48. Takdang-Aralin

Kapag pinakuha na ng titser ko ang assignment notebook no. 9, medyo kukunot nang konte ang noo ko.  Assignment nanaman!  Extension ng seatwork sa bahay ‘to eh.  Syempre ‘pag uwi mo hindi ka makakalaro agad.  Isama mo pa ‘yung uutusan ka ng nanay at tatay mo.  E ‘di wala nang natirang oras sa paglalaro.  Punyeta.

Nung bagong estudyante pa lang ako, o kapag simula pa lang ng school year, excited pa kong gumawa ng takdang-aralin.  Takda bilang 5:  Pagpantig-pantigin ang mga salitang nakasulat sa ibaba.  Madali lang!  Tapos kinabukasan eh excited akong matawag ng titser sa harap para sumulat sa pisara.  May assignment ako eh!  Ginawa ko agad sa bahay eh!  Kaya mga dalawang buwan ganyan.  Kapag mga bandang August o September na, medyo nagiging reklamador na ‘ko ‘pag may pinagagawa nanamang assignment si Ma’am.  At ‘wag lang talagang mataong may assignment sa lahat ng subjects.  Maraming salamat sa kapitbahay naming si Kuya Raul at ipinagpapaliban niya ang pag-inom para lang turuan ako sa aking takdang-aralin sa Sibika.  Salamat!

Pero nakakamiss talagang gumawa ng assignment.  Nandun ‘yung masarap na pakiramdam kapag natapos mo lahat at ready kang sumagot sa klase kinabukasan.  Bilang pagbabalik-tanaw, narito ang ilang sa mga walang kamatayang takdang-aralin courtesy of our beloved teachers:

– GMRC/Religion:  Put a check if the picture shows good manners and put an X if the picture does not show good manners.

–  English:  Give the superlative forms of each of the given adjectives.

–  MATH:  Divide.

–  Filipino:  Ano ang iba’t-ibang uri ng panghalip?  Magbigay ng halimbawa sa bawat isa.

–  Sibika:  Isulat ang mga lalawigan, kabisera, at pangunahing produkto sa Rehiyon III.

–  MAPE:  Draw the G-Clef.

–  Science:  Draw a leaf and label its parts.

Siguraduhing nagawa ang lahat ng takdang-aralin dahil kung hinde ay patatayuin ka ng titser sa likod o ‘di kaya ay paliliparin ang notbuk mo sa bintana ng eskwelahan niyo.

– Tenco

31 comments

  1. no benta

    noong bata pa ako, gawaing bahay ang tawag sa assignment. ang pinakaayoko sa lahat ay yung di ko nasagutan dahil nakatulog ako sa pagod sa paglalaro. siyempre, sila nanay ang gagawa. tapos pagdating sa iskul, malalaman mong mali lahat ng sagot pag tinawag ka na ni titser. ~http://no-benta.blogspot.com

  2. Tsutsay

    (sa faculty) Santos halika… “yes mam?” isulat mo sa pisara ang takdang aralin nyo. “opo!”

    (sa silid aralan) klasmeyt may takdang aralin tayo isulat nyo na lang ha?!

    (sa pisara)

    Takdang Aralin
    08July,1996

    Sagutan ang pahina 8.

    (klasmeyt) tangena!! bat di mo na lang sinabi samen???

    Tsutsay: tsetsekin ni m’am kung nagsulat ako sa pisara tange!

  3. deadpool926

    grabeh…. im back and i miss u guys! nasa pinas na ulit ako! hehehehhe!
    di ko pa natatapos basahin toh nag feedback agad sakin toh! kasi assignment ng anak ko toh!
    anyways kaya di ko tinapos pag babasa nito gusto ko marinig ng anak ko! para pag tanda nya sya magpatuloy ng blog nyo na kayo din ang susuporta diba!
    hahahahaha!
    haaaaiiii time check 4:31am wala pkong 2log! kaya guys! 2loy ko na lang ung susunod na comment! miss ko kayo!!!!

  4. batopik

    Nakakamiss. Ngayon na lang ako ulit nakapunta dito. Aww.
    Pero natawa ako sa bungad niyo. Notebook No. 9 = Assignment Notebook
    HAHAHA. tapos Notebook No. 10= Reminders Notebook.
    HAHAHAHAHAHAHA. Akala ko sa skul lang namin yun dati.

    Pero ngayong kolehiyo, mas nakakatamad gumawa kasi di naman tsetsekan eh, buong gabi mong pinagpuyatan, la rin pala. sayang lang puyat at pagod, ubos na braincells. hakhak.

  5. johnlazy

    Ngayon lang ako nakapunta dito kasi nakikita ko parati sa mailig list na masipag kang magpromote ng blog mo. Wow! What the heck! Ipagpatuloy mo lang yan malay mo balang araw magiging alas dose na.

  6. butz

    ngayun n lng ulit ko nkbisita d2 ah… bago n pla hehehe
    eto pamatay, naranasan nyo n b yung npuyat k sa paggawa ng asignment tpos ndi mo ntapos then maaga k papasok hoping n yung matalino mong clasm8 ay maagang papasok at mabobola mo para pakopyahin k wahahahahahaha

  7. Jew

    enjoy akong gumawa ng homeworks nung elementary palang ako. as in paguwi ko ng bahay homework muna bago mag lunch (half day lang kami) haha! Pero nung nag highschool na, tama si Tenco, abot lang ng 2 buwan tapos tatamarin na ko. Magrereklamo ako na ano ba yan araw araw nalang may assignment! Kung mamalasin din, sasabay pa sa hws ang projects😐

    kaya pag dating sa umaga, halos kaming lahat ganto ang eksena
    classmate sa kapwa classmate: “May homework ka? Pakopya!”

    o diba =)

  8. Almariza

    naalala ko pala.ngayong college e wala ng assignment notebook.dahil dun lagi ko nalilimutan gumawa ng assignment >.<

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s