24. Tsitsirya

May 16, 1992.  Sabado ng 4:48pm, sa harap ng tindahan nina Aling Shirley.

“Ngasab-ngasab…Kuya, penge pa tortillios…”

Kuya: “Tanginamo inubos mo agad yung sayo para makahingi ka eh!” (Oo.  Grade 3 lang ang kuya ko no’n.)

Minsan sa buhay ng isang batang kalye ay nakakatsamba ka at nabibigyan ka ng barya ng magulang, lola o tiyahin mo.  Kung sa hapon ka nagkaroon ng barya, deretso agad sa sari-sari store.  Titingin ka agad sa mga tsitsiryang nakasabit sa harap ng tindahan na madalas ay gawa sa screen at kahoy.  Alin kaya dito ang feel ko kainin ngayon?  Paano ko kaya masusulit ‘tong pera ko?  Hmmm…Ano kaya dito ang may libreng tato sa loob?

Tsitsirya o chichirya – Ito ang pagkaing sumisira sa rules ng tahanan.  Baket ‘ka niyo?  Dahil itong pagkain na  ‘to ang nagpapalito sa mga kabataan pagdating sa kung anong pwedeng kainin o hinde.  Minsa’y hindi ka papayagan ng magulang mo kumain neto pero minsan naman’y pinapayagan ka.  Ang gulo no?  Mas magulo pa sa bulbol ng Arabong tulisan.  Bawal kapag school day pero hindi bawal ‘pag weekend.  Bawal sa bahay pero pwede ‘pag may outing.  Haay, hindi ko maintindihan ang rule  na ‘to.

Ganun pa man, lumaki tayo na kasama ang mga chichiryang ito at madami sa kanila ay mga unforgettables.

Pritos Ring – May kakalye pa ba sa junk food na’to?  Ihanda na ang mga daliri at isa-isa mo nang lagyan ng Pritos Ring ang mga ito.  Kakainin mo mula sa daliri mo, mangungulangot, tapos lagay ulit.  Banat lang nang banat hanggang sa maubos.  At wala na din palang pupula pa sa lalagyan nito.

Ri-chie – Hindi ito ang pinakasikat pero gusto ko ‘to.  Malagkit ito na lasang gatas.  Usually, yung maliit lang ang binebenta nila kaya bitin ako. May litrato ito ng baka sa supot.

Nanay: “Tem-i, inom ka na ng gatas mo!”

Tem-i: “Nag Ri-chie na’ko!”

Chiz Curls – “Cheesy Chiz Curls, you’re the waaaan!  You make isnack time, lots of pan!  Cheesy Chiz Curls, you’re my peborit cheesy trit!” OK din siya pero hindi super…masarap sa Royal…

Tortillios – Eto na…pasarap na nang pasarap.  OK talaga sakin ‘to mga repapips.  Napakasarap sa Coke.  Yung tipong kakain ka ng madaming ganito sabay inom ng Coke na napakalamig na masakit sa lalamunan.  Haay syet.  Anlupet mo gumawa ng tsitsirya, Granny Goose!

Mr. Chips – Heto pa ang isang bwiset na napakasarap para sakin.  Favorite kong kainin ‘to kapag nasa swimming pool ako or beach.  Pati yung mga nalalaglag sa tubig at lumulutang ay kinukuha ko pa din para kainin.  Kapag gutom ako sa kaka-swimming ay ito lagi ang chichiryang nilalabas ng pinsan ko.  Isa ding masarap na kasama ng Royal…at Fanta Rootbeer.

May nakaka-alala pa ba sa Pom-Pom?  Yung parang may maliit na blue na elepante ba yun?  Basta sa supot nun ay may cute na karakter tapos parang maliliit na Chiz Curls ang laman.  Diba may ganon dati?  Siyepre Humpty Dumpty din – mabantot pero masarap.

Anyway, madami pang tsitsiryang ililista ang mga kasama ko dito, kasama na ang mga tsitsiryang may mga libre sa loob at mga tsitsryang medyo mahal tulad ng putanginang Piatos na ‘yan.

Kayo, anong mga peborit niyong chichirya?

Alam niyo, minsan nga, magparty tayong mga tambay ng Alasais.  Gusto ko makita ang mga karakas ng mukha niyo eh.

- Tem-i of Alasais


Haha Pom-Pom ba, Tem-i? Tandang-tanda ko yan. Oo may blue na elepante yun sa harap. Isa sa mga paborito ko kasi ang mura eh. Singkwenta ba naman ang isa tapos masarap pa. Pucha singkwenta lang! Tenkyu talaga sa gumawa niyan. Kahit manlibre ka ng mga kalaro mo kayang-kaya. Cheese na cheese ‘to at kung gusto mo naman ng chicken flavor eh Kentucky ang tirahin mo. Singkwenta lang rin at syempre may manok na karakter sa harap ng supot.

Iniisip ko dati kung paano pa sila kumikita sa presyong singkwenta tapos malasa pa. Ngayon ko lang nalaman ang kasagutan, hindi sila kumita dahil wala na ngayon nun.

Isa pa sa mga paborito ko eh ang Chickadies. Ito ay bilog-bilog na nasa kulay green na balot. Ang pinaka-dahilan talaga kung bakit gusto ko ‘to kasi may laruan kang makukuha sa loob. Dun talaga ako na-eexcite kapag bumibili kami ng kuya ko nito. Syempre isa na sa laruan na makukuha mo eh ang gomang paa. Ipapaltik mo siya sa kalaro mo kasi na-iistretch ‘to. Kadalasan kulay blue ‘to eh.

Eh naaalala niyo ba ang laruan na gomang bilog na pwedeng idikit kung saan-saan? Pagkadikit mo sa kanya eh ilang segundo lang tutunog siya at matatanggal, plok! Yung mga nagpapatawa naman eh nilalagay sa noo nila at dun tutunog. Nakalimutan ko lang yung counterpart nitong Chikadies na cheese flavor at kulay blue ang balot. Paki-paalala na lang mga kakosa.

Tiknay: Tikboy! Kumain ka na ng hapunan!

Tikboy: Kumain na ko, nay.

Tiknay: Eh anong inulam mo? Kakaluto ko pa lang ng munggo eh.

Tikboy: ‘Wag mo na lang tanungin. Basta cheese dog inulam ko at apat na piraso pa. Busog na ko. Kayo na lang kumain.

Tiknay: Aba sosyal kang kolokoy ka ha. Sige kakain na ko.

Yan ang isa ko pang peborit, ang Cheese Dog. Pucha singkwenta lang rin ‘to at sagana talaga sa cheese flavor. Dalawang piraso ‘to kaya solb ka tlaga dito. Medyo madamot ako dito kasi parang walang dating kung isang piraso lang kakainin mo kapag nagbigay ka pa. Wala na rin ata nito ngayon eh.

Hindi ako masyado nakakakain ng mga special tsitsirya. Kasama dito ang bwiset na Piatos na yan, pareng Tem-i. Ito ay ang V-cut, Potato Chips, Kornets at iba pang hasel sa pagkamahal sa presyo. Nakakakain lang ako nitong mga ‘to kapag bumibili ang tita ko o kaya bumibili si Ton-ton, ang mayaman kong kalaro.

- Tikboy


Cheezles ata yun, yung kasama lagi ng Chickadees.  Tama ba?

- Tem-i

Mga Puna to “24. Tsitsirya”

  1. first na naman ako. dapat tlaga may prize na. hehe.

    ang mga paborito ko nun e ri-chie, pompom, at cheesedog. ay tem-i nakalimutan mo ang peewee. sarap ng pizza flavor nun. bakit nga ba ambantot ng humpy dumpy (na parang tomi)? peyborit ko din ang mr. chips. at piattos na sour cream and onion.

    lam ko na, chichirya party tayo, hehehe :p

  2. Uy! Usapang tsitsirya,sitsirya,chichirya. Naaalala ko pa noon bago pa ako bigyan tatay ko ng pera e magwawalis muna ko. Syempre kada utos may bayad at pagkawalis ng ilang segundo…tsedeng! (parang kotse lang ah?) may limang piso nako! Takbo kaagad kay Lola Sima na siya namang asawa ni Lola Bayani-ang lolo kong bigtime!

    Tsutsay: ‘lo pabili nga po ng Kirei, Rinbee,
    at Peewee! uy! may boogie man, teka ano
    kaya?..Snacku? mas healthy daw yun eh.
    ‘lo bayad. “ito suli”.. ‘lo pabili rin
    nga po ng sweetcorn dalawa! teka..
    sweetcorn ba o Mang kepweng?

    Tsu-Lo: aba! ang dami naman ‘yang binili mo?
    ikaw ba lahat kakain nyan?

    Tsutsay: kulang pa nga po ‘to eh! ummm.. ‘lo
    pwede po ba enge ng pik-nik?(yung
    chizcurls na hindi naman korteng pacurl.
    korteng bulaklak sya.) tsaka plastik na
    rin panlagay dito sa tsitsirya ko.

    Tsu-Lo: sige kuha ka lang dyan!..

    Tsutsay: ‘lo ilang pong pik-nik? andyan po ba si lola?

    Tsu-Lo: oo nasa kusina..

    Tsustay: ‘lo kuha ako ng 3 ha? para hanggang
    bukas ko na ‘to! kasi baka hindi ako
    makahingi ng pera kay papa eh.

    Tsu-Lo: o eto sampung piso. ‘wag mo ng sabihin
    kay lola mo ha?

    Tsutsay: OPO! ‘lo bukas balik ako ha enge po ng
    BIG-5 tsaka Yakult pambaon ko po!

    Tsu-Lo: o ito bente… amin na yung sampum piso
    kanina.

    Tsutsay: akin na lang ‘to para may pambili po
    ako ulit dito.

    Tsu-Lo: e parang ‘di mo naman binayaran lahat eh..

  3. hehehe patawa comment mo tsutsay! andami mo namang binili parang wala ng bukas ah. naaalala ko din ang snacku at sweetcorn. pero di ko sila peyborit. hmmm oo nga masarap din ang pik-nik. ang akala ko nun pambabae lang ang pik-nik kasi korteng bulaklak e. may tigasin bang kumakain nun? astig ang yakult di man nagbago ang hitsura. peyborit ko nun ung jelly-ace na naka-cup e. ung kinukutsara. sarap.

  4. Eds,

    sarap ng pik-nik eh. maalat kasi. pero walang tatalo sa tortillos na pula. the best yun! peyborit ko yun eh! madamot ako pagdating sa tortillos. hehe. “tsay enge nga!” ” ano bayan! tatlo pa kinuha e ang liit lang ng plastik nito! balik mo yan! may gagawin ako!” (dinurog ko onte yung tortillos) “o kuha ka na!..” “ang liliit naman?!” “buti nga binigyan pa kita dyan eh!”.

  5. pat,

    hahahaha andamot! masarap yun pag dinip mo sa salsa, pramis. lunch ka na!

  6. eds,

    hehe. teknik yun! para kunwari paubos na kasi durog na konte di ba? pagnakita nila “ay ubos na?” di ba ganun naman talaga ang natitira yung mga durog? ehehe. e di walang manghihingi!

    try mo eds yung pandesal na palaman ketsap tapos dip mo sa orange juice. hmmm..malatuti!

  7. huwaaat? anung lasa nun? meryenda mo ba yun? para namang sobrang desperado ka ng kumain nun at wala ka ng choice, hehehe!

    minsan pag magmamcdo ka, try mo: pinaghalong sprite at coke tas may vanilla ice cream at konting gravy. :p

  8. Eds,

    wala pa ring tatalo pag inistraw mo ang gravy! sabay subo ng kanin!

    teka, iba na yung pinaguusapan natin dito. baka magalit sina Tenco, Tikboy at Tem-i.

  9. pat,

    ung friend ko iniinom ang gravy wag ka. onga, cge tigil na natin to. hehe

  10. haha. piattos (tama ba spelling? haha) pa rin ako. o kaya rinbee! da best! masarap din ang oishi na maanghang. ‘yan, ‘yan lang ang kinaadikan ko.

  11. ang galing oh napag usapan ung matinding pagkain ng mga bata na pnagbabawal ng mga magulang…
    paborito ko noon ung wonder boy grade 2 ako nung una kong natikman un kaso medjo di kaya ng budget ko noon un kasi sampung piso lang baon ko eh 2.50 un tapos ung nutriban 2 tapos ung gulaman 2 din eh nagtitipid pa ako kasi bago ako umuwi bumibili pa ako ng barok ung pop corn ang laman! pag dating ko sa bahay may pasalubong na ako sa kapatid ko na barok kasi mura lang un! tapos i’rre’inverse ko sa nanay ko ung pnambili ko ng pasalubong para bumili ng tira-tira ung stick na matamis tsaka pompoms…
    pompoms – dito dumami friends ko kasi parang may grupo kami nun na madalas kumain and xempre very affordable pa…
    richie – pnaka main vitamins ko counterpart nito eh ung mobee…
    at ang matingding pantawid ng uhaw eh ung BONWELT alam nyo ba un? ung juice na nkalagay sa transparent na plastic dalawampiso pa noon un ngaun di na nag exist… san na napunta un!
    meron akong di matandaan eh ung chichirya na may free na pag bnabad mo sa tubig eh lalaki sya counterpart nga ng chikadies un! nkalimutan ko na!
    haiii… mental block!
    meron pa kayang peewee?
    di nko nakakakita noon ah!
    masarap pala ung rinbee ung bubuyog na may dalang pintura…. hahahaha!
    o sige na alis na ako! bibili ako ng haw flakes para gawing ostia at mabindisyunan na kayo!
    hehehehe!
    paalam!

  12. si tenco absent! na’betsin yata kaka’kain ng chichirya!!!

  13. Kamusta alasais boys!

    HAAAAYYYYY!!!!! saktong-sakto ang topic sa tag-ulan…kapag ganyan? siyempre taga-marikina kami, so panic talaga, magbabaha agad at hindi makakalabas sa mga susunod na oras kaya ang gagawin ay dederecho agad sa UNIWIDE…pag nangyari ng ganun ay kukuha ako ng maraming tsitsirya! kinukumpleto ko yung flavors ng paborito kong Kornets, isama mo na jan si Humpty Dumpy, Chippy, pom-poms, oishi, mimi, kahit kropek…pag-uwi sa bahay ay hala-sige! iimbak na ang mga tsitsirya, isang magandang pantawid gutom sa oras ng kadiliman! (tignan nyo sa labas ng bintana, ang dilim diba?)…bawat kulay ng kornets ay sumisimbolo sa isang araw…naalala ko kapag hindi na makatakas sa Super Mario 3 ay magbubukas na ng kornets, minsan may laruan pa yan, yung malagkit na dumidikit sa salamin (wala lang didikit lang) or kaya naman ay sticker…lahat yan ay napaka sarap kapag sasamahan mo ng Fanta! grape, lemon lime, orange at rootbeer! ay siyempre pa ang walang kupas na SARSI na may 5 minutong mga palatastas noon na sinimulang ipalabas sa palatuntunan ng Sa Linggo nAPO Sila, naalala ko si Gary V. pa yung nasa palatastas na iyon…Pritos Rings? may tamang pagkain jan step 1. ilagay ang kamay sa pritos ring 2. kumuha ng sampung piraso 3. isuot sa 10 daliri sa kamay (kung kadiri ka talaga, sige sa paa) mas ok kung may partner ka na magsusuot nito sa iyo 4. Kainin at namnamin ang pritos ring na nakalagay sa 10 daliri…ABA nakalimot ata tayo sa paborito ng lahat na CLOVER CHIPS! may anak pa ito na CLOVER BITS (ang tsitsirya na iniinom)…walang panama talaga ang mga tsitsirya ngayon kumpara noon, ano ba naman ang binatbat ng mukha ni Willie Revillame (na nasa isang pakete ng tsitsirya) sa elepanteng blue ng pom-poms? o sa pusa ng Mimi? o sa hipon ng Oishi? o kay Granny?, Granny Goose? (na minsa’y may coloring book pa na free na puro kwento ni granny goose na its ok lang ang kumain ng tsitsirya) WALA PO! ‘ni hindi ko na nga maalala yung tsitsirya ni willie e…chicha vs. tsitsirya? sa tsitsirya ako kakampi!

  14. pamapatanggal stress talaga ‘tong blog na ‘to

  15. pampatanggal stress talaga ‘tong blog na ‘to

  16. Proper,

    pampatagal talaga ng stress ‘to. Imagine dalawa kami ni Eds naguusap dito kanina pa? ehehe! naiba na nga usapan namen e.

  17. Deadpool,

    mukhang maganda yang naisip mo ah? tapos kanya kanyang baon ng chichirya. wala ring hingian.

  18. oo nga party tayo! pa’classican ng dalang chichirya! medjo may natabi kasi ako ditong fanta lemon flavor kaso may sago na sa loob eh! hehehe!

  19. uy sama kayo tambay tayo tapos kayo na mag dala ng mga titsirya na mga nabanggit nyo at lalong wag nyo kalimutan na damihan nyo ng pritos ring ha hehe..peborit ko yun eh hehe..ang detalye ng tambayan..sa kuta ko punta ka ..i hope pwede kayo nun tem-i tikboy, ten-co…

  20. sonOFaSHARK

    san ba kuta mo? pritos ring festival tayooo!
    hehehe!

  21. Tikboy,

    Bobo mali ang spelling ng Chikadees mo.

    - Tenco

  22. Bwahahahaah!

    Tatanga-tangang Tikboy.

    Tem-i of Alasais

  23. Wagnutz,

    Magandang ideya yan talaga. Eh madalas naman na tayong tumambay dito sa Alasais eh, dapat minsa’y magkita kita na din tayo at magka-alaman na kung sino ang madamot sa chichirya.

    Tem-i of Alasais

  24. Proper,

    Tumpak ka diyan parekoy. Iwan muna natin ang mga bigat na dulot ng mga trabaho natin. Dito, tayo ang boss at hindi pwede magsisante ng kahit sino! Hahaha! tangina ano ba ‘tong pinagsasabi ko. Hatakin mo na ang buong Marikina at tumambay na dito! Napapadpad ka ba sa may Concepcion? May nakilala ako dun eh, mahinhin sa umaga at mahihin-dutin sa gabi, hahaha! Tagpuan namin ang racetrack ng Sportscenter sa may Bayan.

    Tem-i of Alasais

  25. tsutsay

    Iba talaga ang 6pm! Ang sarap, basta 90s, ok talaga…hay, miss na miss ko na ang pagkain ng richie at moby habang nanonood ng batibot
    Pinaghahalo ko un, parang gatas na may ovaltine!
    Tungkol naman sa usapan nyo ni eds, aba klasik! Parang ung urban legend ng ice cream n dinuguan flavor! Ano ba un?!?!
    Sarap tlga mag-experiment, lalo n pag may pandesal

  26. Tem-i

    pwde ko din bang makilala yan?

    Concepcion? Aba siyempre nmn po, naalala ko ung direksyon papunta sa isa s mga tambayan nmin ng 6pm marikina chapter sa concepcion ‘derederecho lang hah, antayin nyo kapag may nakita kayo nag-chchess, kaliwa agad dun’ madalas po ang tagisan ng lakas ng isip kpag usapang old skulan noong sikat na sikat pa ang cellphone na 3310 at lagpas 10,000 pa un nun

  27. Jeds at Tsutsay!

    Hahaha! Ganda ng kwentuhan niyo dito ah! Tambay na tambay ang dating! I love it!

    Tem-i of Alasais

  28. Tsusay and Jeds,

    Korek. Yan ang tinatawag na “TEKNIK”. Talagang pinag-isipang mabuti ang paraan para maiwasan ang paghingi ng mga buraot na kaibigan! Malayo ang mararating niyo sa buhay kung ganyan kayo kagagaling mag-isip – klasik batang kalye!

    Tem-i of Alasais

  29. Jeds,

    Nako, hindi ko na kinukutsara yang Jelly-Ace na yan. Tinatapat na lang yan sa bunganga sabay pisil ng ilalim para maitulak agad yung buong laman nun! Tama ba nga kakosa? Diba? Dibaaah?!!!

    Tem-i of Alasais

  30. Tsutsay,

    bwahahaha! Parang nalito ako sa kwento mo at ng lolo mong kasabwat ah! Parang nawindang ako sa dami ng chichirya at sa paiba-ibang sukli na binibigay sayo! Hehehe! Ganyan talaga ang buhay bata. Kanya-kanyang diskarte lang sa pagkuha ng mga gustong kainin at inumin. Maganda yang diskarte mo. 10 years from now, nakakatawa sigurong isipin na gagawin din satin yan ng mga anak natin…or apo. Hahaha~

    Tem-i of Alasais

  31. Jeds,

    Hahaha! Ikaw nanaman nga ang una! You win a date with Tenco! Yung pizza flavor, yun na yung bago nila eh no? Dati classic flavor lang ang meron sila at hindi ko alam kung anong tawag sa flavor na yun – basta masarap siya.

    Magandang ideya talaga yan Jeds!

    Tem-i of Alasais

  32. faborit ko ang lechon manok,lechon baboy at choozen na tsitsirya dahil sinasawsaw ko pa ang mga ito sa suka….masarap din ang pritos ring kahit galit na galit si mama na bumibili ako ng mga ito di ako naging suwail dahil lagi nya sinasabi wag daw kumain ng mga ito dahil nakakabulate , nakakahepa at kung anu ano pangpananakot pero wa epek dahil bumibili pa rin ako hahahahahahahaha

  33. Tenco,

    Gago ka buti nga natandaan ko pa yung tsitsiryang yun eh! Ikaw nga walang nagawa eh kaya mas bobo ka!

    Tem-i,

    Parang hindi ako satisfied sa Cheezles mo. Parang hindi yun ang pakner ng ChickadEEs eh. Nag-imbento ka lang ata eh.

    - Tikboy

  34. Tsutsay, Proper, Jeds at Deadpool,

    Ang sarap ng kwentuhan at hiritan niyo. ‘Wag niyo na lang isama si Tenco sa usapan kasi mayabang yan eh.

    - Tikboy

  35. tem-i,

    ang laki kaya nung jelly-ace na un! kasya ba un sa bibig mo ng isang subuan lang??? ung mini-jelly ace ata ung sinasabi mo eh.. hmmm…

    tara na guys chichirya party na tayo! tapos sounds natin ung sikat nung 90s — Ice Ice Baby, Always, Boom Shack-A-Lak, Dying Inside chaka Boombastic! wahaha diba? diba? Tsutsay share tayo sa chichirya mo ah.. penge ako :p

  36. Jeds at tsutsay kayo na ata bagong moderator ng alasais?hahaha
    Wasak!

  37. “walk like an egyptian”, mga awitin ng Eraserheads, Bon Jovi, Boys 2 Men…Hay 90s!

  38. waw tsitsirya. sarap talaga nyang cheesedog na yan. ung drowing pa ng plastik ung mukang saging na hotdog. haha. meron pa ko peborit dati ung bilog na chocolate parang kasing size ng piknik. donut ata title nun. di ko na maalala. d best padin pritos ring, kahit kuya ko adik din dun e. hanggang ngayon meron pa to pero mas masarap ung lasa nung dati. lechon manok at lechon baboy pag hinaluan ng suka panalo din. kobi naman parang fries. ay nakakamiss. andami pang iba.

    sana nga magkakitaan na mga tambay dito. :)

  39. Hay. Ansaya talaga bumalik sa 90′s life. Tem-i!! agree ako dun sa Mr. Chips. Yun nga ang masarap ngatain pag maliligo ka sa pool o kahit sa maduming ilog pa. Curious ako sa mga mukha niyo tara party tayo! Pwede ba bata jan? hehe

  40. party na! san ba pwede tumambay?

  41. saan ba ang tsitsirya party kelan at anong oras para makapagdala naman ako kahit zest o hehehehe

  42. Eds at Tsutsay,

    Eto try niyo: Kanin tapos ulam Ovaltine. sarap niyan pramis.

    - Tenco

  43. Deadpool,

    Hahahaha haw flakes!

    - Tenco

  44. Tenco,

    Mas masarap ang kanin na mainit tas powdered milk.
    Pero may tatalo pa ba pag kumain ka ng chocolate sundae at pag may natirang chocolate sa gilid ng baso eh lagyan lang ng tubig at tsaka konting halo ng kutsara..(taadeng!!) instant MILO! basta para saken para siyang milo. ehehe.

  45. Tem-i,

    alam ko na sinasabi ni Eds na jelly ace. Kinukutsara nga yun. May libre kutsara na natutupi di ba Eds? Medyo malaki yung jelly ace na yun na parang nakalagay sa cup. Tapos pwedeng dalawa o tatlo yung bilin mo nun sa grocery. 3 color lang yun eh orange,red and green. tama ba ko Eds? o kaya Red or Green lang bilin mo.

  46. Tenco, Tem-i and Tikboy,

    paparty naman kayo. Magdadala ko ng pansit! Tapos si Eds lumpia, Si Proper zest-o, Si Deadpool naman magdadala ng haw flakes kasi yun ang gagamitin nating ostya pagnagmisa bago mag-umpisa sa kadamutan ng tsitsirya. para naman malasa yung ostya di ba? “Katawan ni Tikboy…” “Masarap!..” ay ano ba? “Malaki?”.

  47. Snowden,

    ok sa word a? wasak! walang bang “punit?” ehehe.

  48. hahahaha! oo nga pat tatlo or apat na kulay/flavor ata nung jelly ace na un. pasalubong un lagi nung nag-aalaga sakin nung bata ako e.

    hmmm pwede ako magdala ng delicacies galing samin, basta im sure masasarapan kayo, hahahaha tuloy ba ang party? :D

    “katawan ni tikboy…” “mmmmm!…”

  49. Eds,

    May Mang Kepweng pa bang tsitsirya? o hindi mo na naabutan yun? Minsan pumunta ko sa tita ko naghanap ako nun “Tita may mang kepweng ka ba dyan?” sagot ba naman, “sinong mag papaalbularyo? na nuno ka ba?” “ay tita,tsitsirya po yun. medyo mahaba konte na matigas pag hinawakan! sarap po isubo este kainin..tapos may lasa po sya. ay! malasa po pala!”. “hoy! ikaw babae ka! magpagamot ka nga!kung anu ano nanaman yang kalokohan mo!” hmp! palibhasa matandang dalaga kaya kung anu ano iniisip e.

  50. Tem-i,Tikboy,Tenco,Eds,Proper,Deadpool,Snowden,

    Gusto nyo ba ng flat tops or curly tops? Ano mas masarap? Pero parehong flat yun di ba?

  51. o sige para magka alaman na asahan ko kayo sa kutaan ko ha hehe..hindi lang dito sa alasais ang gusto kong tambayan nyo hehe..

  52. sa tambay ng alasais

    hahahaha! ako pa gagawin nyong pari ah! ala na akong makitang haw flakes ngaun! peborit ko pa naman un!
    teka… magkka’party ba? hmmmm… kung meron man sigurado di ako mkakapunta! aalis na ako sa 17 eh! pero mkakabisita pa din ako dito! kaso pag nagparty adsent ako!

    tsutsay,
    mas masarap curly tops kasi nka box n parang cup cake na tsokoleyt!

  53. Mga Katoto, Kakosa at mga gustong umepal pa!

    Sa tingin namin ay magandang idea talaga yang “Kita-kits” na ‘yan. Pinag-usapan nga naming tatlo yan over the weekend habang nagbabalat kami ng singkamas na ninakaw sa kapitbahay eh. Tinignan namin ang aming mga schedule at August ang pinakamalapit na libre naming oras. Kaya kunin na ang mga kalendaryo at tumingin tingin na ng mga magagandang araw sa August, ok?

    So for the rest of June and July, we can all share our thoughts on what to do, where to do it and who’s attending, stuff like that. It doesn’t have to be big, kahit nga sa bahay lang ng kung sino mang libre ay OK na din.

    So we hope na matuloy ‘to at kung hinde, eh di kaming tatlo na lang ang kakain ng chichirya.

    We labyu!

    Tem-i, Tenco and Tikboy of Alasais

  54. ………ei..

    am i too late for this??

    pasali naman…join me jan sa gathering n yan if ever ah..haix..sorry at absent n nman me for two weeks..Board exam po kxe..and now im done!!it’s time too party!!!August ang Oath taking namin..sna wag mpatapat sa date n un para join akuh..

    ..teka mabalik sa usapang tsitsirya/chichirya..
    fave kuh din sa lahat ung Richee, moby, at xepre ang all time fave na Clover chips..haix..food junkies..yan ang bumuhay samin nung H.S pag ayaw namin kumain ng proper food..at ang pamatay na tortillos na hanggang ngaun ay umaariba parin sa sarap…haix..

    at anu daw ung npag uusapan sa comment na masarap??katawan ba kamo ni Tikboy??..patikim naman..hahahaha…juk..

    namish kuh dito….feels like home..

    =)

  55. Andreidae,

    Welcome back, my dear! Kumusta exams mo? Sana hindi ka na magtake ulit next year ha? Congratulations! Ay oo naman, tortillios, tanginang chichirya yan, napakasarap amfufu…hahaha!

    Glad to have you back, Cutie!

    Tem-i of Alasais

  56. Tsutsay,

    Chocnat fan ako eh!

    Tem-i of Alasais

  57. Tsutsay,

    Bwahahahah! Ay bastos!

    Maginoo pero medyo bantot..este bastos…

    Tem-i of Alasais

  58. Tsutsay at Eds,

    Aaaaaaah, gets ko na yung sinasabi niyong jelly ace na malaki. Oo may libre ngang kutsarita yun. Transparent na medyo matigas ang plastic dba? Oo nga lalaki nang husto bibig ko pag isinubo ko yung buong lalagayn..baka mapagkamalan akong Tikboy…este…uhm..matakaw…

    Tem-i of Alasais

  59. Jew,

    O diba? Mr. Chips talaga ang masarap sa swimming eh! Ilang taon ka na? Pwede mo naman isama ang magulang mo kung bata ka pa. Hahaha!

    Tem-i of Alasais

  60. Snowden,

    hahaha! Wasak ba? Ok yun ah. Tagal ko na din hindi naririnig yun – Wasak! Uhm!

    Tem-i of Alasais

  61. Adonis,

    Natutuwa naman ako dahil naging suwail kang anak. Heheh! Biro lang. Laging sundin ang mga magulang natin. Bumili nang patago at ibulsa ang mga maliliit na tsitsirya tulad ng tomi.

    Tem-i of Alasais

  62. kaninang umaga naisip kong magbenta ng bote sa magbobote at ipagpalit ng napakasarap ng tyis karls- eto tawag ng magbobote samen eh. Ang pleybor e tyis na tyis pati nga kulay ng supot ay kulay tyis na din dahil sa yellow pages na lalagyanan. Ito na ata ang lumang tsitsirya na masarap kong natikman bukod sa pom-poms. Haaay.. sarap! Parang katawan ni Tikboy… ANO DAW?!

  63. Tem-i,

    Malaki ba talaga bunganga ni Tikboy? Napapaisip tuloy ako. Naisip ko kasi si Carding ng ReyCards. ehehe!

  64. tsutsay!

    sori naman ngayon lng ako magrereply sa comment mo, nag twilight saga mode ako kahapon e, hehehe.

    hindi ko na ata naabutan yung mang kepweng na chichirya, ngayon ko lang narinig ko ah. mas gusto ko flatops kesa sa curly tops =)

    andreidei: sana pumasa ka!

    tem-i: un nga un! ayan gets mo na =)

  65. Eds,

    Oo nga mas masarap ang flat tops. MALAKI mas masarap! kasi maliit ang curly tops eh. isang subuan lang.

  66. Hi Tem-i

    ckoknat fan ka pala. ako din eh. Alam mo ba yung choknat na ang balot nya eh Voltes 5? Kasi paborito ko yun. Mas sikat yun dati sa kesa sa choknat mo.

  67. Say-Say,

    ‘yang chocnut mo ba e pampalakas yan? balot pa lang tunog na parang may power pagkinain mo eh. Vooolltes Fiiiiivaah!! Pero masarap din ‘yung spinach ni Popeye db?

  68. Ayan! nakikigamit kasi ng PC si Say-Say eh..

    Say-Say,

    ‘yang chocnut mo ba e pampalakas yan? balot pa lang tunog na parang may power pagkinain mo eh. Vooolltes Fiiiiivaah!! Pero masarap din ‘yung spinach ni Popeye db?

  69. Tsusay:

    Ayan kasi mali-mali na ang name na ginagamit. (hehe) Yung choknat kasi pampagising yun sa mga inaantok. Hindi pa ako nakakatikim ng spinach eh..ask mo na lng si Popeye. para maka sure ka…

  70. Saih,

    ano ba yan! paiba iba ng name! sa totoo lang nakausap ko na si Popeye kanina lang habang nagiisip ka ng sasabihin mo. Masarap daw yun pero mas maganda kung ang kakain e lalaki. Imagine-nin mo ang seksi ko tapos kakain ng power spinach? (oo seksi ako! wag ka ng umangal!) ano na itsura ko nun? katawan ni Popeye?

  71. Tsutsay:

    final na ang “saih”
    Alam ko sexy ka, hindi naman ako kokontra dun eh. Imagine ko lang na katawan mo eh si Popeye..(yucky)Pero alam mo ba kung sino ang kumakain sa spinach?? Nakalimutan ko na kung anong animal yun. Basta isa syang uri ng hayop.

  72. tsutsay,

    mas maliit ba ang curly tops? usapang tsokoleyt na rin naman, meron pa bang serg’s ngayon? in fairness sumasarap na ang goya. lalo na ung dark chocolate. hehe.

  73. Eds,

    Natatawa ko kasi di na tsitsirya na paguusapan dito.wahaha! pero pagkain pa rin naman eh. wala ng serg’s ngayon. oo masarap na goya ngayon peyborit ko dark chocolate. isa yan sa pinagdadamot kong pagkain.

  74. Tsutsay, Eds at “Saih”?,

    Serg’s football-shaped chocolate na nakabalot sa foil – da best. Period no erase. May bago ba tayong tambay dito? Welcome Sarah Giselle!

    Tem-i of Alasais

  75. Tem-i,

    oo bago si Sarah. bago kong recruit. naintriga siya sa binabasa ko. biglang umentra kaya nagkagulo gulo tuloy kanina yung name. ehehe.

  76. Tem-i:

    thanks for welcoming me in the group. Sana eh sa pagtatambay ko, may matutunan ako sa inyo kahit konti.

  77. saih:

    welkam! cguradong marami kang matututunan kina tem-i, tikboy, at tenco kaya tambay ka lang lagi! teka, bakit nga ba wla kang sariling pc jan? na-iimagine ko tuloy kayo ni tsutsay na nagaagawan sa keyboard, hahahaha.

    tem-i:

    korek! da best nga ung Serg’s football-shaped chocolate na nakabalot sa foil. sayang wala nang ganun ngayon. pero mas peyborit ko pa rin ang hello panda. sarap ng filling!

  78. Jeds:

    thanks’ kay Tsusay at nakapasok ako dito. takang-taka kasi ako kung anong ginagawa ni Tsusay, akala ko nung una friendster ng friendster..hanggang hindi nako nakatiis na mang urirat..sabi nya maganda daw dito…palagi ko lang syang pinagmamasdan, hanggang sabi ko sa kanya..”pat, pwedeng pa try???” hehe..ayun na, dun na nag-umpisa lahat.

    Tsusay:

    hinawa mo ako sa bisyo mo ha?! nakakahawa ka.

  79. Eds:

    Makulit kasi ‘tong si Saih e. Sabi ko nga busy ako sa kakatrabaho dito. di ko namamalayan nasa tabi na ko at siya na ang pumipindot ng keyboard ko. napunta tuloy ako sa kabilang station. akala ko dun nako nakaupo eh.

    Saih:

    Nagpaalam ka ba na pipindot ng keyboard ko? wala ka naman sinabi na pa try eh? basta ka na lang pumindot pindot at nagkoment kay Tem-i tungkol sa chocnut. Sa totoo lang parang inlab si Saih kay Tem-i dahil sa chocnut na yan. Tapos nagtanong na kung sino si Tem-i. ‘di mo ba tatanungin sina Tikboy and Tenco? Si Tikboy kamukha daw ni Carding na malaki yung bunganga. Si Tenco naman mayabang daw…lahat yan sabi ni Tem-i.

  80. Tem-i:

    Tama ka masarap yun at the best! Masarap yun kasi smooth ang pagkachocolate nun habang ginugulong gulong ng dila mo sa loob ng bibig at natutunaw.

    Eds:

    Meron pa nun. May tinda nun tita kong matandang dalaga eh!

  81. Tsutsay:

    Gusto ko ng “wonder boy’ yung puti ang balot? na parang tortillos na hindi naman parang tortillos.

  82. Saih:

    Sige sama ka sa’ken punta tayo ng Divisoria bilan kita ng isang plastik. Pero dapat sagot mo pamasahe simula The Fort ‘gang Divisoria ah?

  83. Saih:

    Halatang wala tayong ginagawa.puro tayo tambay dito! ehehe.kain ka ng kain ng Darna dyan, penge nga!?

  84. “Masarap yun kasi smooth ang pagkachocolate nun habang ginugulong gulong ng dila mo sa loob ng bibig at natutunaw.”

    pat, kakaiba ka tlagang magdescribe! parang laging may konting malisya, hahahahaha.

  85. hoy sasama ako jan sa chichirya party na yan. deadma na muna sa putanginang dieta. pag nafinalize, pakisabihan naman ako pleast.

  86. Eds:

    Hahahaha! Ikaw ha? Mura pa isipan ko. ‘wag mong bigyan ng maling kahulugan ang lahat. ‘Di ka naman matandang dalaga tulad ng Tita ko para mag-isip ng kung anu ano. ehehe. Ganun talaga.. “masarap!”

  87. sino nkaka’alala dito ng benson? ung candy na caramel tapos may chocolate sa loob! un ang panalo! sarap nun! ngaun wala na yata nun!

  88. Tikboy,

    Tangina mong animal ka. Miss na kita tol.

    - Tenco

  89. Proper,

    Lintek sa sarap niyang bwiset na Kropek na ‘yan! Sarap kainin niyan tuwing brownout e. Try mong kainin sa tanghaling tapat ‘yan, hindi masarap.

    - Tenco

  90. Tsutsay,

    Walang hingian ng pagkain? Papatayin mo kami sa inggit a.

    - Tenco

  91. Adonis,

    Chosen ba kamo? Masarap nga ‘yun! Pati ang Lechon Manok, da best sa anghang! Kumukupas pa ang printed design.

    - Tenco

  92. Tikboy,

    Hindi mo ba maalala ‘yung theme song ng Cheezles at Chikadees? Mga kakosa paki-paalala nga rito sa bugnutin na ‘to.

    - Tenco

  93. Proper, Chadings, Ipe, Rojan, Adonis, Deadpool,

    O ano raw ‘yung Mang Kepweng na mahaba at matigas na sabi ni Tsutsay..

    - Tenco

  94. Tsutsay,

    Curly Tops ako, mas malasa ‘yun e.

    - Tenco

  95. Andreidae,

    Congrats!

    - Tenco

  96. Deadpool,

    Benson’s Eclair yan diba? Medyo sexy pa ang patalastas niyan eh. Tutulo yung inner caramel sa labi tapos didilaan ata nung babae…haay Benson’s Eclair…

    Tem-i of Alasais

  97. Eds,

    Uy Hello Panda! Impernes masarap ‘yan! Kapag kumain ka ng isa, hindi mo mamamalayan e makaka-100 na piraso ka in 15 minutes. Walang biro. Scientifically proven.

    - Tenco

  98. Tsutsay,

    Wow, ang landi mo namang kumain ng chocolate. Hhhmm…

    - Tenco

  99. Diona,

    Hahahaha! Napamura sa pag-d-dyeta e :)

    - Tenco

  100. Deadpool,

    Benson! Parang sosyal na kendi sakin ‘yun e, at oo pare masarap nga ‘yun.

    - Tenco

  101. alasais boys…

    naalala ko dati sa Kool Ka Lang na show nila raymart at long mejia, kapag nag-guest ka may pa-premyo kang makukuha, “Kropek na malutong at masarap isawsaw sa suka”…walang kasing saya din ang magbasa ang mga pakikipagsapalaran ni Bazooka Joe habang ngumunguya ng Bazooka na korteng sabong panlaba…TOMI yung may mascot na taong kweba! at ang mga klasik na tsitsirya ng Regent, tulad ng Sweet Corn na laging pinapalabas kapag manonood ka ng Bioman sa linggo…isa pang nauso ay choki-choki, langya umabot sa mga panahon na pinagbawal sa loob ng klase namin yun…last na classic na pagkain: naaalala nyo pa ba ang digmaan ng mga tsokolate? Serge (ikaw pa rin!) laban sa Goya? kakatuwa ang mga palatastas nila noon, maalala ko, may Birch Tree pa ba sa mga tindahan?

    Mang Kepweng???? hahaha…

  102. Proper,

    “Serg’s…Ikaw pa riiiin….” Seksing babae nanaman ang nagsabi niyan! Ayos ka Proper a! Tinuruan din tayo ng Bazooka na magbasa ng napakaliit na sulat – Salamat Bazooka Joe at ang iyong gang!

    Natatawa ako sa “Serg’s..Ikaw pa rin…” Bwahahaha! Nagrereplay sa utak ko yang patalastas na yan sa Channel 13! Haay buhay kalye…

    Good post Proper!

    Tem-i of Alasais

  103. Proper at Tem-i,

    Bwahahahahaha! Serg’s ikaw pa din! tama si proper! yan talaga ang away nung dalawang chokolateng yan! Channel 13 – tahanan ko pag weekend ng gabi at umaga dahil madalas din dito ang ultraman, daimos at voltes v! Nano nano commercials, golden sweetcorn na nag-iiba iba ng mukha sa patalastas pati na din ang regent mocha cake!

    Marikina Chapter – MaBUHAY!

  104. Chadings,

    Bwahahahaha! Regent Mocha Cake talaga…may dalawa pang flavors yun eh..pandan yung isa, hindi ko maalala yung isa pa. Pero naging baon ko din yung nung bata ako eh. Ay Voltes V! Siguro pwede nating gawan ng hiwalay na blog yang mga cartoons na yan. Da best ang Voltes V eh! Putanginang chain knuckles yan!

    Ayos sa hirit Chadings! Lipat na tayo sa Marikina!

    Tem-i of Alasais

  105. wag ding kalimutan pareng chadings…ang channel 13 ay nagiging VTV sa gabi na nagpasimula ng bansag sa PBA na: Bayan ng Superstars…tahanan talaga yan ng Regent Foods…tulad ng SNACKU naku po! kung ang gatas kay Tem-i ay Ri-chie…ang gulay ko naman ay SNACKU…

    Nanay: “Proper! bakit hindi ka kumain ng gulay?”

    Proper: “nag-SNACKU po ako kaninang umaga kasabay ng pag ehersisyo ko sa gym team at sa tanghali habang nanonood ng Bulagaan, yan ang gulay na paborit ko

  106. Proper at Chadings,

    Bwahaha! Ahahaaay (tawa ni Jimmy Santos)! P! B! A! Bayan ng Superstars! (Sing to the tune of “Another One Bites the Dust” by Queen na naging entrance song din ng wrestler na si Junkyard Dog!) Hahaha!

    Kumpleto na ang pagkain – may hotdog ka na, may gulay ka na, may gatas ka na at may kanin pa – Pop Rice!

    Putanginang Alasais to – da best ang mga tambay dito!!!!!!

    Tem-i of Alasais

  107. maraming salamat din at binigyan nyo kami ng tambayan

  108. mga kosa ibang klase talaga kayo! hahaha! snacku at boogey man tag team parehong marijuana(kasi gulay) flavor…
    eh ung wonder boy kaya anong flavor nun! kakaiba kasi lasa nun! nakaka’adik! parang cocaine flavor…

  109. Deadpool,

    Boogey man – isa pang klasik na chichirya. Haay eh roller coaster naaalala niyo? Gusto ko din yun dahil pwedeng gawing substitute para sa pritos rings diba?

    Adik ka no? Hahaha!

    Tem-i of Alasais

  110. proper:

    sa iskul din namin ipinagbawal ang choki choki. ansarap nun!!! lalo na pag galing sa ref, hahaha. sa mga girls, naaalala nyo pa ba ung Joy? un ung kendi na parang pacifier? i’m sure walang tunay na lalaki na sumisipsip nun!

    tem-i:

    agree!!
    “may hotdog ka na, may gulay ka na, may gatas ka na at may kanin pa – Pop Rice!” at at, may seafood pa – oishi prawn crackers. pucha complete meal na!

  111. Tsutsay:

    “12:00: na. lunch break na. Tara Pat, libre kita ng Tivoli jan sa may ministop. (eka meron ba dun?!)

  112. Tenco:

    ‘di kaya parang deniscribe ko si Mang Kepweng? Sa tingin mo? tsaka puro lalaki ata ‘yung pinagtanungan mo? (Proper, Chadings, Ipe, Rojan, Adonis, Deadpool)

    “O ano raw ‘yung Mang Kepweng na mahaba at matigas na sabi ni Tsutsay..”

    Proper, Chadings, Ipe, Rojan, Adonis, Deadpool:

    pakisagot nga please..parang naguluhan din ako sa sinabi ko eh!?

  113. Tenco:

    ‘di kaya parang deniscribe ko si Mang Kepweng? Sa tingin mo? tsaka puro lalaki ata ‘yung pinagtanungan mo? (Proper, Chadings, Ipe, Rojan, Adonis, Deadpool)

    “O ano raw ‘yung Mang Kepweng na mahaba at matigas na sabi ni Tsutsay..”

    Proper, Chadings, Ipe, Rojan, Adonis, Deadpool:

    pakisagot nga please..parang naguluhan din ako sa sinabi ko eh!?

  114. Saih:

    Waaaw! TIVOLI! sarap nun ah? ‘yon ba yung brown ang labas at pagkinain mo may puting tutulo?…
    kasi mainit sa labas pag kinain naten di ba? taas pa naman ng araw sa labas. Pero kahit sa gabi naten kainin ganon din naman eh. Tutulo at tutulo din ang Tivoli. Ngayon may natutunan ka na sa’ken Saih kung bakit TI-voli ang namen nyan.

    ‘nga pala! sama ka saken maya libre din kita ng NOGNOG after naten kumain ng Tivoli.

    Sino gusto magpalibre ng TIVOLI??

  115. Tenco:

    Pasensya na kung nagkakagulo gulo ang name namen ni Saih. ehehe!

  116. tsutsay,

    tamang-tama at may inuman kami nila pareng ipe at rojan…isasama ko yan sa balitaktakan namin…pero ayon sa aking pananaliksik…barquillos daw sabi ng katabi ko o kaya naman ay yung isang karakter sa komics, na naging isang palabas na ginanap ni Chiquito, isa shang Albularyo…

    Saih,
    TIVOLI? aba tulad ng goya vs. serge, may kalaban din yang TIVOLI, ang CONEY ISLAND, naalala ko pa yun, koponan ni Allan Caidic yung TIVOLI tapos si Alvin Patrimonio naman sa Coney Island

  117. jeds,

    ang choki-choki na yan? parang Red Bull, Cobra, Extra Joss at Samurai Energy drinks yan…Kids edition, dahil talagang matinding “Sugar Rush” ang dulot niyan…(at basurahan na puro laway dahil sa dami ng kumakain nun)

  118. Tenco:

    malandi ba? haha! Maharte lang..

  119. Proper,

    Gym Team! Hahaha ngayon ko nalang ulit naalala ‘to. 2 hits!

    - Tenco

  120. Deadpool,

    Malupit talaga ‘yang Wonder Boy na ‘yan. Kumbaga sa sopdrinks parang Sprite, hindi mo alam ang tawag sa flavor pero masarap.

    - Tenco

  121. Eds,

    Nice one! Joy! Tumutunog pa kapag hinihipan mo! ‘Yan ang napaka-unique na kendi! Ang genius talaga ng nakaimbento niyan!

    - Tenco

  122. SITSIRYA daw dapat spelling :p

    favorite ko nung bata ako… Snacku (tama ba spelling)

  123. Kristine,

    Sitsirya ba? Hahaha! Oo nga naman. Kumusta ka na? Snacku nga Kristine at tama ang spelling mo. Tama nga ba? Ah basta, gulay yan, masustansya.

    Tem-i of Alasais

  124. Hahaha! Basurahan na puro laway eh no. Choki-choki: Kagat, pisil, sipsip…kagat, sipsip, pisil…

    Tem-i of Alasais

  125. Tsutsay,

    Tama ka. Wala kang takas sa TI-voli. Kelangan mong sipsipin at sipsipin dahil laging may tutulong puting katas. Kapag hindi mo sinipsip nang husto ay matatapos ito sa damit mo at sa bibig mo. Lagkit pa naman nun.

    Kaya Saih, galingan ang pagkain ng TI-voli.

    Lubos na gumagalang,

    Tem-i of Alasais

  126. Jeds,

    Haha tama! May seafood pa pala! Kirei at Oishi.

    “Oishi, Takeshi, McDonald’s-Jolibee, Cool-Aid Juicers, Cool-Aid Juicers, Ang TV!”

    Tem-i of Alasais

  127. piatos da best…….. lalo na pag yung cheese eh didilit sa daliri mo… uhmmm sarap tlg……

  128. grabe nakakaaliw talaga etong blog nyo na to. iba talaga pag kabataan ng dekada-90 ano iisa ang hilig. kung inyo po sanang mamarapatin eh ako po’y eepal na at sasali sa inyong munting talakayan.

    chichirya grabe lagi akong bumibili nyan pag inuutusan ako ng tatay kong bumili ng beer nya eh. syempre kung siya may bisyo dapat ako din meron. tortilios, tomi, cheesedog, sweetcorn, oishi, pritos ring yan ang mga tsitsirya na nilalantakan ko palagi. masarap kumain nyan tuwing weekend habang pinanonood sila mask rider black, machineman, voltes v, bioman, at maskman. may blog na ba tungkol sa kanila?..di ko pa nababasa lahat ng blog nyo eh..

    more power sa inyo at sana’y dumami pa ang mga mapaguusapan ninyo dito.

  129. Justin,

    Salamat pare. Sige, basahin mo lahat ng nandito. At kung may suggestions ka e sabihin mo lang.

    Welkam!

    - Alasais

  130. ngayon ko lang nabasa…. favorite ko yung mr chips hanggang ngayon :D miss ko yung peewee

  131. Ria,

    Na-miss ka naman namin. Siguro kung saan-saan ka nanaman nagtago noh? Akin na ang Peewee!

    - Tenco

  132. astig din dati yung E.T. na tsitsirya. sengkwenta rin yun pero may libreng laruan sa loob. Iba-iba. Pag swerte ka talaga, makakakuha ka ng free na 2pesos na papel. Nakarolyo ng sobrang siksik. Yung kulay blue na papel na si Rizal ang nakalagay. Kung payag yung tindera, pwede mong kapa-kapain. Parang pabunot ito na nakakain.

  133. Jayson,

    Hahaha, pwedeng kapain? Astig a! Ang alam ko walang masyadong nagpapakapa ng mga tinda nila e! 2 pesos na prize? How unique is that?! Galing ng memory mo pare!

    - Tenco

  134. nakakaalis ng stress ang mga blog nyo. keep it up!

  135. Marshi,

    Nakaka-alis din ng stress ang mga komento niyong ganyan. Keep it up! Teka, banyo muna ako.

    Tem-i of Alasais

  136. Pom-poms.. haaayy… nakakamiss.. yan yung chichirya na pwede mong ubusin sa loob ng Tin Sikons!
    Di ko alam kung sinong henyo ang may gawa nun pero saludo ako sa kanya! hahaha..

    Chikadees… kulay green di ba yung balot nun? yung may manok na drawing? naaliw ako sa free nun! yung natalon na goma! minsan pati yung chikadees lasang goma! hahaha.. mas mahal sya sa mga kalevel ng pom-poms di ba?

    Benta saken yung Milo saka Sunflower..^_^

  137. Bakuko,

    Ayos! Ngayon ko lang ulit naalala ‘yung tumatalong goma ah! Pa’no nga ba nilalaro ‘yun? :)

    - Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 27 other followers

%d bloggers like this: