16. ‘San Tayo, Miss?

Gucci, Kalbing Klayn, Bench at La Coste – iilang mga tatak na talaga namang sumisigaw ng “FASHION!!!”  Habang tumatakbo ang ating panahon ay nag-eevolve din ang porma ng mga Pinoy.  Hindi tayo pahuhuli pagdating sa mga usong pormatiks, lalo na kapag tatambay tayo sa 3rd floor ng Megamol.  Sa dinami-dami ng mga nauso at nalaos na porma, na nauso ulit sabay nalaos nanaman, eh wala pa ding tatalo sa pinakamabangis na japorms sa buong kalawakan – ANG BALIGTAD NA JACKET NG ISANG TRICYCLE DRAYBER!!! *echo (DRAYBER…Drayber…drayber…ber…ber…pfffft…)

Hindi ko alam kung saan at kelan nagsimula ito ngunit kung sino man ang lamigin na nagpauso neto…salamat (habang tumutugtog ang “Salamat, Salamat Musika” na isinulat ng tabachoy na si Nanette Inventor…na minsa’y kinanta ni Basil Valdez).

Ang mga traysikel drayber lang ang may kayang magdala ng pormang ito.  Hindi ito kayang dalhin ni Tatay ko, ni Manong Maniningil ng Meralco o kahit na ni Raymond Bagatsing na hayop kung pumorma.  Minsan pa ay makakatsamba kang maong ang baligtad na jacket ng drayber na masasakyan mo – swak na swak sa pagkaklasik!

Teka, kelangan ko na makamove-on sa porma ng paborito kong drayber sa lahat.  Malulupit ang mga traysikel drayber.  Kung ang jeep ang hari ng kalsada, ang traysikel naman ay ang artista ng bileydz (village).  Eh kung makasipol sa mga naglalakad na babae akala mo ampopogi eh!  “Miss hatid na kita…” – Yan ang isa sa paborito nilang linya.  In short, sila ang mga “tambay on wheels”.   *Munting plugging – basahin ang “Tambay” na blog namin.*  Going back, oo malulupet talaga ang confidence ng mga traysikel drayber.  Akala mo’y lumalaklak ng Rexona sa pagka-confident eh.  Da best sila.

Masarap tumambay sa pila ng traysikel, lalo na sa tanghali dahil halos wala masyadong pasahero sa mga oras na ito.  Dito ka makakarinig ng mga malalalim na usapin.  Andiyan din ang tayaan sa jueteng, ending at ang walang kamatayang paglalaro ng “dama”, gamit ang tansan ng beer at gin.

Ang pamasahe sa tricycle ay depende sa layo ng tirahan mo at lalo na sa itsura mo.  Kung mala-saleslady sa SM ang beauty mo ay sisingilin ka lang ng minimum kahit sa Las Pinas pa ang bahay mo at sa Marikina ka sumakay.  Minsan nga ay libre pa, KUNG naka-boundary na si Manong.  Minsan naman ay magbabayad ka ng siyete pesos ngayon tapos bukas biglang kinse na ang babayaran mo eh hindi naman lumayo yung bahay mo.  Kelangan ay magaling ka din makipagtawaran sa kanila dahil may mga drayber na napapakiusapan naman.  Kapag hindi nadaan sa lakas ng boses eh makiusap ka na lang na siyete lang ang dala mong pera at walang tao sa bahay na mahihingian ng dagdag sabay kamot ulo.

Napakadami ko pang gustong i-share tungkol sa mga traysikel drayber pero ikanga sa habulan – “gib chance to run”…este…to others dapat.  Sa mga masugid na sumusubaybay at mga gaguhan…este…baguhang nagbabasa neto, tambay lang kayo parati at magshare kayo ng mga kwento niyo!  Alam kong madami kayong karanasan dito!  Dali na! Dali naaahh!!!

Tenco and Tikboy, take it away!

– Tem-i


Pinoy na pinoy ang dating kapag naririnig ko ang tunog ng umaandar na two-stroke engine na traysikel.  Sila nga ang bida’t mga pogi ng subdibisyon, umo-overtake kung kelan nila gusto, at parating nag-aangkas ng tambay.  Sa bawat lugar, iba’t-iba ang kulay nila.  Pabonggahan din sila ng usok lalo na kapag umaakyat sa matarik na parte ng daan angkas-angkas ang pitong katao.

Hindi nauubusan ng confidence ang traysikel drayber.  Napansin niyo bang walang traysikel drayber na mahiyain?  Basta may chiks, automatic na ang mga bibig niyan.

“Miss, san ka?  Iuwi na kita.”
“Miss, isang matamis na oo lang, libre ka na.”
“Sakay na sa biyaheng langit.”
“Hindi lang ako maghahatid, aakyat pa ‘ko.  Aakyat ng ligaw.”

Sabay laklak ng Corn Bits.

Idol talaga si mamang traysikel drayber.  Kung pwede lang gayahin ang porma nito e.  Dagdagan mo pa ng mga cool accessories.

– Buhok na bagong gising look.

– Jacket.  Dapat ay baligtad ang pagkakasuot nito.  Mas maganda kung maong.

– Maong na pantalon.  Kupas na.  May butas.  At nakatupi palabas ang dulo.

– Puting t-shirt na ang kadalasang tatak ay pangalan o mukha ng pulitiko.

– Tsinelas o rubber shoes na walang medyas.

– Lagayan ng barya.  Mahabang wallet na kulay brown, na nakasabit kadalasan sa harap na bahagi, sa may manobela.  Minsan naman ay gumagamit din sila ng de-lata.

– Shades.  Mas makulay ang frame, mas maganda.

– Dyaryo.  Nakatupi ito at nakalagay sa tapat ng pasahero sa loob, o ‘di kaya sa kisame ng motor ng traysikel.

– Bubong.  Convertible ‘yan.  Iniiwan at binabalik-balikan ni manong sa kabilang dulo ng ruta niya.

– Upuang pambata.  Toolbox din ‘to e.  Peyborit pwesto ko ‘yan nung bata pa ‘ko.

May pagka-bionic din ang mga tenga ni manong drayber dahil nung minsang may umangkas sa kanya sa gilid e nakapagkwentuhan pa sila tungkol sa nangyaring inuman noong nakaraang gabi.  Ni hindi man lang sila nahirapang mag-usap at kahit maingay ang makina at ang daan e dinig na dinig pa rin ni manong ang pagpara ko.

– Tenco


Tem-i, isama mo na rin ang paggamit nila ng kulay dilaw at pula na mga takip ng 2T oil sa paglaro nila ng dama.

Sila talaga ang idol nating mga batang kalye lalo na noong supot pa tayo. Parang action star ang tingin ko sa kanila. Unang-una sa angas at porma nila, kuhang-kuha ang pormang leather o maong na jaket ng mga idol nilang sina Binoy, Daboy, Ipe at Bong Revilla. Tapos parang ang galing-galing nila magpatakbo ng motorsiklo na kaya nilang parampahin kahit saan.

Imposibleng hindi ka makakita nito sa isang araw. Kahit nasa loob ka lang ng bahay maghapon eh imposible namang hindi ka makarinig ng makina ng traysikel. Yan ang isa sa mga tunog na nagsasabing nasa Pinas ka(sabayan mo pa ng tilaok ng manok). Pwera na lang kung may laban si Manny Pacquiao eh wala kang makikita o maririnig man lang na traysikel. Eh pati nga giyera sa Mindanao tumitigil eh. Sori at nadala lang ako sa idol nating lahat. Goodluck pala sa sunod mong bakbakan.

Ang alam lang rin nilang isports eh boksing, basketbol at bilyar. Yan lang ang nilalaro nila at pinapanood sa telebisyon maliban sa sugal. Tatlo lang ang idolo nila sa larangan ng isports. Si Efren “Bata”, Jawo at Pacquiao. Wala silang pakialam sa’yo Tiger Woods.

Ang peyborit ko namang pwesto eh sa harapan ng drayber. Doon na halos sa tanke ng gasolina at syempre nakakapit ako sa gitna ng manibela na parang ako ang drayber. May kilala kasi kaming mga traysikel drayber kaya inaangkas nila ko dun. Feeling action star rin ako kapag naka-angkas ako. Parang walang gagalaw sa’kin at pwede na rin ako manitsit ng kahit sinong chikababes. Parang nababahagian na rin ako ng kanilang matinding kumpiyansa.

Kung pag-uusapan lang ang confidence ng mga idol na traysikel drayber eh isang ebidensiya na diyan ang mga stickers nila sa loob. Sila lang ang kayang magdikit ng mga ganung stickers. Syempre nandiyan ang klasik na “Basta driver…sweet lover”. At mayroon pa talagang over sa pagka-confident at may sticker pa sila na tumatanggi sa chickas. Isa dito ay ang “Miss, takpan ang iyong hita at baka tayo ay mabangga.”. Halos lahat pa ng stickers nila ay may seksing babae na magkakamukha lahat.

Ano kaya niyo idikit yan?

Tikboy

22 comments

  1. DEADPOOL

    hahaha… astig talaga mga traysikel driver… peborit ko dati ung nkasabit ako sa likod kasi puno na… nkasampa pa ung bag sa bubungan… ang lupit na tricycle driver ni lakaay hanggang ngaun bumabyahe pa din xa… lagi ko din nakikitaan sya ng nka baliktad na jacket… pero sa ngaun ung mga classmate ko nung elementary na nakikita kong driver tapos nka sleeves na parang kay iverson na sila, nag evolve na din ang porma, pero ang pagiging malupit sa chix eh di nagbabago! ang gaganda pa ng sabit nila! nakita ko pa ung classmate ko na kras ko dati! nasilipan ko pa ung pink na panty nya kasi nga nka skirt lang sya! ayun sapul ng dalawang mata ko! ibang klase talaga mga tricycle driver… parang ayaw ko na sa barko! magsshift na lang ako sa tricyle…

  2. mars

    Alam mo bang uso na rin ang sari-sari store sa mga tricycle? as in sa loob ng tricycle. nakasabit ang mga kornik, tsitserya, mga kendi at kung anu-ano pa.

    Alam mo yan kung nagta-tricycle ka. Pero lagi ka atang naka-tsekot.🙂

  3. Bam

    hahaha…ang galing niyo mga kuya mag-observe ng mga bagay bagay tungkol sa tricycle drivers…tawang tawa ngako dito sobra!Pero tama nga, kapag nakarinig ka ny tricycle ibig sabihin nasa Pinas ka. Kakamiss tuloy ang Pinas😦

    Anyway, agree ako kay kuya Tenco…wala ngang mahiyaing tricycle driver, madalas nga ang kakapal ng mukha…hahahaha

  4. Mike

    Ayus😀.

    Ang alam ko, kaya nagsusuot ang mga tricycle driver ng jacket nang pabaligtad ay dahil karamihan sa kanila, walang windshield ang harapan ng mismong motorsiklo. Kapag nakabaligtad ang jacket, hindi lumolobo at lumilipad na parang kapa kaya hindi sagabal sa pagmamaneho at sa pasaherong aangkas sa likuran ng driver. Isa rin, nagbabaliktad din sila ng jacket kapag umuulan o umaambon, para naman hindi mabasa ang harapan ng katawan nila dahil sinasalubong nila ang ulan kapag umaandar. Di ba? Maporma na, praktikal pa!😉

  5. grasi

    kahit na under rated ang mga traysikel drayber panalo ang fashion statement nilang baliktad na jacket. kaya nga pag dito sa opis eh may nagsusuot ng pabaliktad na jacket (ung mga lalaki na tamad magbitbit at nanghihiram lang sa mga chicks o da-moves nila un sa kras nila) ang tanong ko agad: pare anong TODA ka?

    Nung minsan papauwi ako kala ko kung anong kaguluhan meron sa tambayan ng traysikel draybers. Sumakay na ako pero nag menor si manong. Sa may mga nagkukumpulan na tao tumigil. Tinanong ko kung anong meron kahit kabog-kabog na ko.

    Drayber: Ah may karera po.
    Ako: ng traysikel?
    Drayber: di po. karera po ng tao.

    Lupit ng pang aliw nila. take note alas 2 ng madaling araw un. Baka nasinghot na nila ung mga 2T oil nila.

    Ang pinakamasaklap naman sa mga manong traysikel drayber ay ang matinding baktol. lalo na kung dun ka mapapaupo sa maliit na upuan. direct hit ka ng kanilang deadly putok at di ka na makakailag dahil pati paspas ng hangin eh kakampi nila.😛

  6. alasais

    Grasi,

    Hahahaha! Ilang beses na rin akong na-direct hit ng baktol na ‘yan! Nanuot na sa nasal cavity ko ang vapor nito at bigla nalang akong natatawa! Hahaha!

    – Tenco

  7. tonitoni poponi

    nagbabalik!! taas kasi ng kuryente namin kaya ngaun nalang ulit nakabisita.haha.
    nung bata pako pag may nakaparadang tricycle dito samin, sasakay kami dati tas magpapanggap na umaandar kahit na ang gnagawa ng kalaro ko eh tumatalon sa loob para kunyari bumpy ang daan!haha sabay sita samin nung may ari ng tricycle at pibabba kami, habang kami tawa ng tawa.hahaha.
    astig na nga mga tricycle nagun eh, pede nang icustomize parang kotse, pedeng ipa “lowered” lagyan ng kumakabog kabog na sound system at ang mga kanat eh galing sa mp3, mp4, mp5 na binili sa cd-r king at king com!hahaha! peyborits kong tricycle driver si kuya jaymar, service namin pag pumupunta ke erpats, ganda kasi ng mga kanta nya. nakarinig nba kayo ng trycicle na humaharurot habang ang kanta eh GULONG NG PALAD??!! hahahahha

  8. alasais

    Camille,

    Gulong ng Palad remixed version ba ‘yan? Alam yata nina Tem-i at Tikboy kung anung pwedeng ihalong kanta diyan e. Mga hip-hopper ‘yung mga ‘yun e.

    – Tenco

  9. anakngpating

    i though na pang lenten season ang inyong entry ngayon pero mali ako ng akala hehe..any way, sikat talaga ang driver sa mga street ang mga subdivision,
    at yang jacket na pabaliktad ang suot natuwa din ako jan bakit nga kaya patalikod hehe…

  10. ionerenzo

    Mang Tem-i correction lang po..ang sumulat ng Salamat Musika ay si Gary Granada..kinanta lang ito ni Nanette Inventor.:)

  11. alasais

    Ionerenzo,

    Ah ganun ba? Haha! Salamat sa impormasyon! Ang gusto kong sinulat ni Gary G. ay yung tungkol sa Ginebra. Team ko yun e!

    Salamat, salamat musika! Tambay ka dito lagi!

    Tem-i of Alasais

  12. balotlot

    miss ko na mga toda boys…
    di bale lapit na me uwi
    pinas… backride n nmn me
    ulit sa tricycle…

  13. alasais

    Balotlot,

    Kapiling ang mga Camelyo sa Camelia Homes. Haay tangina kelan ba ako titigil sa kakornihan koh? Kelan?!!! Kehlaaaaaahn!!!!!

    Sabay pasok si Geneva…

    “Kailaaaaan (Kailan)….”

    Tony Lambino…este…Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s