10. Lagnat

Lagi na lang akong nilalagnat tuwing tag-ulan.  Madalas naman akong mag vitamins at kumain ng gulay (french fries – gulay yun diba?) pero tuwing maaambunan ako, sasakit na agad ang ulo ko tapos uubuhin na tapos sisipunin na tapos ayan na, lagnat na ang kasunod.  Hasel talaga yang lagnat na yan.  Bigla kang mawawalan ng ganang kumain.  Kahit anong sarap ng paksiw at crispy pata eh hindi mo maipasok sa bibig mo ang kutsara at nasusuka ka na agad bago pa ibigay sayo ang pagkain mo.

Isang beses ay binigyan ako ng Maggi Rich Mami Noodles na may itlog.  Ito daw ang klasik na pampagaling ng lagnat.  Masarap naman ang pasok niya sa simula.  Pagkatapos ng 30 minutos ay isinuka ko din.  Teka, parang walang kabuhay-buhay tong blog nato ah.  Tinatamad ba ako?  Hala, may naisip nanaman akong term!  BLOGNAT!  Mwa-ha-ha-ha!  Gets?  Sige na tumawa na kayo!  Tatawa na yan…uuuuy!  Sabing tumawa eh!  Yan, barado tuloy ako kay Jefferson (Kilalanin si Jefferson sa blog naming “Pasko Paksiw”!)

“Gleam Liquid Sosa, tunaw agad ang bara!  Ting!”

Tuwing may lagnat ay iisa ang gamot ni Aunti Tasing para sa akin (Gusto ba ninyong kilalanin din si Auntie Tasing?  Kung gusto niyo siyang makilala, dumalaw lang kayo sa amin.  Nakatambay lang siya lagi sa may pangatlong baitang ng hagdanan, ngumunguya ng bigas).  San na ba tayo?  Ayun.  Iisa ang gamot niya para sakin – Vicks.  ‘Pag nilalagnat, Vicks.  ‘Pag masakit ang tiyan, Vicks.  ‘Pag may almuranas, Vicks.  ‘Pag uhaw, efficasent oil.

Ako lang ba ang tao sa mundo na hindi maruong magbasa ng thermometer hanggang ngayon?  Eh pati yung mga bata kong pinsan at pamangkin, marunong magbasa nun eh!  Ewan ko ba, hanggang ngayon ay hindi ko makita kung saan nakalagay ‘yang mercury na yan.  Lagi tuloy akong mukhang bobo sa harap ng mga kamag-anak ko.  May nakasabay akong amerikano sa ospital dati.  Pareho kaming nilalagnat.  Una akong kinunan ng temperatura.  Nilagay sa puwet ko ang thermometer.  Niyugyog.  Hinanap ang mercury.  Pagkatapos ay pinahawak naman ng nurse sa amerikano ang thermometer.  Umalis sandali ang nurse.  Kinuha ng amerikano ang thermometer.  Hindi niya alam na sa akin galing.  Isinubo.  Nawala ang lagnat ko.  Tengkyu Men.

Neo Aspilet.  Pambatang paracetamol.

Trust.  Parasatamod.

– Tem-i


Bobo.  Hindi gulay ang French Fries.  Vitamin F ‘yun, Vitamin F!

Tamang-tama, nilalagnat ako ngayon habang ginagawa ang blog na ‘to, at iba ang panlasa ko dahil hindi ito kasama sa sweet, sour, salty, bitter, o tasteless.  Talagang ibang category e.

Lagnat-isa ito sa mga dahilan para mag astang prinsipe at prinsesa ang mga chikiting.  Kahit anong i-request mo, susundin ni nanay, tatay, at manang.  Daig mo pa ang naglilihi.  Nag-b-boses kawawa ako ‘pag maysakit ako at wala pang two seconds eh nasa tabi na ng kama ko si mama.  Lahat ng hingin ko e ibibigay talaga.  Pwede ka pang magpabili ng bagong laruan!🙂

Kulang pa ang tatlong araw na absent kapag may lagnat ka.  Nakaratay ka lang sa kama mo at tuwing gabi ay nagigising kang umiiyak dahil kung anu-ano ang nakikita mo sa dilim.  Parati akong nalulula noon at hindi ko naman ma-explain kay mama kung bakit, hehe.  Pagkatapos nun ay maghahanda si mama ng palangganang may bimpo at tubig at pagkapiga sa bimpo ay isasalpak na ‘to sa noo ko.  Gustung-gusto kong naririnig ang tunog ng pagpatak ng tubig galing sa pagkakapiga sa bimpo.  Plok plok plok.  Hhhmmm sarap!  Maya-maya ay kukunin niya ang thermometer at ilalagay sa kilikili ko.  Hindi rin ako marunong magbasa nito gaya ni Tem-i.  Ang alam ko lang ay may color red sa thermometer.  Kapag super color red ba ay pwede kang mamatay?

Kinaumagahan, para akong sinakluban ng kalungkutan habang nakaharap sa mesa.  Mainit na tinola, sinigang, sinampalukan, at kung anu-ano pang pagkaing may sabaw ang nakahain para saken.  Mukhang masarap ah!  Pero hanggang tingin lang ‘yun dahil hindi ko maintindihan kung bakit hindi gumagana ang panlasa ko.  Wala rin akong gana kahit pa sabihin ng utak kong masasarap ang mga niluto ni mama.  Badtrip!

Neo Aspilet!  Hahahaha!  Sarap papakin nito e!  Alam mong para talaga sa mga bata e noh?  Masarap ang lasa, iba’t-iba ang kulay, pwede pang nguyain.  At ang Tempra?  Sanay na ko sa lasa niyan.  Papatakpan pa sakin ng nanay ko ang ilong ko habang binibigyan niya ako ng isang kutsara ng kulay violet na gamot.  Paiinumin din niya ko ng calamansi juice.  Hay sarap ng buhay-prinsipe…

P.S.

Tem-i,

Trust?  May flavors din ba ‘yan parang Aspilet?

– Tenco


Tem-i:  Oo naman Tenco, parang aspilet din yan.  Pwede din nguyain pero hindi siya nauubos.  Ito ang pinakamahal na bubble gum dahil matibay ang lobo neto.  Hindi agad pumuputok.  Subukan mo palobohin, dali!  Blow!  Blow!


Ang babastos niyo talagang dalawa! Mga manyakis! Tem-i, bayaran ko na lang pala yung inarbor kong banana flavor kapag nagkita tayo. Ayos at nag-enjoy si Jenny. Salamat pare.

Lagnat, good news na bad news sa’kin yan eh. Syempre ang good news eh hindi ako papasok at sabi nga ni Tenco, buhay prinsipe ka sa bahay. Ang bad news naman, hindi ka nga papasok pero hindi ka naman makakalaro sa labas. Marerequest mo lahat ng pagkain na gusto mo pero hindi mo naman makakain ng maayos kasi panget panlasa mo. Imbes na delicious eh magiging haselicious!

Kapag may lagnat ka ang una mong hahanapin eh ang nanay mo. Parang maiiyak ka kapag may lagnat ka tapos wala ang nanay mo eh. Pakiramdam mo eh hindi ka gagaling at lalala lang ang lagnat mo. Eto ang mga armas ni nanay kapag may lagnat ka:

1. Thermometer – Yan ang unang kukunin ni nanay kapag may lagnat ka. Syempre aalamin niya muna kung nag-iinarte ka lang kasi ayaw mo pumasok o may lagnat ka talaga. Sa kili-kili o sa ilalim ng dila nilalagay yan. At marunong na ako tumingin niyan hindi tulad ng dalawang ungas na si Tem-i at Tenco. Ilang taon ko rin pinag-aralan ang pagtingin sa lintek na termomiter na yan. Kailangan mo lang hanapin ang tamang anggulo para makita ang mercury. Ano ha ang galing ko noh?!

2. Bimpo – Klasik na armas ‘to. Simpleng bagay lang pero nakakatulong talagang magpababa ng lagnat. Babasain lang tapos tiklop sabay tapal sa noo. Parang ina-absorb niya talaga yung init ng katawan mo eh. At marami pa itong silbe sa buhay natin. I-check niyo na lang ang blog namin tungkol dito.

3. Instant Noodles – Ito ang palaging ipapakain sa’yo. Kailangan mo raw kasi ng maiinit na sabaw para gumaling ka. Pero hindi epektib sa’kin ‘to eh. Palaging ilang subo lang ako dito tapos ayaw ko na. Wala ngang gana eh!

4. Gamot – Dito na papasok yung sinabi ng dalawang manyakis na Neo Aspilet at Trust. May iba’t-ibang flavors at napakasarap talaga. Dabest talaga ang Aspilet. Pati na rin ang Trust, di ba Jenny?

Klasmeyt Eman: “O Tikboy bakit ang tahimik mo?”

Tikboy: “Ang sama ng pakiramdam ko. Nilalagnat ata ako.”

Eman: “Lagnat ba talaga yan? Baka naman love-nat yan. Kailangan mo lang ng yakap-sule at kiss-pirin.”

Mga ibang kaklase: “Uuuuuuuuyyyyyyy!!!”

– Tikboy

55 comments

  1. anakngpating

    haha di ba yung freenzy may flavors hehe,…wala lang

    lagnat wah buhay prinsesa rin ako at isa rin sa nagpapagaling yung royal na softdrink hehe kasi yan ang binibili sakin saka yang aspilet na yan at yan ang panulak ko pag umiinom ng gamot imbes na tubig hehe..at lagi akong may orange at apple pag may sakit ako oh deba..

    yang thermometer na yan di ko naexperience yan nung bata eh sinasalat lang ako ng nanay ko alam na nya kung may sakit ako o wala kaya hindi rin ako marunong tumingin kasali ko sa mga ungas tikboy hehe…

    at xempre bukod sa bagyo kapag may sakit din hindi ka makakapasok kasi reasonable sya sa school baka makahawa pa hehe..lalo na kung bulutong ang sakit mo..

    at btw pwede nyo din gawin entry ang bulutong haha kung nagkaron na kayo nito oh db may naisip ako sabi naman kasi senyo susuportahan ko kayo hehe..:)

  2. alasais

    Lovely Tungaw,

    Ang galing naman ng nanay mo, tinatantya lang niya at alam na niya kung may sakit ka o wala! Baka pwedeng gamitin ang powers niya para manalo sa Lotto!

    Abangan ang aming entry tungkol sa bulutong… 🙂 Salamat Lovely Tungaw🙂

    – Tenco

  3. alasais

    Lovely Tungaw,

    Oo ikaw ang una. Una kang naging akin starring Shawi and Gabby, with Michael de Mesa and Charito Solis. Sama-sama nating hanapin ang mercury ng thermometer!

    Salamat sa malupet na suporta. Sana lagi kang nandiyan! Tungaw ka talaga!

    Tem-i of Alasais

  4. mishes

    naku thermometer!!! expert ako sa pagbasa nya.. lagi ba naman akong pabalik balik sa ospital dahil sa sakit eh.. hehe.. hindi effective sakin ang noodles, pero pinakadabest yun knorr na noodles.. kahit mejo malamig na masarap pa rin ndi gaya ng magi o lucky me..

    sa gamot naman, ilang banig din ng aspilet ang nainom ko.. ginagawa na ng kendi eh.. pinakabadtrip na gamot na nainom ko yun kulay orange na kasing laki ng piso.. ang pait sobra!:/

    pero masaya rin pag may lagnat eh.. buhay prinsesa/prinsipe ka talaga. pati mga kapatid mo pede mong utusan dahil ndi makakaangal.. pdeng mambully.. hahaha.. ang pinakadabest na pantangal ng lagnat ko dati – jollibee chicken joy.. hehe.. yan lang ang katapat.. instant tangal na ng lagnat.
    🙂

  5. alasais

    Mhey at sa lahat ng mga batang Jollibee,

    Ilang tulog na lang, Jollibee na naman,
    Ang araw lulubog, bukas mabubusog.
    Sa Chicken Joy manok at Yum Burger bilog.
    I love you Sabado! Pati buong Linggo!
    Hintay ka lang Jollibee nandyan na ‘ko
    Panlasang Pilipino at home sa Jollibee!

    – Tenco

  6. anakngpating

    haha abangan ko talaga yang bulutong na yan hehe..:)
    salamat din tem-i at tenco..tikboy lang ang wala..
    kaylangan ko rin ng suporta nyo, pwede din ba kayo gumawa ng entry sa ebhay ko hehe kung gusto nyo lang naman hahahahha….:)

  7. alasais

    Bakekang,

    Aaahh si Jenny? Siya yung PINSAN ko na may lagnat. Nag-enjoy kasi siya sa mga flavors ng Aspilet. Wala kasi akong Aspilet nung time na nagkalagnat yung PINSAN ko kaya humingi muna ko kay Tem-i.

    – Tikboy

  8. bakekang

    tikboy,

    kahit na may kaberdehan ang sinabi mo salamat pa rin tikboy. kapag ako nagkasakit gusto ko ikaw din magbigay ng aspilet sa akin ha. yung banana flavor din kung puwede😉

  9. bipolarsisa

    hindi rin ako marunong bumasa ng thermometer. waha. hindi naman kasi ako lagnating bata eh (mabuti nalang! :)) kaya hindi ako masyadong nakaranas ng mga ganyan. haha. saka hindi rin ako umiinom ng gamot dahil lalo lang lumalala ang sama ng pakiramdam ko. tsk.

    pero kahit ano pa man, buhay prinsesa pa rin. haha.

  10. alasais

    Naleyn,

    Buti na lang at hindi ka naggagamot. Baka maadik ka sa Biogesic. Isa ka din palang hindi marunong magbasa ng thermometer. Ang tatalino natin!

    Tem-i of Alasais

  11. vlozty

    haha!
    ang angas ng blog na to
    natuwa talaga ako~
    naalala ko tuloy nung bata ako,
    ginawa kong chichirya yung neo aspilet
    pati yung vitamins kong flinstone pinapapak ko
    ang sarap kasi at andaming flavors
    tapos sinabi ko sa sarili ko sana magkalagnat ako nang ito nalang kinakain ko, ayun…
    natuluyan na akong lagnatin
    ako sosyal sa pagbasa ng termometer, kasi may digtal kame..xD
    epektib ba yung gamot na parasatamod?~yung TRUST ba yun?
    matesting nga…
    haha

  12. alasais

    Vlotzy,

    Hahaha! Alam kong natesting mo na yun. Wag ka nang magmaang-maangan pa! Kumuha ka ng isang garapon ng aspilet, ibuhos mo sa bowl at lagyan ng gatras. Gawin mong kormpleyks.

    Tem-i of Alasais

  13. teret

    baket nga kaya pag me lagnat ka… lalo na nung araw…. (sus di ba pede pag-gabe…. hehehehe…) na ang ipakakaen sa iyo e sky flakes tapos royal tru orange dapat ang iinumim mo… .. anu kaya ang relasyon nun sa lagnat…. tapos me bimpo den kaya lang di tubig ang kapatner… sukang iloko… tapos sabay lagay sa noo pampababa daw ng lagnat!… pate nga sa mga singit singit mo … dapat meron nito kaya kinabukasan… daig mo pa ang paksiw sa asim ng amoy mo!…. hahahahahahaha..

  14. alasais

    Teret,

    Hahaha! Teka, so iinumin ang Royal at it ipapambimpo ang suka? Tsk, nako…si Lola talaga o. Pinainom ba naman sakin yung suka tapos Royal ang binimpo sakin?!

    Lola talaga oo…

    Tem-i of Alasais

  15. emilayskie

    Hindi ako madalas magkalagnat dati nung bata ako kasi ayaw na ayaw ko mag-absent sa school. Pero kapag may lagnat ako ganun nga, buhay prinsesa pero mabilis din ako gumaling dahil iniisip ko mami-miss ko yung crush ko sa school.

  16. alasais

    Emilayskie,

    Na-miss ka namin a! Nagresign ka na ba bilang buena mano namin? “The smile on your face let’ me knoooow that you’re near me…”

    Tem-i of Alasais

  17. leiamariz

    gusto ko rin ang may lagnat kasi may dahilan ka para umabsent. lately lang din ako natuto magbasa ng thermometer.. hehehe

    gusto ko ung joke ni tikboy! patok na patok! :))

  18. Bam

    waahhhh…sorry mga kuya. Absent ako last blog. May lagnat ata ako non.hahahaha…tamang tama sa topic ngayon. Na-miss niyo ba ako? hahaha

    Anyway, sakitin ako nung bata kaya naranasan ko rin ang mawalan ng gana sa pata tim o crispy pata ni nanay…. Pero etong sikreto, minsan nagpapanggap akong may hika para maka-absent sa school. Batugan kasi ako non…Nagtataka ngako ba’t pumasa ako ng UPCAT. hahaha…. Anyway…TRUST? hindi ko nagets bAKIt may “trust” sa topic na ‘to (Ang slow ko tlg…) LOL

  19. alasais

    Bambie,

    Uy na-miss ka namen! San ka nanaman nagsususuot ha?! Anyway, ganyan talaga ‘pag UP student, talentado! Hehe.

    Oo, naniniwala nga akong slow ka e! Ang galing mo, kami pa ang sinabihan mo niyan. Apir!

    – Tenco

  20. alasais

    Bam,

    Namiss ka namin. San ka nanaman nanggaling kagabi? Dito ka na sa tabi ko. Lika dali, bunutin mo mga uban ko. Piso kada isang uban.

    Glad to hear back from you. Welcome!

    Tem-i of Alasais

  21. alasais

    Bakekang,

    Ako bahala sa’yo kapag nagkaskit ka. Hindi lang banana flavor, lahat ng flavors ipapatikim ko sa’yo…flavors ng Aspilet.

    – Tikboy

  22. Bam

    hahaha…pasensya na at nag-aaral ulit ako sa malayong pook at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nandito….(kaya kunwari busy) Anyway, namiss ko rin kayo mga kuya! Aabangan ko ang next blog this week, pramis! ^^

  23. Diona

    yung royco chicken noodle soup or alphabet soup, sarap non. ung ate ko pag nilalagnat nakiki-kain ako nung mga yon, ako ang taga ubos.

  24. alasais

    Diona,

    Hahaha! Royco Noodle Soup! Classic yun, kalaban ng Knorr Real Chinese Soup – just add one egg! toingk! pshhh!

    Tem-i of Alasais

  25. Bam

    Tem-i

    Tama ka nga jan..nakakasira ng barkada.haha…pero wala naman ang barkada ko dito.kaya aral muna siguro (yeah, I know I’m boring)

  26. alasais

    Bam,

    Aaaaw…poor baby…hayaan mo, pag mataas ang nakuha mong iskor sa exam, ipagluluto kita ng Blue Bay Tuna Timplado.

    Tem-i of Alasais

  27. Bam

    Sige kuya Tem-i… Ihanda mo at ipadala mo nlng sakin yung blue bay tuna ha??? So far, matataas naman grado ko.hahahaha…Sana makuha ko sa Lunes…hahahaha

  28. Andreidae

    waaahhh..

    namiss ko tong blog na to…grabeh dami q binasa para mging updated..anyways..lagnat..auz na auz din sakin to nung bata ako dahil plagi akong may skyflakes at royal..ewan ko b kung ano ang scientific basis ng ating mga nanay at yun ang palaging pinapakain sa atin pag nilalagnat tayo..cguro yung skyflakes para magkalaman yung tyan natin at hindi natin xa isusuka kasi wla nman na tlga xang lasa..at royal nman ksi malasa xa at mdjo nwwla ung mapaklang panlasa natin pag nainom n ntin xa.. (anu daw??)..

    weeh..at ang thermometer…hindi pwdeng hindi ako matuto magbasa nyan..dahil isa akong nurse..at part na ng buhay ko ang pagbbsa ng thermometer na yan…madali lng nman eh..ung mercury dun ung silver line na mkikita nyu..at kng saan nttpos ung line..un ung tamang reading ng temperature muh..aun..

    haay..namiss ko talaga ito..🙂

  29. alasais

    Andreidae,

    Namiss ka rin namin🙂 Sa’n ka ba galing? Isa ka palang nurse. Parang gusto kong lagnatin a, hehe. At talagang may eksplanasyon ka kung bakit Royal ang pinapainom sa ‘tin a.🙂

    – Tenco

  30. alasais

    Nurse Andreidae,

    Namiss din namin ang malupit mong spelling! Royal ang iniinom ko dahil yon ang gusto ni Francis M.

    “Sa buhay kong ito, ito ang gusto ko!” – Francis M.

    Tem-i of Alasais

  31. AndreidAe

    aww..xo sweet nman at namiss nyo akuh..akuh din subrang namiss kuh kayo..i’ve been busy with stuffs since mlapit na ang graduation..and yeah isang ganap na nurse na talaga ako..

    kuya Tenco..gnun tlga kylangan ng explanation tungkol sa mga bagay bagay..and teka lang wag ka muna mgkksakit..kbbalik kuh pa lang dito eh..pati kukuha muna ako ng board exam para maging ganap na RN nadin ako..stay put ka lang jan..okeis??

    and to kuya Tem-i of Alasais (my favorite) naks!! “,)..naway mag dilang anghel ka sa paglalagay mo ng nurse sa unahan ng name ko…haaaay….at talaga namang malupit ang mga spelling ko ah..haha..singer ka na ba talaga at palaging may song/rap sa dulo ng mga messages muh??and speaking of Francis M….ipagpatuloy natin ang kanyang pagiging makabayan!!long live Alasais!!
    🙂

  32. alasais

    Doc Andreidae,

    Nakakalaki naman ng baya…este…ilong ang comments mo. Magiging nurse ka! Baligtarin ang payong at saluhin ang biyaya! Oo, songer ako. Ako ang original na Videoke King.

    “Ebri kolor, ebri hyu…is represnted bay mi en yu…”

    Tem-i of Alasais

  33. TunYing

    Hahahaha… tungkol ba sa lagnat ang blog dito o kay francis m? hehehehe…

    “I am the man from manila…”

    “Meron akong ano? Meron akong kwento? meron akong ano? meron akong kwento… AH WALA WALA WALA WALA!!!”

  34. azianitsirc

    *lagnat.naicp q lng,bkit kelngan q p mgklagnat pra bgyan ng mssrap n fud.nananadya b ang nanay q?la lng.kc alam nmn nila d q maka2in un kc nga msma panlasa q but no,prang fiesta lng kpg me sakit.in d end,ung mga kptid q kumakain nun.kya pla lgi cla nsa tabi q kpg merun aq lagnat.sbi ng clasm8 q dpat wg intayin mgkskit ang 1 tao bgo bgyan ng special treatment.me point nmn aq db?oha oha.haha.

  35. alasais

    Azianitsirc,

    Aba, aba, aba. Hmmm…Alam mo, may point ka eh…Bwahahahaha Sira! Ganun talaga! Wala ka nang magagawa dun! Ako, ag may sakit lang ako nakakakin ng Shakey’s dati e…at sopdringks.

    O ha!

    Tem-i of Alasais

  36. jew

    hahaa! neo aspilet :p amp na yan! nagpabili rin ako nian dati di para sa lagnat e dahil sa pinapapak ko to.hehe! aus a ano nga pala kinalaman ng trust sa lagnat? at may flavors pa! nung wala pa ko masyadong alam-sa-mundo hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at sto kong magpabili nun. akala ko kasi makakain ko yun =)) strawberry. chocolate. ano pa ba? haha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s