalala ko nag aaway pa kmi ng tita ko kc kada 4:30 sinasakto nyo patayin ang tv hay nako talaguh…

  6. alasais

    Lally,

    Oo, nag Ang TV sina Sarah Geronimo at Jao Mapa🙂 Payatot pa si Sarah Geronimo noon at hindi ganun kalakas ang dating. Si Jao Mapa naman ay medyo lalaban sa appeal ni Gio Alvarez. Nag-audition ka? Aba, so may natatagong talent ka pala. Sample naman dyan!🙂

    – Tenco

  7. alasais

    Lally,

    Haha Nag-audition ka pala ha? Ayos yan! Inisip ko ding mag-audition dati pero hindi ata sila naghahanap ng batang kumakain ng apoy eh. Sayang. Artista na sana ako.

    Tambay ka lang dito sa Alasais!

    Tem-i

  8. mishes

    si thou ata yun sinasabi nyong nasa betty la fea na.. xa si sir hugo.. ehehehe

    panalo tlga ang 4:30 na… ang tv na.. uwian na un ng mga batang kalye!🙂 lugi ang mga nagtitinda ng mga ice cream, fishbol at kung anik anik dahil walang nagkalat na bata sa labas.. hehe🙂

  9. bingskee

    tem-i, op kors naman, umuutot din si claudine, tao din yun he he

    tikboy, lindsay is definitely an epitome of beauty. asan na kaya cya? nawalang bigla, e. talented din naman at may dating. di ko pinagdudahan na sisikat si paolo contis.

    tenco, asan na kaya si tony lambino?

  10. andreidae

    4:30 na!!ang TV na!!!!

    wooohhh…sikat nga yan dati…at okay sa olrayt itong palbas na itoh..un nga lng pagdating sa mga jokes eh khit noon hndi tlga akuh natatawa…nakakatuwa lng ung mga expression nla kea aliw tlga..at natuwa nman akuh dun kna rica peralejo at katya santos na dati eh ngbbitaw lng ng mga corny na jokes tpos nga nman naging mga sexy actress..gnda ng evolution nla noh??kuya Tem-i..chillax lng..wag kng mgkksakit…mag clusivol ka kxe..”bawal magkasakit”..

    =)

  11. alasais

    Andreidae,

    Salamat sa payo mo. Medyo bumubuti na ang pakiramdam ko dahil uminom ako ng Vick’s Juice. Mainit na tubig at haluan mo ng Vick’s Vaporub. Gagaling ka kaagad. Kapag hindi gumana ay dagdagan mo ng epikasent oil.

    Tem-i of Alasais

  12. juel

    nice..hahaha..ngayon ko lang nalaman na yun pala ang title ng kantang yun..hahaha..XD nakakamiss nga ang “ANG TV”..parang kelan lang ang 4:30 na! hahaha..XD

  13. DKC

    Natatandaan ko pa to!! mas maganda ata ang “Ang TV” keysa sa GOin bulilit ngayon.. nakakamis 2ng palabas na yun

  14. leiamariz

    4:30 na! Ang TV na! fave ko talaga to! fave ko si guila alvarez at poging-pogi ako kay victor neri!. oo si lailani navarro ang isa sa mga sikat at malakas ang dating kumpara kina claudine at angelu.

    dagdag ko lang may camille-liit, camille-laki at meron pang camille-medium.. sya ung anak ni bobot mortiz.. di ko talaga matandaan na nag-ANG TV pala si sarah geronimo..

    dito sa show na to talagang nahasa ang mga talents na yan! walang arte! kahit ano gagawin..

    camille-laki: “PEDRING!!!!!”

    paolo contis: “YES ATI?”

    weee!! kakatuwa.. ü

  15. jakb

    hala.
    esmyuski po.
    hehe.
    mga batang x, tapos yung ibong adarna na si jolina. oo nga ano.
    halos di magkamayaw ang mga tao noon sa kanila. ganun pa rin naman ngayon. pero palagay ko mas masaya kung di sila lumaki eh.
    ang kukyuut talaga.
    ang saya nga namang maging bata, saka manood ng mga kapwa mo bata.

  16. emilayskie

    Ang pinakamalakas ang tawa ako ay kay Tem-i noong umutot si Claudine. Totoo ba yun? Hahahaha.. Baliw ka talaga. Baka naman sariling utot mo yung narinig mo Tem-i? Hahaha..

    Peborit ko rin tong Ang TV. Hanggang ngayon kabisado ko pa yung opening song nila eh. Ang dami nilang pinasikat na artista ngayon.

    Hindi ko makalimutang part ay yung tour sa mala-palasyong bahay ni Angelu.

  17. batopik

    hahaha!
    hndi ko na naabutan to,siguro mga 4 or 5 years old pa lang ako neto. hakhak. pero naririnig ko na to sa TV. hehehe..😛

    hahaha! batang ang TV pala yung negro dun sa betty la fea! hahahahhahahaha!!! alam ko kasali siya dun sa batang X eh. haha. sana tama pagkakaalala ko. hakhak. si carlo aquino ba batang ang TV din? hehehe XP

    waah ang tagal pa ng bakasyon namin..
    sa bakasyon tatadtarin ko kayo ng comments.
    kaso super leyt na ako.. hakhak. ukey lang.
    sige paalam. xP

  18. chipipay

    hahaha naalala ko tuloy si alfred. panalo nga tsura ng batang to. kahit di pa bumubuka bibig, nakakatawa na siya e. tapos yung intro song ng ang tv sabay pakita sa mga mukha nung artista na gumegewang-gewang sa screen.

  19. lally

    ndi nag ang tv si sarah dahil na discover cya ni regine sa isang singing contest nho!.. at si jao ndi pwede mag ang tv un dahil certified gwapings cya na sumunod kay erik pang apat cya sa gwapings…at ang pangalan nung negro si joseph.. diba may carlo 1 and carlo 2 pa nga ung 2 kambal na mataba hahaha..pati c TJ CRUZ ung sumali sa PBB sumali din ng ang tv un anak ni tirso cruz..

  20. alasais

    Lally,

    Objection, you honor!

    Hahaha, debate din namin to nina Tem-i at Tikboy eh!🙂

    Galing ‘to sa Wikipedia:

    “Geronimo’s first performance on stage is at a mall show when she was two years of age. Sarah sang “Pasko Na Naman” with Pinky Marquez and Richard Reynoso. She became part of a children’s show, Pen-pen de Sarapen, from 1992 through 1994, Ang TV from 1995 through 1996, and NEXT from 1996 through 1997. She was one of the performers during the 1995 visit of Pope John Paul II.

    Star For A Night, which was hosted by Regine Velasquez, was the singing contest where she joined on March 1, 2003, at the age of 14. Geronimo emerged as the grand prize winner of the competition with her rendition of the song “To Love You More”. She won P1 million and a managerial contract at Viva Artist Agency.”

    Nagmamahal,
    – Atty. Agaton…este…Tenco

  21. alasais

    Lally,

    At naging cast din talaga si Jao Mapa dito, itanong mo pa kina Carol Banawa at Marc Solis (“Bata bata bata bata batang X!!!”)

    – Tenco

  22. eli

    hi..naku, namiss ko ang ang 4:30 kase ang TV na! kaya lang wala na ngayon to. hehe

    ag sarap alalahanin yong mga bagay na dati ay bahagi ng kamusmusan!

  23. Diona

    oo, si alfred manal, nakakaloka!

    sinong nakakaalala kay carlos 1 at carlos 2? ung kambal na obese. tsaka si sarji ruiz at ung kulot na may braces na si marnie. si pauly yllana, nanjan din.

    in fairness, hindi ko lam na nag ang tv si sarah geronimo. parang di kasi bagay.

  24. alasais

    Diona,

    Actually, hindi ko din naalala sa Ang TV si Sarah eh. Pero yun ang sabi nila e. Oh well. Haha si Sarji oo! At si Marnie! Bwahahaha! Si Pauly yung kapatid ni Anjo noh?

    OK ang memories mo a!

    Tem-i of Alasais

  25. Diona

    meron pang time naalala ko siguro one or two years ago, pinalabas ulit nila ang ang tv wvery friday ng 9 am ba yon. buti na lang flexi time sa office, nakakapuslit ako!

  26. alasais

    Lally,

    Hmmm..mukhang OK na tapoc yun a..malista nga yan at magawan ng blog…Hindi ko alamkung pano maglagay ng pic diyan eh. Si Tenco ang magaling sa computer dahil kumakain ng diskette dati yan e.

    Tem-i of Alasais

  27. TunYing

    AANNNGGGG TEEEEVVVVEEEE NAAAAA… yan ang binabanggit ng mga kalaro ko pag hapon na! Lalo na pag 4:30 na at nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng patintero! Sabay itatanong ko “Ano yun?” sasagot sila na palabas daw sa channel two yun… Ahhh… wala kwenta! hehehe… hindi ko kasi nakahiligan panoorin ito pero alam ko yung “anong oras na? 4:30 na! Ang TV na!” GALING!!! kahit paano sumikat talaga sila! ganda ni paula at claudine dun! san pala si paula? wala ba sya balak sundan ang yapak ni rica? yung magpasexy!? hehehe…

  28. yanskee

    O-HA! O-HA!

    crush na crush ko nun un marnie.. pero mahal na mahal ko c julia clarete hahaha

    bata pa lang salawahan na hahaha

  29. tonitoni poponi

    ung egoy na bata?! kasama un bilang extra sa batang x with john pratts eh, siya si THOU! o hugo sa bett la eklat. dko alam apelido FU ata apelido nun, THOU FU! nyee!! doo wadi didid dum dee bi di!hahaha!

  30. Tin

    hahaha!!

    speaking of alfred.. nakta ko xa sa eastwood, nagccallcenter ata.. ganun parin ang itsura… hahah!!! ampucha…

    si paula peralejo kakagraduate lang ata sa UP cum laude..

    o ha .. o ha..

    heheh!!

  31. adonis

    crush na crush ko sa ang tv ehh c kaye abad tapos si lailani.. c kaye abad crush sya ng karamihan din sa mga kaktropa ko.. di na nga ako lumalabas din pag ang tv na kaya tuwang tuwa si inday dahil di nya ako sakit ng ulo pagganitong oras na di rin sya hirap pakainin ako ng meryenda paborito ko ang pansit canton at pasta habang may mainit na milo…

  32. alasais

    Adonis!

    Hahaha! Klasik din talaga ang pansit canton sa hapon. mainit na Milo? Malamig ang akin lagi. Dapat laging malamig dahil siguradong tatae ako sa mainit na Milo. Ganda ng buhok ni Leilani diba? Magpacanton ka naman!

    Tem-i of Alasais

  33. proper

    si Guila kras ko noon…tapos biglang sumayaw sa isa sa mga seasons ng Shall We Dance…in lab nanaman ako!

  34. alasais

    Proper,

    Ayos talagayang Guilang yan! OK din siya sakin kasi magaling siya sumayaw nun eh. May tomboy epek dahil sa dalawa niyang lalaking kapatid. Para siyang babaeng Gio.

    Tem-i of Alasais

  35. Tobi

    Tony Lambino didn’t start at Ang TV.
    Remember he started as member of Smokey Mountain band with Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo and James Coronel.

    Ang cute ni Sarji… nasan kaya sya ngayon? Last time I saw him was in “Darating ang Umaga” as brother of “Nicole” played by Jodi Sta Maria

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s