40. Basag ang Pula

Umaga ng kahit anong araw…

Hinde.  Sandale.  Lagi na lang ganito ang simula ko eh.  Inang ‘yan.  Maiba naman.  Teka…

Ok.  Eto.

Tanong:  ‘Pag nangitlog ang tandang sa pinakatuktok ng triangle na bubong, saan gugulong ang itlog?  Sa kanan ng bubong o sa kaliwa?  O ha?  Ano?!  Sagot!  San?!

Ok.  Balik sa dating style.  Mawawalan ba ng itlog ang ref ng bahay?  Oo, pag walang pambili ng itlog.  Dati nga puro tubig lang at itinabing “am” ang laman ng ref namin nang isang buwan eh.  Anyway, kadalasan ay may itlog sa ref.  Mura kasi at madaling lutuin eh.  Madami pang pwedeng luto ang gawin sa itlog  – sunny side up, soft-boiled, hard-boiled, scrambled, poached at kung anu ano pang kalutuan ng itlogerts.

Ay! Sino sa inyo ang gumawa na neto – Babasagin ang itlog at deretsong ilalagay sa sarsi!  Diba?!  Diba?!  Pampalakas daw yun eh.  Kapag nanlalambot ako (kasi nagpatangkad kanina sa kwarto), yun daw ang gamot – Sarsi with hilaw na itlog.

Ang naaaliw akong teknik sa pagprito ng itlog ay yung pinapatalsik mo pa yung mantika dun sa mga hilaw na parte ng itlog.  Parang pinapaliguan lang yung itlog eh no?  Yun ang paborito kong luto ng itlog.  Gusto ko yung talagang pritong prito na lumulutong na yung gilid ng itlog.  PERO!  Jackpot ako kapag may nakakagawa ng ganon ka-pritong itlog tapos masabaw pa din yung pula.  Ayon!  Panalo yun!  Pritong prito pero hindi matigas yung pula.  Haay.  Ang sarap kain-kainin yung puting malutong sa simula tapos ititira mo yung pula ng itlog para kainin sa last na subo mo.

Hahahahaha!   Bwahahahahahaha!!!!  Sandale…Bwahahahahaha!!!  May naalala kasi ako bigla eh.  Yung kaibigan ko kasi, hindi ko alam kung nananadya, weirdo, bangag, lasing o nakahithit ng vetsin.  Kasi ganito yon.  Inumaga na kami galing sa inuman kaya ayun, nagutom na kami sa bahay niya.  Naglabas siya ng mga itlog para iluto.  Nilabas niya ang frying pan at binuksan ang istob.  Lagay ng mantika tapos nung mainit na, nilaglag niya yung mga itlog sa pan.

Tem-i: Oy!  Ba’t mo sinama yung shell?!!!

Kups: Gusto ko crunchy eh…

- Tem-i


Wala pa akong nakikilalang hindi kumakain ng itlog. Yung kahit anong klaseng luto hindi sila kumakain. Kung meron man, ang malas niyo! Kahit anong oras ng pagkain eh pwede samahan ng itlog. Almusal, tanghalian, meryenda o hapunan man yan. Pwedeng isama sa ulam o kaya naman eh siya na ang mismo mong ulam.

Ang paborito ko dating luto ay iskrambol. Lahat tayo ay gustong-gusto ang pula ng itlog di ba? Kaya gusto ko ng iskrambol na luto kasi iniisip ko nagiging pula ng itlog lahat kaya feeling ko nautakan ko pa ang itlog. “Nagdadamot ka pa sa pula ha. Sige gagawin kitang pula lahat!”. Yan ang sinasabi ko habang nagbabate ng itlog(hindi itlog ko ha).

Sa iskrambol pa lang na luto marami ka nang pwedeng gawin. Pwedeng haluan mo ng sibuyas at kamatis, pwedeng haluan mo ng hiwa-hiwang hotdog(sarap niyan) o kaya naman kornbip. Lahat na ata ng pagkain eh hinalo sa iskrambol na itlog. Kapag hindi masarap ang ulam, sige i-iskrambol mo. Kulang na lang eh gumawa ng scrambled sinigang.

Totoo ba talaga na napapatayo yung itlog? Oo alam kong napapatayo talaga mga itlog natin mga repapips. Ang tinatanong ko eh yung mismong itlog ng manok. Kasi dati yung tito ko napatayo niya eh. Nasa ilalim yung patusok na part ng itlog. At hindi ‘to yung joke na nilagang itlog at lalakasan ang pagpatong sa mesa para mabasag yung dulo para tumayo. Fresh egg talaga siya pero napapatayo. Ewan ko lang kung may ginawang pandaraya ang tito ko at nauto niya lang ako.

Challenge rin sa’tin ang hindi mabasag ang pula habang piniprito. Dati pa naman hindi uso ang non-stick na kawali kaya goodluck talaga sa pula ng itlog mo.

Eh bakit nga ba pula ang tawag dun? Kasi yellow naman ang kulay eh. Alam ko tinanong niyo na rin ‘to. Ano ba ang mga nakuha niyong sagot paki-share naman. Parang blackboard eh pero green naman.

- Tikboy

Mga Puna to “40. Basag ang Pula”

  1. hahaha nakakarelate ako ng super dyan…. araw araw ako taga-luto ng itlog sa bahay…

    once in a blue moon lang kung makapagluto ako ng buo ang pula hahaha…. wala kaming non-stick na kawali haha…

    masarap tlaga ang itlog pede sa kanin,, papakin,, at ipa-laman sa tinapay…

    msarap ang itlog na may hatdog,, meatloaf, or kornbip..

    pero auko ng may sibuyas at kamatis… eeww hahaha

  2. Bakit ba natatawa ako kapag sinasabi ang, “itlog”? Parang may malisya o nanunukso eh. “Hoy itlog!” Bakit kapag nag-iisa ang itlog at nasa harap ko e parang natatawa ako? Baka itlog ni Tem-i o ni Tikboy ang nakita ko, lasing na lasing kasi ako nun eh.

    Kadalasang makikita ang itlog sa almusal, bago pumasok sa iskul, kaya imposibleng hindi tayo kumain nito. Merong mga vegetarian. May mga taong ayaw sa gulay. May mga taong hindi kumakain ng hipon o isda. Pero madalang ang taong hindi kumakain ng itlog. Halos lahat tayo kumakain ng itlog—mapa-babae man… o lalake.

    Marami ngang luto sa itlog, pero ang pinakagusto ko e yung scrambled na may mga hotdog at sibuyas. Mas nagkakalasa kasi e. Ayaw ko naman ng scrambled lang. O di kaya sunny side up kase ang lamyang kainin ng puti eh. Nung natuto akong magprito ng itlog, talagang kinakalat ko ‘to sa buong surface area ng kawali para kunwaring malaki. Idol ko si Tikboy e, gusto ko naiisahan ko ang itlog. Pero teka, okay din ang nilagang itlog, parang ang bigat kasi sa tiyan e. Kapag kumakain ako nito e hinihiwalay ko muna ‘yung puti sa pula, tapos kakainin ko ‘yung puti tapos ‘yung pula naman. Hindi ko alam kung ano’ng sense dun sa ginawa ko pero enjoy eh.

    Salamat sa itlog at napapasarap nito ang noodles. Gustung-gusto ko ‘yung nagluluto ako ng dalawang pack ng noodles tapos lalagyan ko ng dalawang itlog at hahaluin hanggang sa equally distributed ang particles :) ‘Pag cup noodles naman, maglalagay ako ng isang itlog tapos mainit na tubig naman. Pagkatapos ay tatakpan ko for some minutes hanggang sa medyo maluto ang itlog. Sarap! :)

    Ginawa niyo na rin ba ang pagkain ng hilaw na itlog? Pampalakas daw ‘yun sabi ng kapitbahay namin. Since mas matanda siya sakin e kumain na rin ako. Ayun, walang kalasa-lasa pero inubos ko pa rin.

    Marami pang gamit ang itlog. Ipinambabato ito sa mukha ng kaaway. Ginagamit ang shell nito sa mga gawaing-pampaaralan. Ginagamit din ito ng mga titser kapag Row 4 ang estudyante. “O, itlog nanaman ang nakuha mo, buti sana kung nakakain ‘yan.”

    - Tenco

  3. Itlog! bakit masarap ang itlog luto man o hindi. matigas man ‘to o malambot, brown man ‘to o medyo maputi..ah basta masarap! magaling ako magprito ng itlog ngayon dahil elementary pa lang ako tinuruan na ko ng tatay kong magluto ng itlog. “o anak magprito ka na ng itlog almusal naten” opo. “dapat matututo ka na para pagnag-asawa ka e magaling ka na magluto.” bakit Pa? itlog lang ba uulamin namin pag nag-asawa ako? “‘wag ka ng pilosopo, iluto mo yan yan..” amkey…, Pa luto na! “anak di pa luto yan kasi parang may jelly pa sa ibabaw! tsaka di pa buo yung puti nyan. tignan mo yung pula malambot pa din o?” hah? asan po? asan yung pula? wala naman akong niluto na itlog na may ketchup ah? “ikaw talaga napaka pilosopo mo!!” ‘di naman po eh.. wala naman talagang pula dyan sa itlog eh. “wag ka ng sumabat at baka ituktok ko yang siyanse sa ulo mo!” masakit po kaya yun! “isa pang sagot at makikita mo!” ang alin?…”demonyita ka talagang bata ka itlog lang pinapaluto sayo ang daming mong sabat?” (bumubulong) ako ba nagsimula?.. eto na! lulutuin ko na po!!! ayan Pa luto na yung jelly sa ibabaw! “e bakit matigas? tabi dyan at ako na ang magluluto ng iba!” Pa pag nagka-asawa na siguro ako titigas din yung itlog at yug jelly sa ibabaw magiging puti na rin?..”hoy! san mo natutunan yan?” kayo po kaya nagsabi?..”sige upo ka na at hintayin mo yung itlog.. Ngayon kahit wala pa kong asawa nakapagpapatigas na ko ng itlog at yung jelly nagiging puti na..:)

  4. haha,..basta may itlog kahit itlog araw2 ang ulamin ok lang..
    lahat ng nabanggit nyo nigawa ko na rin maliban sa isa ang itlog sa sarsi..
    haha..
    di ko pa na try un para lang ata sa lalaki un hehe…

  5. eklog… paborito ko yung pritong itlog na luto yung pula at malutong yung gilid ng puti. para sakin super sarap ng itlog pag ganun. gusto ko rin yung nilagang itlog na hahaluan ng kamatis. madalas pinipili ko pa kumain ng nilagang itlog kahit pa may adobo o afritada sa kaldero. di ko alam pero may something sa itlog na nakakapang-akit hehe. pero never ko pa rin natry yung itlog sa sarsi. kahit pag-imagine nun nasusuka nako.

    kanina nga nasa mood ako magprito ng itlog. kaso basag na yung pula nung itlog at mabaho na kaya umatras nako sa pagluto. kaso ang siste, niluto pa rin ng erpat ko. ang rason nya, meron nga daw ibang tao binubulok talaga ang itlog kasi mas masarap daw yun. payn. ang ending, mag-isa siyang kumain ng bulok na itlog.

    erpat: “at talagang pinabayaan nyo ko magisa kumain ng bulok ha”
    ermat: “oo naman. mandadamay ka pa ha.”

  6. Esminitboy,

    Hehehe! Siguro yun yung tipong hindi na malunok nung tatay mo yung kinakain niya pero pinanindigan na lang kasi siya ang nagluto eh. Haha! Yung tipong, “Mmmm! Sarap neto!!!”, pero nasusuka na din siya deep inside.

    Nice koment!

    Tem-i of Alasais

  7. Lovely,

    Subukan mo dali! Minsan lang mabuhay sa mundo, dapat subukan lahat! Sabihin mo sakin pag nasubukan mo na ha? Promise?

    Tem-i of Alasais

  8. Tsutsay,

    Hmmmmm…..nakakapaisip ang comment mo.

    Alam mo, pwede ka nang gumawa ng script eh. Scriptwriter ka ba? OK ang sagutan niyo ng tatay mo a! Klasik na klasik!

    Makapagbate nga ng itlog…

    Tem-i of Alasais

  9. Callocohan,

    Ano?!! Sarap sarap nun eh! Pero yung sa kormbip, masarap gna talaga siya. Haay nakakamiss…

    Tem-i of Alasais

  10. Tem-i

    masarap magbati ng itlog lalo na pagbinilisan.. kasi may bumubula na white tas magiging madilaw na konte kakabate..nakakatuwa tignan..

  11. Tsutsay,

    Ibang klase rin ‘yang last sentence mo ha.. Hhhmmm…

    - Tenco

  12. Lovely,

    Try mo na ‘yung may Sarsi, ako rin hindi ko pa nasubukan ‘yun e, o baka nakalimutan ko lang. Hehe..

    - Tenco

  13. Esminitboy,

    Haha totoo talagang mas masarap kapag medyo bulok? Hindi ko alam ‘yun ah! Masarap talaga ang itlog with kamatis! Masubukan nga ‘yan next week. Samahan pa natin ng toyo!

    - Tenco

  14. Tenco

    PO?? di ba ganun naman talaga? kasi nung bata ako pagbinabate ko yung itlog di ba bumubula naman talaga?…tapos titikman ng konte kasi nilagyan ng asin.

  15. Tsutsay,

    Agree ako sayo. Pero next time na magcomment ka, eh magpost ka din ng picture mo para alam namin ang hitsura mo habang nagbabate ka ng itlog.

    Tem-i of Alasais

  16. Tsutsay,

    I mean ‘yung mahabang comment mo before that :)

    - Tenco

  17. sunny side up d best tlg…

    na try ko na din kumain ng hilaw na itlog, as in yung fresh pa.. grbe ang langsa noh.. pero syempre ndi kasama yung shell…

    d2 sa abu dhabi ndi lumilipas ang isang linggo na may egg day ako… hahaha lalo na pag maraming gutom aq, open ng ref check kung me itlog eh luto na yan agad agad pag ala eh baba sa grocery makabili lng ng itlog…

    kahit anong klase ng luto ng itlog natutunan ko ng gawin… pero d best yung niluluto skn ng lola ko b4 yung “Swan” sinabawang itlog mga tol…
    mag boil lng sya ng water den add ng bawang konting ajinomoto hahaha, tpos ilagay mo lng bgla yung egg hahaha angsarap tlg… pra syang sunny side up na me sabaw… love u la.. tenkyu po.

  18. Balotlot,

    Hehehe! Adik ka sa itlog no? Ano kayang korte ng mukha mo? Hehehe! Nasa Abu Dhabi ka pala. Masaya ba diyan? Tuwing kelan ang egg day mo? Ah! Gusto ko yang lutong ganyan. Yan ata yung tinatawag na poached egg eh. Tak-tak-tak…sa Ajinomoto!!!!

    Tem-i of Alasais

  19. naman adik tlg aq sa itlog, lahat ng klase ng itlog… amfff hehehe,

    3rd xmas q na d2 sa uae dis coming dec. opo isa akong bagong bayani(ofw) masaya nmn aq d2. panget lng weder d2 super init den bglang super lamig.

    dagdag saya lalo na pag nababasa ko mga blogs nio.
    maraming salamat…mabuhay tlg kyo.

    super nakakarelate aq lge sa mga topics nio eh.

  20. Baby Ruth,

    Aba, masubukan nga ‘yan! Ay eto, hindi ko alam kung niluto ‘to ng mga tatay niyo, ‘yung itlog at hotdog sa tomato sauce. Masarap ‘yun! :)

    - Tenco

  21. …eh teka teka..bakit puro style ng [pagluluto ng itlog…ipaliwang mo muna kung paano nangitlog ang tandang…hahahaha….at saka kung ano ang sikreto para pumula ang itlog, ako alam ko..good day everyone…!!!

  22. Teofilo,

    Ang alam ko pitik-pitiin mo lang ang itlog para mamula. Masakit nga lang. Pero tiyak mamumula!

    Tem-i of Alasais

  23. paborito ko rin ang itlog sa almusal. lalo na yang medyo malasadong scrambled ang luto. di ko malilimutan yung classmate kong nagalit sa ate nya noong pinaghainan kami ng masarap na itlog sa agahan bago kami mag board exams. nagdabog talaga at inaway yung mabait nyang ate. bakit ba? namputa, baka daw kami ma-zero sa exams! ~http://no-benta.blogspot.com

  24. No Benta,

    Bwahahahahahahaha!!! Bwaahahahaha! Buti hindi din naghain ng kamote yung ate niya no?

    Tem-i of Alasais

  25. Kung pula ng itlog ang eggyolk, bkit din b pulang itlog ang tawag? Eh violet yun di ba?! Color blind ba ang mga ninuno natin? Kahit yung asukal na pula. Brown naman talaga. Yung sibuyas na pula, violet din. Lintek na color wheel yan!

  26. No Benta,

    Baka base ‘yan sa complimentary colors ng colorwheel. Hay MAPE.. nakakamiss..

    - Tenco

  27. si tsutsay talaga oh.. hahhha

    totoong natayo ang itlog… kaso nilalagyan ko ng mantika sa ilalim para tumayo… ay anu ba yun?! pra bumalance pala.. hahhaa

  28. LOL @ Tem-i.. panalo ang trip ng friend mong “crunchy eggs”!!

    ROFL @ tikboy.. nautakan ang itlog at napadami mo ang pula nya.. hahaha.. nice tlga guys.. sobrang namiss ko tong blog nyu…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 27 other followers

%d bloggers like this: