30. Pagbilhan!

Ano mainit pa din ba?  Kulang pa sa malamig na blog?  O eto pa mga kups!

ICE CANDY!

O ano, nakalimutan niyo?

Hindi siya kasing engrande ng ice cream pero magpapahuli ba ang ice candy sa pasiklaban?  Hinde!!!  Wala ngang cookies and cream na flavor ang ice candy pero may matabang na Tang Orange na flavor ba ang ice cream?  Wala!!!  Bakit ako galit??!!!  Hindi ko alam!!!

Okay Tem-i…easy ka lang…inhale…exhale…up…down…up…down…push…pull…push…pull…make your titi powerful.

Okay.  Kalmado na ako.  Ang init kasi eh.  Pero okay na.  Ice candy.  Masarap lalo na ‘pag summer at 10:30 nang umaga.  Yung tipong magsisimula nang uminit yung araw.  Yung tipong magsisimula na ang katanghalian.  Dun masarap sumipsip ng ice candy.

Ang gusto kong part ng pagkain ng ice candy ay yung unang kagat sa plastic na lalagyan nito.  Kakagatin mo ang dulo ng plastic at sasabog ang katas ng ice candy.  Mmmmm…shet.  Sarap no?  Sipsip muna nang sip sip bago mo kagatin ang yelo.  Paalala lang.  Huwag mong sipsipin nang husto dahil baka sumama ang katas ng buong ice candy at maging matabang na ang buong ice candy experience mo.  Sayang ang piso.

Most of the time ay mas masarap ang ice kending gawa sa mga bahay kesa sa sari-sari store (kahit bahay din naman ang sari-sari store).  Sa baranggay namin ay mas malalaki at mas juicy kapag sa bahay mo mismo lang binili.  Yung tipong may “Ice Candy 4 Sale” lang na nakasulat sa oslo paper at naka-scotch tape sa gate ng bahay.

Ang hasel lang sa ice candy ay ang lagkit.  Pero wala naman talaga tayong pakialam kahit umabot pa ang lagkit sa singit natin eh.  Tuluy-tuloy lang ang paglalaro.  Takbo lang nang takbo habang kagat-kagat ang kalahati ng plastic ng ayskendi.  Pagkatigil, kakagat ng ice tapos hihilahin palabas ng plastic…hmmmm…sakto diba?  Minsan naman ay masyado nang malalim ang natitirang ice kendi kaya pupunitin mo ang wala nang laman na plastic at magiging mas maigsi na ang ice candy mo.  Oras na para tipid-tipirin ito at para maunang maubos ang ice candy ng kapatid mo.  “Walang hingian!!!

Sino mauunang magkoment ngayon?  BASE!!!  (Ace of Base!  I Saw the Sign!  “I saw pilay!  Nahulog sa tulay, I saw patay!  Nye!”)

‘Inang buhay ‘to…

– Tem-i


Alam din talaga ng mga Pinoy kung alin ang mabenta lalo na ‘pag summer.  Meron na bang nagpaskil kahil kelan sa pader nila ng, “Trumpo for sale” kahit marami ang nahilig sa trumpo?  E ng “Jolen and teks for sale”?  Wala.  Bakit kanyo?  Simple lang…

Ice candy – saang lupalop ng mundo ka nakakita ng Milo o juice na ginawang solid?  Saan?!  Saan?!

“Saan ako nagkamaliiiii?”

‘Yan ang talent ng Pinoy, ang gawing solid ang liquid na masarap!  Mas okay nga naman kung ngunguyain at kakagat-kagatin mo muna kesa naman derecho laklak sa lalamunan mo ‘di ba?  Hay…

Ano nga ba ang peborits kong flavor nito?  Hhhmmm.  Chocolate flavor!  Kadalasan, darker ang kulay sa isang gilid ng ice candy dahil doon naiipon ang particles ng Milo dahil na rin sa pahigang pagkakalagay nito sa freezer.  Gets niyo ba?  Dapat i-p-present ko ‘yan sa Science News Report namin nung grade 3 kaso parang walang sense ‘yung sinabi ko e.  Anyway,  piso lang ang halaga niyan.  Sa isang kainan e makaka-isang dosena ako ng ice candy bago ako sumuko.  Ang sarap e!

Mga hanggang tatlong bahay sa lugar namin ang nagbebenta ng ice candy.  Pare-parehas lang naman ang lasa.  Masasarap.  Kaya jackpot ako sa pagitan ng alas-10 umaga at alas-4 ng hapon.  Ayaw kong sipsipin ang ice candy dahil mawawala ang lasa niya at boring na ang pagkain ko.  Paminsan e pinupukpok ko sa pader ang ice candy para mas maging malambot ng konte.

Maliban sa chocolate, meron din itong mango, melon, buko, avocado, at orange juice flavors.  Iba-iba rin ang haba nito depende kung gaano kagaling magtali ng ice candy si manang na hindi naghugas ng kamay.  Joke lang.

Tenco:  Bakit parang dirty white ‘yung buko ice candy ko?

Tomi:  Ewan ko sa’yo.

Ang sarap talaga ng ice candy!

Minsan e nauuna pa kong kumain nito kesa almusal e.  Syempre, pagagalitan ako ni papa.  Tapos bukas e uulitin ko nanaman.  Ganun lang kasimple.  Piso lang piso lang!

– Tenco


Haha pucha ka Tenco in-analyze mo talaga yung mas dark na kulay ng chocolate flavor ng ice cream. ‘Ina mo!

Ice candy, napagaling ng nag-imbento. Paano ba naman hindi bebenta sa isang mainit na bansa ang isang plastik ng yelo na may iba’t-ibang flavor sa halagang piso lang? Imposibleng hindi bumenta ‘to eh. Lalo na at accessible dahil sa bahay-bahay lang ‘to nabibili. Hindi mo kailangan pumunta pa sa mall o grocery store para makabili lang nito. Nasa kapitbahay lang!

Sarap bumili nito habang naglalaro sa hapon. Mga bandang alas-kuwatro ng hapon. Tirik na tirik pa ang araw at pawis na pawis ka sa paglalaro. Pagsipsip mo dito eh palalamigin talaga ang pakiramdam mo at the same time palalagkitin rin lalo. Pipiliin ko ‘to over Gatorade anytime(joke lang ang mahal ng Gatorade kaya yun na lang).

Kanya-kanya ring style sa pagkain nito. Ito ang mga sample:

– Syempre nandiyan ang klasik na kagat ng plastik, sipsip konti tapos kagat na ng yelo.

– Meron naman yung pinupokpok sa pader para maging crushed ice at malambot kainin. Minsan ginagawa ko rin yan eh. Sarap rin kasi kapag malambot iwas pangingilo sa ngipin.

– Yung iba naman eh hindi talaga masyado sinisipsip ang ice candy para maiwan ang katas sa ilalim. Lalaklakin nila ang katas na yun pagkaubos ng yelo.

– Meron naman eh sa kabilang side bubuksan ang ice candy. Ang kakagaltin nila eh yung may buhol na side para isang kagatan lang bukas na agad. Hindi yung paunti-unting kagat tulad sa kabilang side. Ang madalas gumagawa nito eh yung mga nagbibinata na eh.

Kung ikaw naman ang lider o magaling ka maglaro eh kaya mong kumain ng ice candy habang naglalaro. Nakakatakbo ka pa rin ng mabilis at nakaka-iwas sa taya habang kagat-kagat mo ang ice candy. Nakalawit yun sa bibig mo pero wala pa ring makahabol sa’yo.

Tikboy: Pagbilhaaan!!! Ice Candy nga po!

Aling Ice Candy: Wala pang matigas!

Tikboy: Bwiset!

– Tikboy

36 comments

  1. reynaflor

    Base!!!

    nyahahha… nkasanayan ko n at nkbookmark n 2ng site nyo sa pc ko,ahahaha…

    nwiez, ice candy, grabe sarap n ksama sa meryenda nyan pagkauwi galing school, kso pagmay ubo kmi dati, hndi pwdeng kumain… pro pasimpleng kumukuha sa ref kc tinda nman nmin yun,ahahahaa… buko ice candy yung fave ko,tsalap kc…

    nice ng mgapost nyo… keep it up…

  2. alasais

    Reyna Flor,

    Aba, e may tindahan pala kayo ng ice candy e! Swerte mo naman pwedeng-pwedeng pumuslit anytime!

    Thanks for reading!

    – Tenco

  3. callocohan

    haha ako din nka bookmark na toh pero naunahan pa ^__^

    ice candy isa sa fav miryenda ko dati pati ngaun favorite flavor ko ung chocolate kc … wala lang nyahaha…..

    nung grade1 ako ndi ako makakain ng ice candy kc natanggal ung dalawang ngipin ko sa harap… kaya ginagawa ko ung i-pukpok sa pader ung ice candy…

    unli ice candy ako dati kc gumagawa nito ung tita ko… ndi ako nag papaalam pag kukuha kaya aun lagi kulang ung pera ^_______^

  4. alasais

    Carlo,

    E isa ka pa palang naka-unli ice candy e! Haha klasik nga sa mga bata ‘yung walang dalawang ngipin sa harap! Nangyari talaga satin ‘yan e noh?

    – Tenco

  5. asherkyle

    nagtinda rin kami ng ice candy dati..🙂

    buko flavor, chocolate(milo) flavor, orange juice flavor, at ang pinakafavorite ko, sago flavor (gawa sa arnibal at nilagyan ng sago..)

    hayy, abot-kaya pa sa bulsa ang ice candy noon.. piso isa.. tapos dudurugin lang sa pader para mas madaling makain, o kaya sisipsipin lang yung kalahati kaya mawawalan ng lasa..

    ngayon 5php na ang isang ice candy! grabe! eh mas malaki pa ari ng aso namin dun! tsk tsk..

  6. alasais

    Ms. Dee,

    Okay sa olrayt ang comparison mo ah–ari ng aso, haha. At pa’no mo nalaman? Sinilipan mo ang aso niyo no? Hhhmmm…

    – Tenco

  7. alasais

    AsherKyle,

    Siyet limang piso na?!!! Haay san na napunta ang panahon by APO Hiking…Oo nga naman, sago flavor…matamis na malamig na maitim ang itsura? Da best nga naman.

    Tem-i of Alasias

  8. superlolongpinoy

    Haha ang galing. Ang pagtitinda ng ice candy ang isang experience ko kapag bakasyon sa iskul kapag summer. Medyo mura pa noong 60’s eh…mga 10 sentimos lang. Huh ang init magtinda pero di naman pansin yun noong bata pa. Isa pa lang ang sikat noong araw sa bayan namin…Ice buko flavor.

  9. alasais

    Tungaw!

    Boom! Late na ang base mo. Kaya late din ang reply ko nyahahaha… Sipsip kagat, sipsip kagat, dura…ng plastic na napunit.

    Tem-i of Alasais

  10. reeyah

    wahaha! nagtitinda din kami ng ice candy dati tuwing summer. paborito namin yung milo and mango na flavor. actually, minsan hindi na naaabutan ng mga kapitbahay namin yung ice candy kasi kaming magkakapatid na yung umubos :))

    nung pumunta kami sa cebu dati, pinatikim sa amin yung avocado na ice candy… first time ko kumain ng flavor na yon nun. sobrang saraaaaaap! (eh hindi pa naman ako mahilig sa avocado ^_^)

  11. alasais

    Reeyah,

    Yan ang solusyon sa mga batang mapili sa pagkain – gawing ice candy ang lahat ng ayaw! Ampalaya ice candy, kalabasa ice candy, bagoong ice candy at madami pang iba. Papaitan ice candy? Para sa mga lasinggero yun. Haay sharaf…

    Tem-i of Alasais

  12. luchie_girl

    ice candy… hmmm masarap nga to dahil sa different flavors. Yung mango flavor ni aling barang dati may bits pa ng mango. Pero ngayon lahat na yata ng flavors ng tang ang gamit nya. Juice kung juice ang lasa.

    Masarap din yung ice candy na yung pagkamatigas niya eh yung may halong lambot. Hindi yung tumutusok sa lalamunan pag nilunok. Basta ganung ice candy ang fave ko. Tsaka pala iba’t ibang taba rin ang size nito. At siyempre i like the thick one. Kahit maliit pa yan basta thick. Hi Hi Hi. Temi, tikboy and tencow, patikim naman!

  13. alasais

    Luchie Girl!!!!

    O eto tikman mo o…uhm! Ayan sinalpak ko na ang ice candy ko sa bibig mo.

    Haha juice kung juice…walang tatalo sa Tang ice candy. Feeling pa nila hindi mahahalata ng mga kumakain eh no?

    Tem-i of Alasais

  14. boy

    ice candy amp.. nalugi dati lola ko dahil kaming magkakapatid umuubos ng paninda niyang ice candy.. hehe.. dati kung anong tindang juice, ginagawang ice candy.. meron dati gumagawa dito samin, sunny orange daw ginagamit para mas maasarap.. minsan ako nalang nagtitimpla sa tupperware na baso at pag matigas na, kakaskasin ko ng kutsara.. haha!!
    ayos na topic to!

  15. alasais

    Boy,

    Galing! Oo nga noh, ginawa rin talaga natin ‘yung sariling bersyon natin ng ice candy–‘yung nakalagay sa baso! Hahaha nice one pare!

    – Tenco

  16. K

    may ice candy din na nabibili sa mga tindahan na ang title ay “jolly”. si jollibee na parang namalengke ng prutas ang design. ahaha. nakakamiss. ang sarap nito tsaka ung nata de coco na nasa plastik tas iba iba kulay na malamig. san kaya mkahanap nito?!

    ung chuckie (chocolait pa nun) or moo na ilalagay sa ice tray tapos lagyan ng popsicle stick na kinalahati tapos ilalagay sa freezer para maging yelo, panalo din. til now ginagawa ko padin haha

  17. alasais

    K,

    Wow, ang lufet ng ice candy mo ah. Dapat pinapatikim mo samin ‘yan K. Saka kapag may nakita ka pang Jolly saka ‘yung nata de coco ipatikim mo na rin samin. Rak en rol!

    – Tenco

  18. alasais

    K,

    Aba, aba, aba..OK na idea yan ah. Actually kahit the whole year natin kainin ang ice candy eh patok dahil lagi naman mainit sa Pinas eh no? Ma-on nga tong 3-D Rota-air namin…

    Tem-i of Alasais

  19. andreidae

    waw..

    usapang ice candy nman..

    fave kuh nman dito ung buko na my milk, mango na may milk din..kung anu png may halong milk..mas masarap xe xa pag tumigas na..solid na smoth ung texture..

    haix miss kuh na toh..mkpghanap nga mea…

    -keep it up guys..ahmishoo..

  20. alasais

    Andreidae,

    Namiss namin ang da best mong ishfelling. Ang hilig mo sa flavors na may milk ah. Malamang ay napasuso ka nang matagal nung bata ka, korek? Hehehe! We missed you too! Welcome back!

    Tem-i of Alasais

  21. juyjuy

    hm.. naalala ko favorite ko dati ung
    monggo flavored na ice candy na gawa ng ina ko..
    nakatikim ba kayo nun ganun flavor?
    well.. actually, madalas di na tumitigas ung
    mga ice candy na ginagawa namin noon..
    kasi kalalagay pa lang sa freezer ay lalantakan
    na namin magkakapatid.. at tulad nun iba,
    ang ice candy namin ay ginawa para maibenta,
    but no! kami na rin nakakaubos.. wahaha..

    nice post na naman! sarap!=D

  22. alasais

    Ruth Joy,

    Munggo ice candy ba kamo? Hindi pa ko nakatikim nun e. Saan nakalagay ‘yung munggo? Sa itaas, baba, gitna, o spread out?

    – Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s