5. Balat

Madami sa atin ang may masasarap na pubic ha…este..puberty.  Ang favorite part ko dito ay ang pagtubo ng mga mala-bulkan na nana sa ating mga mukha.

Pinanganak tayong makikinis ang pisngi.  Lagi silang kinukurot ng mga Auntie at Uncle natin tuwing sila’y bibisita sa bahay tuwing linggo ng tanghali.  Magkakamay, kakain ng inihaw na liempo at tahong, hindi magpupunas at pipisil sa ating mga pisngi.  “Ang cute naman ng pamangkin ko!!!”

Pagdating ng hayskul o kahit sa grade 6 pa lamang, ay ayan na!  Magsisitubuan na ang mga putanginang pimpols na yan!  Malaki, mapula at may hinog na nanang dilaw sa gitna!  May tatlo sa kanang pisngi, apat sa kaliwa at ang reyna ay nasa dulo ng ilong mo.  Utong sa ilong?  Haay… Ikanga ni Ruffa, “Diyahe to death!”

Mahilig mang-asar ang pimpols ko.  Lagi siyang tumutubo isang oras bago ako magsalita sa harap ng klase at bago ako makipag-”eyeball” sa ka-penpal kong si Larissa.  Tuwing nangyayari ‘to ay napapabuntong hininga na lang ako at napapatingin sa itaas, “Diyos koh!  Bakit ngayon?  Bah-khit ngayooon??!!!!!!!” (sabay pasok ng soundtrack ng Ula: Ang Batang Gubat, “…malayu pa, ang umaaagaaa….di matanaw, ang pag-asaaaah…”)

Ang nakakainis sa mga pimpols ko pa ay hindi ito matanggal-tanggal ng Eskinol!  Kahit Master by Eskinol, ayaw!  Kahit C.Y. Gabriel, ayaw!  Kahit Likas Papaya, ayaw!  Kahit Perla na banayad sa kamay, ayaw!  Parang gusto ko na nga pahiran ng Cebo De Macho yung mukha ko dahil nagmumukha nang isang malaking peklat sa kakagamit ng kung anu-ano eh!

Siyempre, bilang mga batang-kalye ay wala kaming pera para magpa-derma at actually, hindi pa ito uso no’n dahil nagsisimula pa lamang magsando-bra si Vicky Belo nung mga panahong iyon.  Kaya ang solusyon ko?  Ano pa eh di pulbos!  Mura na, tuyo pa ang kili-kili mo nang dalawang minuto!  Pagdating ng hapon, maghahalo na ang pulbos, ang oily kong mukha at ang dugo galing sa apat na pimpols kong sabay sabay pumutok!  Daig ko pa ang mukha ni Hesus noong Biyernes Santo!  (Tenco, gagawa ba tayo ng blog tungkol sa Holy Week?)

Tem-i: “Babes, Pinipimpols ka ba sa mani?”

Larrisa: “Oo.”

Tem-i:  “Buti ka pa…  Ako, sa mukha e…”

- Tem-i


Tem-i parang walang epektib na pampatanggal ng pimpols ang mukha mo dati ah. Sana gumamit ka na lang ng liha at yun ang kiniskis mo sa pagmumukha mo. Siguradong tanggal ang pimpols mo.(Palaging hinihirit sa mga maraming pimpols)

Bad trip talaga yang mga pimpols na yan. Talagang walang nakakalusot diyan eh. First day ng intrams namin ng grade 6 nun. Syempre maaga ko gumising para makapunta agad sa iskul at makapagpakyut na. Pagbangon ko may nararamdaman akong masakit sa bandang kaliwa kong pisngi.

“Ay pucha! Huwaaag namaaan!”. Alam ko na agad kung ano yun eh.

Punta agad ako ng banyo para gawan ng paraan. Naghilamos agad ako at sinabon ng mabuti ang pimpol na yun. Lahat ng bula nilalagay ko lang sa pimpol ko at iniiwan lang ng mga dalawang minuto. Tapos hilamos na at kain ng almusal. Tapos ligo na at super sabon uli ng mukha. Ipon uli ng mga bula sa pimpol na yun at babad uli. Syempre ang ginamit kong sabon eh safeguard dahil naiisip ko lagi na “it kills 99.9% of germs”. Lalo na yung komersyal na kada daan ng sabon sa mukha eh pawala nang pawala ang mga pimpols sa mukha.

Pagkatapos ng ilang sabunan ng safeguard sa mukha ko, titingin na ko sa salamin upang makita kung epektib ba ang teknik ko. Tadaaann!!! Nandun pa rin siya! Mamula-mula at may nana sa gitna. Haselicious!

No choice ako at pupunta sa intrams ng may bonggang-bonggang pimpol sa kaliwang pisngi. Lalapitan ko ang crush ko pero palaging yung kanang parte ng mukha ko lang ang nakatapat sa kanya. Hindi ako masyadong humaharap sa kanya at palagi lang ako sa gilid niya. Sira ang diskarte ni noy!

Hindi naman ako gumamit ng mga eskinol na yan at kung ano man yung inendorso ni Richie Ticson na pampapogi na yan(naka-leather jacket na black habang nasa motor). Sinunod ko lang ang payo ng aking ama.

Tiktay: “O ang laki ng pimpol mo ah.”

Tikboy: “Oo nga eh hasel nga sa chicks eh.”

Tiktay: “Sabunin mo lang yan at maghilamos ka ng mainit-init ng tubig”

Tikboy: “Talaga? Epektib yun? Sige magawa nga. Dabest talaga kayo! Pengeng pang-nood ng sine.”

Tiktay: “Ulol tirisin ko yang pimpol mo eh!”

Sinunod ko naman yun at parang epektib naman. Hindi naman pinutakte ng pimpols ang mukha ko at paisa-isa lang ang sulpot niya sa pagmumukha ko. Salamat tay pero hindi ko pa rin nadeyt ng sine nun ang crush kong si Bianca.

- Tikboy


Hahaha!  Ngayon ko nalang ulit naalala ‘yung komersyal ni Richie Ticzon!  Kalakasan pa niya nun sa Shell dati e!

Hindi ko pinroblema ang pimpols, dahil kinondisyon na ko ng mga magulang ko na pagtuntong ko ng grade 6 e magkakaroon na ko nito.  At hindi sila nagkamali.  Usually, sa noo nagsisimula ‘yan.  Malamang nag-usap na sila ng bulutong kung saang pwesto sila mangungupahan dahil never pa naman silang sabay tumubo sa parehas na lugar (Tem-i, gagawa rin ba tayo ng blog tungkol sa bulutong?)

Syempre, nagsimula na ring maging oily ang gwapo kong mukha.  At tulad nga ng sabi ni Tikboy, Safeguard lang ang katapat, at tama siya!  Parang lalong lumala ang tigyawat (tagihawat) ko sa mukha.  Gustung-gusto kong tinitiris agad ‘yun lalo na kung may nana talaga.  Tapos e tatalsik ‘yun sa salamin at hindi ko na pupunasan (joke lang).

Akala ko e hanggang dun lang ‘yun.  Subalit datapuwat paggising ko isang umaga e nagkaroon na ng barkadang tumubo sa bandang gilid ng mukha ko.  Hanggang sa parang patilya na sila sa kanang parte ng mukha ko (tanginang ‘yan).

Sinubukan ko ang Eskinol ng tita ko.  Mas okay kung may granules akong makukuha at ‘yun ang ilalagay ko sa pimpols ko.  At ang resulta?  Makintab na mukha!

Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa.  May nagsabi sakin na para hindi na lumala ang pagkakaroon ng tigyawat e ‘wag nalang daw akong magsabon ng mukha, at ‘yun nga ang ginawa ko.  Mukhang epektib naman.  At least tipid ka pa sa sabon!

Pero swerte pa rin naman ako at hindi ako tinubuan ng sobrang daming pimpols at hindi nagkabutas-butas ang gwapo kong mukha.  ‘Yung titser ko sa English ganun e, ang daming mga bulkan.  ‘Yung iba naman, sa sobrang dami at lala talaga ng pimpols e sinasabihang, “Tingnan mo si _____ o, tinubuan ng mukha sa pimpols!”  Sobrang nakakapikon siguro ‘pag masabihan ka nito.

Hindi ko sinubukan ang pulbos o C.Y. Gabriel tulad ng nabanggit ng mga barkada ko.  Buti nalang at nung 17 years old na ako ay nagsimula nang humupa ang nakakainis na pimpols.

- Tenco

Mga Puna to “5. Balat”

  1. Kakatuwa naman ang topic. Nagkaron din ako ng mangilan-ngilang pimpol pero lately na lang at sobrang madalang. Yun siguro ang sobrang pinagpapasalamat ko sa aking nanay. “Thank you Mommy for your genes!”

    Pero natutuwa talaga ako sa pagtitiris ng pimple. Hinihintay kong mahinog tapos kapag pwede nang tirisan ay sisiguraduhin kong makikita ko yung fluid na lalabas. Natawa ko dun sa sinabi ni Tenco na tumatalsik pa sa salamin tapos hindi pupunasan. Hahaha..

  2. Emilayskie,

    Ikaw ata ang aming designated buena mano a! Cool! OK yung video mo sa youtube a. Gawa ka ulit for this blogisode naman. Magtiris ka ng pimpol dali! Musta ka na?

    Tem-i of Alasais

  3. Okay lang naman po. ^_^ Ni-delete ko na yung video. Haha.. Para di masyado kumalat ang kababalaghan. Ang pangit kasi pag webcam lang with built in mic ang gamit. Try ko naman digital cam next time.

    Nahihiya na tuloy akong mag-buena mano sa comment. T___T Promise next time papaunahin ko na sila. Haha.. Teka makapag-tiris nga ng tigyawat.

  4. aaah putek! nabwiset tuloy ako lalo sa mga tigyawat ko! madapaker tong mga butlig na to e. maliliit nga, naglipana naman. malay ko kung tagayawat ba tlga to o allergy lang e. hala c ina bumili ng ointment na nagkakahalaga ng 500 na gapiranggot lng naman ang laki. di ako patutulugin sa gabi pag hindi pa nya nkikitang nangingintab ang mukha ko gawa ng ointment. bumili na ng likas papaya, ponds, at iba pang chechebureche para mawala yung mga anay ko sa muka. di naman xa malala, mild pa nga actually, pero wala kong magagawa… nanay ko ang BATAS e! kagawad lang ako. =))

  5. Inah,

    Haha! Nangingitab sa ointment eh no? Pasok yun a. Matagal ko nang hindi naririnig yang “chechebureche”. Nakakamiss. Daming chechebureche sa buhay e…Keep enjoying Alasais.

    Salamas!

    Tem-i of Alasais

  6. Emilayskie,

    Hehe…H’wag ka na mahiya. Magtatampo na kami kapag hindi ikaw ang naunang magcomment sa mga susunod na blogs namin.

    Tem-i of Alasais

  7. Wa, talaga? Sige, sige. Kakahiya kasi kay Tikboy eh. ^_^

  8. nako, hassle talaga ang pimples. Naranasan ko na nga magkapimple sa ulo e. hassle, sobrang sakit pag magsusuklay ka. isa pang hassle yung sa loob mismo ng ilong :)

  9. may mga taong swerte lng, at hindi ako isa sa kanila…

    Genetic o hereditary daw ang pimples, salamat sa gene na naipasa skin… :) at ang nana na sinasabi nyo ay hindi talaga nana.. diba kulay gold xa? sabi ng teacher ko sa microbiology, punpon daw un ng Staphylococcus aureus… Kaya aureus, kasi gold (aurum)… Bakit naglipana pa kayo sa kamunduhan ng tao!! huhuhu.. T-T Mga mikrobyo!! Kaya dati, inalkoholan ko nga… hahahaha!! :D

    Wag daw po mxadong sabon, kasi po tinatanggal nya yung oil content na kailangan talaga ng skin ntn. Once na bumaba ung oil na un sa balat, ang tendency nya ay magsecrete lalo ng oil, and then, tadan! doble ang mantika mo sa mukha, pamprito na ng egg! (sa Master na commercial to diba?!)

    Nakadalawang derma nako. at sana naman maging maayos na tong mukha ko… *toinks*

  10. Jew,

    Galing ng pimples mo ah, nakaisip pa ng mga nakakainis na pwedeng pagtubuan! Sa loob ng ilong? Naku baka humalo sa kulangooo… (kikay girls: eeeeew!)

    - Tenco

  11. Aine,

    Aba, very informative. Hindi ko pa naranasang magpaderma. Magaganda ba mga empleyada ng klinikang pinuntahan mo? Mapuntahan nga…

    - Tenco

  12. Aiweenee,

    Ikaw ang pinakamatalinong batang kalye sa baranggay nyo no? Keep spreading the wisdom!

    Tem-isirisisus of Alasuphasicisaurus

  13. Ji,

    Bwahahahaha! Pinatawa mo ako nang husto dun a! Pimpol sa ulo…haay klasik sa anit…Salamat sa hirit pare!

    Tem-i of Alasais

  14. Sa tingin ko, ang title dapat nito, PIMPOLS. hehehe…

    Nice blog! nakakatuwa… maraming nakakarelate dito for sure…

    Hindi ako taghiyawating tao… naiinis nga ang kapatid ko kasi sya daw hindi na nawalan ng taghiyawat. I used to give him some advice kung pano mawawala ung pimples nya. pero mukhang hindi effective.

    Nagkaroon ako ng pimples siguro nung 3rd year highschool. Same thing, hindi ako mapakali. I tried a lot of anti-pimple solutions… pero sa isang product lang ako nasatisfied & until now that I am 25, yun pa rin ang gamit ko… that is POND’S… Though pang-girl… eh anong magagawa ko, effective sakin eh…

    yung iba nga, ang advice nila sa taong pinipimpol, pahiran daw ng (excuse sa words ha) regla or mens ung mukha… tapos mawawala daw ung pimples… sabi ko lang, YULK! hehehe…

    Nice story talaga! So funny!

  15. as of now may tatlo akong hinog na pimpol o tigyawat.. sabi ng nanay ko “wag mong kutkutin!” pag medyo natutuyo na kasi, nangangati na yung pimple.. kaya ayun.. parang akong bata na nagkukutkot ng sugat.. di ko maalala kung kelan ako unang nagkaron.. high school yata.. paisa-isa.. pero ayun.. natuto akong magpuyat.. at nagsimula na silang dumami.. hilamos lang bago matulog ang katapat nila sakin.. ginawa ko rin dati yung paglalagay ng alcohol.. pero hindi dahil gusto ko matuyo agad yung pimple.. dahil may nakakaantok kaming prof.. gumawa kami ng paraan para magising ng katabi ko.. ako tinuklap ko pimple ko tapos nilagyan ko ng alcohol.. muntik na ko sumigaw.. yung katabi ko dahil walang sugat o pimple.. hindi siya nag alcohol.. nagising siya kakatawa sa ginawa ko.. haha!! pero ang pinaka ayokong pimple yung parang sa loob namamaga… masakit tapos pag lumobo kumikinang pa yung pagkapula.. hahaha!! nice topic.. saktong sakto may 3 akong alaga.. yung isa dumugo habang tulog ako! para kong nakipag sapakan pagkagising…

    -boy

  16. Prince,

    Ipasubok ko kaya ang deodorant na pambabae sa kapitbahay namen, lakas ng tok-pu e.

    - Tenco

  17. Boy,

    Dapat pinatuklap mo ‘yung pimpol mo sa katabi mo para mapuwing siya. Siguradong gising ‘yan.

    - Tenco

  18. alas sais,
    long taym no post por me :)
    anyways,

    hindi na ako gaanong tinataghiyawat ngayon, pero nung hayskul ako, nuknukan ng dami nila, as in isang galaxy ng mga pimpols. hindi ko alam kung sakit na pero hahays, ang dami nila dati.

    nag-eenjoy din ako sa pagtiris sa kanila. nakakaliw ang pagtalsik ng mga nana. parang parang parang.. basta :) haha

    PS nakakatawa yung joke ni tem-i tungkol sa pimpol sa mukha xD

  19. N,

    Hahaha! Hindi tinuloy ‘yung joke o. Natawa ako sa galaxy a. Andami nun!

    - Tenco

  20. waaahahahahaaaa..

    walang hiya yang tagyawat nayan..
    sira nanga ang mukha koo..
    mas lalo pang sinara ng hayop na tagyawat nayan..

    waaaaaahhhhhhhh..
    BAKITTTTT….????

  21. ok ang blog mo…interesting at nakakatuwa…thanks for posting

  22. wahaahaaha,,, hindi ko naranasan ang magkapimple,,wahahahah! im so proud of my face! hehe whiteheads lang :P pero kahit na atleast hindi bulkan :P

    tska payong kapatid( hindi kase akong batang kalye, laking aircon girl ako … aircontinuous!ahahahah) akala ko kung anong BALAT…dpat PIMPOLS ang pamagat hahaha,,,

    may hihirit ako eh,,ngayon lang toh ah,,pagbigyan nyo na ako! tagal na ako hindi nagkapag komento haahaha!

    “bakit nyo ba tinitiris ang pimples nyo?? di ba pinagpuyatan nyo yan?? ang mga pinaghihirapan dpat lang na pinalalago pang lalo!”

    wahahahaheheheh!

  23. Emilayskie,

    Oo mahiya ka talaga sakin kapag hindi ikaw ang naunang magkomento sa mga sulatin namin.

    - Tikboy

  24. ganun lang din style ko,..

    hindi ko sinasabon mukha ko…epektib sya mga tsong at tsang ahhahhaa
    ;)

  25. Jereck,

    Salamat pare. Every Friday, new blogisodes.

    - Tenco of Alasais

  26. Kirsten,

    Bwahahaha! Itanim ulit sa bulkan ang mga nana!

    - Tenco

  27. Paul,

    O, epektib diba? ‘Yan ang sikreto nating mga gwapo! Natural oil lang!

    - Tenco

  28. Tem-i: “Babes, Pinipimpols ka ba sa mani?”

    Larrisa: “Oo.”

    Tem-i: “Buti ka pa… Ako, sa mukha e…”

    NYahahaha bumenta sa kin!!!!:))

  29. Hindi ako pimpolin nung HS.even now, pero pag napupuyat ako at nasstress aun lumalabas sila.=[

  30. Juds,

    Ikaw ang isa sa konting taong naka-gets ng joke na yan kaya mabuhay ka Pilipino! Makinig ka kay Kirsten. Pinagpuyatan mo yang pimpols na yan kaya alagaan mong mabuti. Hehe…

    Salamat!

    Tem-i of Alasais

  31. Wow naman! Sige tikboy. Pipilitin kong agahan ang comment sa Friday. ^_^

    Sabi nga ni Mama totoo daw yun, yung sinabi ni Prince. Kapag yung first menstruation daw, as in first, pinahid sa mukha hindi raw dadagsain ng pimples ang mukha mo. Ginawa nya raw yun eh at effective nga raw dahil hindi nga sya nagka-pimples. Buti na lang at ginawa na ni Mama yun at hindi ko na kinailangan pang gawin. LOL.

  32. hahaha!
    usapang pimpols pala ‘toh.
    kala ko balat na sapatos,
    hndi na label tut [rubber shoes]

    sabi ng nanay ko wag daw tirisin ang pigsa, este pimpols,kasi masakit. hahaha.
    yung perla epektib sabi din ng nanay ko.
    hahaha. nagtry ako ng perla noon
    akalain mo, nabura mukha ko. HAHA.
    joke lang.

  33. Emilayskie,

    Totoo nga daw yan. Yung mga nakilala kong sosyal na babae a few years ago, gumagamit pa sila ng bulak para ipahid ang unang mens ng mga kapatid nilang babae sa mukha nila. O diba susyal!

    Tem-i of Alasais

  34. Batopik,

    Long time no comment a! Da best ang Perla! HIndi lang panlaba, pambura pa ng mukha!

    Tem-i of Alasais

  35. try mo ang downy..jejeje.joke…always wash you peys, every minutes of ur life tiyak kikinis muka mo…promise

  36. May crush ako na parang pimples lang. BASTA LANG KUNG SUMULPOT pero ANG HIRAP TANGGALIN!

    ayy.. emo lang? :)))))

    friend ko: Jud, pimples sya. hindi bula.
    Jud: sya lang ata ang pimples na gusto ko meron ako.

    hahahaha. yaaaak. ang emooooo! XDD

    lool, natawa ako sa comment mo: “always wash you peys, every minutes of ur life tiyak kikinis muka mo…promise”

    may kasiguraduhan. ginagawa! confirmed! :))

  37. hahahahaha! Tem-i, meaning na’n corrupted na nga talaga utak ko! : ))

  38. Batopik,

    Perla? Hindi ko talaga alam kung sabong panlaba ‘to o sabong pambanyo e. Make up your mind Perla!

    - Tenco

  39. parang wala ka pa kaung 3 latest post a. inform naman jan pag meron na hehe. btw ang pimples stress lang ata iyan. sa katagalan ay mawawala din pramis =)

  40. Dencios,

    Every Friday ang bagong blogs namin. Kada Biyernes ay siguradong may bagong blogisode kang mababasa kaya ilang tulog na lang may bago nanaman.

    Tem-i of Alasais

  41. pambihira! nakakatawang isipin ang daming namomoblema sa pimples!

    cno kaya ang makaka-imbento ng epektib na solusyon, yung pang-masa ba.. heheh!!

    nwei, problema tlga yan.. lau na kung may pressure, stress etc,,, lintek!

    hahaha!

    nice.. entertaining ang blog mo!

  42. Wow mag-Friday na naman! Excited na ako. Di naman ako siguro pipimpolin nito sa ka-excited-an noh? ^_^

  43. Emilayskie,

    Ihanda mo na ang unang comment mo ha? Ito ang first official day ng pagiging designated buena mano mo. Ilang oras na lang may bago nanaman!

    Tem-i of Alasais

  44. Rachelle,

    Good luck nalang para sa mga tinamaan ng bulkan. Kaboom!

    Every Friday, new blogisodes.

    - Tenco

  45. How can you face your pr0blem if your pr0blem is your face..

    Punta ka ng hardware.hindi na kakayanin ng liha yan kaya bumili ka ng steel brush…

    Hirap nga magkapimple.pakshet yung pimple na nsa lo0b yung nana.tinding pahirap yun.mas masakit pa yun kesa nung magbreak si dingdong at karyl..nyay

    Ayon sa mga sabi sabing nasagap ko.ang mabisang pantanggal ng pimple ay luga.yes tama ang nabasa ny0 luga!capitaLL-U-G-A.haha.ipahid lang daw sa pimple at v0ila matatanggal daw.ewan ko lang ha pero yung napagtanungan ko eh parang nadaganan ng tone toneladang durian ang mukha..ampefe!

  46. May titser kami nung hayskul, tinatawag sya ng mga kabarkada ko na STEYR AUG… baril yun sa counterstrike… panratrat… siguro nakuha nyo na kung bakit… HAHAHAHAHAHHA!!!

  47. TunYing,

    Yung kaklase ko naman dati, ang tawag namin ay “Wan Shat” dahil isang F na lang sa card ay kick out na siya. Haay kakamiss…

    Tem-i of Alasais

  48. aus ung topic ah… masarap talaga putukin yung pimpols lalo na ung namamaga talaga tapos aamuy-amuyin ko pa ung nana ambango!!!

  49. Abnoy,

    Hahahahaha! Tangina pre nakakaadik ‘yun! Either liquid o may solid e.

    - Tenco

  50. pimples.,dahil yan sa usok at alikabok sa daan.,hilamos lng solusyun jan 3tyms a day .,.,

  51. Keyren,

    Hilamos (at tutbras) 3 times a day para sa kaaya-ayang itsura! Salamat!

    - Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 27 other followers

%d bloggers like this: