22. Ibaba Ang Tarapal!

May 18, 1996…2:00pm.

Masaya kaming naglalaro nina Amy at Jong “Kulafu” Lawin.  Tirik na tirik ang araw.  Pawis na pawis na kaming tatlo at ‘pag inamoy mo ang bunbunan namin eh talaga namang mapapa-atras ka sa baho ng amoy-araw naming mga ulo.  Nadapa si Amy.  PInipigil niya ang kanyang iyak habang hinihipan niya ang kanyang sugat at pinapagpag ang buhangin sa tuhod at binti.

Amy: “Hipan…hipan…ihip…(pano ba isulat ang tunog ng ihip?)…aray…tsk…”

Jong: “Wala yan.  Malayo sa bituka…”

Nilapit ni Amy ang tuhod sa kanyang tiyan.

Amy: “Ayan, malapit na sa bituka”, sabay irap.

Nang humupa na ang sakit ay bigla ding humupa ang sikat ng araw.  Dumilim nang konti at natuwa naman kami dahil medyo nagkalilim.  Diretso kami sa puno ng aratelis para pumitas nang biglang dumilim lalo ang paligid.  May isang patak na dumapo sa balikat ko.  Tsk.  Eto na.  Alam na namin na malapit na matapos ang maliligayang araw ng pawis, kaitiman at libag.

Maulan sa Pilipinas.  Ganun talaga.  Ito ay dahil ang ating bansa ay isang tropical na lugar na madaming Tropical Hut Hamburger na kainan.  Napakasarap ng breakfast meals nila dito dahil laging may naka-hain na atchara.  At siyempre ang burgers nila, napakasarap din ngunit mabilis manguluntoy ang french fries nila.  Kaya kainin agad ang french fries bago pa ito kumunat.

Pero mabalik tayo sa ulan.  Parte ‘to ng buhay ng isang batang kalye.  Sino sa inyo ang hindi pa naliligo sa ulan?  Itaas ang kamay!  Eh sino naman sa inyo ang hindi pa naliligo today?  Huwag itaas ang kamay!  (Nyeh!)

Minsa’y masarap, minsa’y nakakainis.  Masarap ang ulan kapag malakas ito at pinayagan ka ng nanay mo na maligo sa labas  “‘Pag humina yan, uwi ka na dito ha?!”  Takbo agad sa labas at iisa-isahin niyo nang puntahan ang mga bahay ng kaibigan mo para ayain sila maligo sa ulan.  Kapag madami kayong nag-aya, mas madaling payagan ang mga kaibigan niyo ng mga magulang nila na paliguin sa ulan.  Minsan naman ay mamalasin ka talaga at kahit buong barangay pa ang mag-aya sayo sa labas ay wala sa mood si Nanay, Auntie o Lola na payagan kang maligo.  Teka, plan B!  Gisingin si Tatay at sa kanya magpaalam!  Kapag hindi gumana?  Plan C!  “‘Nay!  Andumi ng harapan natin!  Magwawalis ako ha?” , sabay taas ng kilay ni Inay.  “Gusto mo, walisin ko ‘yang pagmumukha mo?!!”

Isa pa naming gawain sa may amin noon ay manghuli ng mga baby na palaka.  hindi yung tadpole ha?  As in yung palaka na mismo yung itsura pero maliit lang.  Madaming ganun sa barangay namin dahil sapa ang katabi nito.  Pati mga gurame nagsusulputan sa kanal kaya nakakadagdag sa saya.

Pinuntahan namin si Jefferson (ang aking skwater na bespren) sa kanyang paboritong tambayan ‘pag umuulan – ang kalsada.  May hawak siyang timba at trapo.  Tagalinis siya ng mga windshield ng mga sasakyan na dumadaan.  ‘Pag naubos na ang tubig sa timba ay hahakot ulit siya sa may kanal, bubudburan ng konting Tide powder or Axion, kukuskusin ang tubig hanggang sa bumula at viola!  Instant panghugas ulit!

Malaki ang kita ni Jefferson ngayon.  Naka P26 siya sa isang oras na ulan!  Nilibre niya kami ng isaw at ulo ng manok na napakasarap kainin kapag basang basa ka sa ulan.  Hindi na niya kami  nilibre ng inumin dahil pambili na daw niya ng rugby yun.  Nasira daw yung sapatos niya eh.  Talaga lang ha…

Nasa bahay na ako.  Tapos na magshower.  Malinis na ulit.  Hindi nagbaha kaya tuyo ang sahig namin.  Sa next blog na lang daw yung baha.  Magkakabrown-out daw mamayang alas-nuebe. Nakasilip ako sa bintana kasi preskong presko pa ang katawan ko.  Ayan.  Umilaw na ang poste sa labas.  Tanginang lamok to.

- Tem-i


“Ma ano’ng sabi sa balita?  Wala raw bang pasok?”

“Meron daw, o eto nang kapote mo.”

“Ay sayang.”

Malakas ang ulan noon, suut-suot ko ang kapote pagpasok sa skul.  Wala munang late.  At parang wala rin munang klase.  Bakit kaya ganun noh?  Parang nagiging matamlay lahat kapag may ulan?  Hindi nasusunod ang lesson plan, mas mahaba ang recess, at mas marami ang oras ng kwentuhan kaysa pag-aaral.  Iba talaga ang nagagawa ng ulan!

Na-miss ko ang kapote kong kulay light brown na may malalaking itim na butones.  Parati akong lumalabas ng skul noon para tumambay sa gitna ng quadrangle.  Maya-maya, magtatakbuhan kame ng mga kaklase kong tuwang-tuwa rin sa mga kapote nila hanggang sa tawagin kami ng titser.  Maya-maya pa ulit:

“Class, suspended na ang klase.”

“Yeheeeey!”  Sabay kalabog ng mga sapatos.

Malakas pa rin ang ulan pag-uwi ko.  Tatanggalin ko lang ang polo ko at dali-dali akong gagawa ng bangkang papel para ipangarera sa may kanal sa tapat namin.

“O tatluhan lang masyado nang masikip e!”

“Tangina ang laki ng bangka mo a!  Luge!”  Sabay saboy ng buhangin.

Nagtakbuhan kame para hindi kame abutan ni Jep-Jep.  Bigla akong hihinto sa tapat ng kapitbahay para gawing shower ang alulod nila.  Pagtingin ko sa gilid e mas malakas ang buhos ng tubig sa kalaro ko.  Tapos nakanganga si Jep-Jep habang sinasalo ang tubig.  “Hoy may tae ng kalapati ‘yan!”  Sabay takbuhan ulet.

Masarap maligo sa ulan, minsan lang kasi mangyari ‘yun.  Sa loob siguro ng isang buwan e may isang beses na talagang malakas ang ulan at doon masarap lumabas ng bahay.  Kung hindi man ako maglaro e pinapaulanan ko ang likod kong may bungang araw, nakakagaling daw ang ulan eh.  Kung hindi ako naliligo sa ulan e nasa kwarto ako at natutulog.  Masarap ang pakiramdam ng tela ng unan at kumot sa katawan.  Malamig-lamig pa.  Pagkagising ko, 99% of the time ay may nakahaing mainit na tinola sa mesa kaya solb na solb ang araw ko.

Kapag weekend naman umulan, dyahe ang pagsama kay mama para mamalengke o mamili o kung anuman ang gagawin niya sa labas.  Siguradong mababasa ka pa rin kahit may payong pa.  Matatalsikan ng maliliit na putik at buhangin ang likod ng binti at paa mo.  Automatic na talagang hindi ka nakangiti sa ganito e.  Kapag sumasama ako kay mama, parati kong hinahanap ang tricycle na may pintuan kaya sobrang tumatagal ang lakad namin.  Habang namimili si mama, isasarado ko ang malaking payong para gawing espada, hanggang sa pagalitan ako ni mama.  Hay, ang sarap talagang maging bata..

- Tenco


“Taya, Tikboy!” ang sigaw ng kaibigan kong si Raprap.

“Ay umaambon na. Ayawan na uwian na!” ang palusot ko.

‘Yan lang ang isa sa mga minsang pagkakataon na ok kapag umuulan pero kadalasan talaga eh nakakapikon ‘to dahil tigil lahat ang laro lalo na kung hindi ikaw ang taya. Parang biglang titigil ang araw mo at mapapa-isip kung ano na lang gagawin mo.

Syempre una mong maiisip eh ang maligo sa ulan.

“Nay! Maliligo ako sa ulan ha?!” ang paalam ko.

“O sige basta hubarin mo ang t-shirt at shorts mo para hindi mabasa. Mag-brief ka lang” ang sabi ng Nanay ko.

Napatigil ako at napa-isip…

“Pucha ka pinayagan mo nga ako pero naka-brief naman ako” ang bulong ko sa sarili.

Hubad ako ng t-shirt at shorts sabay bato sa sahig ng sala namin para medyo makabawi kay Nanay sa pang-aasar. Gusto ko talagang maligo sa ulan eh kaya kahit naka-brief lang ok lang. Takbo na sa labas at aayain lahat ng kalaro. Kanya-kanyang pwesto na sa alulod para gawing shower. Kanya-kanya ring hubad ng tsinelas at gagawing bangka sa malakas na agos ng tubig sa kanal. Paunahan at dapat susundan mo tsinelas mo dahil kailangan mo itong kunin kapag malapit na sa imburnal. Marami na kong tsinelas na nawalan ng pares dahil sa larong ‘yan.

Mayroon rin namang mga Nanay na naliligo rin sa ulan. Tamang tambay lang sila sa tapat ng bahay at magwawalis. Pagkatapos magwalis eh syempre chika to the max na naman sila. Ginamit lang rin ang ulan para makapag-tsismisan at mapayagan ng asawang tumambay sa labas.

Pagkatapos magbanlaw sa labas ng bahay eh meryenda time na. Palagi namang after lunch ang pagligo sa ulan eh kaya pagkatapos meryenda na talaga at dalawa lang ‘yan, lugaw o champurado ang meryenda namin. Wala nang mas sasarap pa sa pagmemeryenda ‘to pagkatapos maligo sa ulan. Bagong suklay na one-side ang buhok mo at namumuti ang leeg mo sa pulbo habang  kumakain ng mainit na lugaw o champurado.

- Tikboy

Mga Puna to “22. Ibaba Ang Tarapal!”

  1. yehey first!! :)

    hindi ko maalala kung gusto ko ng ulan nung bata pa ko. cguro hinde, kasi pag umuulan lalo na pag super lakas e kelangan naming mag-evacuate sa bahay ng tita ko dahil baha na naman sa amin. buti nalang hindi na ngayon.

    sa buong buhay ko, once lang ako naligo sa ulan, at sa garahe lang yun, di man sa labas ng bahay :( pag baha naman samin, pinapanuod ko lang kapitbahay namin manghuli ng butete at magkarerahan ng tsinelas. ayan, makakarelate tlaga ako sa next post nyo about sa baha! kahit na nanunuod lang ako ng mga batang kalye na nageenjoy dito.

    ayaw ko ng ulan lalo na pag inabutan ako sa labas. bilang lagi akong nakaflipflops, ayaw na ayaw kong nababasa at napuputikan paa ko. ayaw ko namang magclosed shoes. hehehe arte no.

    gusto ko lang ng ulan pag asa loob ako ng bahay. malamig kasi. sarap magbasa ng twilight saga at magmarathon ng how i met your mother. at umiinom ng mainit na tsokolate. hmmm sarap :)

  2. Ang ulan..

    ayos sa olrayt ang post na itoh..dahil saktong umuulan dito sa school namin ngayon..

    haaayyy..ang ulan..ang sarap talagang maging bata..namimish kuh nadin ang pagligo sa ulan..badtrip ngaun dahil pagtitinginan akuh ng mga kapitbahay namin pag naligo akuh sa ulan ng gnto na itsura kuh…hhhaaayyyyzzz…memories…

    keep it up!!!

  3. 10am nakasilip sa bintana bigla kasi pumapatak ng paunti unti ang ulan, napangiti ako ng bahagya dahil baka macancell ang klase pagtumuloy tuloy ang ulan at nanalangin pa akong bumuhos sya ng pagkalakas lakas…yaahhhhhhh bumuhos nga ng malakas ang ulan ” mama, ang lakas po ng ulan” habang tumatalon talon pa ako at susunod sunod ako kay mama kung saan man sya pupunta or nakatayo lang ako sa harap nya habang may ginagawa sya “ano tinatayo mo dyan? “mama pwede po ako maligo sa ulan saba yakap kay mama para mas payagan ako dahil may lambing ng konti “sige, pero dyan ka lang sa bakod natin wag ka lalabas ng gate. napakunot noo ako pinayagan nga ako pero kj naman nito ni mama sa isip ko.. Dahil hanggang sa bakod lang ako isasama ko ipaligo ang mga tau tauhan ko don sila ang kasama ko maglaro habang naliligo sa ulan…

  4. masarap maligo sa ulan un lang talaga ang isa rin sa nagpapasarap nung pag kabata mo hehe..:)at ang champorado na meryenda na may tuyo pang kasama ay grabe sarap..:)at ang lugaw na ang sahog ay paa ng manok..kapag pagkain talga nabubusog na ko,,..

  5. after lunch lagi ang time ng ulan dati… patutulugin ako ng lola ko nun! pero gnagawa ko tumatakas ako para makaligo sa ulan! dahil sigurado pagdating ng pagtitipon ng tropa eh siguradong ikaw ang walang makkwento tungkol sa ulan “oh tommy san mo nilagay ung mga isdang nahuli natin… nandun sa bote balikan natin mamaya para di makita ni inay” yan lag ang kwentuhan ng tropa….
    tuwing umuulan kasi parang may oras nun para pumunta kami sa simbahan kung saan laging nag bbaha ung street papunta dun… ung ang parang swimming pool namin kasi may mga kanal sa gilid at un ang gnagawa naming swimming pool… madalas pa ako makainom ng tubig kanal nun!
    at magpapadulas dun sa gilid na kanal na may lumot… hihintayin namin hanggang humina ang ulan nun at parang kandila din kaming natutunaw habang humihina ang ulan dahil pag tigil ng ulan eh uwian na… at tapos na ang pag sswimming sa maitim na kanal na may mga isdang pakalat kalat…
    ganyan kami nung bata pa kami….
    haiii… wala akong maisip ngaun na masusulat… antok pako! next time ulit…

  6. Jeds!

    Yey! First ka nga! Andami mo namang ayaw! Hehehe! Adik ka pala sa How I met ha…Pag umuulan naman ay gusto kong magmarathon. As in marathon. Abangan ang blog tungkol sa baha. Probably hindi siya next week pero magkakaroon niyan, wag mag-alala…may nagmamahal sayo..nandito akooooOOOOOOHOOOOHH!!!

    TEM-I OF ALASAIS

  7. Andreidae,

    Hahahaha! “Tanda-tanda na, naliligo pa sa labas…bakat pa ang bra!”, sabi ng mga matatanda pag nakita ka.

    Tem-i of Alasais

  8. Adonis,

    Tamang tama ang pagkaka-describe mo. Nangyari na sakin yan. PInayagan pero hanggang jan lang. Hahaha!!! Actually, masarap sa pakiramdam ko ang ulan lately. Ikanga ng kaibigan ko, hindi na niya elangan magpacarwash ngayon dahil hihintayin lang niya ang ulan.

    Good post!

    Tem-i of Alasais

  9. Tungawerts!!!

    Siyet na malagkeeet!!! Korek ka diyan!! Champorado sa hapon habang umuulan! Waaaaaahhh!!!! Good times yun. Tsk…tangina sarap nun ah…

    Tem-i of Alasais

  10. DeadPoolzzz,

    Swak ka nanaman pare. Languyan sa kanal. Sharaf. Walang pakialam ang mga bata nun. Ay teka…saka na ako magkukwento tungkol sa baha. Gawa tayo ng isang hiwalay na blogisode tungkol diyan. Matulog ka na muna. Next time ulit. Deadpoolzzz!!!

    Tem-i of Alasais

  11. tem-i
    eto nagising nnaman ako sa ingay ng kapitbahay namin na nag aaway dahil sa walang kwentang pnagaawayan tungkol sa salapi! haaayyy… sana umulan na lang para mas masarap ang tulog ko!!!
    coffee muna!!! time check 11:37pm…

    DEADPOOL O_o

  12. ang sarap tlaga ng ulan.. naalala ko ang mga ginagawa namen kapag umuulan..

    meron kaming 2 option:
    1. pupunta kami sa tabing ilog ng marikina at manghuhui ng isda para mag-picnic sa gabi.. karaniwang huli ay tilapia, bangus, talabantan, gurame, carpa, etc.. kadalasan ung maliit lang na isda ang binibigay sa amin ng mga matatanda at ung malalaki ay binibenta nila.. pagdating ng gabi, magkukumpulan na ang mga bata sa isang malaking papag na ginawang lamesa upang kumain ng sinigang na isda at mainit na kanin..

    si pepe ang mongoloid nameng kalaro ay kasali sa pagkain dahil isa sya sa madaming nahuling isda.. ang daming nakain ni pepe at bigla itong dali daling umalis sa kanyang pwesto sa papag.. lumipat si lando sa pwesto ni pepe at kinain ang pagkain na nasa harap nya.. sabay sabi ng kanyang katabi na “bkit mo kinain yan? sinuka na yan ni pepe!”..

    hindi lang isda ang nahuhuli namen sa ilog.. meron din mga ahas, palaka, butete, daga at suso(kuhol ha. hindi dibdib ng mga babae).. naalala ko pa nga na nag-alaga ako ng ahas pero tumagal lang sya ng 2 araw dahil natuto na agad itong mangagat at kinailangan na namen wakasan ang kanyang buhay..

    2. pupunta kami sa provident village.. magbabasketbol o kaya ay mangunguha ng mga prutas sa mga puno.. ang bola ay ginagamit namen madalas na pambato sa mangga at bayabas.. khit mapakla ang lasa ng mangga, mag-aagawan pa kami at makikikagat sa bawat manggang makukuha..

    kay sarap tlga balikan ng tag-ulan.. =D

  13. Ipe,

    Totoy-Go-Large! Bwahahaha!!! Da best ang pangalan mo ah! Klasik talagang manghuli ng gurame Pare. Nadale nanaman kayo ni Pepe. Actually madmai din kaming nahuhuling suso nun eh, hindi nga lang yung kuhol. Manyakis kasi si Jefferson at napakagaling manilip. Boy Drill ang tawag namin dahil mahilig siyang gumawa ng butas sa mga kahoy na dingding sa skwateran na tinitirhan niya. Talentado talaga yang skwater kng bespren…

    Mukhang tambay ka talaga sa Marikina pare a. May mga kaibigan ako sa Marist pero hindi ko na maalala ang mga pangalan. Haha!

    Nice post tol. First time mo dito no? Ngayon ko lang na-encounter ang pangalan na yan eh.

    Go Large Please!

    Tem-i of Alasais

  14. taga-marist nga po ako.. lumaki ako sa marikina at nasa puso ko pa din ang marikina.. kakaiba nga ang mga kaibigan natin mga skwater.. sa kanila ka matututo..

    dun nga ako nagpatuli sa tatay ng kaibigan kong skwater.. binigyan lang ng tatay ko ng bente pesos at ayos na ang tuli ko.. isang linggong bayabas un.. ang kagandahan lang sa tuling iyon, ay kinabukasan naka-brief na agad ako..

    first time ko nga po dito sa inyong palatuntunan..

    keep it up mga kakosa ka kalye!!!

  15. Deadpoolerts,

    Haay salapi salapi…ikaw ay napaka talafi…malapit na maghatinggabi, mapuputol na ang katawan mo. Teka makapaghanda nga ng asin at mabudburan ang kalahati para hindi kana makabalik sa bewang mo.

    Tem-i of Alasais

  16. mas masarap maligo sa ulan pag may bagyo, ung tipong anlamig lamig ng hangin tsaka ung tulo sa alulod anlakas din. sa bulacan pa naman lagi umaapaw ung palaisdaan kaya sarap manghuli ng mga isda sa baha. kulit pa nung mga kapitbahay dun may float pa pag mataas ung baha. akala ata nila swimming pool.

    ay lab yor blogs

  17. K aka Daga!

    Ay korek na korek ka jan! Swak sa banga! The best tumambay sa ilalim ng alulod pag malakas ang ulan, parang waterfalls!

    We love your comment!

    Tem-i of Alasais

  18. Totoy Mol..este..Go Large,

    Aba aba aba…Tubong Marikina ka pala ha? At taga-Marist ka pa! Sa pagkakaalam ko ay all-boys school yang Marist na ‘yan. 20 pesos? Hahahaa! Talaga namang may skills din ang tatay mo ‘no? Alam kung kanino ipapatuli ang kanyang anak sa mas murang halaga! Isang linggong langgasan lang, pwede nang binyagan!

    Ok ang mga hirit mo, mukhang lumaki ka din talaga sa kalye.

    “Ingat! Ingat sila sayo!” –> klasik na paalam ng magkakatropa…

    Tem-i of Alasais

  19. ayun inulan na ang alasais. bad trip ung mga madre sa skul namin dati pag nakarating ka na sa school saka mag aanounce na wlang pasok. palibhasa mga penguin :((

  20. mang tem-i,

    all boys nga po ang Marist sa marikina.. at kaklase ko sa nasabing paaralan ang lumikha ng “Liham Galing sa Isang Kapwa Kalye Boy” na walang iba kung hindi si Rojan..

    nalaman ko lang itong site na ito sa kanya at sa iba pa nameng kamag-aral sa Marist.. pareho kase ang mga hirit at sense of humor natin.. pa-SOXY topacio ang mga hirit!!! iniisip nga namen na baka isa sa tropa ang isa sa inyong tatlo.. dahil ang mga salitang binabanggit nyo ay nababanggit din ng aming grupo..

    teka, mabalik tyo sa ulan.. naaalala ko pa dati kapag tapos na ang ulan.. lahat kaming magbabarkada ay sisilong sa ilalim ng puno at ang barkada namen na si nonong na pinaka-matangkad sa grupo ay hahatakin ang sanga ng puno upang bumagsak ang mga patak ng tubig na mula din sa ulan.. ang talafi tlga sa pakiramdam!!!

  21. Grasi,

    Yang mga madreng yan eh kulang lang sa….

    Diba? Diba?

    Tem-i of Alasais

  22. Totoy Golem,

    Ayan may kakilala nanaman ako sa Marist. At least ngayon, alam ko na ang pangalan — “Totoy Go Large.” Isama niyo na lang ako sa tropa niyo sa susunod na inuman at sasagutin ko ang RC Cola (dahil mura) at Pan de Regla. Kaklase mo ang nagbigay nung post na ‘yun? Maliit talaga ang mundo, Sinliit ng manoy ni Tikboy.

    Keep the comments coming Dude!

    Tem-i of Alasais

  23. Eds,

    Parati ba kayong binabaha? Bakit, saan ba kayo nakatira noon? CaMaNaVa? Maynila? Cainta?

    Pwede namang magsuot ng bota ah? Malupit na fashion sense ‘yun!

    - Tenco

  24. Andreidae,

    Kaya namin ginawa ang blog na ‘to dahil alam naming uulan kapag binasa mo na. Joke joke joke!

    E baka naman para kang batang walang shirt ‘pag naliligo ka sa ulan kaya pagtitinginan ka talaga ;)

    - Tenco

  25. Deadpool,

    Haha naiimagine ko ang mga pinagsasabi mo sa comment mo. Lufet ng tubig-kanal.

    - Tenco

  26. Ipe,

    Panalo sa segway ang basketball at pagkuha ng mangga a. Potah tawa ako nang tawa sa comment mo!

    - Tenco

  27. K,

    Salamat kaibigan. Keep the comments coming!

    - Tenco

  28. Grasi,

    Madre ang lola ni Tikboy. Joke joke joke! Acheche!

    - Tenco

  29. Ipe,

    Kaklase mo pala si Rojan, kaya parehas kayong may kinikimkim na mga kwento. Ilabas lang nang ilabas ‘yang mga ‘yan pare, aabangan naming lahat ‘yan.

    - Tenco

  30. MALAKAS ang ULAN……………………
    walang pasokkkkkkkkkkkkk!!!!!!!!!!!!!!!!

    Sarap maging bata, sarap mag-aral lalo na pag tag-ulan. Konting ulan, babaha na…. kasunod nun ang pagsuspinde ng klase.

    Madagdag ko lang sa paliligo sa ulan, hindi basta basta ang pag gawa ng bangka. dapat payabang ito. Naalala ko pa, madalas magalit sa akin ang aking kuya dahil yung “rambo” niya na tsinelas ang napapagdiskitahan ko na gawin bangka. Uy, hindi basta basta bangka yun. May mga palamuti pa yun. Nilalagyan ko yun ng “layag” na gawa sa plastik at hindi lang yun. May Tau-tauhan (yung nakukuha sa Granny Goose) din na nakasakay dun na nagsisilbing kapitan ng bangka.

    Matatawa ka nga nun, hindi pwedeng hindi mo gawin na tumapat sa malakas na tumutulong tubig galing sa alulod ng bubong habang naliligo sa ulan. hahahaha…. Tuwang-tuwa pa tayo sa lakas ng tubig na bumabagsak sa ating mga ulunan. Pero kung iisipin natin. lahit ng dumi ng bubungan eh bumabagsak sa atin. Ang alulud ng bubong ang paboritong palaruan ng daga at pusa.

    Umamin tayong lahat, mas masarap magswimming sa baha kaysa sa swimming pool. hahahahaha

  31. kapag malakas ang ulan?!?!?!

    aba! bubuksan na ang radyo at makikinig kay Joe Taruc! at nag-aabang na sa anunsyo na mula sa DECS na walang pasok!

    kapag wala na talagang pasok…bukas agad ng TV! at manonood ng….the “Gym Team” para makapag-exercise or kaya ay binuksan mo lang at magpapanggap kang nanonood para maunahan mo mga kapatid mo sa TV kahit na ang inaantay mo naman talaga ay ang “Conan the Barbarian”! pagsapit ng 7:30 ng umaga (nalipat ng timeslot yan galing sa sabado ng umaga, naging araw-araw yan)
    Bago pa man nauso ang ATBP. at Sineskwela ay may Sesame Street at Batibot!!! wooohooo!!!! kapag sweswertehin ka naman ay mapapanood mo ang mga trailers ng mga pelikulang ipapalabas, tulad ng lahat ay nagtataka ako sa “Once Upon A Time in China” aba! muntik pa niyang talunin ang “Shake Rattle and Roll” sa dami ng sequels, pero mas idolo ko si Jackie Chan kaysa kay Jet Li…at siyempre, walang mintis ang pelikulang pinagbibidahan ni Andrew E. na laging pinakapikita na may pag-tutuos ng barkada nila ni Raffy Rodriguez (kapatid ni Ruby) sa isang nilisang construction site…

    Punta naman tayo sa labas kapag umuulan
    aba sinong makakalimot sa kanta na “Bangkang Papel” ng Batibot at tulad nga ng ginagawa ni pareng Rojan ay kailangang gumawa ng bangkang papel, iba ang inspirasyon ng music video ng bangkang papel, siguradong naiinggit din kayo sa bangka sa music video dahil parang walang katapusan ang pag-andar ng bangkang papel, kala mo ay nalibot na ang buong village. Aba minsan ay may karrera pa ng bangkang papel, naalala ko, talo yung bangka ko dun sa “rambo” na bangka ni pareng rojan…’di ko alam kung bakit nananalo sha, dahil kaya sa layag?!?!?!

    swimming sa baha? tama! mas ok jan kaysa sa swimming is pang lamang ng baha sa swimming pool ay buong kalye ang pwede mong languyan! aba! kung may inflatable kang bangka ay pwedeng-pwede sa kayle kapag baha na

    kung mamalasin at may pasok…
    madasal ka na sana hindi swimming ang PE mo sa araw na iyon, dahil malamang ay may palaka sa pool
    o kaya naman ay magpapasikat ka kay mam at papayungan mo sha…

  32. pasensya tem-i, tikboy at tenco…

    hindi po pala si pareng Rojan ang kalaban ko sa karrera ng bangka, parehas kasi sila ng style, yung “rambo” nag may “layag”, ako kasi Oslo paper lang ang gamit ko…yung kapitbahay ko pala ang kalaban ko nun

  33. Masaya talaga pag umuulan.n0ong elementary palang ako pag naabutan ako ng ulan iniiwan ko yung bag ko sa skul tap0s maglalakad ako pauwi para makalig0.

    Nung high school ganun din napagtripan naming magbabarkada nilagay ko lang sa sup0t yung pera at cp ko.hehe

  34. Rojan!

    Hahaha! Oo madaming free dati sa mga chichiryang Grany Goose. At ang favorite ni Tencong tato sa Cheezles at Chickadees! Hahaha! Tangina oo nga no? Pugad ng mga daga at kung anu-ano pang mga kagimbal gimbal na uri ng hayop ang alulod ng bahay! Ngayon mo lang maiisip eh. Hahahaha! Teka, kakaligo ko lang nung isang hapon sa ulan ah…tsk.

    Another good post!

    Tem-i of Alasais

  35. Proper!

    Bwahahaha! Oslo paper! Matagal ko nang hindi naririnig yan a! Makapal na bond paper. Parang boss ng papel para sakin ang oslo nun eh tapos kanang kamay lang niya ang bond paper. Bodyguards naman niya ang mga art paper. Hmmm…another good topic…

    Tem-i of Alasais

  36. umulan sana! ang init kasi!

  37. Proper,

    Raffy Rodriguez! Bwahahahahah! lagi niyang pinapalaki ang ilong niya sa mga sine niya. Yun ang trademark niyang comedic talent! Hahaha! Pasok ka Proper!

    Tem-i of Alasais

  38. Deadpool,

    Pakantahin mo si Tenco. Walang mintis magpaulan yun eh. Pakantahin mo ng kahit anong kanta ni Richard Reynoso at siguradong didilim na.

    Tem-i of Alasais

  39. Tenco,

    Nope, taga Central Luzon ako, hehe. Mabilis magbaha samin pero di na ngayon. Salamat kay Mayor. Never akong nagsuot ng bota dahil di naman ako lumalabas pag baha, hehehe. Korek, malupit na fashion sense un lalo na kung naka Plueys ka, hahaha. Kaso pambabae lang un Tencs :D

  40. Tenco,

    Paminsan-minsan ang alaala mo’y nagbabalik
    At aaminin ko hanggang ngayon
    Ika’y iniibig
    Hinihiling ko na kahit nasaan ka man
    Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang…

    Yihee!! Dali kanta na!

  41. Snowden,

    Talagang napakahalaga sayo ng bag mo a! Hahaha! Iniiwan mo lang sa skul. Kelan mo binabalikan yun? Sunod na araw?

    At bakit “Snowden” ang pangalan mo?

    Tem-i of Alasais

  42. Tem-i at Proper,

    Hindi naman nagagamit ‘yang oslo paper sa school eh. Puro sa mga laro lang nagagamit ‘yan eh. Makagawa nga ng eroplano.

    - Tenco

  43. Eds,

    Teka teka e tinapos mo ‘yung kanta e. E ayos ka pala e!

    - Tenco

  44. Tenco,

    pag ako kumanta nun parang nagtutula lang. tinayp ko lang ung lyrics pero ikaw kakanta. nyehehehe.

  45. Tenco,

    hehehe, tama ka, pero sa mga pagkakataon na papagamit yun kapag drawing class na…nagpapalagay ang guro ng borders, sa taas, baba at sa mga gilid tapos….TADAAAA!!!! kasing laki na ng bond paper ang drawing space ko! sana bond paper na lang ang pinadala…nakakatamad ang magsukat at maglinya para sa border

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 28 other followers

%d bloggers like this: